Filipino5 - q3 - CLAS7 - Pagsulat NG Liham Na Nagbibigay NG Mungkahi at Pangungusap Na May Simuno at Panaguri MAJA JOREY DONGOR

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

PANGALAN:_____________________________________

5
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter III – Linggo 7
Pagsulat ng Liham na Nagbibigay
ng Mungkahi at Pangungusap
na may Simuno at Panaguri

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 5
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III–Linggo 7: Pagsulat ng Liham na Nagbibigay ng Mungkahi at
Pangungusap na may Simuno at Panaguri
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Sarah Jane Salvacion L. Dagaraga
Pangnilalamang Patnugot: Margie S. Gumban
Editor ng Wika: Medelyn B. Bonbon, Margie S. Gumban

Tagawasto: Margie S. Gumban, Jacqueline N. Macawili


Tagasuri: Luis R. Mationg, Mary Jane J. Parcon, Margie S. Gumban,
Leah M. Caabay, Rennyll C. Cayabo

Tagaguhit: Sarah Jane L. Dagaraga


Tagalapat: Mia Mirasol C. Alvarez

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Mary Jane J. Parcon, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes Ronald N. Fragata
Mary Jane J. Parcon Joseph D. Aurello
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pagsulat ng Isang Liham na Nagbibigay
ng Mungkahi at Pangungusap
na may Simuno at Panaguri
MELC:
Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap. (F5WG-IIIi-j-8)
Nakasusulat ng isang sulating pormal, di-pormal at liham na nagbibigay ng
mungkahi. (F5PU-IId-2.10)
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang gamit ng simuno at panaguri sa pangungusap.
2. Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap.
3. Nakasusulat nang wastong sulating pormal, di-pormal na liham na
nagbibigay ng mungkahi.

Subukin Natin
Panuto: Punan ang bawat bahagi ng liham. Piliin sa kahon ang sagot at isulat ito
sa patlang.

Pamuhatan Bating Panimula Lagda


Bating Pangwakas Katawan ng Liham

Disyembre 8, 2015
1. ________________ Kaakbayan Street
Tiniguiban, Quezon City

Mahal kong Helbert, 2.______________


3.
Kumusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nagkikita mula nang
makatapos tayo sa elementarya. Marami nang naganap sa aking buhay ang
hindi ko naibabahagi pa sa iyo . Nariyan, ang nadapa ako sa pakikipaglaban
sa baseball at nasugatan sa basketball.
Nasasabik na akong muling makabalik diyan sa ating bayan. Nais ko
nang muling matikman ang kalamay ni Lelang na tinda roon sa may kanto
ng talipapa.
Sa susunod ay marami poa akong ikukwento sa iyo. Mag-ingat ka palagi,
Pinsan.

4._______________Nagmamahal,

5._______________Armi

1
Para sa bilang 6-10: Tukuyin ang simuno at panaguri sa bawat pangungusap.

Halimbawa:

Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin.


Simuno – halaman
Panaguri- namumulaklak

1. Ang guro ay abala sa paglilinis ng silid-aralan.


Simuno – __________________ Panaguri-__________________

2. Ang aso ay nagkalat ng basura sa kalye.


Simuno – __________________ Panaguri- __________________

3. Pinarangalan ng punong guro si Ana.


Simuno – __________________ Panaguri- __________________

4. Nawalan ng hanapbuhay ang maraming Pilipino dahil sa pandemya.


Simuno – __________________ Panaguri- __________________

5. Hindi nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa modyul.


Simuno-_____________________ Panaguri -___________________

Ating Alamin at Tuklasin


Ang pagbabasa ng mga sulating liham ay isang
Paghawan ng Balakid magandang gawain na kinawiwilihan ng marami. Sa
pamamagitan ng pagbabasa ay nakatutuklas ka ng
Komposisyon- maraming kaalaman at nahahasa ang iba’t ibang
nagmumungkahi kasanayan ng isang indibidwal. Kinakailangan lamang
unawain ang mga detalye ng binabasa upang lubos na
Panitikan-mga maunawaan ang mga ito.
panulat na
nagpapahayag ng
Ano-ano pa ba ang Mukhang kapana-
karanasan,damdamin maaarinating panabik din basahin
at kaisipan o kuwento basahin maliban ang isang liham.
ng isang tao. Ito ay sa kuwento?
batay sa katotohanan
o gawa-gawa lamang
para sa isang layunin.

2
Natatandaan mo pa ba ang aralin sa Modyul 6? Kinahihiligan ng marami
ang pagbabasa ng teksto, dahil maraming magagandang bagay at kaalaman itong
taglay. Nakapagpapalawak ito ng imahinasyon at kaisipan. Higit sa lahat, marami
tayong napupulot na aral na maaari nating magamit sa ating pang-araw-araw na
buhay na nagiging sanhi ng paglawig ng ating kaalaman sa maraming aspeto.
Ngayon, alamin natin kung ano ang liham na nagbibigay ng mungkahi at simuno
at panaguri sa pangungusap.

Liham na Nagmumungkahi ay isang uri ng liham pangangalakal .


Ginagamit ang liham pangangalakal sa pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan, sa
mga bahay-kalakal, at iba pa na higit na kailangan ang pormal, tiyak, direkta, at
hindi maligoy. Dapat din taglayin nito ang malinaw na paglalahad ng intensiyon
ng sumulat sa pinadadalhan ng liham.
Ngayon iyong basahin ang halimbawa ng liham na nagmumungkahi sa
ibaba.
29 San Francisco Street.
Tiniguiban, Puerto Princesa
Pebrero 8, 2021
Mahal kong Eunice,

Maraming dahilan ang pagkalagas ng buhok. Tulad nito ay ang mga taong
may kanser na sumailalim sa chemotheraphy. Ang gamot na ito sa mga may
kanser ay pagkalagas ng buhok. Mayroon ding mga kaso ng “ pansamantalang
pagkakalbo” na maaring dulot ng ilang sakit, mga gamot, malnutrisyon o
sobrang tensiyon, pisikal man o emosyonal. Masama rin ang laging pagsasabid
ng buhok o paggamit ng pony tails o curles dahil mababanat ng husto ang buhok
at puwedeng magdulot nang pagkalagas ng buhok na maaring mauwi sa
pagkalagas. Para maiwasan ang sobrang pagkalagas ng buhok, dapat nating
matutuhan ang wastong pangngalaga nito. Tuklasin ang tamang shampoo na
hiyang sa buhok mo. Gamitin ang suklay at hindi brush kung basa pa ang
buhok.
Alalahanin mo ang sobrang init ay maaaring magdulot ng pagkatuyo at
pagiging marupok ng buhok.
Hanggang dito na lamang at salamat sa pagtangkilik mo sa aking kolum.

Sumasaiyo,
Ate Lydia

Ang pangungusap ay salita o grupo ng salita na may buong diwa. Ito ay


may dalawang bahagi:
Simuno – Ito ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap.
Panaguri- Ito ang nagsasabi o naglalarawan ng tungkol sa simuno.

Narito ang halimbawa.


Ang buhok ni Nina ay nalalagas.
S P
Suklayin ng maayos ang buhok.
P S
3
Tayo’y Magsanay

Panuto: Sumulat ng liham na nagmumungkahi sa patnugot ng dyaryo na


magbibigay ng sagot sa tanong na : “ Ano ang gustong sabihin ng kabataan sa mga
nakatatanda sa kasalukuyan?.” Gamitin ang binigay na rubrik sa ibaba.
Purok Masagana
Salvacion,Lungsod ng Puerto Princesa
Pebrero 18, 2021

Melgie A. Dagsa
Tagapaglathala, Ang Bangkaw
Bancao-Bancao, Lungsod ng Puerto Princesa

Mahal na Binibini:
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Gumagalang,

Liezel B. Magtanggol
Mag-aaral sa Ikalimang Baitang

Gamiting gabay ang rubrik sa pagsulat.

RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY

5 4 3 2 1
NILALAMAN
• Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• Lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
• Wastong gamit ng wika
• Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram
HIKAAT
• Paraan ng pagtalakay sa paksa
• Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro
kaugnay ng gawain

5- pinakamahusay 2- mapaghuhusay pa
4- mahusay 1- nangangailangan pa ng mga
3- katanggap-tanggap pantulong na pagsasan

4
Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang S kung ang salitang may salungguhit
ay simuno at P naman kung ito ay panaguri.

_______1. Maraming tao ang naparusahan ng hari.


_______2. Ibinigay ng pulubi ang buto sa hari.
_______3. Nagutom ang pulubi at nagnakaw ng mga pagkain
_______4. May pakialam ang hari sa buhay ng mga tao.
_______5. Pinatawad ng hari ang pulubing nagnakaw sa kaharian.

Replektibong Tanong:

Sa pagsulat ng liham na nagmumungkahi, ano ang dapat isaalang-alang bago


sumulat nito?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Ating Pagyamanin

Panuto: Isulat muli ang liham na nagmumungkahi ayon sa tamang pagkakaayos


ng mga bahagi nito. Gawing gabay ang pormal na nasa ibaba.
G. Jose De Justo
Tagapaglathala
The PalawanTimes
Barangay Tanglaw
Lungsod ng Puerto Princesa

1877 Kalye Tanigue


Lungsod ng Puerto Princesa
Pebrero 8, 2021

Mahal na Ginoo;
Bilang isang bata sa kasalukuyan, isa ako sa mga nais makabahagi ng aking
natutuhan sa ating mga nakatatanda.
Nais kong imungkahi ang gustong sabihin ng mga bata sa kasalukuyan ay ang
makikisabay sa mga tao sa henerasyong ito. Tinuturuan ng millennials o mga
kabataan ang mga nakatatanda kung paano gumamit ng mga social media o mag
selfie. Marami ring kabataan ay sinasabihan ang mga nakatatanda na di sila “
sumasabay sa uso” o “ living in the past”. Subalit mayroon ring kabataan na gustong
malaman kung paano ang mga nakatatanda namumuhay sa nakaraan.

5
Nakikinig sila sa mga kwento ng mga nakatatanda kung paano sila namumuhay na
walang internet o wifi.
Sana po ay inyong mabigyan ng pansin ang aking mungkahi.
Maraming salamat po.

Antoine Kaiser T. Demontaṅo


Mag-aaral ng Ikalimang Baitang
Pangkat Rizal

Gumagalang,

__________________
__________________
__________________
__________________
__________________

__________________
__________________
__________________

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

______________________,
______________________
______________________
______________________

6
Panuto: Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang mga salita sa ibaba.
Salungguhitan ang simuno at ikahon ang panaguri.
1. hari- ________________________________________________________________
2. pulubi- ________________________________________________________________
3. buto- ________________________________________________________________
4. kaharian- _______________________________________________________________
5. magnanakaw- _______________________________________________________________

Replektibong Tanong:

Bakit mahalaga na alam mo ang pagtukoy ng simuno at panaguri sa


pangungusap?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Ang Aking Natutuhan

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong sa bawat bilang. Piliin ang
titik ng wastong sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

______1. Ano ang kailangang gawin upang maintindihan ang binabasa?


A. unawaing mabuti C. balikan ang binabasa
B. tingnang mabuti D. sagutin ang mga tanong

7
______2. Ang___________ ay isang uri ng pangangalakal. Ginagamit ito sa
pangangalakal sa pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan, bahay-kalakal,
at iba pa na higit kailangan ang pormal, tiyak, direkta, at hindi maligoy.
A. simuno C. Liham na Nagbibigay ng Mungkahi
B. sulatin D. panitikan

______3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang bahagi ng pangungusap na


pinag-uusapan sa pangungusap.
A. panaguri B. liham C. simuno D. sulatin

______4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang bahagi ng pangungusap na


na naglalarawan ng tungkol sa simuno.
A. liham B. panaguri C. pangungusap D. salita

______5. Ang _________ ay salita o grupo ng salita na may buong diwa. Ito ay may
dalawang uri ang simuno at panaguri.
A. liham B. pangungusap C. panaguri D. Salita

Para sa bilang 6-10. Tukuyin sa pangungusap ang simuno at panaguri. Bilugan


ang simuno at ikahon ang panaguri.

1. Si Mia Mirasol ay masipag na sumasagot ng Contextualized Learning Activity


Sheets

2. Ang bata ay tumutulong sa gawaing bahay.

3. Ang mga bata ay hindi pinapayagang mamasyal sa mall.

4. Si Vicky ay palaging naghuhugas ng kamay.

5. Si Sesa ay sumusunod sa utos ng magulang.

8
Susi sa Pagwawasto

Subukin Ang Aking Natutuhan


Unawain
1.Pamuhatan Maunawaan
2.Bating Panimula Liham na Nagmumungkahi
3.Katawan ng Liham Simuno
4.Bating Pangwakas Panaguri
5.Lagda Tayo’y Magsanay
6. guro, paglilinis Gawain 1
7.aso, nagkalat Tanggapin ang sagot ng bawat bata.
8.Ana, pinarangalan Gawain 2
9.Pilipino, nawalan 1.S
10.Kabataan, nahihirapan 2.S
3.P
Ating Pagyamanin 4.P
5.P
Gawain 1

1877 Kalye Tanigue


Lungsod ng Puerto Princesa
Pebrero 8, 2021

G. Jose De Justo
Tagapaglathala
The Palawan Times
Barangay Tanglaw
Lungsod ng Puerto Princesa

Mahal na Ginoo:
Bilang isang bata sa kasalukuyan, isa ako sa mga nais makabahagi ng
aking natutunan sa ating mga nakatatanda.
Nais kong imungkahi ang gustong sabihin ng mga bata sa kasalukuyan
ay ang makikisabay sa mga tao sa henerasyong ito. Tinuturuan ng millennials o
mga kabataan ang mga nakatatanda kung paano gumamit ng mga social media
o mag selfie. Marami ring kabataan ay sinasabihan ang mga nakatatanda na di
sila “ sumasabay sa uso” o “ living in the past”. Pero mayroon ring kabataan na
gustong malaman kung paano ang mga nakatatanda namumuhay sa nakaraan.
Nakikinig sila sa mga kwento ng mga nakatatanda kung paano sila namumuhay
na walang internet o wifi.
Sana po ay inyong mabigyan ng pansin ang aking mungkahi.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Antoine Kaiser T. Demontaṅo
Mag-aaral ng Ikalimang baitang
Pangkat Rizal
9
Gawain 2
Tanggapin ang sagot ng bawat bata

Tayahin
1. A
2. C
3. C
4. B
5. B

Para sa bilang 6-10


Tukuyin sa pangungusap ang simuno at panaguri. Bilugan ang simuno at ikahon
ang panaguri.
1. Si Mia Mirasol ay masipag na sumasagot ng Contextualized Learning Activity Sheets
2. Ang bata ay tumutulong sa gawaing bahay.
3. Ang mga bata ay hindi pinapayagang mamasyal sa mall.
4. Si Vicky ay palaging naghuhugas ng kamay.
5. Si Sesa ay sumusunod sa utos ng magulang.

Sanggunian
Aklat

Lalunio, Lydia P, Francisca G. Ril, at Patrocinio V. Villafuerte. Hiyas sa Pagbasa. Quezon


City: Department of Education- SD Publications Inc., 2010.

Agarrado, Patricia Jo C., Maricar L. Francia, Perfecto R.Guerero III, at Genaro R. Gojo Cruz.
Alab Pilipino.Quezon City: Department of Education-Vibal Group, Inc.,2016.

Angelita L. Aragon. Bagong Pilipino Sa Salita at Gawa. Quezon City: Department of


Education- SD Publications Inc., 2010.

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

11

You might also like