Professional Documents
Culture Documents
KAUGNAY NG TE-WPS Office
KAUGNAY NG TE-WPS Office
1
Tinatalakay sa kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral gayundin ang sentisis
ng pag-aaral.
Kaugnay ng Literatura
Ilang kaisipan tungkol sa Asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik), Iba't ibang
Akademikong Sulatin, Lunsaran sa Pagtuturo, at Proseso sa Pagbuo ng Buklet ang tinatalakay ng
mga nagkaroon ng karanasan.
Batay sa K to 12 Basic Education Curriculum Senior High School, ang Filipino sa Piling Larang
(Akademik) ay nakatuon sa pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan na
naglalaman ng kaunawaan sa kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larangan.
1
Randy Sagun, "Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon, https://www scrib.com
2
Iba't ibang Akademikong Sulatin
Ayon kay Cecelia Austera et. al., may akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009),
ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Sa pamamagitan ng
pagsulat, naipapahayag ng mga tao ang kanilang damdamin at kaalamang na nais nilang
ipabatid. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang pagsulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil
sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan
ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa
tulong ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o
sulatin.
Ayon kay Kathuson (2016), ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay
naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, ito ay ginagamit upang maibahagi ng mga tao
ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao. Isinaad ni Arrogante et al. (2007), na ang pagbuo ng
akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.
Nangangahulugan itong hindi lamang simpleng pagsulat ng isang teksto ang pagsulat ng
akademikong papel, bagkus ito ay nangangailangan din ng masinop na pangangalap ng wastong
impormasyon mula sa iba't ibang datos na makatutulong sa pagpapalawak at pagpapatibay ng
akademikong papel na sinusulat. Sa pagsulat din ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng
piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Ang akademikong sulatin din
ay mahigpit sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay
nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.
Batay sa K to 12 Basic Education Curriculum Senior High School, ang iba't ibang akademikong
sulatin na nakapaloob sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) ay ang abstrak,
sintesis/buod, bionote, panukalang proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, posisyong papel,
replektibong sanaysay, agenda, pictorial essay at lakbay-sanaysay
Lunsaran sa Pagtuturo
2
Teresa P. Mingo, "Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik",(p. 2), https://www.studocu.com
Ayon kay Kochhar (2012), ang mga kagamitang pampagtuturo ay isang napakahalagang bagay
na magagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Idiniin pa niya na dapat ang mga guro ay
makahanap at magkaroon ng mga sapat na kagamitang pampagtuturo upang madagdagan at
masuportahan ang mga impormasyon na mula sa modyul upang mas mapalawak ang mga
konsepto at mapukaw ang Interes ng mga mag-aaral sa paksa tinatalakay. Dagdag pa dito, ayon
kay Isola(2010), ang mga kagamitang panturo ay mga mga bagay o kagamitan na nakatutulong
sa mga guro upang mailahad nila ang kanilang mga aralin sa kanilang mga mag-aaral ng lohikal
at wasto. Ayon naman kina Oluwagbohunmi at Abdu-Raheem (2014), ang mga kagamitang
pampagtuturo ay ginagamit ng mga guro upang makapaglahad at makapagbigay ng wastong
mga paliwanag at impormasyon sa kanilang mga mag-aaral upang tiyak nilang maunawaan ang
itinuturo ng mga ito. Ayon kina Faize at Dahan. (2011), ang mga kagamitang pampagtuturo ay
mga bagay na nakalimbag at hindi nakalimbag na idinisenyo upang makapagbigay ng mga
impormasyon sa mga mag-aaral bilang kagamitan sa edukasyon. Ito ay mga materyales sa
pagtuturo kagaya ng mga item tulad ng mga print, textbook, magazine, pahayagan, slide,
larawan, workbook, electronic media, at iba pa.
Ayon kay Yusuf (2005), ang mga kagamitang pampagtuturo ay may napakahalagang papel sa
proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Ang mga magagamit na aklat-aralin, angkop na pisara,
mathematics kit, science kit, gabay sa pagtuturo, gabay sa agham, audio-visual aid, overhead
projector, ang ilan sa mahalagang materyales na ginagamit ng mga guro bilang lunsaran sa
pagtuturo. Mahalagang magkaroon ang mga guro ng angkop na kagamitan bilang lunsaran sa
pagtuturo upang maayos na mahubog ang kaalaman at kaisipan ng mag-aaral pagdating sa
kanilang pagkatuto. Ang mga kagamitan sa pagtuturo na ginagamit bilang lunsaran sa pagtuturo
ang kaagapay ng mga guro uoang epektibong maiparating ang mga impormasyong dapat
malaman at matutunan ng mga mag-aaral kung kaya malaki ang maitutulong ng kagamitan
kagaya ng buklet sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Binigyang-diin naman ni Retusto (2016), na ang isang guro ay mas humuhusay
kapag gumagamit ng akmang kagamitang pampagtuturo kapag siya'y nagtuturo ng aralin.
Samakatuwid, ang paglikha ng mga kagamitang pampagtuturo katulad ng buklet na magagamit
ng mga guro bilang lunsaran nila sa pagtuturo ay malaki ang ginagampanan sa epektibong
pagtuturo sa mga mag-aaral.
Makikita dito ang mga kompitensi na nakapaloob sa Filipino sa Piling Larang (Akademik), ibat
ibang uri ng sulatin, katangian ng sulatin, pamamaraan o hakbang sa pagsulat at ang lagyunin
ng pagsulat nito. Ayon kay Weedmark (2015: p.1), maaaring gawin o buuin ang disenyo ng
buklet gamit ang Microsoft Publisher program. Ito ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa
ng booklet sa pamamagitan ng Microsoft Publisher program; una ay ang pagpili ng disenyo ng
pahina ng buklet, mahalagang tandaan na magandang pumili ng disenyo na angkop para sa
paggagawa ng buklet. Ikalawa ay ang pagdaragdag ng teksto sa buklet, pindutin ang insert
pagkatapos ay piliin ang text box icon at ilagay ito sa pahina kung saan ito ang magsisilbing
lagayan ng mga impormasyong nilalaman ng buklet. Ikatlo ay ang pagdaragdag ng mga larawan
sa buklet, pindutin muli ang insert at piliin ang larawan na nararapat ilagay sa nilalaman ng
buklet. Ang paglalagay ng mga larawan ay magandang presentasyon upang higit na maunawan
ng gagamit nito ang mga impormasyong nakalahad. Ikaapat ay pagpi-print ng buklet, pindutin
ang file tab kapag ang buklet ay handa nang I-print. Siguraduhing ito ay naka letter-sized paper
at muling suriin ang bawat pahina.
Sinasabi ng Empire Creative Marketing (2015) dahil ang buklet ay ang pinagsama-samang mga
piraso ng papel, kallangang pagsama-samahin ang mga piraso ng papel na Ito sa pamamagitan
ng paggamit ng saddie stitch (stapling). Ito ang kilala o karaniwang ginagamit sa pagbubuklod ng
mga papel ng buklet. Kung ang isang buklet naman ay naglalaman ng maraming pahina,
maaaring gumamit ng wire-o binding (spiral).
Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa artikulo ng Study Everything (2016) na ayon kay Arrogante, ang kahalagahan ng
pagsulat ay kahalagahan na nagbibigay kagalingan. Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay
mahilig sumulat para maibuhos ang nasa kalooban, may mag-iinteres mang bumasa o wala.
Karamihan sa mga manunulat, ang gawaing pagsulat ang paraan nila para malpahayag ang
kanilang mga ideya at saloobin dahil hindi nila kaya itong ipakita sa iba. Sa pamamagitan ng
pagsusulat, nailalabas nila ang mga kaisipang nakapaloob sa kanilang sarili at nakakaramdam
sila ng ginhawa kapag ito ay isinulat nila. Halimbawa na lamang ng diary na siyang kalimitang
sangkap ng mga tao sa pagpapahayag ng kanilang nararamdaman dahil hindi kayang masabi ng
tuwiran sa iba ang kanilang mga saloobin, Tulad sa mga akademikong gawain sa paaralan, ang
mga mag-aaral ay nagsusulat ng iba't ibang akademikong papel na isang mabisang paraan
upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat. Dahil sa pag-aaral tungkol sa
pagsulat ng mga akademikong papel, nasusubok ang kaisipan ng mga mag-aaral, nagiging
mabisa ang pagkakalathala ng mga salita, at epektibong nalilinang ang kagalingan ng mga mag-
aaral pagdating sa pagsusulat ng mga akademikong papel. Ngunit ayon sa pagsusuri na
isinagawa ni Gambell (1987) ukol sa mga saloobin ng mga mag- aaral sa edukasyon sa
unibersidad sa kanilang sariling pagsusulat at kung paano sila sumulat para sa mga layuning
pang-akademiko (p. 1)., napag-alaman niya na karamihan sa mga mag-aaral ay nakikita ang
pagsusulat bilang isang kasiya-siya ngunit isang mahirap na gawain dahil sa kanilang kawalan ng
kakayahang magkonsepto ng isang akda, hindi makapagpahayag ng kanilang sariling mga
opinyon o Ideya, at kawalan ng pag-unawa sa proseso ng diskarte sa pagsulat. Ang pag-aaral na
ito ni Gambell ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral tungo sa
akademikong pagsulat mula sa isang proseso na nakabatay sa pagtingin sa pagsulat na
nakatutok sa indibidwal na paglahok ng mag-aaral sa proseso ng pagsulat sa akademya.
Karamihan sa mga mag-aaral ay nahihirapan sa pagsulat ng iba't ibang uri ng akademikong
sulatin at kalimitan nga ay sinusukuan nila ito. Ngunit batid ng mga guro ang kahalagahan ng
paglinang sa kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral dahil kakailanganin nila ito sa kanilang
kinabukasan. Binigyang diin nga nina Gutierrez at Amarles (2009) na ang abilidad sa pagsulat
nang maayos ay may kaugnayan sa akademiko at propesyunal na pagtatagumpay. Kaya naman
lubos na pinagtutuunan ng pansin ng mga guro ang paghubog sa kakayahan ng mga mag-aaral
sa pagsulat lalo na ang mga guro sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik). Ito ay isa
sa contextualized subject sa kurikulum ng Senior High School na may layuning linangin ang
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng iba't ibang anyo ng mga akademikong sulatin.
Layunin din nito na hasain ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat ng mga akademikong
papel bilang paghahanda sa kanilang propesyonal na buhay at sa kanilang pipiliing larangan
para sa kanilang kinabukasan.
Sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat, napakalaki ng tulong ng mga guro sapagkat sila ang
siyang nagtuturo at humuhubog sa mga mag-aaral. Ayon nga sa pag-aaral ni Mapa (2014),
mananatiling pinakamahalagang bahagi ang pagtuturo at pag-aaral sa pagkatuto. Sa madaling
sabi, sa pagtuturo ng guro nakabatay kung paano niya matutulungan ang mga mag-aaral sa
pagkatuto ng mga araling kaniyang itinuturo. Matutugunan niya ang pangangailangan ng mag-
aaral sa pagkatuto depende sa kung anong diskarte ang kaniyang gagawin sa paglalahad ng mga
aralin. Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay matutugunan kung gagamit ang guro ng nararapat
at angkop na kagamitan bilang lunsaran sa pagtuturo para mahubog ang kakayahan at
kaalaman ng kaniyang mga mag-aaral. Kung ang mag-aaral ay natututo ibig sabihin epektibo
ang ginamit na kagamitan ng guro bilang lunsaran sa pagtuturo. Sa palad ng guro nakasalalay
ang mga malilikhaing mga gawaing magagawa ng mga mag- aaral (Transona Jr. (2002).
Ipinahayag ni Richards sa pag-aaral ni Setubal (2012) ang mga katangiang marapat na taglayin
ng mga kagamitang panturong ginagamit ng guro sa loob ng silid aralan. Ayon sa kanya, ito ay
ang mga sumusunod; una ay dapat nakapagbibigay sa mga mag-aaral ng mga bagay na
matutuhan sa aralin. Ikalawa ay dapat nakapagtuturo sa mga mag-aaral ng mga bagay
nakanilang magagamit; nakapagbibigay sa mga mag-aaral ng esensya ng tagumpay. Ikatlo ay
nakapagsasanay sa mga mag- aaral na matuto nang may kasiya-siya at sa makabagong paraan.
Ikaapat ay nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magamit ang
kanilangnatutuhan. At ikalima ay nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga na suriin ang
natutuhan.
Ilan sa mga kagamitang pampagtuturo ay ang mga print, textbook, magazine, pahayagan, slide,
larawan, workbook, electronic media, at iba pa. Ang buklet na binubuo ng mga mananaliksik ay
isa sa halimba ng kagamitang pampagtuturo na maaring magamit ng mga guro upang
epektibong makapagturo ng mga aralin sa kanilang mga mag-aaral. Ayon kay Kemm, John &
Close (1995), may dalawang pakinabang ang mga booklet. Una, maaari silang matutunan
anumang oras dahil sa disenyong hugis libro. Nangangahulugan ito na maaari mong isagawa
ang buklet saanman at anumang oras na gusto mo. Pangalawa, ang mga booklet ay medyo
naglalaman ng mas maraming impormasyon kumpara sa mga poster. Nangangahulugan ito sa
mga buklet na makakahanap ka ng higit pang mga uri ng impormasyon.
Sintesis ng Pag-aaral