Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 5

I. LAYUNIN: Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at paglalahad ng sariling karanasan.
(F5WG-If-j-3)
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Paksa: Paggamit ng panghalip na panao.
B. Sanggunian: (F5WG-If-j-3)
C. Kagamitan: manila paper, batayang aklat
II. PAMAMARAAN:
1.Panimulang Gawain
A. Balik-aral:
1. Ano ang panghalip?
2. Magbigay ng pangungusap na may panghalip.
B. Pangganyak:
1. Sino ang ating punong-guro? (Si Ma’am Rowena C. Valles)
2. Sinu-sino ang mga guro ng grade 6 dito sa ating paaralan? (Sina Ma’am Avegail at Ma’am
Rosenia)
Ang mga sagot ninyo ang pag-aaralan natin ngayon, ang mga ito ay mga panghalip na panao.
2.Panlinang na Gawain
A. Pagtalakay:
1. Ano ang panghalip na panao?
Ang panghalip panao ay bahagi ng salita na ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao.
Ang panghalip panao ay may panauhan:
Unang panauhan----nagsasalita: ako,akin,ko
Ikalawang panauhan----kinakausap: ikaw,iyo,mo,inyo,kaniya
Ikatlong panauhan-----pinag-uusapan: sila,nila,kanila
Ang panghalip panao ay may kailanan:
Isahan: ako,akin,ko,ikaw,iyo,mo
Dalawahan: kata,kita,tayo,inyo,ninyo
Maramihan: tayo,kami,amin,namin,atin,natin
B. Paglalahat:
Ano ang panghalip panao? Kailan ito ginagamit?
3.Pangwakas na Gawain
Paglalapat:
Tukuyin ang panghalip panao na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Pupunta ba kayo sa Febfair bukas?
2. Ako ang kasama ni Joyee sa palatuntunan.
3. Susunduin namin si Nanay doon sa botika.
4. Maaari ko bang mahiram ang payong na iyon?
5. Magdadala kami ng pananim na puno sa Caliraya.
IV. PAGTATAYA:
Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap at tukuyin kung anong panauhan
at kailanan ang panghalip na ito.
1. Ikaw na lamang ang magpaliwanag ng kahalagahan ng gawain.
2. Ako ay nagpasabi na sa pagdating ng mga bisita.
3. “Sshh.Huwag nang malakas ang boses,naiingayan na sila”.
4. Lubos ang kanilang kasiyahan sa handog na pasalubong para sa mga bisita.
5. Siya ang makakasama sa Febfair bukas.
V. TAKDANG ARALIN:
Sumulat ng isang talata gamit ang panghalip na panao.
VI. REFLECTION:
A. Number of learners who earned 80% on the formative assessment ___________
B. Number of learner who require additional activities for remediation ___________
C. Did the remedial lesson work? ___________
D. Number of learner who caught up with the lesson ___________
E. Number of learner who continue require remediation ___________

You might also like