Veloso - Written-Report

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Layunin ng

Edukasyon
Angelo V. Veloso
Bsed Filipino 3
________________________________
Mga Taga-ulat

Enero 26, 2024


_____________________________
Petsa

www.nwssu.edu.ph
Rueda Street, Calbayog City, Samar, Philippines 6710 main@nwssu.edu.ph 063 055 5339857
I. Gawaing Pangganyak:
Pass the Ball/Cabbage
May ibibigay na bolang papel ang taga pag-ulat. Ang bawat papel ng bola ito
ay naglalaman ng mga salitang bibigyan pakahulugan ng mga mag-aaral. Sa
pamamagitan ng pagkanta ng kantang “Lirun-lirun sinta” ay pagpapasa-
pasahan nila ang bola. Pagsinabi ng tagapag-ulat na huminto, kung sino ang
huling makakahawak na bola ang siyang sasagot. Gagawin ang gawaing ito
hanggang sa maubos ang mga salitang nakapaloob sa bolang papel.

II. Pagtalakay sa Paksa:

Ano nga ba ang layunin? Ang Layunin ay ang mga tiyak na


pagpapahayag ng mga inaasahang pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang
mga pagbabagong inaasahang magaganap sa katauhan ng bata ay maaaring
mapangkat sa tatlong lawak: pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive),
pandamdamin (affective), at pampisikal o saykomotor (psychomotor). Ang
hanguan ng mga layunin ng pagtuturo ay ang mga layunin ng edukasyon sa
iba’t ibang antas, mula elementarya, sekundaraya at kolehiyo. Kaya’t
anumang asignaturang itinuturo ng guro, dapat niyang isaisip ang paglinang
sa buong katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng edukasyon.

May tatlong layunin ng edukasyon, unang una ay ang Layunin ng


Edukasyon ayon sa Konstitusyon. Ang pinaka pangunahing basihan ng mga
nilalaman ng kurikulum at mga layunin ng pagtuturo ay ang mga probisyong
pang-edukasyon sa bagong Konstitusyon 1987 na matatagpuan sa Artikulo
XIV, seksyon 3, bilang 2. Pangalawa ay ang mga layunin ng Edukasyong
Elementarya. Ang edukasyon elementarya ay naglalayong malinang ang
ispiritwal, moral, sosyal, emosyunal, mental at pisikal na mga kakayahan ng
mag-aaral sa pamamagitan ng pagdudulot ng mga karanasang kailangan sa
demokratikong pamumuhay para sa isang matalino, makabayan, makatwiran
at kapakipakinabang na pamamayan. Pangatlo ay ang layunin ng
Edukasyong Sekundarya. Bukod sa pagpapatuloy at pagpapalawak pa sa
mga layunin ng edukasyong elementarya, ang komisyon ng Reorganisasyon
ng edukasyon Sekundarya ay bumuo ng dalawang batayang layunin para sa
sekunarya. Ito ay ang sanayin ang mga mamamayan sa pakikilahok sa mga
gawain ng isang nagsasariling pamahalaan. At maghandog ng kailangang
saligan upang magkaroon ng mga mamamayan handang manirahan bilang
indibidwal at bilang mabuting kasapi ng kinaaanibang pangkat sa ilalim ng
isang demokrasya.
www.nwssu.edu.ph
Rueda Street, Calbayog City, Samar, Philippines 6710 main@nwssu.edu.ph 063 055 5339857
Para sa ikatutupad ng mga nasabing layunin, ang edukasyong
sekondarya ay magdudulot ng mga kaalaman, kasanayan at kakayahan, at
wastong saloobin at pananawa sa pitong aspeto ng pamumuhay nà alalong
kilala sa tawag na “PITONG KARDINAL NA LAYUNIN NG EDUKASYON.” Ito
ay ang Kalusugan, Kakayanan sa mga saligang pamaraan, Bokasyon o
hanapbuhay, Kapaki-pakinabang na kasapi sa angkop o pamilya,
Pagkamamamayan, Kapaki-pakinabang na paggamit ng labing panahon at
ang Kabutihang asal.

Ang bawat gawain ay may kalakip na mga gustong tamuhin ng bawat


isa, edukador man o hindi. Sa mga edukador, ang araw-araw na may
pagtuturo at pagkatuto, may inaasahang matamo sa bawat bata batay sa
tatlong domeyn. Dito masusukat kung gaano kaepektibo ang inihandang
gawain sa pagtuturo. Maisa-isa sa raling ito ang mga layunin na
nakakategorya sa bawat domeyn, isang paraan para madaling matukoy ang
mga dapat gamitin sa paghahanda ng mga plano sa pagtuturo.

Sa pagbuo naman ng mga layuning pangkatauhan o pangkagawian


(behavioral objectives) ay may mga paalalang dapat tandaan. Una rito ay
banggitin ang gawi o gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng mag-aaral at
hindi sa pananaw ng guro. Dapat iwasan ang mga layuning walang sapat na
kalinawan sa kung ano ang dapat gampanan o dapat ipamalas ng mag-aaral.
Sa halip bumuo ng mga layuning tahasang nagsasabi ng tiyak na gagawin ng
mag-aaral. Pangalawang paalala, bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mga tiyak na gawi o gampanin na maaaring makita, marinig,
maisip, maramdaman o maaaring bunga ng pagkaganap. Pangatlo, ang
pagdaragdag ng mga salitang nagsasaad ng antas o kasidhian ng
pagganapay nakapagdaragdag ng kalinawan sa layunin. Pang-apat, banggitin
ang kaluwagan o kahigpitang ibibigay sa mag-aaral sa pagganap sa gawain.
At panghuli ay banggitin ang pinakamababa o pinakamataas na antas ng
pagkaganap na maaaring tanggapin o pahalagahan.

May tatlong domeyn ng layunin, Una ay ang Cognitive Domain


(Domeyn Kognitibo). Tumutukoy ito sa paglilipat o transmisyon ng kabatiran o
kaalaman. Patutungkol ito sa pag-iisip na rasyonal, sistematiko, at indibidwal.
Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa mga kasanayang pangkaalaman tulad
ng pag-aanalisa, pag-uugnay-ugnay, at pagbibigay ng kahulugan. Pangalawa
ay ang Psychomotor Domain (Domeyn Saykomotor). Tumutukoy ito sa mga
layunin na ang mga tinutungo ay ang paglinang ng mga kasanayang motor at
kasanayang manipulatib. Kasama dito ang mga kasanayang pisikal tulad ng
koordinasyon, balanse, at iba pang mga kasanayang kinakailangan sa pisikal

www.nwssu.edu.ph
Rueda Street, Calbayog City, Samar, Philippines 6710 main@nwssu.edu.ph 063 055 5339857
na aktibidad. Pangatlo ay ang Affective Domain (Domeyn Pangkaugalian).
Tumutukoy ito sa mga layunin na may kinalaman sa pagpapahalaga,
saloobin, damdamin, at iba pang aspektong emosyonal ng pagkatuto.
Kasama dito ang pagpapakita ng respeto, pag-unawa, at pagpapahalaga sa
iba’t ibang pananaw at kultura.

Upang makatiyak na ang layunin ay natatamo, kinakailangan ang mga


ito ay “behavioral” kayat dapat gamitan ng mga katawagang tiyak,
namamasid, nasusukat at nakakamtan o naaabot. Narito ang ilang mga
salitang kilos na maaaring gamitin sa iba’t-ibang paksang aralin: sulat/sumulat
(write), basa/bumasa (read), bigkas/bumigkas (recite), kilalanin (identify),
magtala (list), mag-utos (order), sundin/sumunod (obey), tawagin (call out),
isalin (translate), tuklasin (discover), sabihin (tell) at marami pang iba.

III. Sariling Pagkukuro Hinggil sa Paksa ng mga Taga-ulat:

Bawat mga aktibidad o gawain ay may angkop na layunin. Ito ang


nagsisilbing gabay upang makamit ng isang indibidwal ang kaniyang mithiin o
inaasahang pagbabago. Ito rin ay isang instrumento upang malaman kung
naging matagumpay o epektibo ang layunin sa pamamagitan ng pagtingin sa
kinalabasan ng ginawang gawain.

Sa aking palagay, ang salitang “layunin” ay nagmula sa


pangangailangan ng tao na magkaroon ng direksyon o matamo sa buhay. Sa
bawat gawain, proyekto, o desisyon, kailangan natin ng isang layunin upang
magkaroon ng gabay sa ating mga hakbang at aksyon. Katulad ng
kagustuhan mong makapagtapos ng pag-aaral, makakuha ng mataas na
marka sa pagsusulit at marami pang iba. Kailangan mo ng layunin upang
makamit ito.
Ang salitang “layunin” din ay nagbibigay sa atin ng kahulugan at
motibasyon. Kapag mayroon tayong layunin, mas nagiging malinaw ang ating
mga plano at mas nagiging matatag tayo sa harap ng mga pagsubok. Ang
layunin ay nagbibigay sa atin ng rason kung bakit natin ginagawa ang isang
bagay, at ito rin ang nagpapalakas sa atin upang ituloy ito kahit na mahirap.
Sa madaling salita, ang salitang “layunin” ay nagpapahiwatig ng ating mga
pangarap, mga hangarin, at mga mithiin sa buhay. Ito ang nagbibigay sa atin
ng direksyon at nagbibigay ng kahulugan sa ating mga ginagawa. Ito rin ang
nagbibigay sa atin ng motibasyon na patuloy na magpursigi at magtrabaho
para sa ating mga pangarap.

www.nwssu.edu.ph
Rueda Street, Calbayog City, Samar, Philippines 6710 main@nwssu.edu.ph 063 055 5339857
Sa konteksto naman ng edukayon, napakahalaga ng layunin para sa
mga mag-aaral. Maliban sa ito ang gabay ng mga guro para sa epektibo
pagtuturo at pagkatuto. Ito rin ang pangkalahatang layunin ay naglalayong
magbigay ng pangkalahatang kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral,
tulad ng pag-unawa sa mga pangunahing konsepto at prinsipyo,
pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip, at paghubog ng mga halaga at asal na
makatutulong sa pagbuo ng isang buong pagkatao. Ito rin ang tumutulong at
humuhubog sa mag-aaral upang maging katanggap-tanggap sa lipunan. Ang
mga layunin sa edukasyon ay mahalaga upang magkaroon ng maayos na
pagpaplano at organisasyon ng mga aktibidad sa pag-aaral. Ito ay nagbibigay
ng tuon at direksyon sa mga mag-aaral at guro, at nagbibigay rin ng sukatan
para matukoy ang tagumpay o pag-unlad sa pag-aaral. Sa madaling salita, sa
pamamagitan ng mga layunin, naihahanda ang mga mag-aaral para sa
kanilang kinabukasan at nagkakaroon sila ng mga kasanayang magagamit sa
iba’t ibang aspeto ng buhay.

Bilang isang magiging guro sa hinaharap, napakahalaga ng mga


layunin ng edukasyon dahil ito ay nagiging daan tungo sa isang matagumpay
na bansa. Ginawa ang edukasyon para mga mag-aaral at pangangailangan
ng bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay
hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng
edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang layunin ng edukasyon ay siyang
magdadala sa atin sa mga inaasam na mga mithiin. Kaya bilang isang
magiging guro sa hinaharap kailangan sundin at ikintal sa ating isipan ang
bawat layunin na ito upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang
magsisilbing mekanismo na humuhubog sa ating isipan, damdamin at
pakikisalamuha sa tao. At sa huli, ito ang magiging dahilan ng mabuti at
magandang mga pangyayari sa ating mundo o kapaligiran ginagalawan.

www.nwssu.edu.ph
Rueda Street, Calbayog City, Samar, Philippines 6710 main@nwssu.edu.ph 063 055 5339857

You might also like