Professional Documents
Culture Documents
Week 1 Filipino 7 4th Quarter
Week 1 Filipino 7 4th Quarter
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF CALAPAN CITY
ARTURO ARCE IGNACIO INTEGRATED SCHOOL
LAZARETO, CALAPAN CITY
BANGHAY-ARALIN
SA PAGTUTURO NG FILIPINO
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang
obra mestra sa Panitikang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng
koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa
(Isinulat ang Code ng bawat ng binasang bahagi ng akda. F7PB-IVa-b-20
kasanayan) Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido”. F7PT-IVa-b-18
1. Naibibigay ang kahulugan at ang mga katangian ng “korido”
2. Napapahalagahan ang pag-aaral ng Ibong Adarna sa pagbabahagi ng
sariling ideya sa kahalagahan nito.
3. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa
pamamagitan ng akrostik.
Korido
(1) May walong pantig sa bawat taludtod.
(2) Sadyang para basahin, hindi awitin.
(3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga
taludtod, wawaluhing pantig lamang.
(4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang
magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao,
tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo at iba pa.
(5) Dahil dito ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong
maganap sa tunay na buhay.
(6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna
Awit
(1) May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
(2) Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
(3) Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
(4) Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit
higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa
isang awit.
(5) Halimbawa nito ang Florante at Laura
I -
B-
O-
N-
G-
A-
D-
A-
R-
N-
A-
V. Pagninilay
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailanagan ng iba pang gawain para sa remediation
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
Alin sa mga estratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyon sa tulong ng aking punong-guro at superbisor?
Anong kagamitang panturo na aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?