Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

— THIRD QUARTER LESSONS —

1.0 KATARUNGANG
PANLIPUNAN

 Mga palatandaan ng katarungang panlipunan.


 Paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan.
 Matutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.

2.0 KAGALINGAN SA
PAGGAWA

 Natutuloy ang mga indikasyon na ang isang gawain o produkto ay may kalidad o kagalingan.
 Nakabubuo ng mga hakbang upang ang isang gawain o produkto ay magkaroon ng kalidad o kagalingan.

3.0 KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID, AT WASTONG


PAMAMAHALA SA NAIMPOK

3.1 KASIPAGA
N

 Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.


 Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan.

3.2 PALATANDAAN NG TAONG NAGTATAGLAY NG


KASIPAGAN

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.


2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.

3.3 PAGPUPUNYA
GI

 Ito ay pagtitiyaga na maabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na
pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon.
 Mahalagang katangian na makakatulong upang magtagumpay ang isang tao.
3.4 PAGTITIPI
D

 Ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng
masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba.

3.5 PAG-
IIMPOK

 Paraan upang makapag “save” o makapag ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa
takdang panahon.

3.6 TATLONG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN MAG-IMPOK NG TAO


AYON KAY FRANCISCO COLAYCO

1. Proteksyon sa buhay.
2. Hangarin sa buhay.
3. Pagreretiro.

4.0 PAMAMAHALA SA
ORAS

 Tumutukoy sa kakayahan sa epektibo at produktibong paggamit nito sa paggawa.


 Ang kakulangan sa epektibo at produktibong pamamahala sa paggamit ng iyong oras sa paggawa ay
maaaring maidudulot sa iyo ng kabiguan umabot at dedlayn, hindi mabuting daloy ng paggawa, mababang
kalidad ng trabaho, hindi magandang reputasyon sa paggawa, pagtigil ng karera, o di kaya ay mataas na
lebel ng tensyon.

5.0 PAGTAKDA NG TUNGUHIN SA PAGGAWA:


SMART

5.1 TIYAK
(SPECIFIC)

 Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari sa iyong paggawa.

5.2 NASUSUKAT
(MEASURABLE)
 Kailangan na ang isusulat mo na tunguhin sa iyong paggawa ay kaya mong gawin at isakatuparan. Dapat
mo ring pagnilayan nang mabuti kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga kakayahan sapagkat kung hindi
ay hindi mo rin ito maisakatuparan.

5.3 NAAABOT
(ATTAINABLE)

 Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maabot, at mapanghamon. Nararapat ang masusi mong pagpapasya
para rito. Kailangan mong isaalang-alang ang mga kinakaharap mong hamon ng iyong paggawa.
5.4 REALISTIKO
(REALISTIC)

 Mahalagang tingnan mo ang kaangkupan ng iyong gawain sa pagtugon sa pangangailangan ng iyong


kapwa at timbangin mo ang mga ito upang makita mo ang higit na makabubuti. Maingat mo ring suriin ang
kaangkupan nito ayon sa prayoridad mo sa paggawa.

5.5 NASUSUKAT SA PANAHON (TIME


BOUND)

 Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong
tunguhin. Ang haba ng panahong gugulin mo ay may kaugnayan sa pagtupad nito. Kailangan dito ang
pagpapasya ng may katalinuhan.

You might also like