Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Katauhan

Ang mga tao ay itinuturing na pinakamatalinong hayop sa buong mundo. Tayo ay


may kapabilidad na mag-isip,magsalita,at iba pa. Lahat ng tao ay may kakayahang
makisalamuha sa kaniyang kapwa tao,at sa pakikisalamuhang ito tayo ay
nakakagawa ng koneksiyon at relasyon sa iba. Ang mga koneksiyong ito ang
bumubuo ng ating lipunan,at,ayon sa mga eksperto,ang lipunan ay bumubuo sa
atin. Ngunit para sa akin,hindi dapat na ang lipunan ang bumuo sa ating
pagkatao,sapagkat tayo ay may sariling kakayahan at kaisipan.

Kung ako ang tatanungin,ang tao ay may karapatan na buoin ang kanyang sarili
nang walang kinalaman ang lipunan sa kanyang pagkabuo. Dapat na hinahanap
ng tao ang kanyang totoong pagkakakilanlan gamit ang sarili niyang kakayanan.
Ang sangkatuhan ay nasosobrahan sa impluwensiya ng lipunan hanggang sa
puntong hindi na nila mahanap ang kanilang sarili gamit ang mga sarili nilang
kakayanan.

You might also like