Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Handumanan Integrated Christian Academy

S.Y. 2022-2023
Prepared by: Ms. Elah Grace B. Viajedor

Firs
t
Gra
ding
Name of Student: _______________________________________

Mo
Date: September 26-29, 2022

Note: Do not lost/misplaced this printed notes because all items and topics here will come out in the
exam. Please answer the worksheet and passed it on the said deadline. Parents please assist your children

dul
in answering the activities. The lesson/topics are already been discussed prior to the designation of this
copy. Thank you and God bless!
e
FILIPINO 5
ARALIN 3: DISIPLINA AY PAIRALIN, MGA MAGULANG ATING SUNDIN (see page 34-36)
Elemento ng Maikling Kwento

1. Tauhan – naksentro sa pangunahing tauhan ng kwento. Mayroon ding mga pantulong


na tauhan upang mas mapaganda at maging kapana-panabik ang kuwento.
2. Tagpuan/Panahon – dinadala ng may-akda ang mambabasasa iba’t ibang lugar, sa iba’t
ibang panahon kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari.
3. Saglit na Kasiglahan – ihihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa
mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
4. Suliranin o Tunggalian – tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kaniya. Ang tunggalian ay maaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa
sarili, tao laban sa tao/lipunan.
5. Kasukdulan - ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito ipinahihiwatig ng
nagbabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya’y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. Wakas – tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa
pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama
kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa
mabubuting tauhan.
Gamit ng Pangngalan

1. Simuno – ang pangngalan ang siyang pinag-uusapan sa pangungusap.


Halimbawa: Si Jared ay madalas na maglaro ng Ipad.
2. Pantawag – ito ang pangngalan sinasambit sa pakikipag-usap.
Halimbawa: Jared, dapat ka ng magbago.
3. Pamuno – ito ay makikita sa bahagi rin ng simuno at magkasunuran lamang na
binabanggit.
Halimbawa: Si Jared, ang batang makulit ay may ginintuang puso din pala.
4. Kaganapang Pansimuno – ito ay pareho lamang ng pangngalang nasa simuno ngunit
makikita naman ang pangalan sa bahagi ng panag-uri.
Halimbawa: Si Jared ay batang mahilig magbasa.
5. Layon ng Pandiwa – ang pangngalan ay ginagamit bilang layon ng pandiwa. Sumasagot
ito sa tanong na “Ano”.
Halimbawa: Nagbasa ng aklat ang batang si Jared.
6. Layon ng Pang-ukol – ang pangngalan ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol.
Halimbawa: Ang binasa niyang aklat ay tungkol sa prinsipeng naging palaka.

ARALIN 4: TALINO’Y IPAGMALAKI, DULOT NITO’Y MABUTI (see page 48-60)

Kaukulan ng Pangngalan

1. Palagyo – ang pangngalan ay nasa kaukulang palagyo kung ginagamit ito bilang:
a. Simuno
Halimbawa: Si Dr. Jose Rizal ay pambansang bayani ng Pilipinas.
b. Pantawag
Halimbawa: Pepe, kunin mo ang bagong tsinelas dito upang may magamit
ka.
c. Pamuno
Halimbawa: Si Pepe, ang anak ni Francisco at Teodora ay talagang
matalino.
d. Kaganapang Pansimuno
Halimbawa: Si Pepe ay anak ng mabuting pamilya sa Laguna.
2. Palayon – ang pangngalan ay palayon kung ito ay ginagamit bilang:
a. Layon ng Pandiwa
Halimbawa: Naglaro ng tumbang preso si Pepe kaya nawala ang kaniyang
tsinelas.
b. Layon ng Pang-ukol
Halimbawa: Bumili ng bagong tsinelas si Aling Teodora para kay Pepe.
3. Paari – ang pangngalan ay nasa kaukulang paari kung ito ay may dalawang magkasunod
na pangngalan at ang ikalawang pangngalan ay nagsasaad ng pagmamay-ari.
Gumagamit ng ni upang maipakita ang pagmamay-ari.
Halimbawa: Ang tsinelas ni Pepe ay bago at makulay.
Ang bangkang de motor ni Ruben ay kaniyang pinaandar.

WORKSHEET 3:

A. Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


___________________________________________________________________
2. Bakit siya nagmadaling umuwi sa bahay?
___________________________________________________________________
3. Ano ang ipinangako niya sa kanyang ama?
___________________________________________________________________
4. Ano ang naging epekto sa kanya ng madalas na paggamit ng Ipad?
___________________________________________________________________
5. Ano-anong pagbabago ang nangyari nang magkaroon ng Ipad sa kanilang bahay?
___________________________________________________________________
6. Anong pangyayari ang nagpabago sa kanya upang iwasan ang paggamit ng Ipad?
___________________________________________________________________
7. Sa iyong palagay, masama ba ang madalas at matagal na paglalaro sa Ipad? Bakit?
___________________________________________________________________
8. Kung papipiliin ka, mas gusto mo bang gumamit ng gadget o maglaro kasama ng iyong
mga kaibigan? Bakit?
__________________________________________________________________
9. Kailan nagiging masama o mabuti ang paggamit ng iba’t iabng teknolohiya?
__________________________________________________________________
10.Ikaw, may gadget ka na ba? Kung oo, sabihin ano ang naitutulong nito sa iya.
__________________________________________________________________
B. Pagsunod-sunorin ang mga pangyayaring naganap batay sa kuwento. LAgyan ng 1-5 ang
patlang.

_______ a. Wala nang panahon si Jared na makipaglaro sa labas at bumaba pa ang kaniyang
marka.

_______ b. Nagpadala ng Ipad ang ama upang makausap ang mga mag-ina na nasa Pilipinas.

_______ c. Lihim na kinukuha ni Jared ang Ipad pagkagaling sa paaralan.

_______ d. Nanaginip siya na tila nakadikit ang kaniyang mga kamay sa Ipad at hindi ito tumigil
sa paglalaro.

_______ e. Nagbago si Jared at muli siyang nakipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.

C. Isulat sa loob ng wastong kahon ang bilang ng pangungusap batay sa pagkakagamit nito.
Gawing gabay ang salitang nakasulat nang mariin.

1. Nagluto ng sopas ang ina ni Jeffrey.


2. Niluto niya ito para sa kaniyang mga kaibigan.
3. Si Leni ay tumutulong sa paghahanda ng hapag.
4. Jeffrey, tawagin mo na ang iyong mga kaibigan.
5. Si Michael, ang pinuno ng pangkat ay nagsimulang magdasal.
6. Si Michael ay isang mabuting pinuno ng pangkat.
7. Kumanta ng isang awitin ang lahat bilang pasasalamat.
8. Susan, pakiligpit mo na nga ang mga plato.
9. Naghugas ng plato ang ilang kaibigan ni Jeffrey kahit sila’y pinigilan na.
10.Si Aling, Nora, ang nanay ni Jeffrey ay tuwang-tuwa sa kanila.

SIMUNO PANTAWAG PAMUNO

KAGANAPANG PANSIMUNO LAYON NG PANDIWA LAYON NG PANG-UKOL


WORKSHEET 4:

A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot ng pangungusap batay sa gamit ng pangngalang
ginamit dito. Gawing gabay ang salitang nakadiin.

a. palagyo b.palayo c. paari

_______ 1. Sumakay ng bangka si Pepe upang sumunod da kaniyang ama.

_______ 2. Si Aling Teodora ay naghihintay sa pagbabalik ng mag-ama.

_______ 3. Pepe, alalayan mo ang iyong ina.

_______ 4. Ang sisidlan ni Pepe ay napuno ng iba’t ibang kalakal galling sa bayan.

_______ 5. Ang kaniyang dala-dala ay para sa kapatid niya.

_______ 6. Tiyak na matutuwa ang ate niya sa binili niyang tsinelas.

_______ 7. Si Leroy, ang bangkero at dahan-dahan sa pagsagwan.

_______ 8. Bago umuwi ay naghagis ng barya si Pepe sa isang balon.

_______ 9. Ang barya ni Pepe ay ibinigay ng kaniyang ama.

_______ 10. Natutuwa ang kaniyang ama dahil masipag mag-aral si Pepe.

PERFROAMNCE TASK #1:

Bumuo ng isang komik-strip tungkol sa ipinagmamalaki nating ugaling Pilipino na iyong


kinalakihan. Gamiting gabay ang pamantayan sa pagmamarka.

1. 2.
3. 4.

5. 6.

Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan 5 4 3 2 1
Malinaw at maayos ang
kuwentong inilahad
Masining ang pagkakaguhit sa
bawat kahon
Wasto ang pagkakasunod-sunod
ng kuwento sa bawat kahon
Kabuuang Puntos

Pinkamahusay 11 – 15

Napakahusay 6 -10

Mahusay 1 – 5

____________________________
Parent’s Signature
PERFORMANCE TASK #2:

Maghanap ng isang artikulo tungkol sa anekdota ng isang bayaning hinahangaan mo. Magsulat
ng ilang impormasyon tungkol sa anekdotang binasa. Gamiting gabay ang balangkas.

Mga Impormasyong nakalap mula rito

1. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Sanggunian: ________________________ Petsa: _____________________

Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan 5 4 3 2 1
Wasto at tunay ang
impormasyong isinulat
May maayos at malinaw na
pagkakasunod-sunod ng
detalye/impormasyon
Nakagamit ng wastong bantas,
malaki at maliit na titik, at may
wastong bantas
Kabuuang Puntos

You might also like