Unang Mahabang Pagsusulit Sa Filipino 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Aralin 1 : Ponemang Suprasegmental


PANGALAN: _________________________________________________________ Iskor: _________________

BAITANG AT SEKSYON: _______________________________________________ pPetsa: _________________

A. Tono/Intonasyon B. Ponema C. Segmental


D. Hinto/Antala E. Diin F. Suprasegmental
G. Tinig H. Kuwit I. Pangungusap

A. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon na nasa ibaba.

_______________1. Ito ang pinakamaliit na unit ng makabuluhang tunog.

_______________2. Ito ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono (tune), haba (lengthening) at hinto o antala.

_______________3. Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.

_______________4. Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibangdamdamin,
makapagbigay-kahulugan at makapagpahina ng usapan.

_______________5. Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.

B. Panuto: Bilugan ang angkop na salita na tinutukoy sa bawat bilang.

6.Tumutukoy sa pagitan,agwat o puwang sa pagitan ng dalawang bagay. laYO LAyo

7.Ito ay malimit na sinasabi sa atin kapag ang isang tao ay malapit ang distansya sa laYO LAyo
atin.

8.Taniman ng mga halaman. PAso paSO

9.Sugat sa balat na nalikha dahil sa pagdikit sa apoy. PAso paSO

10.Kasuotan ng mga babae. saYA SAya

11.Emosyon na nararamdaman ng isang taong nagagalak. saYA SAya

12.Dinadaluyan ng tubig. TUbo tuBO

13.Pagkain na matamis/pinagkukunan ng asukal. TUbo tuBO

14.Natatangi LAmang laMANG

15.Nakahihigit LAmang laMANG

C. Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng salita batay sa layunin nito. 1 – mababa 2 – katamtaman 3 – mataas

Hal. Kahapon – 213 - nagtatanong

16. magaling ________________ pagpapatibay

17. magaling ________________ pagtatanong

18. kanina ___________________ pag-aalinlangan

19. kanina ___________________ pagtatanong

20. mayaman _________________pagtatanong

21. mayaman ________________ pagpapatibay

D. Tukuyin kung aling pahayag ang naglalahad ng wastong mensahe. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____22. Sinasabi ng nagsasalita na hindi ang ibang tao ang tinutukoy kung di ang kaniyang kapatid.
A.Hindi, siya ang kapatid ko. B.Hindi siya, ang kapatid ko.

_____23. Sinasabi ng nagsasalita na iba ang kulay ng kanyang suot at hindi pula.
A.Hindi pula ang suot ko. B.Hindi, pula ang suot ko.

_____24. Itinatanggi ng nagsasalita na hindi siya ang gumawa at ibang tao.


A. Hindi ako, si Jimin. B.Hindi ako si Jimin.

_____25. Ipinapahayag ng nagsasalita na siya ang nakapasa sa pagsusulit at hindi ibang tao.
A.Hindi, ako ang nakapasa sa pagsusulit. B.Hindi ako, ang nakapasa sa pagsusulit.

You might also like