Fil. Acad. Backtracking Sample

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

COR JESU COLLEGE, INC.

Sacred Heart Avenue, Digos City


Province of Davao del Sur, Philippines

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

ACADEMIC BACKTRACKING
(FILIPINO 6)

Unang Linggo

I. PAKSA: Simuno at Panaguri

II. MGA LAYUNIN:

 Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap; at
 nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang simuno at panaguri.

III. PAGTALAKAY SA ARALIN (Halimbawa lamang)

Bahagi ng Pangungusap
(Raflores, 2009)

Simuno- bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Maaaring gamiting simuno o


paksa ang pangngalan, panghalip, pang-uri at pandiwa.
Ang simuno ay nahahati sa payak at buo. Ang payak na simuno ay
ang pangngalan, panghalip, pang-uri o pandiwang pinag-uusapan. Ang
buong simuno ay ang payak na simuno kasama ang iba pang salita o
panuring.

Halimbawa:
1. Ang mundo ay napakaganda. ( payak na simuno)
2. Si Maria ay masipag mag-aral. (buong simuno)
3. Nakakasilaw ang sikat ng araw. (payak na simuno)
4. Si Mario ay malakas at makisig. (buong simuno)
5. Ang palabas na It's Showtime ay nakakatawa. (payak na simuno)

Panaguri- bahaging nagsasabi tungkol sa simuno ng pangungusap. Ito’y maaaring


pangngalan, panghalip, pang-uri at pandiwa.
Ang panaguri ay nahahati sa payak at buo. Ang payak na panaguri
ay pangngalan, panghalip, pang-uri o pandiwang nagsasabi tungkol sa
simuno. Ang buong panaguri ay ang payak na panaguri kasama ang iba
pang salita o panuring.
1. Maingay kumain si Jona. (buong panaguri)
2. Ang Singapore ay isang malinis at mapayapang bansa. (payak na panaguri)
3. Si Darna ay isa sa mga pinakasikat na karakter sa Pilipinas. (payak na
panaguri)
4. Si Anna ay may maamong mukha. (buong panaguri)
5. Ang pulitika sa Pilipinas ay magulo. (payak na panaguri

IV. PAGTATAYA
PANGALAN: ________________________BAITANG AT SEKSYON:
_____________
GURO: ________________________________________ MARKA: _____________

Unang Bahagi

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang simuno kung ang may salungguhit ay tumutukoy
sa simuno o paksa ng pangungusap. Isulat ang salitang panaguri kung ito ay
tumutukoy sa panaguri ng pangungusap.(10 puntos)

___________ 1. Si Ginoong Malvar ang nahalal bilang pangulo ng samahan.

___________ 2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Gloria at Gemma.

___________ 3. Sinusuri nang mabuti ng mga imbestigador ang mga ebidensiyang


nakuha sa lugar ng krimen.

___________ 4. Sila ay tumulong sa paglikas ng mga residente mula sa mapanganib


na lugar.

___________ 5. Iligpit natin ang mga nakakalat na laruan sa sahig ng sala.

___________ 6. Ang kaibigan mo ay tiyak na matutuwa sa sorpresa na inihanda mo


para sa kanya.

___________ 7. Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.

___________ 8. Napansin ng guro ang mabubuting asal na ipinamalas ng mga mag


aaral.

___________ 9. Ang mga magulang ng mga mag-aaral ay inanyayahang dumalo sa


gaganaping pagtatanghal.

___________ 10. Sina Ariel, Warren, at Joshua ay naghanda ng masarap na meryenda


para sa mga panauhin.
Ikalawang Bahagi

Panuto: Gumawa ng usapan. Isulat sa speech bubbles ang iyong pangungusap.


Bilugan ang bawat ginamit na simuno at salungguhitan ang bawat ginamit na
panaguri. (30 puntos)

https://image.freepik.com/free-vector/set-empty-speech-bubbles-comics_23-2148261601.jpg

You might also like