Professional Documents
Culture Documents
Story Week 1-20
Story Week 1-20
Mas gusto ni Bzzz na magbasa. Kahit hindi pa siya nakababasa, mahilig siyang
tumingin sa mga larawan sa aklat niya. Kung minsa’y nagpapakuwento siya sa nanay
niya. “Ayoko pong pumasok sa paaralan,” sabi ni Bzzz. “Ang gusto ko’y magbasa at
makinig sa mga kuwento. Yon po ang gustong-gusto ko!” Pinayagan naman si Bzzz ng
kanyang nanay. Binasahan niya si Bzzz ng sari-saring kuwento. Sabi ng nanay niya
darating din ang araw na magiging handa si Bzzz sa pagpasok sa paaralan.
Pero isang araw, kinausap si Bzzz ng nanay niya. “Panahon na para pumasok ka
sa paaralan.” Sinamahan si Bzzz ng nanay niya sa paaralan. Ayaw pa sanang pumasok
ni Bzzz sa paaralan. Pero sabi ng nanay niya, panahon na para sa pag-aaral niya.
Naisip ni Bzzz na sundin ang kanyang nanay. Baka nga magustuhan din niya sa
paaralan. Sa paaralan, naglaro sila ng kanyang mga bagong kaibigan. Nag-aral silang
kumanta. Nagbasa ng kuwento ang guro. At nagkaroon si Bzzz ng maraming kakilala.
“Kriiiiiiing-kriiiiiiing-kriiiiiiing!”
Haaaay salamat, tapos na ang klase, pwede na kaming umuwi! Mabilis kong
niligpit ang aking gamit para makapila ako agad palabas. Ang ingay ng sabay-sabay na
pag-ikot ng mga gulong ng mga stroller namin. At ang lalakas ng boses ng mga kaklase
ko habang nagpapaalaman. Nagtakbuhan kami para salubungin ang mga nanay at
tatay namin sa labasan.
Laking gulat ko nang makita kong wala pa si Nanay sa bangko! Nanlaki ang mga
mata ko. Kinabahan ako. Pero bago ako maiyak, sinabi ko sa aking sarili na hindi ako
dapat matakot.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa bangko katabi ng aking bag at baunan.
Unti-unting nabawasan ang mga batang naghihintay at mga magulang na sumusundo.
Ilang kaklase ko na at kanilang stroller ang dumaan, pero wala pa rin si Nanay. Lahat
ng bata ay nasundo na, maliban sa akin.
“O maghintay ka lang dito ha. Natrapik lang siguro ang nanay mo,” ang sabi ng
guwardiya sa labasan. Kaya naghintay ako nang naghintay nang naghintay. Halos
nagpaikot-ikot na ako sa bangko. Pero wala pa rin si Nanay. Ano kaya ang nangyari kay
Nanay?
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang maalala ko na may sira nga pala
ang sasakyan namin. Siguradong naghahanap pa si Nanay ng paraan para masundo
ako!
Siguro sumakay siya sa isang pagong. Maliit at mabagal ang hakbang nito kaya
ang tagal-tagal bago ako masundo.Pero alam kong nagmamadali si nanay kasi sabik
na rin siyang makapiling ako! Hindi siya aasa sa isang pagong.
Siguro sa isang elepante siya sumakay! Higante ang mga hakbang nito kaya
siguradong mas mabilis niya akong masusundo.
Siguro isang agila ang kinaibigan ni Nanay. Mabilis silang makalilipad para
masundo ako.
Napawi ang lungkot at luha ko at napalitan ng ginhawa’t tuwa. Tama nga pala
ang guwardiya. Natrapik lang si Nanay
Week 1 Day 4
Si Paula Oink-Oink
by: Rene O. Villanueva
Si Paula Oink-oink ay isang biik. Kahit maliit pa, marunong na siyang kumaing
mag-isa. Marunong siyang gumamit ng tinidor at kutsara. Marunong siyang magsubo
ng pagkain. Marunong siyang ngumuya ng maayos. Nag-aaral na si Paula Oink-oink
kahit maliit pa. Marami siyang kaibigan at kamag-aral. Ang guro niya ay si Terry
Elepante. Marami silang ginagawa sa paaralan. Naglalaro sila. Nagbabasa ng kwento.
Nagkakantahan. Tumutula. Naghahabulan. Sumusulat. Nagbabahay-bahayan.
Nagbibilang. May naging kaibigan si Paula Oink-oink sa paaralan. Ang kanyang
pangalan ay Anna Ngiyaw. May isang problema si Anna. Hindi pa siya marunong
kumaing mag-isa. Kaya sa oras ng pagkain, umiiyak si Anna. “ Ngiyaw-ngiyaw-
ngiyaw!”Alam ba ninyo kung ano ang ginagawa ni Paula Oink-oink? Lumapit siya kay
Anna Ngiyaw dala ang kanyang pinggan, tinidor at kutsara. “Oink-oink”, sabi ni Paula
kay Anna Ngiyaw. “Wag kang umiyak. Madali namang matutong kumaing mag-isa.
Tuturuan kita!” Tinuruan nga ni Paula Oink-oink si Anna Ngiyaw na kumaing mag-
isa.“Oink-oink-oink! Gamitin ang kutsara Oink-oink-oink! Bibig ay inganga Oink-oink-
oink! Ngumuya ng mabuti Oink-oink-oink”. Huwag magtitira! Oink-oink-oink!”Sinunod ni
Anna Ngiyaw ang sabi ni Paula Oink-oink. Kaya ngayon, kapag may maliliit na bata na
hindi pa marunong kumaing mag-isa, alam ba ninyo kung sino ang nagtuturo sa kanila?
Si Paula Oink-oink! “Oink-oink-oink! Gamitin ang kutsara Oink-oink-oink. Bibig ay
inganga Oink-oink-oink. Ngumuya ng mabuti Oink-oink-oink. Huwag magtititra Oink-
oink-oink!”
Week 1 Day 3
Kinakain nila ang mga bundok. Kinakain nila ang mga bahay at kalsada. Iniinom
nila ang mga ilog at dagat.
Natakot si Inggolok.
Si Monica Dalosdalos
Nang makita niyang marumi ang pugad ito’y kanyang nilinis agad. Sa kalilinis
niya, nabutas ang pugad. Sampung itlog ang nahulog at nabasag.
Nang makita naming nagkalat ang mga dahon sa bakuran, winalis din niya ang
mga ito, saka sinindihan. Pero biglang lumaki ang apoy. Muntik pang masunog ang
ginikang nakabunbon!
Pagpasok niya sa salas, nakita ni Monica ang maalikabok na mesita. Nang linisin
naman niya, natabig ang plorera! Habang pinupulot ang basag na kasangkapan,
biglang dumating ang may-ari ng bahay.
Week 2 Day 3
Ang Kamatis ni Peles
by: Virgilio S. Almario
“Ang ganda ng mga tanim mo,” bati niya kay Hugo. “Ano ba ang iyong sikreto?”
“Wala akong sikreto,” sabi ni Hugo, “kundi sipag, tiyaga at konting banat ng
buto.”
“Ganoon lang?” tanong ni Peles. At nanghingi siya ng mga buto ng kamatis para
masubukan naman ang maghalaman bilang pagbabagong buhay.
Lunes. Maaga pa’y bumangon na siya at mabilis na dinalaw ang kamatisan niya.
Pero anong lungkot! Sa lupang malambot, wala ni isang sumupling na sungot.
Halos maiyak siyang nagsumbong kay Hugo. Pero tumawa si Hugo at ang sabi,
“Huwag kang apurado. Talagang ang magtanim ng kamatis ay di biro. Konting dilig pa
at tiyak na tanim mo’y tutubo.”
Sabado. Laking tuwa ni Peles nang Makita ang tumubong mga kamatis.
“Kaibigan, ang lulusog ng kamatis mo,” ang bati kay Peles ng dumalaw na si
Hugo. “Oo nga,” sabi ni Peles na balot ng kumot. “Pero sakit at ubo naman ang aking
inabot.” “Sa umpisa lang yan,” sabi ni Hugo. At, naiwan si Peles na uubo-ubo. Pero,
masayang hinahagod ng titig ang lumalaking mga bunga ng kamatis.
Week 2 Day 5
Week 2 Day 2
Naaamoy niya ang pandesal at grape juice na nasa baunan. Tinitingnan niya ang
pulang bag na nasa likod ng palaaral na si Celia.
“Si Celia ay hindi man lang nagsasaya,” ang pabuntong hininga niyang sabi.
“Kamusta,” ang sabi ni Celia. “Gusto mo bang sumama sa akin? Papunta ako sa
aking paaralan. Maaari mo kong tulungan sa seremonya ng bandila. Aawit tayo ng
Pambansang Awit sa unang linya. Kukumpas tayo sa tugtog. Sa klase, mauupo tayo sa
tabi ni Tembong, tatawa tayo sa mga biro at nakakatawa niyang mukha. Magkukulay
tayo ng mga aklat at makikipagpalitan ng krayola, lapis, at pambura kay Luz.” “Gugupit
tayo ng mga karton ng mga bituin at itatali sila at isasabit. Makikinig tayo sa kuwento ni
Titser Bing tungkol sa paglalakbay ng upuan na may magic, sa sirena na may de-
korteng asul na buhok at tungkol sa palaka na ang kaibigan ay langaw!”
“Kapag tumunog ang bell, iyon na ang oras natin para sa miryenda. Kakain tayo
ng biskwit na may tsokolate at melon juice. Maglalaro tayo ng habulan at hahabulin
natin ang mga tutubi kasama sina Rosita, Juan, Tembong at Luz!”
Week 2 Day 1
Si Mimi At ang Tatlong Bilog
Labing dalawang taong gulang na ang batang si Mimi at nasa ika-Limang baitang
na siya sa kanyang pag-aaral. Siya ang pinaka mahusay sa kanilang klase. Bata pa
lamang kasi siya ay tinuturuan na siya ng kanyang mga magulang para mag-basa,
sumulat at bumilang. Kaya naman naging mahusay na siya sa kaniyang unang pag-
pasok sa paaralan. Ipinag-mamalaki siya ng kanyang magulang kahit kanino.
Kahit mahirap ang buhay ng batang si Mimi ay nag tatiyaga siya sa kanyang
eskwela. Araw-araw niyang tinatawid ang dalawang ilog sa kanilang lugar upang siya
ay makapasok lamang sa kanyang paaralan. Kahit ganoon man ay pinipilit parin niyang
mag-sumikap upang marating niya ang nais niyang kurso pag tapak niya sa kolehiyo.
Ngunit ng araw na iyon ay mag isa lamang siyang mag hahatid ng lutong pag-
kain sa kanyang ama. Naglalaba kasi ang kanyang ina ng araw na iyon. Linggo ng
tanghali ang araw na iyon, may dalang basket si Mimi upang dalhin sa kayang ama sa
bukid. Masaya siyang nag-lalakad sa pilapil ng bukid at paawit-awit pa, ng bigla siyang
matapilok at mawalan ng balanse. Nalag-lag sa bukid ang bata. Naputikan ang kanyang
mga kamay at paa, subalit hindi iyon ang kanyang ikinagulat ng sandaling iyon. May
nakita kasi siyang tatlong bilog sa kanyang pinag bag-sakan. Hindi niya alam kung
anung uri ng bagay ang mga iyon. Kulay pula , asul at puti ang mga kulay nito.
"Hindi naman siguro malaki ito sa normal na itlog at iba ang kulay nitong
dalawa."
Naalalang bigla ni Mimi. Dali-dali siyang tumayo at inilapag ang mga itlog sa loob
ng kanyang basket.
Masaya nyang bungad sa ama habang tintawag niya ito mula sa bukid.
Dahil sa pagkukwento ng bata sa kanyang ama ,nalimutan niya ang mga itlog na
napulot niya sa putikan ng siya ay mahulog dito. Pauwi na siya at pabalik na sa
kanilang tahanan ng ma-alala ulit niya ang mga bagay na napulot niya. Napag
pasyahan niyang huminto muna at umupo sa ilalim ng punong mangga na nadaanan
niya. Tahimik siya umupo at kinuha ang isang bilog sa kanyang bitbit na basket.
Iiwanan sana niya ang makukulay na bilog na natagpuan niya kanina. Subalit
naisip niyang kunin na lamang ito at gawing palamuti sa kanyang silid. Nadatnan niyang
na-nanahi ng sirang bao ang kanyang ina sa harap ng pintuan. Agad siyang nag mano
at pumasok sa kanyang silid. Kasama niyang inakayat ang tatlong bilog at inilagay iyon
sa lamesita nasa tabi ng kanyang higaang kawayan. Matapos niyon ay bumaba n siya
at nagluto ng kanilang hapunan, pag-dating ng kanyang ama ay sabay sabay silang
nagsalo-salo sa hapag.
Pinagmasdan niyang muli ang bagay na iyon. Inilagay sa kanyang mga kamay at
ipinatong ang isa sa kanyang sikmura. Hanggang sa mahimbing na siya.
Kalagitnaan iyon ng tulog ng bata ng magising siya. Nakarinig kasi siya ng hindi
kilalang ingay. Para iyong isang pagaspas ng malaking ibon sa tabi ng kanyang silid.
Dudungaw sana siya sa binatana ng mapansin niyang may-kakaiba sa mga bagay na
nakuha niya sa bukid. Maya liwanag kasi na nang-gagaling sa paligid nito. Animoy
parang mabibiyak. Lalong lumakas ang ugong sa labas ng kanyang silid, kasunod nito
ang isang huni na parang pito sa pandinig niya ng malaking ibon.
"Inay! Itay!"
Sigaw ni Mimi na may halong takot at kaba. Subalit parang hindi siya naririnig ng
mga ito. Napansin ni Mimi na nakatuon ang pansin ng malaking ibon sa mga bagay na
nasa kanyang higaan. Umiilaw ang mga ito na parang may lalabas mula sa loob ng
tatlong bagay na iyon. Humuhuni rin ang ibon. Lakas loob na lumapit ang bata sa
kanyang higaan dahan-dahang hinawakan ang umiilaw na bagay. Para namang nagalit
ang malaking ibon at sumigaw ito ng malakas. Napaatras si Mimi, subalit muli siyang
sumulong sa pag-lakad. Hinawakan niya ang mga ito at kinuha ng dahan-dahan.
Ganoon din ang ginawa niyang pag-lakad papunta sa ibon. Marahan niyang inaabot
ang bagay na pinagtutuunan ng pansin ng malaking ibon nkatoon ito sa hawak niya.
Para namang nakaintindi ang ibon. Mula sa kanyang mga tuka ay binit-bit ng ibon.
Mula sa kanyang silid ay marahang lumabas ng bahay ang batang si Mimi
naroroon kasi ang bata .Muli pa'y nakita ni Mimi ang napakalaking ibon na maaring
sumakop sa kanilang munting tahanan.
Tatlong maliliit na huni ang narinig ng bata. Mula sa tatlong bagay pala na
napulot niya ay may mga munting ibon na magmumula sa loob nito mabuti na lamag at
hindi niya naisipang pag-laruan ang mga iyon. Sa kanyang kinalalagayan ay muling
humarap sa kanya ang malaking nilalang at humuni ito ng marahan paharap sa kanya.
Natuwa ang bata, ilang saglit pa'y muling kumampay ang pak-pak nito at
marahang inisakay ang tatlong maliliit pang ibon sa likuran nito. Umangat na ito sa lupa
marahang-marahan. Para namang nag papasalamat ang malaking ibon sa kanya.
Nginitian niya ito hanggang sa lumipad ito palayo ng palayo.
Week 2 Day 4
Sumunod sa Panuto
Ganito rin ang ginawa ni Kuting. Bago matulog handa na ang kanyang bag.
“Pumila kayo nang maayos. Pumasok kayo sa silid-aralan nang tahimik,” ang
mahinahong wika ni Kuwago.
Sinunod ng mga mag-aaral ang sinabi ng guro. Umupo sila nang maayos at
tahimik. Nagsimula na ang klase. Nagpakilala ang bawat isa.
“Ako si Tsonggo.”
“Ako si Ibon.”
“Ako si Itik.”
“Ako naman si Sisiw.”
Isa-isang tumayo ang mga mag-aaral. Nagsalita sila nang may katamtamang
lakas. Nakinig ang lahat habang nagsasalita ang guro. Lahat ay sumunod sa panuto.
Tahimik at maayos ang klase. Tuwang-tuwa si Kuwago. Tuwang-tuwa si Tsonggo, Ibon,
Itik, Sisiw at iba pa.
Week 3 Day 5
Ang Kaibigan ng Dilim
by:Renee O. Villanueva
Kaya na ni Anton na matulog nang mag-isa sa kanyang silid. Pero isang gabi,
bigla siyang nagising. Nauuhaw siya. Gusto niyang lumabas ng silid at uminom. Pero
natatakot siya sa dilim. Naramdaman siguro ng nanay niya ang paggising ni anton.
Pumasok ang Nanay niya sa silid.
Binuksan nito ang ilaw sa silid. At biglang nawala ang dilim. Uminom si Anton ng
tubig, saka muling natulog nang mahimbing.
Ayaw na ayaw ni Anton sa dilim. Kahit araw, ayaw niyang pumasok sa madilim
na silid na taguan ng mga lumang gamit. Kahit naroon ang isang lumang bisikleta na
gustong-gusto niyang sakyan.
Kinuha ni Anton ang lumang bisikleta. Dinala niya ito sa bakuran. At doon niya
sinakyan ang lumang bisikleta. Isang gabi, hawak ni Anton ang flashlight sa hardin.
Iniilawan niya ang mga dahon sa puno.
Isang araw, binigyan si Anton ng nanay niya ng flashkight. Ang lugar na tamaan
ng isang sinag nito ay magiging maliwanag.
Pumunta si Anton sa madilim na silid ng mga lumang gamit. Pinindot niya ang
flashlight. At ang malaking dilim ay biglang lumiit!. Nakita miya ang mga lumang
gamitna nakatago roon. Nakita niya ang lumang bisikleta ng tatay niya. Inilawan niya ng
mga dahon sa puno, inilawan niya ang mga bulaklak sa bakuran.
Naisip ni Aton “Ano kaya kaya kung hindi ko sindihan ang flashlight?”
Nakakakita pa rin siya sa dilim! Nakikita niya ang mga puno at dahon. Nakikita
niya ang mga bulaklak.
Nang tumingala si Anton, nakita niya ang maraming bituin. Nakita din niya ang
ulap at ang buwan. “Puwede din palang maging kaibigan ang dilim.”
Week 3 Day 1
Isang basket na palutang-lutang sa ilog ang nakita nila. Nang lapitan nila ang
basket, lahat sila’y namangha. Sa loob ng basket “ ay mayroong bata.
“Aakk! Aaak! Siguradong ligtas ang bata kung matitira siya sa aking matibay na
pugad,” alok ng isang babaeng uwak.
“Kung kami ang mag-aalaga sa kaniya, magiging matalino siyang tulad naming.”
Sabad ng mag-asawang kuwago. “Babasahin namin sa kaniya ang lahat ng aming libro”
“Puwede bang mayakap ang malusog na bata na iyan?” ang nanggigigil na sabi
ng nanay ahas sabay lingkis sa leeg na bata.
Nagdataingan pa ang ibang mga hayop sa gubat. Matiyaga silang pumila. Bawat
isa ay may handog para sa pangangailangan ng bata. Lahat ay nagalok na alagaan ang
bat. Pero hindi pa rin maisip ng tatalong palaka kung sino ang dapat mag-alaga sa bata.
“May dumarating !” biglang nanlaki ang mga mata ng tatlo. May mag-asawang
papalapit sa ilog.
Week 3 Day 4
Nagagandahan siya sa awiting ito ngunit naisip niyang Ilan taon na ba ako?
Lumapit siya sa kangyang nanay at itinanong kung ilan taon na siya. Sinagot siya ng
kanyang nanay na limang taon gulang ka na anak..
Ha! Ilan po ba ang limang taon? Nabibilang po ba ito sa kamay? Ngumiti ang
kanyang ina at sinabing “ Oo, Anak sindami ito ng daliri sa kanang kamay mo at
kinuha ni Lorna ang kanyang kanang kamay binilang ang daliri nito ngunit sa hilig
niyang manood at makinig ay nalimutan niya kung paano bumilang. Bigla siyang
nalungkot. Hay! Sabi ni nanay limang taon na daw ako subalit paano ko malalaman ang
idad ko? At kung paano bumilang ng isa hanggang lima.
Week 3 Day 2
Masasayang Bata
Flor B. Conopio
Ang masasayang bata ay tulad sa asin. Kung mawawalan ng lasa ang asin,
mawawalan din ito ng kapakinabangan.
Mangagalak nga kayo at ipagmalaki ang katuwiran; may tanging gantimpala ang Diyos
sa inyo.
Week 3 Day 3
Si Digong Dilaw
By: Victoria Anonuevo
Gustong-gusto ni Digo ang kulay dilaw. Pagpasok niya sa paaralan, dilaw ang
kanyang damit. Dilaw din ang kulay ng kanyang bag at iba pang mga gamit.
Dilaw ang paboritong pagkain ni Digo. Gusto niya ng saging, mangga, papaya,
kasoy, at iba pang dilaw na prutas. Gusto rin niyang uminom ng katas ng kalamansi.
Pero ayaw niya ng berdeng gulay. Madalas nagagalit ang kanyang ina dahil ayaw
kumain ni Digo ng pagkaing hindi dilaw. “Hayaan mo na,” sabi ng kanyang ama.
“Pampalusog naman ng mata ang dilaw na pagkain.” “Pero masama rin ang puro dilaw
na pagkain lamang,” sabi ng kanyang ina. “Kailangan din ng katawan ang ibang uri ng
pagkain, gaya ng berdeng gulay..”
Isang araw, nagising si Digo na iba ang pakiramdam. Nagulat siya dahil dilaw
ang kulay ng kanyang mga kamay at paa. Dali-dali siyang bumangon at humarap sa
salamin. Nakita niyang dilaw ang kanyang buong mukha. Dilaw pati ang kanyang
buhok, pilikmata at kilay.
Umiiyak na lumabas sa kanyang silid si Digo. “Nanay! Tatay!” Tinawag niya ang
kanyang ina at ama. Nagulat ang kanyang ina ng makita ang kulay ni Digo.
Yumakap si Digo sa kanyang ina. Biglang naging dilaw ang kanyang ina.
Yumakap din siya sa kanyang ama. Biglang naging dilaw din ang kanyang ama.
Nahinto ang pag-iyak ni Digo, nagtawa siya nang Makita niyang kulay-dilaw na rin ang
kanyang ama at ina. Natawa din kahit nagtataka ang kanyang ama at ina.
Tumakbo nang tumakbo sa loob ng bahay si Digo. Hinawakan niya ang kurtina at
dingding. Naging kulay dilaw ang kurtina at dingding. Hinawakan niya ang mesa at mga
silya. Ilang sandali pa, dilaw na ang lahat ng buong bahay.
Biglang nagising si Digo. “Panaginip lang pala,” sigaw niya. “Mula ngayon, gusto
ko na rin ang ibang kulay. Malungkot din pala kung puro dilaw ang mundo. Kailangan
ang ibang kulay para sumaya ang mundo. At tama si Nanay, masama sa katawan kung
iisang klase lang ang pagkaing kinakain ko. Kailangan ko rin ang ibang pagkain bukod
sa dilaw.
Week 4 Day 3
Alamat ng Daliri
Ganito ang nangyari noon. Masakit na masakit ang tiyan ni Hinliliit kaya
nagmamakaawa itong lumapit sa Palasingsingan.”Parang awa mo na,gutom na gutom
lang ako.Maaari bang makahingi ng pagkain sa iyo?Ano? Manghihingi ka ng pagkain?
Heto nga at walang-wala rin ako. Paano kita mapagbibigyan sa hinihiling mo?”
“Hindi bale nang mamatay ako sa gutom, huwag lang kumuha ng hindi
akin.”pagmamatigas ni Hinliliit na bagama’t maliit ay may ipinakikipaglabang malaking
prinsipyo sa buhay. Isang krimeng panlipunan ang pagnanakaw,sabi ng Gitnang
Daliri.Hindi lang siguro krimeng panlipunan. Ito ay magiging kasiraan din n gating
angkan na nagsisikap mapanatili ang kalinisan ng pangalan.! Paliwanag ni
Palasingsingan.
“Aba! Aba!” giit ng Hintuturo, “Hindi baleng walang laman ang sikmura, huwag
lang parusahan at ipakagat sa mga langgam!”
Week 4 Day 4
Hinlalaki
Pero itong si hinlalaki ang walang tiyak na silbi kaya salaro ay di kasali at
palaging nasa tabi-tabi.
Dahil punggok at iba ang tabas,Tinutukso pang “Anak sa Labas!” Minsan, ang
lakas ni hinlalato sa pagbubuhat ng poste ay napasubo.
Tumulong ang tatlong magkapatid at naligo na silang apat sa pawis pero ang
poste’y di matinag tinag at talaga yatang pagkabigat-bigat!!
Sumaklolo si hinlalaki…
Week 4 Day 2
Nagsasabi na si Patpat
Kaya madalas,nagugulat ang nanay niya kapag nagbabawas siya kung saan
saan.
Minsan, kahit naglalaro sila ng mga kaibigan niya, bigla nalang mapapahinto si
Patpat. Hindi na siya kikilos, patingin tingin lang siya sa paligid. Hanggang sa mapansin
ng mga kaibigan na dumumi na siya sa salawal niya!
Ayaw naman niyang mangyari iyon. Pero hindi niya alam kung paano iyon
maiiwasan.
Kinausap si Patpat ng nanay at tatay niya. Sabi ng nanay niya: “Patpat, mga
pusa tayo kaya hindi tayo dapat mag-ugaling baboy.”
Ang sarap ng pakiramdam ni Patpat dahil hindi siya nagbawas kung saan saan.
Week 4 Day 5
Hanggang sa malimutan niya kung saan niya inilagay ang kanyang tsinelas.
Dahil dito, nagtampo ang mga tsinelas ni Tanya. Isang araw, nagtago ang mga tsinelas
niya. "Nasaan kaya ang mga tsinelas ko"? tanong ni Tanya. Hinanap niya ng hinanap
ang mga tsinelas niya. Napagod na siya sa kakahanap pero talagang mahirap makita
ang mga tsinelas na nagtampo kay Tanya.
Hindi alam ni Tanya na nang mga sandaling iyon, maraming di-nakikitang dumi
at mikrobyo sa sahig ang tuwang-tuwa sa nangyari. "Puwede na nating salakayin ang
mga paa ni Tanya! Mwa-ha-ha!" sabi ng mga dumi at mikrobyo. Masayang-masaya sila
dahil ang mga batang laging nakapaa ay puwedeng-puwede nilang lusubin. Didikit sila
sa mga paa ng mga batang walang tsinelas o sapatos at papasok sa loob ng katawan
ng hindi namamalayan. Dahil dito, maaaring magkasakit ang mga batang hindi
nagsusuot ng tsinelas. "Mwa-ha-ha! Mwa-ha-ha!" sabi ng mga dumi at mikrobyo.
Hindi lang ang mga dumi at mikrobyo ang masaya. Sa labas ng bahay, marami
ring kontrabida ang tuwang-tuwa sa mga batang nakapaa. "Lapit pa! Lapit pa! Ngyak-
ngyak-ngyak!" sabi ng mga bubog at tinik. Masayang-masaya sila dahil ang mga batang
laging nakapaa ay puwede nilang masugatan o matibo. Ngyak-ngyak-ngyak!" sabi ng
mga bubog at tinik. Humingi ng tulong si Tanya para hanapin ang mga tsinelas niya.
Sinabi ng tatay ni Tanya na kailangang laging nakatsinelas ang mga bata para
maligtas ang mga paa sa dumi at mikrobyo at saka sa mga bubog o tinik na nasa
paligid. Mabuti na lang, nakita nila ang mga tsinelas ni Tanya. Isinuot ni Tanya ang mga
tsinelas niya. Tinandaan niya kung bakit kailagang laging magsuot ng tsinelas.
Naghugas ng paa si Tanya. Sinabon niyang mabuti ang mga paa niya. Pagkatapos,
kumuha siya ng malinis na pamunas at pinatuyo ang kanyang mga paa. Mula noon,
hindi na niya nalimutang isuot ang kanyang tsinelas.
Muling naglaro si Tanya. Suot na niya ang mga tsinelas niya. Kaya may proteksiyon na
siya laban sa mga salbaheng dumi at mikrobyo at sa mga pilyong bubog at tinik. Mula noon,
inis na inis ang mga dumi at mikrobyo. Bigong- bigo ang mga bubog at tinik. Pero tuwang-
tuwa naman ang mga paa at tsinelas ni Tanya.
Week 4 Day 1
Ako’y nang galling sa tuldok. Tuldok na binuhay ng aking ama’t ina, dahil mahal
nila ang isa’t isa.
Nang ako’y lalo pang lumaki, lalo nang nakaiintindi. Nakararamdam ako.
Nakaririnig sa mga awit at bulong ng aking ama’t ina. “O, huwag masyadong malikot at
malapit na.”
Sa paglaki ko, ang paligid ko ay sumisikip. Pakiramdam ko, ako ay laging kipkip,
inuugoy-ugoy. Dinuduyan-duyan ng tubig na nandoon sa sinapupunan.
Week 5 Day 5
Ako si Katrina. Limang taon na ako. Mahilig akong magbisikleta mula noong
matuto ako.
Tinuruan ako ni Kuya Miko. Magaling siyang magbisikleta. Magaling din siyang
maglaro ng basketball. Kayang kaya niyang magdribol ng bola.
Marami kaming ginagawa ng kuya ko. Naglalaro kami ng bahay-bahayan. Siya
ang tatay at ako ang nanay. Naglulutu-lutuan kami. Nag-aalaga kami n gaming mga
anak.
Minsan, nagkikita kami sa palaruan. Kilala ni kuya ang mga kaibigan ko. Kilala ko
din ang mga kaibigan niya.
Nag-aaral naman kami tungkol sa iba’t ibang sasakkyan mga bus, kotse, at trak
na may panghalo ng semento.
Minsan, hindi ko maintindihan ang sinasabi ni kuya. Hindi kasi siya malinaw
magsalita.
Nagalit siya sa akin at umiyak ng umiyak. Pinunit niya ang larawan ng pato na
ipinakikita niya sa akin.
Sabi ni nanay, “Pasensya ka na, nahihirapan ang kuya mo kapag hindi natin siya
maintindihan”
Minsan, itinuro niya ang larawan o iginuguhit niya ang gusto niyang sabihin.
Isang araw, pag-uwi ni kuya galing eskwela may sopresa siya sa akin. Isang
munting bibe! Nangitlog na pala ang alaga nilang bibe!
Pagkabigay niya sa akin nito, sabi ni kuya, “Kwak! Kwak! Mahal kita Katrina”.
Malinaw na malinaw, sabi sa akin ng kuya ko! At kwak, kwak, kwak, kwak, mahal ko rin
siya.
Week 5 Day 4
Ang Matapang na si Dan
Isang araw, habang siya ay natutulog sa kanyang kuna. Nagising siya sa narinig
na “TWEET…….TWEET ..TWEET!” ang huni ng dilaw na ibon.
Ang batang si Dan ay inaantok pa, pagpikit ng kanyang mga mata ay narinig niya
ang “ ARF!ARF!ARF” ang tahol ng kayumangging aso.
Iginalaw ni Dan ang kanyang mga paa at kamay, narinig niya ang
POT!..POT!...POT! ang tunog ng bisikletang dumaan.
Ang mumunting si Dan ay tuluyan ng nagising. Narinig niya ang tunog nang
mabilis na kotse “BROOM!...BROOM! BROOM!” “ BEEP!...BEEP!...BEEP!.. ang tunog
naman ng makulay na dyip.
“TWEET..TWEET..NGIYAW..NGIYAW..POT-POT-POT…
BROOOMMM..BROOOOMM,…BEEP…BEEP…BEEP…ARF..ARF..ARF..”
Week 5 Day 2
Ang Mukha ni Bitoy
Alam ni Bitoy na umaga na pero wala siyang makita. Hindi rin niya naririnig ang
tunog ng orasan na gumigising sa kanya.
Week 5 Day 1
Bilog na Itlog
by: AL SANTOS
May munting ilawan na bitbit si Dilat. May tatlong pandesal na dala si Kindat.
May espadang bali sa baywang si Kurap, At si Pikit naman ay may buslong butas.
Walang ano-ano, dumating ang ulap. Nawala ang buwan, dilim ang
kumalat.“Kindat,Kurap,Pikit!” ang sigaw ni Dilat. At saka binuksan ang ilaw na hawak.
Kaya kahit biglang alon ay pumihit. Sa hanging malakas layag ay napunit.
Naligtas ang Bangka sa batong matulis. Sakay sina Dilat,Kindat,Kurap,Pikit.
Isang Barakuda ang biglang pumusag. Ang palitong sagwan ay pinagngangasab.
Nang muling lumitaw, ang sabing malakas. “Ako ay gutom pa, lagot kayong apat!”
Pero pumagitna si Kindat, mabilis, Inalok ang isda nang buong pang-akit “Pare,
pandesal ko’y masarap nang higit. Kaysa buhay naming mga magkapatid.”
Sa tamis ng alok, Barakuda’y nayag. Tanggapin ang tatlong pandesal ni Kindat.
Pero nang kainin, isda’y nagkakabag. Ang pandesal pala ay puno ng amag!
Lumuhod sa takot si Dilat at Kindat. Nagsuklob si Pikit ng buslo n’yang butas;
Subalit si Kurap,kahit umiiyak. Espada’y hinugot,Pugita’y sinaksak.
Dahil may kalawang kahit walang tulis. Pugita’y natakot sa tetano’t sakit;
Noon din, umurong kahit walang gurlis. Ligtas sina Dilat, Kindat, Kurap,Pikit.
Walang anu-ano, biglang nagliwanag. At ang magkakapatid ay halos mabulag,
“Ang Talang Marikit!” ang sigaw ni Dilat. Pero lahat sila’y hindi makadilat.
Nabulag ang tatlo,maliban kay Pikit..Kaya dahan-dahan, ang Talang Marikit ay
kanyang dinaklot, saka isinilid sa hawak na buslo’t nilagyan ng takip.
Umuwi ang apat na puspos ng galak. Dahil kanila na ang Talang pangarap. Pero
ano’ng lungkot! Pagdaong sa dagat, tala’y nawawala, buslo pala’y butas!
At magmula noon ang magkakapatid. Naghahanap lagi sa Talang Marikit.
Naging mga MATA na ang mga gamit
Dumilat, Kumindat, Kumurap, Pumikit.
Week 6 Day 4
Chubby Chin-Chin
by: Nina Enriquez
Tuwing kakain sina Diding, tinitiyak ng nanay at tatay niya na masustansya ang
kanilang pagkain. May gulay at prutas, may isda at kanin. At may katas ng sariwang
prutas para sa inumin. Laging maganang kumain si Diding, Pero isang araw, nang
maghain ng pansit ang nanay ni Diding ,ayaw na niyang kumain ng ibang pagkain.
“Pansit!Pansit! Mahahabang pansit. Ikot-ikot sa tinidor. Dugtong-dugtong, di maputol.
Pansit! Pansit! Gusto kong pansit! Araw-araw akong kakain ng pansit. ‘Yon ang sabi ni
Diding at ganoon nga ang kanyang ginawa. Humihingi siyang pansit sa umaga, sa
tanghali, sa gabi, pati sa meryenda. Kahit ano ang ihain ng nanay niya, pansit lang
talaga ang gusto niya! Pero isang araw, nag bagong hilig si Diding. Longganisa naman
ang na gustuhan niya.“Mataba, mahaba at mapula. O kay sarap- sarap ng longgganisa.
Paborito ko sa umaga, tanghali o gabi. Kahit sa meryenda, gusto ko’y longganisa!”
‘Yon ang sabi ni Diding, at puro longganisa ang kanyang kinain. Kahit alukin siya ng
gulay ng kanyang Tatay. Kahit alukin siyang isdang kanyang Nanay. Longganisa lang
ang gusto niyang tunay. Minsa’y nag-uwing siopao ang kanyang Tatay. Mula noo’y puro
siopao ang hinahanap ni Diding. “Siopao ang gusto ko sa almusal. Siopao din sa
tanghalian. Kahit sa hapunan, gusto ko’y siopao. Pati baon ko, puwede po bang
siopao?” ‘Yon ang sabi ni Diding at puro siopao lang ang kanyang gustong kainin. Pero
hindi tama ang gayon, di ba? Kung ano ang nakahain, ‘yon ang dapat kainin. At ganon
ang sinabi ng Nanay at Tatay niya kay Diding. Pinatulong nila si Diding sa paghahanda
ng pagkain. Nalaman ni Diding na pinag-iisipan palang mabuti ng Nanay at Tatay niya
kung ano ang kakainin nila. “Kailangan, iba-iba,” sabi ng Tatay niya. “Kailangan,
masustansiya ,” sabi ng Nanay niya. Nalaman din ni Diding na pinaghihirapan nila ang
paghahanda ng pagkain nila. Kaya kapag hindi kinakain ni Diding ang pagkaing
nakahanda sa mesa, nasasayang ang pagod ng Nanay at Tatay niya. Hindi rin sapat
ang sustansiyang nakukuha niya para maging malakas at masigla. Mula noon, hindi na
mapili sa pagkain si Diding. Kung ano ang nakahain, ‘yon ang kanyang kinakain.
Sinasabi rin niya ‘yon sa bunso nila. Pero ang sabi nito: “Pansit! Pansit! Pansit ang
gusto ko!” Matagal pa siguro bago matuto ang bunsong kapatid ni Diding. Kailangan
pang ipaliwanag nang ipaliwanag ni Diding na hindi maaaring puro pansit ang kainin
araw-araw.
Week 6 Day 5
Papel de Liha
By: Ma. Corazon Remigio
Ang nanay ko ang linis - linis. Pag may duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon.
Pag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon. Pag may sebo sa kawali, kaskas
dito, kaskas doon. Dadako siya sa sala at mag - aayos. Pag may diyaryong nakakalat,
ligpit dito, ligpit doon. Pag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon. pag may
maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon. Papasok siya sa kusina at magbubusisi.
Pag may ulam na malamig, salang dito, salang doon. Pag may isdang sariwa, sigang
dito, sigang doon. Pag may kalang tabingi, kalang dito, kalang doon.
Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit. Pag may sintas na maluwag,
tali rito, tali roon. Pag may tastas na laylayan, tahi rito, tahi roon. Pag may butas na
pundilyo, tagpi rito, tagpi roon. Gagawi siya sa paliguan at mag - uusisa. Pag may ihi na
nakita, buhos dito, buhos doon. Pag may dumi na naiwan o sumingit, buhos dito, buhos
doon. Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan. Pag may dahong naglaglagan, walis
dito, walis doon. Pag may ipot ng ibon, palis dito, palis doon. Pag may uod na naipon,
alis dito, alis doon. Yan si Nanay. Ang linis - linis. Maghapon at magdamag, kiskis -
kuskos, higpit - ligpit, salang - sigang, tali - tagpi, walis - palis.
Isang araw, dumating si Tita Maring. Ang sabi niya: "Ano ba naman, Milagring!
Kaskas - kiskis - kuskos ka nang kaskas - kiskis - kuskos kaya kumapal at gumaspang
ang mga palad mo. Parang papel de liha na pang - isis. Hinay - hinay ka lang at
magpalambot ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo." Hindi na
hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay? Bakit? Ano ba ang papel de liha?
Naghanap ako sa bahay ng papel de liha pero papel de hapon lang ang nakita ko.
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang at bumili ako ng papel de liha. Magaspang ito.
Mahapdi sa balat. Gasgas ang kahoy sa isang kaskas. Nisnis ang damit sa isang isis.
Ganito nga ba kagaspang ang mga kamay ni Nanay?
Week 6 Day 2
Pinocchio
Mahilig si Tandang Geppetto sa mga bata. Natutuwa siya kapag masaya ang
mga ito. Gusto rin sana niyang magkaaanak ngunit matanda na siya. Madalas tuloy,
bago matulog ay nauusal niya,” Sana’y may anak rin ako.”
Tinupad ni Pinocchio ang kanyang pangako. Iniwasan niya sina Mido at Ledon at
nag-aral na siyang mabuti. Gusto niyang patunayan kina tandang Geppetto at
engkantada na nagbago na siya at mapagkakatiwalaan.
Week 6 Day 1
Kinabahan siya, “Matatapon ang pabango ni Nanay”, ang bulong niya sa sarili.
Week 7 Day 2
Alamat ng Ampalaya
By: Augie D. Rivera
Noong araw, sa bayan ng Sariwa, naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito
makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang,
Sibuyas, Upo, at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong , at Luya, habang
nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang
malasutlang kutis ni Kamatis, at maging ang gaspang ni Patola. "Ha! Ha! Ha! Ha!
SaWakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiing-gitan ako
ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
Mula noon, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot
ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si
Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya. Sa susunod n'yo siyang makita
sa inyong pinggan, subukan n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga
kasalanan.
Week 7 Day 5
Ang asong s iDober lang ang inis kay Kokoy. “Tsamba lang kaya mataas ang
marka niya!” pang-aasar ni Dober. “Tama na iyan, Dober. Maupo kana,” saway ni Gng.
Porky.
Anang guro ay mag aral na mabuti s iDober para matalo s iKokoy. Humingi ng
payo si Dober kay Bobowaya.“Simple lang ‘yan. Alamin mo ang sikreto kung bakit
matalino si Kokoy,” anang buwaya.
Hindi nainip si Dober. Nakita niya si Kokoy na may dalang isang piling ng hinog
na mga saging. “Aha! Saging pala ang sikreto niya!” bulalas niya.
Inilagay ni Kokoy ang saging sa mesa. Pagkatapos ay iniabot niya ang kanyang
bag at may kinuha. Nagulat siya ng paglingon ay wala na ang saging.
“Ang akala ko pa naman ay tataas na ang marka ko,” inis na wika ni Dober. “Ang
kailangan mo ay mag-aral na mabuti. Iyon ang sikreto para manguna sa klase,” payo ni
Kokoy kay Dober.
Week 7 Day 4
Ayoko Na
May ugaling hindi maganda si Roy. Ayaw na ayaw niya ang malinis na katawan.
Bihira siyang maligo. Palaging marumi ang kanyang damit. Mahilig siyang maglaro sa
putikan. Madalas din siyang nakakatulog na hindi nagsisipilyo ng ngipin.
“Ayoko na, tama na. Maawa kayo sa akin. Hindi! Hindi na ako uulit. Mula ngayon,
maglilinis na ako ng katawan!”
Mga Tanong:
Napatingin siya sa may pinto nang may marinig na tinig. “Papa!.” Tawag ni
Prinsesa Armida, ang kaisa-isa niyang anak. Biglang nanlaki ang ulo ni Haring Midas.
Iniwasan niya ang kanyang anak pero biglang yumakap sa kanya ang prinsesa.
Hindi malaman ni Haring Midas ang gagawin. Sa huli ay naisip niyang hanapin
ang engkantada sa hardin ng palasyo. Nagmakaawa si Haring Midas sa engkantada.
Ibig niyang alisin nito ang ipinagkaloob na kahilingan. Naawa sa kanya ang engkantada.
Week 7 Day 3
Binuksan ng Prinsipe ang pinto at siya ay nagulat sa nakita niya may magandang
babae na nakatayo sa pinto natulala siya sa taglay nitong ganda, hanggang sabihin ng
Reyna na patuluyin ang panauhin sa loob dahil malakas ang ulan sa labas.
Nakita ng Reyna kung gaano kaganda ang kanilang panauhin, kahit pa basang
basa ang babae mula ulo hanggang sa kanyang sapatos. Binigyan ng balabal ng
Prinsipe at siya ‘y tinanong ng Reyna kung sino siya.
Sumagot ang babae sinabing siya ay dating Prinsesa, subalit namatay na ang
mga magulang niya sa paglalakbay sa karagatan nung siya ay bata pa. Naging
interesado ang Reyna kaya inimbitahan siyang doon na magpalipas ng gabi sa kanila.
Masayang masaya ang Reyna sa naiisip niya para malaman niya kung tunay
ngang Prinsesa ang babae.Para ang kanyang anak na Prinsipe ay hindi na magtatagal
ang paghihintay na makapagasawa.
Sa wakas nakaisip din siya ng paraan.Sinabihan niya ang mga kasambahay na alisin
lahat ng kutson ng kama at inilagay niya ang isang maliit na gisantes sa kama.
Muli humingi ng paumanhin ang dalaga sa Reyna, sinabi niya kung paano siya
pabiling biling lang sa higaan sa buong gabi. Pagod na pagod siya sa bagyo pero ni
hindi niya magawang kumurap sa pagkakahiga sa kamang iyon.,
Isang pangit na gabi ang nangyari. Kinusot niyang muli ang kanyang mga mata
at naghikab na tinakpan ang bibig ng kanyang kamay na antok na antok.
Hindi maintindihan ng babae kung bakit nakangiti sa kanya ang Reyna habang
sinasabi niya na hindi siya nakatulog ng gabing iyon.
Ngunit masaya ang Reyna kasi nakakasiguro siya na isang tunay na prinsesa
ang dalaga ang makakaramdam ng isang maliit na gisantes sa ilalim ng kama?
Week 8 Day 5
Minsan isang taon, nagpupunta ang buong angkan nina Lolo Bayani at Lola Ada
sa isang lugar para sa kanilang family reunion. Ngayong taong ito, sa isang beach
resort sa Batangas nagyaya si Lola Ada. Excited ang magpipinsang Joshua, KC,
Patrick, Tricia at Julia. Noon lamang sila ulit magkakasama nang matagal-tagal.Sa iba-
ibang lugar kasi sila nakatira. Ang magkapatid na Joshua at KC ay balikbayan mula sa
Amerika. Ang magkapatid naman Patrick at Tricia ay taga Nueva Ecija. Si Julia naman,
na nag-iisang anak, ay nakatira sa Maynila.
“Potlock ang tawag nila sa ganitong handaan, apo,” sabi ni Lola Ada.
Nagtataka kasi si Julia kung bakit dalawang klaseng ulam lang ang dala nila.
“May dalang pagkain ang bawat pamilya para ipatikim sa iba.Pagsasaluhan natin
ang lahat ng dalang pagkain. Pero higit sa pagkain, ang higit na mahalaga ay kakain
tayong sama-sama!.
“Yehey!Parang piknik!”
“Tama. Ang Tita Leah mo, may dalang kare-kare at fried chicken. Ang Tita
Tessie mo naman, naglalakihang alimango at mapipintog na sugpo ang dala. Ang
mommy mo, macaroni salad at spaghetti ang dala.”
“Mga apo, ahon na kayo! Huwag paghintayin ang pagkain! Parine na!” segunda
ni Lola Ada.
“Wow, ang lalaki naman ng mga hipon! Ang sarap siguro niyan!” sabi ni Julia.
Tinikman nilang lahat ang mga pagkaing inihanda sa potluck. Makalipas ang 30
minuto, may kakaibang naramdaman si Julia. Parang nag-iinit ang pakiramdam ng
kanyang mukha.Parang nagsisimulang magpantal at mangati ang kanyang balat.
“O, Julia, okay ka lang ba? Ang pula-pula mo ah! Pansin ni Joshua.
“O, Julia, inumin mo ito agad…” sabay abot ni Tita Leah ng isang baso ng tubig.
Makalipas ang 15 minuto, muling bumalik sa dati ang hitsura ni Julia. Kung
kanina’y kasingkulay ng kanyang balat ang mapupulang alimango, ngayo’y maayos na
ulit. Parang himala! Parang walang nangyari!
“Wow, ang galing po ng gamot na ipinainom ninyo sa kanya!”
Malapit ng lumubog ang araw sa beach pero nakababad pa rin sa tubig ang
magpipinsan. Muling napag-usapan ang nangyaring allergy kay Julia.
“O, paano Julia, dapat ay huwag ka munang kakain ng hipon…” bilin ni Patrick.
“Oo nga, natakot kami kanina para sa iyo…” sabi naman ni Tricia. “Mas mapula
ka pa sa alimango!”
Naikwento na rin tuloy ni Joshua ang nangyari noong minsang nagbubuklat sila
ng lumang magasin ng kanyang Tita Yna.
“May project kasi kami sa iskul noon. Tapos, ginugupit naminni Tita Yna ang
ilang pictures sa magasin para sa scrap book. Tapos, biglang bumahing ako ng
bumahing! Sunod-sunod!”
“Oo nga. Sabi mo, luma na ‘yung mga magasin. Naipon na ang mga alikabok
dun!” paliwanag ni Julia.
“At hindi lang ako bumahing! Parang sinipon ako at nagluha-luha rin ang mata
ko. Sabay nga kaming bahing ng bahing ni Tita Yna.”
“May ipinainom ding tablet si Tita Yna sa akin, tapos okay na kami. Biglang
nawala yung parang sipon na tulo lang nang tulo. Natigil rin ang pagluluha ng mata ko.”
“Pero sa halip na maalis ang sakit ng ngipin ko, biglang namantal ang buong
katawan ko! Tapos, namaga ang paligid ng mga mata ko, muntik na akong di makakita!
Kumapal pa ang labi ko. Magang-maga. Ampangit ko nun! Matatakot ka sa naging
itsura ko!”
“May allergy pala ako sa ininom kong gamot para sa sumasakit kong ngipin!
Hindi ko ‘yun alam!”
“Ha? Puwede rin palang may allergy sa gamot?” gulat na tanong ni Julia.
“Tapos, dinala ako sa clinic.Ininjectionan ako nung doktor. Ang galing nga kasi
parang nagmadyik yung pakiramdam ko. Pagkatapos ng injection, maya-maya lang ay
nawala na ang maga sa paligid ng mata ko. Nawala na ung mga pantal saka
pangangati. Tapos, bumalik na ulit sa dati ang hitsura ko!”
“Medyo masakit pero mas masakit yata yung pagtawanan ako dahil sa hitsura
ko!” matapang na sagot ni Tricia.
Hindi na rin nagpatalo sa usapan si Patrick. Bigla niya kasing naalala nung
minsang nabulabog niya ang bahay ng mga putakti. Namimitas daw sila ni Lolo Bayani
ng mga hinog na chico ng masundot niya ang bahay ng mga putakti.
“Oo. Hinabol kami! Pati si Lolo Bayani ay nakagat din sa mukha! Ang bibilis
lumipad nito.”
“Naku, kung nakita mo ko, matatakot ka rin sa hitsura ko. Umalsa ang labi ko.
Sumara ang mga mata ko. At biglang-bigla nahirapan akong makahinga….”
“E, bakit si Lolo, hindi nagka-allergy sa kagat ng putakti? Pareho lang kayong
kinagat, di ba?” takang tanong ni KC.
“Ewan ko ba, Tricia. Kagabi, okay lang naman ako bago tayo matulog. Ngayon,
paggising ko, tumutulo na ang sipon ko. Prrrrrrt! Prrrrrrt! Prrrrrrt! Parang mainit ang
pakiramdam ko sa mukha. Nangangati ang mata ko at parang nagluluha…Hat-
singggg!”
Siya namang pagpasok ni Tito Bill sa kuwarto ng mga bata. “O, gising na pala
kayong lahat. Masarap ang breakfast natin!”
“Aba, sinisipon ba si KC? Kagabi, okay ka lang naman ah. Teka…” Nagpalinga-
linga si Tito Bill.“Hmmm…Isinara nyo ba ang bintana nyo kagabi?”
“Akala ko, kami lang may allergy. Pati pala si Ate KC!”Nagtawanan ang lahat ng
mga bagong gising.
“Si Julia, may allergy sa pagkain. Si Joshua, may allergy sa alikabok. Si Tricia,
may allergy sa ilang gamot. Si Patrick, nagka-allergy sa kagat ng putakti. Si KC, may
allergic rhinitis dala ng pollen. E, meron kayang may allergy sa inyo sa ice cream?”
“Sige, mamaya bibili ako ng ice cream. Pero ngayon, iinom muna ng gamot
laban sa allergy si KC,” pahayag ni Tito Bill.
“May ilan pa akong natirang tableta sa bag ko,” pagpiprisinta ni Tita Leah.
“Im-yun Sistem? Ano pong ginagawa ng Im-yun Sistem?” tanong agad ni Julia.
“Ganito ‘yan.Minsan, nalilito ang ating Immune System, nagkakamali rin ito.
Kapag nakakain tayo ng isang uri ng pagkain, akala ng Immune System, napasok na ito
ng kaaway. Sobra itong nagre-react!”
“Oo nga, pero napagkakamalan itong kalaban ng ating Immune System. Alam
nyo, may taglay kasing PROTEIN ang hipon, itlog, gamot, pollen, at pati na ‘yung lason
mula sa kagat ng insekto. Dun sobrang nagre-react ang ating Immune System.”
“A, kaya po pala ang pula-pula ko nang makakain ako ng hipon!” sabi pa ni Julia.
“Kaya po pala, nagluluha ang aking mga mata noong nakalanghap ako ng
alikabok,” sabi naman ni Kuya Joshua.
“Kaya po pala namantal at namaga ang buong katawan ko!” sabi ni Tricia.
“Kaya po pala tulo ng tulo ang sipon ko paggising ko kanina,” sabi ni KC.
“A, kaya pala ako nahirapang huminga nang makagat ako ng putakti!” ang sabi ni
Patrick.
“Ha! Puwede akong mamatay dahil sa allergy lang?” gulat na sabi ni Patrick.
“Maaaring mas maayos ang takbo ng kanya Immune System kaysa sa’yo!”
Naubos na ang ice cream pero hindi pa rin matapos-tapos ang kuwentuhan. Isa-
isang binigyan ng bagong ihaw na barbeque ang lahat ng nasa dulang. Pabiro namang
nagtanong si Tito Bong, “O, sino ang allergic sa barbeque at ako na lang ang kakain ng
share niya?”
“Aba naku, wala yatang taong allergic sa ice cream at barbeque!” kumumpas pa
ang kamay ni Lola Ada nang magsalita.
“Ano, kung gayon, anong pangontra sa allergy?” tanong ni Tita Leah sa mga
bata.
“Tama!” At dinampot ni Tita Leah ang isang banig ng tablet. Sinenyasan niya si
KC na basahin ang nakasulat sa kulay-pilak na sisidlan ng gamot.
“Naku, ang gagaling talaga ng mga apo ko,” nasisiyahang tugon ni Lolo Bayani.
“Alam mo, kapag sinilip natin sa microscope ang mga alikabok, magugulat ka
kasi makakakita ka ng mga maliliit na insektong gumagalaw. Dust mite ang tawag dun.
Kapag nalanghap mo ito, ‘yun ang may taglay na protein.”
“Ha?! May lamang mga organism din pala ang mga alikabok!” hindi
makapaniwalang sabi ni Lola Ada habang pinapagpag ang suot niyang daster.
“Sa taong hindi allergic sa alikabok, walang kaso kung malanghap man nila ito.
Pero ibang usapan na kung allergic sa alikabok ang taong nakalanghap nito!”
“Dapat po pala ay umiwas kami kung saan kami allergic!” sabi ni Joshua.
“Oo nga po, para hindi na ulit malito ang aming Immune System!”
Nasa van na ang lahat nang magspray ng pabango sa sarili si Tita Mavee. Di
nagtagal ay biglang nakarinig sila ng sunod-sunod na pagbahing sa dakong likuran ng
sasakyan.
“Naku, Lola Ada, huwag nyong sabihing may allergy po kayo sa perfume?” gulat
na tanong ng mga apo.
Puro tango na lamang ang naisagot ni Lola Ada habang inaapuhap ang isang
kahon ng tissue paper upang punasan ang tumutulo niyang sipon.
Week 8 Day 3
Ang Prinsesang Ayaw Matulog
by:Feny delos Angeles-Bautista
Humingi ng tulong ang Hari at reyna. Nanawagan sila sa buong kaharian. Unang
dumating ang isang mangagamot. “Patutulugin ko siya sa pamamagitan ng gamot.”
Pero ayaw ibuka ng munting prinsesa ng kanyang bibig. Ni ayaw niyang tikman
ang gamot. At nanatili siyang nakaismid.
Tumikim nga ang Reyna. “Uhmmm, ang sarap!” At ang Reyna ay mabilis na
nakatulog.
Hindi nagtagal, pagod na pagod na ang mga mananayaw. Pero si prinsesa Aya
ay gising na gising pa. “Sayaw pa tayo!” ang masiglang anyaya ng umiindak na
prinsesa.
Ngumiti ang lola. Pinahiga niya si Prinsesa Aya. Sumunod naman ang prinsesa.
Naupo ang lola sa tabi niya. Saka kumuha ng aklat mula sa kanyang balutan. Binuklat
ng lola ang aklat at nagbasa.
“Sa isang malayong kaharian, tiyak na maririnig ang reklamo ni Prinsesa Aya
kapag oras na ng pagtulog.”
“Nasaan po ang larawan? Gusto ko pong makita ang larawan!” sabi ni Prinsesa
Aya.Pumikit ka. Makikita mo ang larawan sa isip mo,” sabi ng lola.”
Ipinikit nga ni Prinsesa Aya ang kanyang mga mata. Nagpatuloy sa pagbasa ang
matanda. Di nagtagal, mahimbing nang natutulog si Prinsesa Aya. Mula sa bintana,
sinisilip siya ng buwan at mga bituin. At lahat sila ay natuwa dahil mahimding na
mahimbing ang tulog ng kanilang munting kaibigan.
Mula noon, alam na ng Hari at Reyna kung paano patutulugin si Prinsesa Aya.
Week 8 Day 4
Ha-Ha-Hatsinggg!
by: Luis P. Gatmaitan, MD
Hindi pa man sila nakakalayo ay narinig na nila ang malalakas na patak ng ulan
sa yerong bubungan. Nag-aamoy alimuom ang paligid. Mabuti na lamang at agad
silang nakasilong sa isang waiting shed. At gaya ng inaasahan, hindi lamang sila ang
tao roon. Punong-puno iyon ng mga taong ayaw magbitbit ng payong pero ayaw
namang mabasa.
“Ehemm! Krakkk! Krakkk!” Naglabas ng plema ang isang binatang may tatu.
Kinilabutan si Patrick sa mga narinig na tunog. Sabi ng titser niya, dapat daw ay
nagtatakip ng panyo sa ilong at bibig ang mga binabahin at inuubo. Bakit ang mga
kasama niya sa waiting shed ay parang ipinagmamalaki ang iba-ibang nagagawang
mga tunog?
“HA-HA-HATSING! Haaaaatsingggg!”
“Naku pu, bata ka! Takpan mo nga ng panyo ang bibig mo kapag bumabahin.
Kakalat ang mikrobyo!” Pinagsabihan ng matabang ale ang kanyang apo na mataba rin.
Pero huli na ang lahat. Nang humatsing ang batang tabatsoy doon sa waiting shed,
nag-aapurang sumamang palabas ang sangkaterbang virus na tagapagdala ng sipon.
Nagpasirko-sirko ang mga ito sa hangin. Lumipad-lipad. Dumayb-dayb.
“Ay, ang sarap pala makipaglaro sa hangin,” sabi ng Unang Pulutong ng virus.
“Aba, mukhang delubyo na yata ito a!” sabi ng isang natatakot na matandang
babae.
Nang tumila ang ulan, nag-uunahang naglabasan mula sa waiting shed ang mga
tao. Baon-baon ang mga mikrobyong tagapagdulot ng sipon. Walang kamalay-malay si
Patrick na pati siya ay may virus na sa loob ng katawan.
“Ganito ang gagawin natin,” plano ng lider ng pulutong. “Kakalat tayo sa buong
katawan ng batang ito. May pupunta sa ulo, sa mata at tenga, sa dila, sa lalamunan, sa
sinus o sa kweba-kweba sa ulo, sa baga, sa mga kasu-kasuan, sa kamay, sa paa at sa
mga lamang loob. Walang bahagi ng katawan na ipupwera!”
Agad silang nagtungo sa mga parte ng katawan na binanggit. Doon muna sila
mananatili habang nagpaparami.
“May sakit ka ba, anak?” tanong ni Nanay Teresita. “O, parang may sinat ka, a.”
“Makati po ang lalamunan ko. Barado din po ang ilong ko! Saka po, mabigat ang
ulo ko.”
“Ay, bakit ngongo ang boses mo? Naku, may sipon ka na!”
Hindi na nakatiis ang Ate Sofia ni Patrick na kanina pa pala nakikinig. Nasa
kolehiyo na ang ate niya at kumukuha ng kursong nursing.
“Kasi kung talagang dala ito ng ulan, bakit ‘yung ibang nababasa ng ulan ay di
nman sinisipon? At saka, “yung ibang naliligo sa ulan, di naman sinisipon.”
“Mikrobyo, Nanay. Mikrobyong virus ang may dala ng sipon o common cold.
Kapag nakapasok ang mikrobyong ito sa katawan, at nagkataong mahina ang
resistensya natin, agad itong magpaparami sa loob ng katawan natin,” sagot ni Sofia.
“Alam mo, Patrick, nagre-react ang ating katawan sa mga nakapasok na virus.
Dahil dito, nagpupundar ang ating katawan ng mucus o malapot na uhog para hulihin at
tanggalin ang mikrobyo sa katawan. Habang nasa loob natin ag mikrobyo, walang
katapusan din ang pagpupundar ng katawan natin ng uhog. Parang iyon ang depensa
ng ating katawan laban sa sipon.”
“Kapag impektado ng virus ang sipon, opo. Kasi’y nakakapit sa uhog ang mga
mikrobyong virus. Pero kung allergy ang dahilan, walang nakahalong mikrobyo sa uhog.
Kaya hindi tayo nahahawa sa sipon ng taong may allergy.”
“Wow, Ate, ang galing galing mong magpaliwanag! Magiging magaling kang
nars,” pagpuri ni Patrick.
“Sa hangin po, ‘Nay. Kung nag-iipon-ipon sa isang lugar ang mga tao, at
nagkataong may isang sinisipon doon, pwede tayong mahawa kundi tayo mag-iingat.
Kaya ang dapat, kapag may bumahin, tatakpan natin ng panyo ang ilong. Masyado
kasing maliliit ang mikrobyong virus kumpara sa iba pang mikrobyo kaya madali natin
itong malanghap sa hangin.”
Naalala ni Nanay Teresita ang eksena sa waiting shed ilang araw na ang
nakakalipas. Hindi lang iisa ang sinisipon doon. Dinig na dinig nila ni Patrick ang ubo,
singhot, singa, halak, hatsing, ehem at dahak ng mga tao roon. Doon nahawa si Patrick,
hindi sa ulan.
“Ate, narinig ko rin kay Ma’am na bukod sa pagtatakip ng ilong, ang dapat daw
ay laging maghugas ng kamay kapag nahawakan ang may sipon. Bakit?” pangungulit ni
Patrick.
“E, kasi kapag humawak sa ilong niya ang taong sinisipon, kakapit ang virus sa
kamay nito. Ngayon kung mahawakan ka nito sa kamay, naipasa na niya sa kamay mo
ang virus. At pag di-sinasadya’y nahawakan mo ang ilong mo, ayun, nakapunta na sa
ilong mo ang mikrobyo! Kaya dapat din ay laging maghugas ng kamay.”
“Hindi ko alam na ganyan pala nakukuha ang sipon, anak. Ako nga, mula noong
bata pa ako, napakaraming beses na akong sinipon. Pero ngayon lang may
nagpaliwanag sa akin ng ganyan kalinaw,” natutuwang sabi ni Nanay. “Halika, kumain
na tayo.”
Nang mga sumunod na araw, hindi muna pinapasok ni Nanay Teresita si Patrick.
Natatakot itong mahawahan ni Patrick ang mga kaklase niya. Gaya nung nangyari sa
kanila isang hapon sa waiting shed. Pinagpahinga lang siya ni Nanay Teresita sa bahay
para lumakas ang resistensiya niya. Pinainom siya ng maraming tubig, fruit juice, at
iced tea. Kapag nangangati ang lalamunan niya, pinagkekendi siya ng mga lozenge at
pinagmumumog ng maligamgam na tubig na may konting asin. At dahil masakit ang
kanyang ulo, binigyan siya ng gamot kontra pananakit ng ulo. Ipinaalala rin ni Ate Sofia
sa kanila na ang sipon ay di ginagamot ng antibiotiko kahit kailan. Kasi nga raw, virus
ang may dulot ng sipon, hindi bacteria. At ang mga antibiotiko ay para lamang sa
mikrobyong bacteria. Saka, ang common cold ay kusang gumagaling basta’t hindi
pinabayaan.
“Nakakainis naman ang batang ito. Malapit na tayong mamatay s katawang ito
eh ayaw pa tayong ilabas o iubo sa hangin. Kailangan na nating lumipat. Peste talaga
‘yang ate niyang nars, ha! Pulos kalokohan ang ikinukwento sa batang ito,” reklamo ng
Unang Pulutong ng virus.
“Tama! Marami pa namang bata dyan na hindi maingat sa katawan! Sila ang
dapat puntiryahin!” Kahit nanghihina na ay nagkembutan pa at naghalakhakan ang mga
mikrobyong virus.
Umulan man o umaraw, handa na si Patrick na labanan ang mga pesteng mikrobyo.
“Aba, at gusto pa yatang maging doktor ng anak ko!” sagot ni Nanay Teresita na
yumakap sa bunsong anak.
Week 8 Day 1
Sa isang malayong kaharian, may isang munting prinsepe. Ang pangalan niya’y
Prinsipe Tsikiting. Araw-araw, tuwing umaga, pinaliligo siya ng kanyang amang hari at
inang reyna. Pero ang laging sagot niya’y “ Ayoko po-o-o!” Laging may dahilan si
Prinsipe Tsikiting para huwag maligo. “Maligo ka na, Prinsipe Tsikiting,” sabi ng
kanyang amang hari. “Nagbabasa pa po ako,” sabi ni Prinsipe Tsikiting. At nagbasa
siya ng nagbasa para lang makaiwas sa paliligo. Minsan naman, paglalaro ang
ginagawang dahilan ni Prinsipe Tsikiting. Tinatagalan niya ang paglalaro para hindi siya
makapaligo. Naglalaro siya ng bahay-bahayan. Naglalaro siya ng holen. Sumasakay
siya sa kabayo-kabayuhan. Larong laro si Prinsipe Tsikiting. Tuwing oras nang paliligo,
ang sagot niya’y “Ayoko po-o-o!”
Isang araw, namasyal sa hardin ng palasyo ang prinsipeng ayaw maligo. Biglang
lumipad palayo ang mga tutubi at paru-paro.“ Ang baho-o-o!” sabi nila. Biglang yumuko
ang mga rosas at gumamela. “Ang baho-o-o!” sabi nila.“Ang baho ng prinsepeng ayaw
maligo!” Hindi pa rin naligo si Prinsipe Tsikiting. Iniwasan nalang niyang pumunta sa
hardin. Hindi nagtagal, naramdaman ni Prinsipe Tsikiting na nangangati siya. Hindi siya
makatulog. Kamot siya ng kamot sa ulo at katawan niya. Nang gabing gabi na,
dumalaw sa silid ang mga ipis, daga at langaw. “Ang baho ng prinsipeng ayaw maligo!
Kaya kaibigan natin siya!”sabi nila. Ayaw ni Prinsipe Tsikiting na maging kaibigan ang
mga ipis, daga, at langaw. “Marurumi sila. Ayoko sa kanila,” sabi niya. Alam ba ninyo
kung ano ang ginawa ni Prinsipe Tsikiting? Pagkagising, agad nagpunta sa banyo si
Prinsipe Tsikiting. Naligo siya. Sinabon niyang mabuti ang kanyang buhok at katawan.
Nagbuhos siya ng nagbuhos ng tubig para luminis ang kanyang katawan. Mula noon,
araw-araw na siyang naliligo. Ngayon, kapag dumadalaw sa hardin si Prinsipe Tsikiting,
hindi na lumalayo ang mga tutubi at paru-paro. Hindi narin yumuyuko ang mga rosas at
gumamela. At hindi na rin siya nangangati. Laging naliligo si Prinsipe Tsikiting.
Week 8 Day 2
RUMPELSTILTSKIN
“Ano sa palagay mo ang dahilan para kita patawarin?” galit na tanong ni Haring
Alido. “D-dahil mabibigyan ko po kayo ng maraming ginto,” pagyayabang nito. “May
anak po akong marunong gumawa ng sinulid na ginto mula sa mga dayami.”
Nagkainteres si Haring Alido. “Dalhin mo sa akin ang anak mo,” makapangyarihan
nitong utos.
Dinala ng lalaki sa palasyo ang anak nitong si Reverie. “Palalayain ko ang iyong
ama pero gawin mong gintoang mga dayaming ito,” utos ng hari at ipinasok si Reverie
sa isang silid na puno ng mga dayami. Hindi malaman ng dalaga ang gagawin.
Napaiyak siya. Nagulat na lang siya nang biglang lumabas sa harap niya ang isang
dwende.
“Kaya kong gawing sinulid na ginto ang mga dayaming iyan,” sabi ng dwende.
Pero gagawin ko lang kung may kapalit.” “Wala akong maaaring ibigay sa iyo,” sabi ni
Reverie. “May kwintas ako pero bigay pa ito ng nasira kong ina.” “Ano ang gusto mo?
Kwintas o kalayaan ng iyong ama?” Napilitang ibigay ng dalaga ang kwintas.
Namangha si Haring Alido ng makitang naging sinulid na ginto ang mga dayami.
Dinala uli nito ang dalaga sa isa pang silid na puno ng dayami. “Gusto kong bukas ng
umaga ay ginto lahat ang mga iyan,” sabi nito. Napaiyak muli ang dalaga. Ngunit tulad
ng nakaraang gabi ay biglang nagpakita ang dwende. Hiningi nito ang singsing niya.
Hindi malaman ni Reverie ang gagawin. Nag-iiyak siya ng muling nagpakita ang
dwende. “Wala na akong maaaring ibigay sa iyo,” naiiyak na sabi ni Reverie. “Kung
gayon, ibigay mo na lang sa akin ang magiging una ninyong anak ng hari,” sabi ng
dwende.
Kahit imposible ang hinihiling ng dwende ay pumayag si Reverie. Magdamag na
nagtrabaho ang dwende kaya ng dumating ang umaga ay gintong sinulid na ang lahat
ng mga dayami. Sa tuwa ng hari ay tinupad ang pangakong pakakasalan si Reverie
kaya naging reyna siya.
“Kumusta, aking reyna?” bati ng dwende. “Narito ako para kunin ang anak mo.”
Nakiusap at halos lumuhod ang reyna sa pagmamakaawa ngunit matigas ang dwende.
“Tinupad ko ang pangako sa iyo, kailangang tuparin mo rin ang pangako sa akin,” sabi
ng dwende.
“Maawa ka,” sabi ni Reyna Reverie. “Hindi ko kayang mawala ang aking anak.”
“Sige, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Kapag nahulaan mo ang pangalan ko ay
hindi ko na kukunin ang iyong anak,” pahayag ng dwende. Lumakas ang loob ng reyna.
Bumanggit siya ng maraming pangalan ngunit walang tumugma sa pangalan ng
dwende.
Nang muling sumulpot ang dwende ay sinabi lahat ng reyna ang mga pangalan
sa kanyang listahan. “Baltimew, Bebonzki, Janmi, Chezkau…” wika ng reyna. Umuling
ang dwende. “Nikkolau, Emandago, Klowking, Othef, Marvieux…” hula uli ng babae.
Lumalapit ang takdang araw ay nauubusan ng naiisip na pangalan ang reyna at
ang mga taga palasyo. Hanggang maisip ng hari na utusan ang mga kawal na
magmasid sa kaharian ng mga dwende.
Maraming pangalan ang nakuha ng mga kawal pero wala pa ring tumugma sa
pangalan ng dwende. “Sa loob ng tatlong araw at hindi mo pa maibibigay ang totoo
kong pangalan, hindi mo na makikita ang iyong anak,” sabi ng dwende kay Reyna
Reverie.
Dalawang araw bago kunin ng dwende ang sanggol, isang kawal ang naligaw sa
pusod ng gubat. Inabot ito ng gabi roon. Nang may makitang kislap ng liwanag mula sa
isang maliit na bahay ay nagtungo roon ang sundalo para magtanong. Gayon na lang
ang gulat nito nang makita ang isang dwende na panay ang sayaw at kanta.
Week 9 Day 2
Ang Inahing Manok
Masayang pa-alala ng katabi niyang bibi na nag aalaga ng sampung kiti. Ito na
rin ang kanyang naging kaibigan simula ng siya ay mapunta sa ilalim ng punong iyon.
Ito rin ang naging katulong niya sa pag babantay sa kanyang mga itlog tuwing siya ay
nag hahanap ng makakain.
"Naku bibi napaka-saya ko sa aking mga itlog sana ay malulusog silang sisiw at
walang karamdaman sa kanilang mga katawan. "
Isang araw habang nag lalakad ang inahing manok sa bukid ay nakita niya na
may isang ahas na papunta sa malaking puno na tinitirhan niya kasama ang ibang mag
hayop na nandoon. Nakaramdam ng kaba ang inahing manok. Alam niya kasi na
kaaway ng lahat ang ahas na iyon. Marami na kasing tinakot na mga hayop ang ahas.
Dali dali siyang bumalik sa kanyang pugad upang tignan ang mga naiwan niyang mga
itlog, na binabantayan naman ng bibi ng mga sandaling iyon.
Tahimik naman niyang dinatnan ang ibang mga nakatira doon. Mga maliliit
lamang na uri ang mga hayop na kasama ng inahing manok. Pumasok siya sa kanyang
pugad, nakita niyang natutulog ang bibi kasama ang kanyang mga kiti na nakapalibot
sa inahing bibi.
Lulukuban na sana ng inahing manok ang kanyang mga itlog ng makita niyang
nasa likuran pala niya ang malaking ahas at nakangiting nakalabas ang matatalim na
ngipin nito. Natakot ang manok at nag-puputak ito. Nagising ang hayop na naroroon na
mga tahimik na nag papahinga. Naalarma ang lahat. Maging ang bibi ay natakot din.
Agad nilubukan ng inahing bibi ang mga kiti niyang takot na takot din sa malaking ahas.
Takot na takot ang lahat. Alam nilang wala silang laban sa malaking ahas na naroroon.
Hindi alam ng manok ang kanyang gagawin. Natatakot siya para sa kanyang mga itlog,
nag isip ng maigi ang manok.
Habang nag i-isip itoy biglang nag sungit ang panahon. Bumuhos ang malakas
na ulan. Lalong natakot ang inahing manok habang ang ahas naman na kanina pa
lumiligid sa kanila ay lumapit pa sa pugad ng inahin. Hindi naman hinayaang makalapit
ng inahin ang ahas, Sa halip ay hinampas niya ito ng pakpak sabay ng pag kahig.
Maging ang bibi ay tumulog din sabay nilang pinag tulungan ang ahas na nais kainin
ang itlog ng inahing manok.
Nasaktan naman ang ahas, dahilan upang mag wala ito doon. Hindi naman
sinsadya nitong matamaan ang pugad ng manok. Lumabas na ang ahas subalit nataob
ang pugad. Gumulong ang mga itlog ng manok. Kumalat ang mga ito sa kulob ng
kanilang tahanan.Habang ang isa naman ay gumulong patungo sa labas . Nabasa ito
ng tubig, sa takot ng manok ay nag mamadali itong lumabas ng pugad at hinabol ang
gumugulong na itlog. Oras na hindi iyon huminto ay malalag-lag ang itlog sa ilog at hindi
na makukuha pa ng inahing manok . Nataranta ang ibang hayop para sa itlog, nag
labasan din ang ibang hayop na tutulong sa manok upang masagip ang itlog nito.
Subalit walang umabot ng makita nilang nahulog na ang itlog papunta sa ilog.
Isang maliit na tuka naman ang sumilay sa itlog. Tinulungan naman ng inahing
manok ang kanyang itlog sa pag-pisa nito. Lumabas na ang unang sisiw. Masayang
nag hiyawan ang mga hayop, sunod sunod naman na ang pag pisa ng mga itlog.
Limang malulusog na sisiw ang lumabas sa itlog. Gaya ng hiling ng inahin para dito.
Masayang nilukuban ng manok ang kanyang mga bagong pisang sisiw at nag-
pasalamat sa lahat ng mga naroroon
Week 9 Day 4
At sa halip na sa paa isuot ang tsinelas, sa kamay nila ito isinusuot. Saka sila
tatakbo nang pagkabilis-bilis. Kapag nagsawa na. aalisin nila ang tsinelas sa kamay at
gagawin nila itong pamato sa pagtutumbang preso. Ubod lakas nilang babatuhin ng
tsinelas ang mga nakahilerang lata. Tuwang-tuwa ang magkapatid habang
nadedeporma ang mga kaawa-awang sapin sa paa.
“Mas ganado akong sumubo kapag nakakamay” sabi ni KC habang punong puno
ng kanin at ulam ang kanyang bibig.
Isang araw, dinatnan ni Nanay Lea na naghahabulan ang ang dalawa. Kay
dungis-dungis, pawis na pawis, parehong nakayapak at kay dudumi ng mga kuko sa
paa.
“Hindi ba’t sinabi kong huwag kayong magyayapak? At bakit puro lupa na naman
ang mga kamay nyo? Papasukin ng bulate ang tiyan ninyo! Ikaw Joshua, mas matanda
ka kay KC pero ikaw ang pasimuno!”
Nang tumalikod na si Nanay Lea, bumulong si Joshua kay KC. “Paano kaya
makakapasok ang mga bulate sa tiyan natin, eh malalaki iyon, hindi ba?”
“Hmmmp! Hindi naman kayang gawin ng bulate iyon. Sa lupa naktira ‘yon, diba
kuya?”
“Oo nga!”
Nang isubo ni Joshua ang kanin at pansit, kumapit nang mabuti si Bolet sa
pansit. Hindi siya bumitaw kahit nginuya-nguya ito ni Joshua. Maya-maya’y kasabay na
siya ng pansit na nahulog sa mahabang tubong ang dulo pala ay ang sikmura ni
Joshua. At nasa loob na siya ng bituka.
Doon kapansin-pansin ang pagbabago ni Bolet. Araw-araw nagiiba ang kanyang
anyo!. Mula sa isang napakaliit na itlog, si Bolet ay naging bulate na parang isang
sinulid. Araw-araw siya ‘y lumalaki hanggang siya’y naging isang matabang bulate.
Nagulat ang mga laman-loob ni Joshua sa naging hitsura ni Bolet. Hindi nila
akalaing ang maliit na itlog ay magiging isang bulateng mataba at mapanganib.
“Ako si Bolet Bulate! Ako ang unang bulate sa tiyang ito! Sisimulan ko na ang
pagpaparami!” hiyaw ni Bolet Bulate. Sinundan ito ng tawang nakakilabot. “Hik-hik-hik-
hik!”
Takot na takot ang mga laman-loob sa kanilang narinig. Ngayon nalang sila
nakakita ng nilalang na ganon kapangit. Lahat sila ay nangingnig sa takot. “Naku,
magsisimula na ang salot!” kabang-kaba si Bing Bituka. “A-anong gagawin natin?”
naiiyak si Apendikiko Apendiks. Kinikilabutan ako sa hitsura niya! Para akong
masusuka!” hiyaw ni Sebyong Sikmura.
“Kay babaho ninyo talaga!” At tinakpan pa ni Bolet ang kanyang ilong. Gigil na
gigil ang lahat ng laman-loob sa bulateng ubod ng yabang. Pero wala silang magawa.
Nakapasok na si Bolet sa kanilang teritoryo.
“Kakampi ko talaga yang si Joshua! At lahat ng mga batang matigas ang ulo.
Kung naging masunurin siya, eh hindi sana ako nakapasok dito. Buti nalang, hindi niya
alam na ibang-iba ang anyo ko bago nagiging malaking bulate. “Hik-hik-hik!’
Kapag ako’y nakapasok sa tiyan ng isang bata mula sa itlog, ako’y naginging
larva parang sinulid na kikibot-kibot, kembot-kembot, iikot-ikot.
Isang araw, napansin ni Nanay Lea na hindi makakain si Joshua. Maputla ito at
nanghihina. Si KC naman na nagrereklamo na masakit ang kanyang tiyan.
“Ano kaya ang problema ng mga anak natin?” tanong ni Nanay Lea kay Tatay
Bilyo na alalang-alala rin. “Dati-rati’y napakalikot ng dalawang iyan. Bakit nagyo’y
napakatamlay nila?”
“Bukas na bukas din ay pupunta tayo sa doctor, baka kung ano na yan,” sagot ni
Tatay Bilyo.
Nang gabing iyon, nasa toilet si Joshua. Maya-maya? Bigla itong sumigaw.
“Bulate pala ang dahilan kung bakit ka nanghihina.” Sabi ni Nanay Lea.” Siguro,
may bulate rin ang kapatid mong si KC.”
“Huwag kang mag alala, pupurgahin natin sila,” sagot ni tatay Bilyo sa kanyang
asawa. At inihanda niya agad ang gamot-pampurga.
Suntok dito hampas doon. Hila dito, tulak doon. Sipa dito, tadyak doon. Natalo
ang mga batang bulate sa labanan. Nagising si Bolet Bulate sa hiyawan. Noon niya
nakitang maraming bulate na ang naninigas ang katawan. At ang iba nama’y
naghihingalo at nangigisay. Marami sa kanila ang namatay.
Nagmamadaling tumakas si Bolet Bulate. Nagtago-tago siya sa mga sulok-sulok
at gilid-gilid ng bituka para hindi sila makita ni Purico Purga. Kumapit pa siya ng
mahigpit kay Apendikiko Apendiks na halos himatayin sa takot. Pero inabutan din siya
ni Purico Purga.
Ilang sandali pa, ang mapanganib na si Bolet na nagpakitang gilas, ngayo’y isa
nang bulateng matigas. Nagwakas na ang panggugulo niya sa tiyan ni Joshua.
Sa wakas ay natuto na rin sina Joshua at KC. Lagi na silang naka tsinelas. Lagi
na rin silang naghuhugas ng kamay bago kumain at hindi na nila pinapahaba ang
kanilang mga kuko, dahil ayaw na nilang mgakroon ng bulate sa tiyan.
Samantala, patuloy pa rin nagaabang ang marami pang itlog ng bulate sa lupa.
Naghihintay sila ng mga batang ayaw magsuot ng tsinelas at maghugas ng kamay.
Papapasukin niyo ba sila?
Week 9 Day 1
May Lihim Kami ni Ingkong
By: Luis P. Gatmaitan MD.
Ako ang paborito ni Ingkong. Sa lahat kasi ng kanyang mga apo, ako lang ang
pasikreto niyang inaabutan ng singkwenta pesos. At saka ako ang may
pinakamaraming marka ng nganga sa pisngi dahil sa kanyang kakahalik. At sa tuwing
dadalaw kami ng aking pinsan sa kanyang lumang bahay na bato, ako ang una niyang
hinahanap.
“O, Peping, kayo ni Ingkong ang magkasama sa kwarto, ha!” Agad kong
tinanggal sa ulo ni Ingkong ang kanyang sombrero. Tuwang-tuwa ako dahil kasama ko
na sa bahay si Ingkong. “Naku, mapupuyat na ako sa maraming kwento ni Ingkong! At
hindi lang kwento tungkol sa mga engkanto at mga alamat. Paborito niyang ikuwento
ang panahon ng Hapon. Noong ginawang eskuwelahan ng mga Hapon ang ibaba ng
bahay na bato ni Ingkong nung giyera.
“Ingkong, magaling po ba mag-ingles ang mga Hapon?” “ Hu, mas magaling ang
mga kababayan natin apo..hindi nga nila mabigkas ang letrang L,” sagot ni Ingkong.
Pero nitong huling araw. Parang may kakaiba kay Ingkong. Minsa’y basta na
lamang siya nakatitig sa malayo. Minsan parang naliligaw. Itinatanong kung paano
babalik sa aming kuwarto mula sa banyo. Minsan, nalilimutan niya ang karugtong ng
kanyang kuwento.
Nang nagkalat siya ng kanin sa sahig, agad ko itong winalis. Nang maiwan ni
Ingkong nna bukas ang gripo sa banyo, munik nang bumaha sa loob ng bahay. Nag-
isip ako ng maikakatwiran para hindi mapagalitan. Pero nalaman din ni nanay ang lahat.
Isang araw, habang naliligo ako, narinig kong pinagsabihan ni nanay si Ingkong. “Itay
naman! pag naiihi kayo, magsabi kayo agad. Tignan nyo nagkalat sa sahig ang ihi”
Nangilid ang luha sa mga mata ni Ingkong. Kilala ko si Ingkong. Madali siyang
magtampo. Kahit malitong siyang humalakhak,madali siyang ,maiyak.
“B-buti pa kaya lampinan nyo nalang ako.” Lampin, diaper? Hindi ba para sa mga
baby lang iyon? Bakit magsusuot ng diaper si Ingkong? Naisip ko.
Minsan, inutusan ako ni nanay na bantayan ang adobong manok na niluluto niya.
Pero dahil gusto kong madaig sa tumbang preso ang pinsan kong si Ramil, ipinagbilin
ko kay Ingkong ang adobo.
“ E…hijo..sino k aba? Kanino …ka bang anak?” Dinilaan niya ako, ngumiting
parang bata, at ibinukas ang kanyang palad, “ Pengeng limang piso” “Ingkong, hindi nyo
ba ko kilala. A-ako po si Peping”
Tinignan lang niya akong mabuti. Akala ko, naninibago lang siya sa hitsura ko
(bagong gupit ako). Aba ako yata ang paborito niyang apo! Inisip ko, nakakalimutan ba
ang paborito?
Pero tumawa lang si Ingkong, saka ginulo niya ang aking buhok. At ipinatong
niya sa ulo ko ang sombrero buli!
Tinitigan niya ulit ako, sinalat ang aking mukha, parang may pilit na inaalala.
“Eh…sino bang… mas matanda sa ating dalawa, ha? Magkapatid ba tayo? I-ikaw ba..
ang panganay?”litaw ang iilan niyang ngipin habang nakangiti sa akin.
“Paanong nangyari yon na nandiyan pa ang kanyang katawan pero burado na
ako sa kanyang isip?. Hindi ko naman isinumbong si Ingkong sa nabasag niyang plato,
sa nasunog na adobo, sa sofa na naihian niya, sa gripong naiwan niyang
bukas…”tuluyan na akong naiyak.
Nang mga sumunod na araw, nakita ko kung paanong nakalimutan kaming lahat
ni Ingkong. Hindi na niya kami nakikilala. Para siyang taga ibang planeta. Pero kahit
ganoon, hindi ko siya pinabayaan.
Kapag naiihi siya, tinatawag ko agad si nanay para palitan ang kanyang lampin,
kapag kakain, sinusubuan ko siya at nang hindi makalat, kapag naglalakad, lagi ko
siyang hawak para hindi madulas, kapag nagkukuwento siya tungkol sa kabataan niya,
kunwari naiintindihan ko at kapag isinusuot ko sa kanya ang kanyang paboritong
sombrero, natatahimik siya. Parang may pilit inaalala.
ito. Dati, kay raming bunga nito, pero nagyon, ayaw ng mamulaklak. Lagas na ang mga
dahon, marupok na rin ang mga sanga…panahon na para magpahinga ang puno.”
“Hindi po ba galing ang mga yun sa mga bunga ng matandang manga?” tanong
ko. “Oo, Peping, sa lugar ng matndang puno, may mga bagong puno ng manga na
pumapali. Ganun talaga ang buhay. Sa pag-alis ni Ingkong, ikaw ang maiiwanan niyang
kapalit.
Niyakap ko nang nahigpit si tatay. Alam kong malapit na kaming iwan ni Ingkong,
mahina na ang kanyang katawan. Matandang-matanda na siya.
Nang pabalik na kami sa bahay, isinuot ni tatay sa akin ang sombrero ni Ingkong.
Week 9 Day 5
Naku! ang Pula ng Mata ko!
by: Luis P. Gatmaitan, MD.
Dit-dit-dit-dit! Dit-dit-dit-dit!
Tinatamad na inabot ni Tricia ang alarm clock. Pinindot para patigilin ang tunog
na nakakairita sa tenga. Sa isip-isip niya ala sais na. Oras na para gumising at
maghanda para sa eskuwela. “Tricia! Tricia! Aba’y bangon na, anak!” gising ng nanay
niya. “ Tatangahaliin ka!”sabad ng Lola.
Sa kusina, naririnig n Tricia ang kumakaskas na siyanse sa kawali. Naamoy na
rin niya ang pritong daing at sinangag. Naririnig rin niya ang pagtimpla ng kape ng mga
matatanda. Sa banyo , panay na ang buhos ng tubig ni Kuya Patrick mas maaga itong
nagigising kay Tricia.Pilit na idinilat ang isa pa. Ayaw! Magkadikit ang talukap at
pilikmata niya! Napaano?
“Nannnnaaaayyyy!!”
Nagmamadaling sumugod sa kuwarto ni Tricia si Nanay Tessie. “bakit Tricia,
anong nangyari?”
Nanay, ayaw dumulat ng isang mata ko. Tignan mo o, nakapikit!” Naiiyak na sabi
ni Tricia.
Tinignang mabuti ni Nanay Tessie ang namamagang mata. “Naku, anak, matindi
ang pagmumuta ng mata mo kaya nagkadikit ang mga pilikmata. Sore eyes yata!”
Nanlambot si Tricia sa narinig. Paano ngayon siya papasok sa eskuwela? Baka
pauwiin lang siya ng titser niya. Naalala niyang bigla si Boyet, ang kaklase niyang
nagka-sore eyes at kung paanong ayaw nilang lapitan ito sa takot na mahawa. At saka,
paano kung tuksuhin siya?
“Naku, may sore eyes si Tricia! Bilasa ang mata!” anunsyo ng Kuya Patick niya
sa buong bahay. “Baka tayo mahawa!”
Natapon ang iniinom na kape ng mga matatanda na kasalo ng tatay niya sa
mesa. Agad pumunta kay Tricia sina Lola Ada,Lolo Bayani, at Tatay Bong. Kanya-
kanya silang bigay ng payo.
“Sore eyes ba ka mo? Hilamusan ng ihi para mawala ang pamamaga!” payo ni
Lola Bayani.
“Mas mainam kung papatakan ng gatas ng ina ang mata!” payo naman ni Lola
Ada.
“Huwag kayong makikipagtitigan kay Tricia, baka kayo mahawa!’ gayon naman
ang sabi ni Tatay Bong. Napasimangot si Tricia sa narinig. Parang maiiyak.
“Kayo talaga, niloloko nyo pa si Tricia,” natatawang sagot ni Nanay Tessie. “Lolo,
baka pumanghi ang mukha ng apo ko kapag hinilamusang ng ihi. Lola, huwag n’yo
nang ihati sa gatas ng mga sanggol ang mga mata ni Tricia. At ikaw Bong, binibiro mo
pa ng bunso mo!”.
“Huwag kang mag-alala anak, at papatakan ng gamot ang mata mo. Gagaling
din iyan. konting tiis muna,” sabi ng Tatay Bong na ngayon ay seryoso na.
Namroblema si Tricia kung paano papasok sa eskuwela. Parang nakikita na niya
ang mga eksena sa eswkuwela. Bubuskahin siya ng lahat. Lalayuan na parng hindi
naliligo. Kaya ba niya iyon. Parang kailan lang ,siya ang nangungunang mambuska sa
kaklaseng dinapuan ng sore eyes. Wala palang puwera sa sore eyes!
Sa harap ng salamin, nag-isip ng paraan si Tricia para itago ang kanyang
namumulang mata. “Ilulugay ko itong buhok ko sa gawing kaliwa, pati ang mahaba
kong bangs, para matakpan ng kaliwang mata ko. Itong kanang mata naman ay hindi
namumula. “Ay hindi bagay. Para akong mangkukulam!”Lagyan ko kaya ng benda ang
isang mata ko. Kunwari ay nasugatan. “Ngii! para akong pirata!
“Hmmm, ano kaya kung mag suot ako ng magandang sombrero, yung malapad
para matakpan ang noo ko? “Hindi pwede, tiyak na mgatataka ang mga kaklase ko.
“Ano kaya ang magandang remedy? “ O anak, ingatan mo ang shades mo ha, “bilin ng
kanyang ina.
Suyang- suya si Tricia habang pasakay ng school bus. Halatang-halata tuloy na
may sore eyes siya. Sino ang maniniwalang nasisilaw lang siya sa araw eh
kasalukuyang umaambon? “ Randy Santiago. puwedeng patabi?” bukas pa ng kanyang
Kuya Patrick.
Sa eskuwela, pinayagan si Tricia na kumuha ng eksamen ng kanyang titser.
Pagkatapos ay pinayuhan siyang magpahinga na lamang sa bahay hanggang sa
gumaling. Habang naglalakad sa pasilyo, narinig niyang pinag-uusapan siya ng mga
estudyante roon.
Pustahan tayo, may sore eyes ang batang iyan kaya naka-shades!” “Oo naman,
ang sabi ko nga: Ang batang naka shades, asahan mo’t bilasa ang mata!”
Ikinukwento niya kay Nanay Tessie ang naging reaksyon ng mga malamang may
sore eyes siya. “Alam mo kasi, Tricia, madaling makahawa ang sore eyes. Lahat ng
bagay na hahawakan mo ay puwedeng pagsimula,” sabi ni Nanay Tessie. “Paano po
yun. Nay?
“Kunwari, nakusot mo ang mata mo nang hindi sinsadya. Kumapit na sa kamay
mo ang mikrobyo. Kung naipahid mo ito sa tuwalya, titira doon ang mikrobyo. Eh kung
aksidenteng nahawak nila ang tuwalyang yun, at pagkatapos ay nakusot nila ang
kanilang mata, tiyak na hawa sila!”
“Ay ganun po ba ? Ibig sabihin, may nahawakan ako na madumi?
“Oo, kaya dapat mag-ingat ka sa mga bagay na hahawakan mo. Kapag sore
eyes, ang dapat ay lagi kang maghuhugas ng kamay. Mahawakan mo man o hindi ang
mata mo, hindi mo maikakalat sa iba ang mikrobyo”.
“Eh, mahahawakan po ba ang kaliwaang mata ko ng kanang mata ko?”
pangungulit pa ni Tricia. “Depende kung ikukusot mo sa kabilang mata ang daliring
ipinangsalat mo sa matang may sore eyes.” “ Ay,oo nga po pala! Maghuhugas po ako
ng kamay palagi para isang mata ko lang ang may sore eyes. Ang hirap kasi ng may
sore eyes, Nanay, parang may buhangin sa loob!”
Maya-maya, pumasok si Kuya Patrick sa kuwarto ni Tricia. May kailangan siya
sa kanyang nanay. Nang makita nito ang namumulang mata ni Tricia,agad itong
nagpanic. “Ay. Tricia, may sore eyes ka nga pala! Huwag mo akong titigan! Ayokong
magka-sore eyes!” hiyaw ni Partick at nagmamadaling tumakbo.
“Naku Kuya, mali ka. Hindi nakahahawa ang sore eyes kapag tititigan lang.
Halika dito, ikukuwento ko sa iyo yung ikinuwento ni Nanay sa akin. Basta’t lagi kang
maghuhugas ng kamay, hindi ka magkaka-sore eyes!” paliwanag ni Tricia.
Nang hapong iyon, dala na ni Tatay ang gamot pamatak sa mata. Inalog-alog
muna niya ang mailit na botelya.Tapos ay hinatak niya pataas ang talukap ng mata ni
Tricia upang mailagay na ang gamot. “Tingin sa itaas….”Isa, dalawang patak..
Lumabong saglit ang paningin ni Tricia. Tapos marahan niyang pinalaro sa lawa
ng mata ang likidong ipinatak, iniiwasang matapon ito. Tapos ay dahan-dahan niyang
ikinurap ang mga mata.
“Ok ba ang pakiramda mo, anak?” “Opo, malamig pala yan sa mata. At mahapdi
nang konti. Siguro po, ganito ang ipinapatak sa mata ng artista para maiyak sa TV”,
sagot ni Tricia. “Hindi lamang minsan kundi maraming beses ka pa naming patakan ng
gamot sa mata hanggang mawala na ang pamumula.” paalala ng kanyang Tatay.
Kinabukasan, nang magising si Tricia, agad niyang pinakiramdaman ang
kanyang mata. Baka maiwang nakapikit ulit yung isa. Pero sabay nag dumilat ang mga
ito. At ang tignan niya ito sa salamin, napansin niyang parang nabawasan na ang
pamumula nito. Nagulat si Tricia nang biglang pumasok ang kanyang lolot’lola sa
kuwarto niya. “ Apo, may dala akong gatas ng ina. Hiningi ko sa ating kapitbahay na si
Aling Ason na kapapanganak lang. Pamatak sa mata,” bungad ni Lola Ada. “Ako
naman, apo, may nakulekta na akong ihi ni Patrick para pamahid sa iyong mata,” sunod
naman ni Lolo Bayani.
“Salamat po, Lolo, Lola, pero hindi ko na po kailangan ang mga iyan. May
ipinapatak na pong gamot si Tatay. Gagaling na po ako. At saka nga pala, naghugas na
po ba kayo ng inyong kamay?”
Nagkatinginan sina Lolo Bayani at Lola Ada.
Week 9 Day 3
Si Hugo
By: Charles Funk
Ang hunyango ay may pambihirang katangian. Nagiging kakulay ito ng bawat
makapitan. Dahil dito, ang hunyango ay mahirap makita ng kanyang kalaban. Pero
itong si hugo ay naiiba sa mga kasamang hunyango.
Sa halip maging kakulay ang kanyang makapitan, ang kulay ni Hugo ay magiging
kabaligtaran, kaya kitang kita siya ng iba.
Iniligtas ng mga kasama si Hugo. Pero nagreklamo ang mga ito. “muntik ka ng
mapahamak, Hugo. Bakit kabaligtaran ang nagiging kulay mo?”
Muling nagtago sina Hugo sa bayan ng naging asul ang damit. Naging asul ang
kulay ng kanyang mga kasama, pero si Hugo ay naging kahel. Kaya si Hugo ay agad
napansin ng uwak na naghahanap ng pagkain.
Iniligtas ng mga kasama si Hugo. Pero nagreklamo ang mga ito. “ bakit naging
baligtad ang kulay mo, Hugo? Muntik na tuloy mapahamak ang ating grupo!”
Nagtakbuhan sila sa dayaming dilaw. Ang lahat ay naging kulay dilaw maliban
kay Hugo na naging biyoleta ang kulay. Nakita siya ng naistorbong kalabaw at si Hugo
ay bigla nitong sinlakay.
Iniligtas ng mga kasama si Hugo. Pero nagreklamo ang mga ito. “ Talagang
pahamak ka Hugo? Anong klase kang hunyango?
Umuwi sa tiraha sa gubat ang grupo. Pagod na pagod sila sa kaliligtas kay Hugo.
Galit na galit sila kay Hugo dahil sa maling pagpapalit kulay nito. Nang gabing iyon,
hindi makatulog si Hugo.
Walang anu- ano’y naka amoy ng usok si Hugo. “ nasusunog ang gubat!”
nagising at nalito ang lahat ng hunyango. Dahil itim ang kulay ng usok. Naging itim ang
kulay ng lahat ng hunyango.
Pero hindi naging itim ang kulay ni Hugo. Pagkat naging puti ang kanyang
naging kulay, si Hugo ay agad nakita ng mga kasamahan. Sinundan siya ng mga ito sa
ligtas na daan, palabas sa nasusunog nilang tirahan.
Week 10 Day 5
Alamat ng Saging
At sa bisa pa rin ng kanyang engkanto ay nakalapit siya kay Sorina nang hindi
namamalayan ng dalaga.
Tumutulo ang luha ni Sorina. Lumuluhang yumakap nang buong higpit si Sorina
sa binata.
Ang mga blusang ginagawa ni Juana ay laging masikip sa bandang dibdib, mas
mataas kaysa pusod ang laylayan, masyadong maluwag sa leeg, o mas maigsi ang isa
sa mga manggas. Nagagawa lamang ng kanyang tatay na isuot ang pantalon nito na
kapag tumatalon ito at sabay na ipinapasok ang dalawang paa, at ang kanyang nanay
naman ay naisusuot lamang ang palda nito kapag pinipigil nito ang hininga.
“Pero, Nanay, hindi ko talaga kayang maghabi at manahi ng matino. Siguro mas
magiging mahusay ako sa pangingisda,” paliwanag ni Juana.
Panay ang tutol ni Nanay buong almusal, ngunit desidido si Tatay na turuan si
Juana na magisda, kung iyon ang gusto niya. Sa sandaling nasumpungan ni Juana ang
sarili sa laot, naramdaman niya ang pagiging mas maginhawa sa matibay na bangka ng
kanyang Tatay kaysa nakakalitong habian ng kanyang Nanay at sa mga kahon nito ng
mga karayom at sinulid. Sa paggabay ni Tatay, sumagwan si Juana palaot sa dagat.
Pinainan niya ang kanyang mga taga, inilawit ang kanyang mga pamingwit, hinatak at
hinapit ang umaalagwang huli, at nag-uwi ng tatlong maliliit at matatabang isda para sa
hapunan.
Isang araw, nagsagwan si Juana papunta ng laot hanggang sa ang mga tao sa
paligid ng dalampasigan ay naging kasinlaki na lamang ng kanyang kamay. Hanggang
doon lang siya makapagsagwan bago mapagod ang kanyang mga braso. Pagtingin
niya sa paligid, nakitang niyang sa mas malayo ay higit na mas maasul ang dagat.
“Tatay, sa tingin mo ba’y mas malalaki ang mga isda roon?”tanong niya sa
kanyang Tatay, at itinuro ang bahagi ng tubig na kasingtingkad ng tina na ginagamit ng
kababaihan sa pagkukulay ng sinulid para maging asul na katulad ng tinta.
“Oo,” sagot nito. “Kapag mas asul ang tubig, mas malalaki ang mga isda.”
“Paano ninyo nalaman? Wala ni isa sa isla ang nakapagsasagwan ng ganyan
kalayo,” wika ni Juana.
Noong bata pa ako, pumalaot minsan ang iyong Lolo hanggang sa ang mga tao
sa dalampasigan ay kasinlaki na lamang ng kanyang hinlalaki,” sagot nito. “Wala na
siyang lakas para magsagwan pauwi, kaya nagpaanod-anod siya sa dagat nang ilang
araw bago siya natagpuang natutulog sa kanyang bangka, yakap ang pinakamalaking
isda noon lang nakita sa isla. Wala nang iba pang nakarating sa pinakaasul na bahagi
ng laot mula noon.”
Hinagupit niyon ang mga kumot sa banda rito at sa banda roon, halos hugutin na
ang mga ito mula sa sampayan at tangayin sa himpapawid.
Pagkaraan ng ilang araw, pumalaot si Juana at ang kanyang tatay lulan sa isang
bangkang kakaiba sa lahat. Iyon pa rin ang bangkang laging ginagamit nila, pero sa
gilid niyon ay nakalaylay ang anim na kumot na pinagtagni-tagni, nakasabit sa isang
balangkas na umiikot ng pakaliwa at pakanan. Ito iyong mga kumot na gawa ni Juana,
iyong mga masyadong maigsi at makitid; at ang mga butas ay tinagpian ang mga
pirasong galing sa mga pantalong tinatalon ng kanyang tatay at sa mga wala sa tamang
sukat na palda at blusa ng kanyang nanay.
Pinaikot ni Juana ang balangkas para masalo nito ang umiihip na hangin.
Malakas na sumalpok iyon sa mga kumot at itinulak ang kanilang maliit na bangka sa
laot. Hindi nagtagal, natagpuan ni Juana at ng kanyang tatay ang kanilang mga sarili sa
pinakaasul na bahagi ng tubig, malayong-malayo sa dalampasigan kaya ang mga taong
nakatayo roon ay tila mas maliit pa sa hinlalaki ni Juana.
Week 10 Day 2
Isang araw, dumating ang isang lalaki. Nakita ni Juanito ang lalaki. Ibang-iba ang
dumating na lalaki.Mas mabilis lumakad ang lalaki. Masaya ang mukha at may kulay
ang damit nito!
Ibig maupo ng lalaki. puro alikabok ang mga upuan sa tindahan. Nilinis ng lalaki
ang isang upuan. Nilinis niya pati ang sandalang ng upuan. Nagulat si Juanito. May
kulay pala ang upuan. Kulay pula ang upuan!
Nilinis din ni Juanito ang isang upuan. kulay asulang upuan niyang nilinis.
Tuwang-tuwa si juanito sa paglilinis.
May dumating na ibang mga bata. Nilinis din nila ang isang upuan. Kulay dilaw
naman ang upuan nilang nilinis. Tuwang-tuwa sila sa paglilinis.
Kumuha ng panlinis ang mga bata. May kumuha ng walis. May kumuha ng
basahan at tubig. May kumuha ng eskoba at bunot. Nilinis nila ang mga dingding ng
bahay. Tuwang-tuwa sila sa mga kulay ng dingding. May dingding na kulay pula. May
dingding na kulay asul. may dingding na kulay dilaw.
Nilinis nila ang mga halaman. Kulay berde ang mga dahon ng halaman. Sumigla
ang mga halaman. Nilinis nila ang mga bulaklak. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak.
May bulaklak na kulay lila. May bulaklak na kulay kahel.
Kumuha ng hagdan ang lalaki. Umakyat siya sa hagdan at nilinis ang langit.
Lumitaw ang kulay ng ulap. Lumitaw ang kulay ng araw. Lalong sumaya ang paligid.
Lalong lumitaw ang mga kulay sa liwanag ng araw. Nagising ang mga tao sa nayon ng
Alikabok. Nahinto sa paglalasing ang mga lasenggo. Nagulat sila sa nakitang mga
kulay. Tulong-tulong silang naglinis sa paligid.
Mula noon, Masaya na si Juanito. Masaya na rin ang buong nayon. Hindi na
tamad ang mga tao. Binago nila ang pangalan ng kanilang nayon. Ngayon, Bahaghari
ang bagong pangalan ng kanilang nayon. Malinis at Masaya ang nayon ng bahaghari.
Week 10 Day 1
Si Pagong at si Matsing
Si Wako
Umuwi si Wako.
magbabago.
Week 11 Day 1
Marahil nagtataka kayo kung bakit naging apat ang mukha ko. Nag-iiba-iba kasi
ang aking mukha ayon sa nararamdaman ko. Minsan ako ay masaya, kapag di ako
masaya, ako ay malungkot, hindi naman ako laging malungkot, hindi rin ako laging
masaya. Minsan ako ay nagagalit din. Galit na pabigla, para bang nabigla. Iba naman
kapag galit na galit ako, hindi talaga ako masaya. Kapag ako ay nabigla, may halo itong
masayang mukha, minsan naman kapag ako’y nabigla, may kahalo itong malungkot na
mukha.
Apat rin ba ang inyong mukha? May mukha ba kayong masaya, malungkot, galit
at nabigla? O lagi ka bang malungkot? Lagi ka na lang bang masaya? Sa bawat
nadarama iba’t-ibang mukha ang makikita- masaya, galit, malungkot at nabigla.
Week 11 Day 2
Mga Tanong:
Week 11 Day 3
Noong unang panahon, may tatlong lalaking kambing ang nakatira sa isang
malawak na bukirin sa paanan ng bundok. Sila ay sina Malaking Lalaking Kambing,
Gitnang Lalaking Kambing, at Maliit na Lalaking Kambing.
Simula noon, palagi nang nagpupunta ang tatlong lalaking kambing sa kabilang
ilog upang kumain.
Week 11 Day 5
Dumapo dito si Uwak upang uminom, ngunit hindi umabot ang kanyang tuka sa
tubig. Nagpalinga-linga ulit si Uwak para humanap ng makakatulong sa kanya.
Nag-isip si Uwak kung paano siya makakainom sa bote. “ Aha! Alam ko na!”,
sabi ni Uwak at lumipad siya sa may batuhan. Kumuha ng isang bato si Uwak at nilagay
sa may bote.
Sinubukan ulit ni Uwak na uminom sa bote ngunit hindi parin abot ang tuka nito.
Ipinasok ni Uwak ang kanyang tuka at uminom ng tubig. Halos maubos ni Uwak
ang laman ng bote sa sobrang uhaw at pagod
May isang prinsipeng malungkot, sa buhay niya ay bagot na bagot. Madalas siya
ay nakasimangot. Kaya ang kanyang Amang Hari ay madalas mapakamot sa ulo nitong
panot.
“Bakit ka nga ba malungkot? Bakit lagi kang nakasimangot? Gayong ang palasyo
ay maraming payasong nagpapasaya sa iyo.”
“Lahat kayo ay making! Ang ating Hari’y humiling- Kung sinuman ang
makapagsasaya sa prinsipeng malulungkutin, ginto at pilak ay kanyang bibitbitin.
Huwag lang kalilimutan, balato para sa akin.”
Mula sa tumpok, isang bata ang sumulpot. May kasama itong asong putol ang
buntot. “Ano ang magagawa ng isang batang maliit? Tila naliligaw ang bubuwit na ito!”
“Salamat po, Mahal na Hari. Ngunit ang ginto at pilak na ito ay hindi lamang para
sa akin, ito’y nararapat sa katulad kong dukha ipamahagi.”
“Salamat Mario, at sa iyo rin, Poldo. Tunay nga kayong mabubuting kaibigan.”
Pagpapasalamat ng batang prinsipe.
Week 12 Day 2
Alamat ng Bawang
by: Segundo D. Matias Jr.
Week 12 Day 3
Marami ang naiinggit kay Bubwit. Lagi siyang may baong keso sa pagpasok sa
eskwela. “Heto, tikman ninyo,” alok niya sa mga kaklase.
“Inay, ang ganda po ng sumbrerong ito. Salamat po,” sabi naman ni Bubwit.
“Isuot mo ito sa kaarawan mo ha?” sabi ng nanay niya..
Masarap ang buhay ni Bubwit. Hindi problema ng pamilya niya ang pera.
Nakakain niya ang lahat ng kesong gusto niya.
Natutuwa naman ang mga magulang ni Bubwit sa kanya. Nag-aaral kasi siyang
mabuti. Matataas ang kanyang marka.
Ang akala ni Bubwit ay walang katapusan ang kanyang ligaya. Hanggang iusang
araw ay umuwing malungkot ang kanyang ama... Natanggal ito sa trabaho...
Kailangan nilang magtipid. Iyon ang sabi ng ina ni Bubwit. Paunti-unti na rin sila
kung kumain ng keso.
Ubos na ang keso nila. Wala na silang pagkain. Wala na ring pambaon sa
eskwela si Bubwit. “Okey lang po kahit wala akong baon inay.” Ang sabi ni Bubwit
Maraming kaibigan ang naawa kay Bubwit. “ Talagang ganyan ang buhay.
Minsan naman ay naranasan kong kumain ng mga masasarap na keso,” aniya sa
kaibigan.
Sinikap naman ng tatay niya ang gumaling agad.” Kaya ko na ang katawan ko,
anak. Maraming salamat sa pag-aalaga mo, pasensya na at hindi ka na nakakakain ng
keso.” Ang sabi ng kanyang ama. “Mas mahalaga po sa akin ang gumaling kayo.
Pwede naman po akong mabuhay ng walang keso.” Tugon ni Bubwit
Maayos na muli ang buhay nina Bubwit. Nalampasan nila ang mabigat na
pagsubok. “Inuwian kita ng keso,” ang sabi ng tatay ni Bubwit. “Salamat po itay.”
Week 12 Day 4
Ang Maliit na Pulang Inahing Manok
Week 12 Day 5
Isang umaga, habang suot ang kanyang malapad na sombrero, binisita ni Vilma
ang kanyang taniman. Masayang-masaya siya! Ang kanyang taniman ay punung-puno
ng mga hinog na ubas.
“Kailangan ko ng mga taong tutulong sa akin para anihin ang mga ubas!” ang
sabi niya.
Nagmadali sila sa pagkuha ng mga ubas. “Tandaan ninyo,” sabi ni Vilma, “ang
unang makapagdadala ng basket sa sasakyan ang siyang makakakuha ng papremyo.”
“Kailangan natin ng sasakyan para madala ang mga ubas sa pagawaan ng alak.”
Nagmamadaling dinala ng mga manggagawa ang mga basket sa sasakyan. Pero isa sa
kanila ay nadulas at tumapon lahat ang ubas sa lupa.
“Naku! Ang mga ubas ko, ang mga ubas!” paiyak na nasabi ng ikapitong lalaki. “Tulong!
Tulong!”
Tinawag ni Vilma ang iba pang mga lalaki. “ Tara, Tulungan nyo kami!”.
Kaya naman ang mga lalaki ay nangagmadaling tumakbo at tumulong sa pagkuha ng
mga ubas.
Pero bumagsak na ang malakas na ulan. Naging madulas at maputik ang daan.Subalit
si Vilma at ang pitong kalalakihan ay narating pa rin ang sasakyan.
Lahat ay masaya dahil sa wakas ang mga ubas ay handa na upang gawing alak.
Week 12 Day 1
Hipon at Biya
by Carla Pacis
Si Biya naman na binabantayan ang lungga mula sa mga nais mang- abala.
Kaniya ring tinitiyak na ligtas si Hipon mula sa malalaki’t gutom na isda na sarap na
sarap sa manipis nitong balat. Tuwing may papalapit na malaking isda, agad na
ipipilantik ni Biya ang buntot ng ilang beses. At si Hipon, na malabo ang mata, ay
nagmamadaling pumasok sa lungga upang makaiwas sa panganib.
“Mabuti naman,” sabi ni Biya, na masayang- masaya rin dahil siya’y nakauwi na.
“Kailangan naman kita para ipagbungkal ako ng bahay. Lahat ng ibang Hipon ay may
kapares na at ang bahayang isda ay isang mapanganib at malungkot na lugar para sa
isang Biyang walang tirahan,” dagdag ni Biya, sabay pilantik ng buntot ng tatlong beses
bilang babala na may isang gutom na gatasan na gumagala sa di kalayuang lugar.
Week 13 Day 4
Natuwa ang itik nang isa-isang mapisa ang kanyang mga itlog. Mula sa nga
itlog ay lumabas ang tatlong maliliit na mga bibe. May natirang isang itlog na ayaw
mapisa .
Matiyagang naghintay ang inang itik. Isang umaga ay sumilip ang mukha ng
isang pangit na bibe mula sa itlog. Ang pangit na bibe ay naging malaking katatawanan.
Nawalan tuloy siya ng tiwala sa sarili.
Lagi siyang nagtatago kapag may mga bibeng dumadalaw sa kanilang bahay.
Maging ang mga kapatid ay lagi siyang inaasar dahil sa kapangitan. Madalas tuloy ay
nakakagagalitan ang mga ito ng kanilang ina. Iniwasan tuloy siya ng mga kapatid.
Alam ng pangit na bibe na mahal siya ng ina .. Pero hindi pa rin niya maiwasan
ang malungkot. Hanggang magdesisyon siya ng maglayas na lamang. Inabutan ng
sama ng panahon ang pangit na bibe. Wala siyang masilungan kaya basang-basa siya.
Gininaw siya at nilagnat dahil sa pagkababad sa basa. Napulot ng isang magsasaka
ang pangit na bibe. Iniuwi siya nito.Inalagaan siya ng asawa ng lalaki. Pero
Isang araw ay narinig niya na gagawin siyang litson nito. Natakot
siya.Nagpasya siyang muling tumakas.Hinabol siya ng aso ng magsasaka kaya
binilisan niya ang pagtakbo.Sa pagtakas ay nakarating ang bibe sa isang lugar na
pinamumugaran ng maiilap na mga gansa.
Naging kaibigan niya ang nga ito. Isang umaga, ginising siya ng walang tigil na
mga putok na baril. Marami agad mga gansa ang napatay. Nagsiksik siya sa damuhan
na takot na takot. Nang umalis ang mga mangangaso ay nagmamadali suyang lumayo
doon.
Hanggang lumipas ang maraming panahon… Isang gabi, may grupo ng mga
ibong dumating sa kinaroroonan ng pangit na bibe. Magigilas ang mga ito kaya
hangang-hanga siya. Naisip niya kung anong uri ng ibon ang mga iyon.
Ibig niyang sundan ang mga ibon. Matibay na ang kanyang mga pakpak at
nakalilipad na rin siya nang matagal.. Minsang lumilipad ay may nakita siyang dalawang
magagandang ibon habang lumalangoy.
Naalala niya ang grupo ng mga ibon na hinahangaan niya. Laking gulat niya
nang sabihin ng mga ito na napakaganda niya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang
makita ang repleksyon.
Isa na nga siyang kaakit-akit at magandang gansa.
Week 13 Day 3
Noong unang panahon ay may isang pamilya ng mga oso na nakatira sa gubat.
Sila ay sina Tatay Oso, Nanay Oso, at Baby Oso. Tahimik silang namumuhay sa loob
ng gubat.
Isang araw, gumawa ng keyk si Nanay Oso. Dahil mainit pa ang keyk ay naisip
nilang dalawin ang isang kaibigan.
Nagutom siya nang makita ang keyk. Kinain niya iyon. Inupuan din niya ang
upuan ni Baby Oso pero nasira niya iyon.
Inantok si Goldilocks nang mabusog. Natulog siya sa kama ni Baby Oso. Nang
umuwi ang mag-anak na oso ay napansin nila na bukas ang pintuan ng bahay. Nagulat
sila nang makita si Goldilocks. Nagulat din si Goldilocks nang magising dahil naisip na
mali ang ginawa. Pinatawad ng Pamilya Oso si Goldilocks. Naging malapit na
magkaibigan sina Goldilocks at Baby Oso mula noon.
Ang Diyos na Si Merkuryo at ang Mangangahoy
Sinisibak ng mga mangangahoy ang isang natumbang puno sa tabi ng ilog nang
dumulas ang palakol mula sa kanyang pagkakahawak. Dumausdos ang palakol sa
rumaragasang ilog at lumubog.
Bigla, lumitaw ang diyos na si Merkuryo sa kanyang harap. Nagkataong ang ilog
ay pag-aari ng diyos. “Huwag kang mag-alala, sisisirin ko ang iyong palakol,” sabi ng
diyos sa mangangahoy.
Sinisid ng diyos ang ilalim ng ilog. Lumitaw uli ito pagkaraan ng ilang saglit
tangan ang isang palakol na yari sa ginto. “ Ito ba ang iyong palakol?” tanong nito sa
mangangahoy.
Muli, sumisid si Merkuryo sa ilalim ng ilog at lumitaw na tangan ang isang palakol
na yari sa pilak. “Ito ba ang iyong palakol?” tanong nito sa mangangahoy.
Lumitaw si Merkuryo na tangan ang isang palakol na yari sa ginto. “Ito ba ang
iyong palakol?” tanong niya sa mangangahoy.
Isang malakas na bagyo ang dumaan sa isang bayan. Lumaki ang tubig sa ilog
at tinangay ng baha ang ilang bahay na nakatayo sa pampang.
Dalawang takuri ang hindi nakaligtas sa baha. Ang isa ay yari sa luwad at ang
isa ay yari sa pilak.
Ngayon ay palutang-lutang sila kasama ang mga layak habang inaanod sila ng
rumaragasang tubig ng ilog.
“Kaibigan,” wika ng takuring yari sa pilak sa takuring yari sa luwad, “alam kong
natatakot ka. Kapag nabundol ka ay mababasag ka.”
Sa halip na lumapit ay lalong lumayo ang takuring yari sa luwad sa takuring yari
sa pilak.
Hindi nakaimik ang takuring yari sa pilak. Pinagmasdan na lamang niya ang
takuring yari sa luwad na ilayo pa ang sarili sa kanya.
Week 13 Day 2
Ulila na ang tatlong biik. Sila ay sina Bob,Bobby at Boy. Ang panganay na si Bob
ang nag-aalaga sa dalawang kapatid.
Responsable si Bob. Tinuturuan niya sina Bobby at Boy ng mga gawaing bahay.
“Pagpasok ko sa trabaho, kayo na ang bahala sa inyong sarili.”
Masipag si Bob. Iniipon niyang mabuti ang kinikita. Nang lumaon ay nagtayo siya
ng maliit na karinderya.
Marami ang nainggit sa tatlong biik. “Mga bata pa ay asensado na. masisipag
kasi” anang mga kakilala nila.
Isa sa mga naiinggit sa magkakapatid si Woffie isang lobo “Kaya lang sila
maunlad ay dahil nagkakaisa” aniya sa sarili.
“Kaya yumaman si Bob ay dahil tinulungan ninyo. Kung wala kayo wala rin siya”
sulsol ni Woffie kina Bobby at Boy.
“Iwan ninyo siya. Magtayo kayo ng sariling bisnes” sabi pa niya. Naisip ng
dalawang biik na tama si Woffie.
Ibinigay ni Bob ang hiling nina Bobby at Boy. Itinuro din niya ang sikreto niya ng
pag-unlad –kasipagan at wastong pag-iingat ng pera.
Nagtayo ng sariling tindahan sina Bobby at Boy. “Dapat ay pautangin ninyo ako.
Ako lang ang nagturo sa inyo !” ani Woffie.
Umuwi sa kanila sina Bobby at Boy. Ipinagtapat nila kay Bob ang ginawang
pagsasamantala ni Woffie.
Naisip nina Bobby at Boy na mali ang ginawa nilang pakikinig kay Woffie. Galit
na galit naman si Bob sa lobo.
Hindi na nagpakita si Woffie. Natakot siya sa maaaring gawin ng tatlong biik dahil
sa kalokohan niya
Week 14 Day 3
Lumipad sila sa kagubatan at nakita ni Fidel ang mga hayop na nasa gubat.
Nagpunta rin sila sa malamig na lugar. Lumipad sila ng lumipad, nilipad nila ang
buong mundo.
Week 14 Day 4
Isang masayang balita ang kumalat nang umagang iyon. “Napisa na raw ang
mga itlog ni Pawikan!” ang sabi ni Kuneho. “Siguradong kyut ang kanyang mga anak!”
“Sigurado iyon. Maganda si Pawikan, eh!”pakli ni Pabo. Maganda at kyut ang mga anak
ni Inang Pawikan.
Isa si munting pagong sa mga naging anak ni Inang Pawikan. Tulad ng mga
kapatid ay mabagal siyang kumilos pero matiyaga. “Kailangang humanap kayo ng
sariling pagkain. Ang ikabubuhay ninyo ay pawis ninyo manggagaling,” pangaral ni
Pawikan sa sa mga anak. “Ang mga bahay lang ninyo ang ibibigay namin ng inyong
ama.”
Sa magkakapatid, si Munting Pagong ang pinakamatiyaga. Hindi siya tumitigil
hanggang walang nakikitang pagkain. Tuwang-tuwa si Inang Pawikan sa anak.
“Inuwian kop o kayo ng pagkain, Ina,” ang sabi ni Munting Pagong. “Naku,salamat,
anak!”ang wika ng ina. Iba talaga si Munting Pagong dahil maalahanin din siya.
Maraming mga hayop ang natutuwa kay Munting Pagong. Siya ang ginagawang
halimbawa ng mga magulang sa kanilang mga anak. “Mabagal nga si Munting Pagong
pero matiyaga. Natatapos niya ang anumang gawain. Hindi katulad mo,” sermon ni
Amang Usa.
“Wala kang ginawa kung di pagmasdan ang maganda mong sungay sa tubig.”
Kung natutuwa ang matatandang hayop , naiinis naman ang mga batang hayop
kay Munting Pagong. “Ang liit-liit na ay ang kupad kupad pa!” asar na wika ng isang usa
sa kaibigan. “Ano ba ng nakakatuwa sa kanya? Ang pangit din naman!” “Kung gusto mo
ay gantihan natin. Masyado kasing mapapel ang munting Pagong na iyan!” Sambit ng
pangalawang usa.
Humanap sila ng mga kakampi. Natuklasan nila na marami palang mga batang
hayop ang naiinis din kay Munting Pagong. “ Laging siya na lang ang bida!” ang sabi ni
Baboy Ramo. “Tama pero Hindi naman niya nagagawa ang kaya nating gawin! Pakli ni
Unggoy. “Kung gayon,bigyan natin siya ng dahilan para hindi matapos ang kanyang
mga Gawain! Bigyan natin siya ng problema!” ni Usa.
Nag-isip sila Isip.Isip. Nagulat ang lahat nang biglang mapalundag si Usa. “Alam
ko na! sigaw niya. “Nakawin natin ang kanyang bahay at dalhin sa malayo! Tingnan ko
lang kung di siya mataranta sa paghanap.” “Oo nga. Mauubos ang oras niya sa
paghahanap kaya hindi niya matatapos ang kanyang mga gawain!” pakli ni Kabayo.
Gulat na gulat si Munting Pagong nang magising. “Nasaan ang bahay ko?”
tanong niya sa sarili. Nahilo siya sa kahahanap pero hindi niya Makita ang bahay. “
Ibong, tulungan mo naman ako,” pakiusap ni Munting Pagong. “Nawawala ang aking
bahay. Tulungan mo sana akong hanapin.” “Iyon lang pala, eh! Ako ang bahala,” ani
Ibon.
Nakaisip ng kapilyuhan si Usa at ang kakampi niyang mga hayop. “ Ito na ang
tamang pagkakataon para lubos tayong makaganti kay Munting Pagong,” ani Usa.
“Itatago nating mabuti ang bahay niya para hindi siya makadalo sa pulong. Tiyak na
kagagalitan siya ni Inang Kalikasan.” “Magandang ideya!” sambit ng lahat.
Sinamantala nina usa ang kahimbingan ni Pagong. Agad nilang kinuha ang
bahay ni Pagong. Tinulungan siya ng ibang hayop para itago ang bahay. “Ayos na !
Mabuti ang pagkakatago! Tiyak na hindi agad makikita !” saad ni Kuneho. “Parang
nakikita ko na ang itsura ni Munting Pagong bukas!” at nagtawa si Usa.
Wala si Ibon dahil maaga itong tumungo sa miting. Walang tumulong kay
Munting Pagong para hanapin ang bahay niya. Hindi siya makapunta sa pulong dahil
baka tanungin siya ni Inang Kalikasan ay wala siyang maisagot. Ibig nang maiyak ni
Pagong. Makalipas ang ilanpang oras ay nakita ni Pagong ang kanyang bahay.
Minabuti niyang dalhin na iyon sa lugar ng miting.
Hingal na hingal si Pagong sa pagmamadali. Halos hindi niya mailakad ang mga
paa. Mabigat ang kanyang bahay pero hindi naman niya basta maiwan. Ang nangyari
ay tapos na ang pulong nang dumating siya. Nalungkot siya. Nanghinayang siya sa
pagkakataon. Dapat sana ay nakita at nakausap niya si Inang Kalikasan. Nagulat pa
siya nang may magsalita mula sa likuran. “Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Inang
Kalikasan.
“Paumanhin po Inang Kalikasan! Nahihiyang sabi ni Pagong. “Hindi po ako
umabot sa pulong. Hinanap ko pa po kasi ang bahay ko.” “Bakit? Nasaan ang bahay
mo?” tanong ng diyosa. “Biniro po kasi ako ng mga kaibigan kong hayop. Itinago nila,”
sabi ni Pagong. “Pero wala naman po silng hangaring masama. Nagbibiro lang talaga.”
Walang maaring ipaglihim kay Inang Kalikasan. Alam nito ang lahat ng
nangyayari sa mga kabundukan, karagatan at kagubatan. Humanga siya kay Pagong .
Sa halip kasing isumbong ang mga nanloloko sa kanya ay pinagtakpan pa. “ Mula
ngayon ay wala nang maaring magbiro sa iyo,” wika ni Inang kalikasan.
Pinarusahan naman ni Inang Kalikasan ang mga hayop na nagkaisa laban kay
Munting Pagong lalo na si Usa. Hinayaan niyang hantingin ito ng mga mangangaso.
Week 14 Day 2
Masayang kinain ni Mario ang kanyang pagkain. May nakita siyang tatlong
giraffes at apat na pagong sa itaas ng mga lababo. “Paki-abot nga ang sabaw,” sabi ni
Mario sa giraffe na malapit sa kanya.
Pagkatapos mag almusal nagpahinga si Mario sa sala. Naupo siya sa pagitan ng
limang baboy na nasa sofa na nababasa, maya-maya tumabi din sa kanila ang anim na
unggoy.
“Oh, may limang bibe at walong isda akong kasamang maliligo. Ngayon lang ako
maliligo nang ganito” ang sabi ni Mario.
Bumaba si Mario sa silid kainan at tinulungan ang kanyang ama na ayusin ang
kanilang dadaling pagkain.
Week 14 Day 5
Si Langgam at si Tipaklong
By: Virgilio S. Almario
Tag-ani nga noon, maraming pagkain. Sagana ang bukid sa palay at tanim. Sabi
ni Tipaklong, "Ang sarap mag-aliw! Langgam, ang buhay mo ay huwag sayangin."
Isang araw, biglang bumuhos ang ulan. "Naku, bagyo yata!" ang sigaw ni
Langgam. Noon lang tumigil na maghanapbuhay saka dali-daling umuwi ng bahay. Si
Tipaklong naman ay nalito, nahinto sa kaniyang pagkanta at paglukso. Nagpayong ng
dahon at saka tumalon; Dahil walang bahay, nagsiksik sa damo. Lumakas ang ulan at
hindi tumigil. Nakatatakot pa ang lakas ng hangin. Maraming nasirang kahoy at
pananim at waring babaha sa buong bukirin. Dahil giniginaw at tiyan ay masakit, itong si
Tipaklong ay hindi nakatiis; Ang bahay ni Langgam, niluksong mabilis at saka kumatok
na naghihinagpis. Narinig ni Langgam ang tawag sa labas kaya ang pintuan ay
binuksan agad. Pasok si Tipaklong na hirap na hirap at mahahalatang mataas ang
lagnat. Naawa si Langgam sa kaniyang nakita. Ngayon, pobreng-pobre ang dating
masaya. Binigyan ng bagong damit ang bisita saka pinakain nang muling sumigla.
"Ako'y hiyang-hiya," sabi ni Tipaklong nang makalipas na ang ginaw at gutom. "Huwag
mag-alala," sagot ng tumulong, "Maraming pagkain ang aking naipon." At magmula
noon, Tipaklong na tamad ay hindi na nag-isip magsayang ng oras; natuto kay
Langgam na maging masikap para makaligtas sa anumang hirap.
Week 15 Day 2
Maya-maya’y, “Naku, tila uulan. Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Inang,
wika niya sa sarili.
Lumakad siya ng lumakad. Ngunit, hindi na niya alam ang daan pabalik sa
kanilang bahay. Takot na takot si Kuting.
“Naligaw po ako. Hindi ko alam ang daan pabalik sa aming bahay,” sagot ni
Kuting.
“Hindi ko po alam.”
“Paano kita maihahatid sa bahay ninyo? Hindi mo naman masabi kung saan ka
nakatira?
Nakita naman niya si Ibon. Pero hindi rin siya matulungan. Kasi, hindi niya alam
ang tirahan. Kaya naiwan si kuting na nag-iisa.
Mga Tanong:
Week 15 Day 5
“ Naiinggit sa akin gang mga talangka at uloulo dahil ako ang panginoon dito.
Bakit hindi ka bumaba para mapatunayan mong napakaganda ng lugar na ito? “
Nagpaunlak ang batang pagong. Humakbang siya palusong ngunit sumabit ang
isang paa niya sa isang nakausling ugat. Umatras siya at sinimulan niyang ilarawan ang
dagat sa batang palaka.
Week 15 Day 3
Ang Biskwit na Hugis Tao
by: Mike Tiria
Minsan may isang lola ang nagbasa sa kanyang mga apo ng isang magandang
kuwento na may aral, “ Tandaan ninyo, mga bata, huwag kayong lalayo sa bahay ninyo
at baka mapahamak kayo….. Sandali lamang, magluluto ako ng biskwit para sa inyong
minindal.. Abala ang lola sa pagluluto ng mga biskwit nang biglang marinig nito ang isa
sa mga bata sa sala ay nagsimulang magbasa ng panibagong kuwento: “Minsan may
taong luya ang umalis sa kanilang tahanan…Naibigan niya ang tumakbo at maglaro
maghapon…” patuloy ang pagkukuwento… Nagulat ang lola nang makitang tumalon
ang isa sa mga biskwit palabas ng pugon! Tumakbo ang taong luya sa bukid at nakita
niya ang matikas na baka..Inamoy sya nito at sabi’y, ‘Ibig kitang nguyain!’ Ang taong
luya ay tumakbo palayo….” Ang taong luya ay umakyat ng puno at nakita niya ang
mabirong unggoy… Inihagis siya paitaas nito at sabi’y, ang bango mo!” Bumaba ng
puno ang taong luya at tumakbong muli….Sumakay siya sa likod ng gansa at tumawid
sila ng lawa. Niyakap niya ang magandang gansa at hinagkan sa pisngi..Namula ito!””
Ibig kong tumawid sa lawa. Tulungan mo ako, magandang gansa. Alam kong mabuti
kang kaibigan.” Naglarong mag-isa ang taong luya, naghahanap ng kaibigan.
Hanggang sinapit niya ang tahimik na lawa at nakilala ang magandang gansa..”“
Tingnan mo , may lobong nag-aabang sa akin!’ Nagmakaawa ang taong luya sa
magandang gansa. Natakot siyang makain ng lobo.” Pinagaspas ng gansa ang
kanyang mga pakpak, natilansikan ang lobo! “Maraming salamat, magandang gansa;
sabi ng taong luya, “Ngayon makakatakbo na ako at hindi na muling uuwi kahit kailan!”
“Bago pa nakatakbo uli ang taong luya, tinuka siya ng gansa mula sa
likuran.Nagkadurug-durog ang taong luya sa lupa.” Wala na ang taong luya at di na
muling makakauwi pa,”isinara na ng batang tagapagkuwento ang libro. Galing sa
kusina si lola na dala ang plato ng biskwit. “ Hindi kayo maniniwala sa ikukuwento ko
sa inyo, tungkol ito sa nangyari sa kusina!”
Week 15 Day 4
Noong unang panahon, may isang tamad at matabang bata na ang pangalan ay
Juan. Nag iisang anak siya ng magsasaka at mananahi. Napakatamad ni Juan. Hindi
siya tumutulong sa mga gawaing bahay. Hindi rin siya tumutulong sa bukid. Kumain at
matulog lamang ang alam niyang gawin.
“ Juan, bumangon ka na. Kug mag bubuhos ng grasya ang Diyos ay siguradong
hindi ka makakakuha. “ ngunit hindi pinakinggan ni Juan ang kanyang nanay.
Bumabangon siya kapag oras na ng tanghalian at babalik din kaagad sa kama
pagkatapos kumain. Hindi din niya tinutulungan ang nanay sa paghuhugas ng mga
pinggan. Ginigising siya ng kanyang nanay tuwing umaga. Ngunit babalik din sa
pagtulog kapag tumalikod na ito.
Mas malaki si Juan sa kanyang mga kalaro. Lagi siyang tinutukso ng mga kalaro
tungkol sa kanyang malaking tiyan. Ngunit hindi ito pinapansin ni Juan. Marami pa rin
siyang kinakain.kaya, tumaba nang tumaba si Juan. Sinlaki na ng pakwan ang kanyang
tiyan, ngunit wala pa rin siyang pakialam.
Nalungkot nang husto ang mga magulang ni Juan. Kahit na tamad si Juan ay
mahal na mahal naman nila ito.
Samantala, sa sapa kung saan nakatira si Juan, mahal siya ng maraming hayop
na nakatira roon. Nagbago si Juan. Naging matulungin siya. Tuwing umaga, tumutulong
siya sa mga kaibigan niyang butiki sa pag iigib ng tubig.
Natuwa ang diwatang nagparusa kay Juan kaya ibinalik niya ito sa dati nitong
anyo. Pero dahil gusto niyang dumami ang matutulunging hayop na may malaking
tiyan, gumawa ang diwata ng marami nito.
Isang umaga, habang nananahi ang nanay ni Juan sa ilalim ng puno, nagulat
siya nang bigla siyang yakapin ni Juan. Nagbalik si Juan! Niyakap niya nang mahigpit
ang kanyang anak.
Napakasaya ni Juan nang makita ang kanyang mga magulang. Humingi rin siya
ng tawad sa hindi niya pagtulong sa mga ito sa mga gawaing bahay. Nangako si Juan
na tutulong na siya sa mga gawaing bahay. Mula noon, naging masunuring bata si
Juan. Sa tuwing makakarinig siya ng tunog ng mga palaka, naalala niya ang kanyang
nagging kaparusahan sa sapa at natuto siya mula sa parusang iyon.
Week 15 Day 1
Lila Diwata
Si Lila ay mabait na diwata. Mahal niya ang kalikasan. Inaalagaan niya ang lahat
ng yamang galling sa lumikha.
May tatlo naming makukuit na bata. Sila ay sina Ambet, Nonoy, at Anya
Ipinatawag sila ni Lila Diwata” Mahlin ninyo ang kalikasan .iisa alang ang ating
mundo.
Nagalit si Lila Diwata” Tignan ninyo ang inyong ginawa, ang dapat sa inyo ay
parusahan”
Ilang buwan pa ay damang-dama ng ng tatlong bata ang maga mali nilang ginawa.
Nawala ang mga matututlunging insekto at namatay ang mga maliliit na mga
hayop.
Natuwa sila nang bumalik si Lila Diwata. Ibinalik kasi nito ang lahat s adati.
Mula noon, nagging mabait na nag tatlong batang makukulit sa kalikasan.
Week 16 Day 3
Week 19 – Day 1
Teka, Linggo na naman. It’s mall time! At siyempre sa Timezone muna kami.
Zoom…! Beng! Beng! Kung hindi iyong kotse na animo ako ang nakasakay ay iyong
baril na malaki ang gusto ko! Si Ate naman, wala nang ginawa kundi magsayaw nang
magsayaw sa dance machine. At laging mataas ang score niya. At siyempre, ako rin!
Nauubos naming ang perang ibinibigay ni Mommy, kasi sinusulit naming ang paglalaro
naming.
Ewan ko ba, tuwing magtutungo kami sa mall, lagi na lang dumadaan si Mommy
sa isang tindahan. Kung anu-ano ang itinatanong. Hindi ko na maintindihan ang iba.
Minsan, Magsusukat, pero hindi naman pala bibili. Hay, at naiinis na yata ang saleslady
sa kanya. Kaya hayun, kung ‘di sa ukay-ukay ay sa Divisoria siya bumibili. Walang
aircon sa ukay-ukay; masikip ang mga daan at maraming tao sa Divisoria, kaya hindi na
niya kami isinasama roon. Magulo raw at maingay. Pero bakit nagtitiyagang magtungo
ang mommy ko roon? Bakit hindi na lang siya sa mall mamili? Dahil napakapihikan ni
Mommy, naisip ko. Wala siyang nabibiling damit o sapatos. Kasi isang pares lang ang
sapatos niya at tatlo lang yata ang blusa niya!
Linggo na naman! Siyempre, sa mall ang pasyal naming. Nagpabili ang ate ko
ng mga bagong damit ng Barbie doll niya. Ako naman, iyong helicopter na kagaya ng
sa kaklase ko – de remote! Lipad ditto! Lipad doon! Ang gara! Zoom! Beng! Beng!
Timezone uli! Chickenjoy uli! Itong si mommy talaga, hindi na naman um-order at
‘yong mga tira lang naming ang kinain niya. Dumaan na naman kami sa tindahan ng
mga sapatos. Hindi na naman siya bumili. Hihintayin daw niyang mag-sale.
Wow! Tatlong araw na lang at birthday ko na! “Mommy, ang gusto ko sanang
iregalo mo sa akin para sa birthday ko, ‘yong PSP. Maraming-maraming games iyon,”
pakiusap ko kay Mommy. “Luigi, anak, sobrang mahal yata n’on,” tugon niya.Siyempre,
nalungkot ako. Pero mahal na mahal talaga ako ni Mommy, dahil ibinigay niya ang
hiling ko! Yeheyy!!! Nakangiting ibinigay sa akin ni Mommy ang PSP at niyakap pa
niya ako. Ang gara ng PSP ko. Bagung-bago. Ipinagyabang koi to sa mga kalaro at
mga kaklase ko.
Isang araw, matutulog na sana kami ni Ate nang marinig naming kausap ni
Mommy si Tita Letty. “Bakit kasi hindi ka bumibili ng bagong blouse at sapatos? Lagi
na lang iyan ang suot mo. Baka akala ng mga tao, hindi ka nagpapalit,” sabi ni Tita
Letty. “Naku, Letty, hindi ka pa kasi nagkakaanak,” tugon ni Mommy. “Kapag mommy
ka na, ‘yong , ‘yong mga gusto at mga ipinabibili ng mga anak mo ang uunahin mo,
hindi iyong para sa sarili mo.” “Ha?” bulalas ni Tita Letty. Pareho kaming napanganga
at nagulat ni Ate Chie. “Minsan, kahit gusting-gusto ko nang kumain, sila na muna ang
pinapauna ko. Mas masaya ako kapag nakikita kong masaya sila. ‘Di bale na ako.
Sila ang kaligayahan ko…” Hindi ako nakaimik.Hindi rin nakapagsalita si Ate Chie.
Week 18 – Day 5
Tatlong araw ang nagdaan, katawan ko pa ri’y mainit. “Nasaan ka na ba, Inay?
Sana’y narito ka.”
Pero si Inay, sa Maynila naglalagi. Trabaho niya’y ‘di maiwan; hindi raw
pwedeng lumiban.Gusto niya raw mahusto ang kanyang sasahurin. Para din daw sa
amin ang perang kikitain.
Ngunit laking gulat ko nang si Inay ay dumating, may dala pang prutas para ako
raw ay gumaling. Pinainom niya ako ng gamut at ipinaghehele; sa masuyo niyang tinig,
ako’y nakatulog nang mahimbing. Sa kanyang mga yakap na napakahigpit, paggising
ko sa umaga, pagbangon ay walang sakit. Kirot ng kasukasuan agad ding nawala.
Hindi ko na nadama ang mainit na hininga.
Nagdaan ang ilang araw, ngipin naman ang sumakit. Aruuy, naku! Buong ulo
ko’y walang tigil sa pagpintig. “Inay!Inay!” aking sinasambit. “Nasaan ka , Inay? Sana
ay narito ka at aking kapiling.”
Nataranta si Tatay, sa dentista’y lumapit, upang ipabunot ngipin kong sumasakit.
Ngunit ang magang ngipin kailangan daw paghilumin. Dentista’y nagreseta lang upang
kirot ay pawiin. Hindi ko mapigilan ang iyak sa sakit; kaya si Inay niyakap na muli.
Hinaplus-haplos niya ang namamagang pisngi, ipinaghele-hele hanggang sa ako’y
mahimbing.
Aba! Parang magic! Nawala ang sakit! Kaya ako ay nagtanong, “Bakit mga
gamot ay walang bisa, kapag si Inay ay wala pa?”
Nagdaan ang mga araw – naku, tigdas naman! Napuno ng pantal ang aking
katawan. Mga kasama ko sa bahay, lahat ay nabahala; tinawag uli si Inay sa Maynila.
Kahit nasa malayo, dumating si Inay, dahil kailangan ko uli ang magic niyang tangan.
Doktor na tinawag at gamut na ininom, hindi matanggal nakakapit na pantal.
Ilang araw lang, sa aking palagay; itong tigdas sa katawan ko’y mawawalay. At
ako’y tumpak! Ako ay gumaling.Sa yakap at haplos ni Inay na magaling. Siya ba’y may
magic wand? O ‘di kaya’y anting-anting? Anong mayroon ka, Inay, mga sakit ko’y
gumagaling?
Kayo ay aking hahamunin na inyong hanapin, magic wand ni Inay pati na anting-
anting. Kung iyon ang kanyang lihim, ipakita sa akin. Dahil ang kanyang magic ‘di ko
alam kung saan galing. At kung hindi n’yo Makita, pinanggalingan ng mahika; kung
saan man niya nakuha, hindi na siguro mahalaga. Basta hiling ko lang lagi huwag
mawawala si Inay, dahil ang makapiling lang siya ang kailangan kong tunay.
Week 37 – Day 5
Kagila-gilalas na Kahon
by: Rene O. Villanueva
Lagi na silang sama- sama mula noon. Mula umaga hanggang gabi, nakababad
sila sa harap ng mahiwagang kahon. Pero ang sumusunod na pangyayari’y tunay na
kataka-taka...Dilat lagi si Didang at laging nakanganga.
Lahat ng mapanuod ni Titoy ay kanyang ginagaya. “Bili tayo niyan! Bili tayo
niyan!”Ang gusto ni Dondi’y gumasta nang gumasta.
Lalong nalito si Lola Felisa nang ang mga apo niya ay nag-away-away na. Bawat
isa’y gustong solohin ang kahong kagila-gilalas. Bawat isa ay may gustong palabas. Di
pa sana matitigil ang gulo....
Kung hindi nag-brown out! Nagsindi ng kandila si Lola Felisa. Sa gitna ng dilim,
nagtabi-tabing muli ang maglolola. Muli silang nag-usap-
usap.Nagkuwentuhan.Nagtawanan. Sa gitna ng dilim, sumambulat ang katuwaan. At
natuklasan nilang kahit wala ang mahiwagang kahon, Masaya sila dahil sama-sama.
Week 16 Day 1
Sa Ilalim ng Dagat
By: Augie Rivera Jr.
Kagila-gilalas ang mundo sa ilalim ng dagat. Iba’t ibang nilalang ang naninirahan
dito. Maliit at malaki. Bata at matanda. May kaliskis at wala.
Magkakaiba man ang anyo at kulay, namumuhay sila ng payapa at may
paggalang sa isat’ isa.
Isang umaga, nagulat ang lahat sa balita ni Pating, “May sakit si Dilis!”
Isang araw, namutla ang makukulay na Korales. “Baka sakit lang iyan ng
makukulay!” sabi ni Pugita.
“Kung gayon, ligtas kami”! pagmamalaki ng mapuputlang sina Igat, Hipon, Ulang
at Dikya.
Pero nanghina rin ang mga batang Etkelya, kaya lalong nalito ang mga taga
dagat.
Dumami nang dumami ang may sakit sa karagatan. Parang ospital ang ilalim ng
dagat. Nagpulong ang lahat upang pag-usapan ang lumulubhang kalagayan ng mga
taga-dagat.
“Palayasin natin ang mga maysakit para huwag tayong mahawa sa kanila”,
sigaw nina Pugita, Pating at Barakuda.
“Pero hindi natin tiyak ang pinagmumulan ng sakit,” katuwiran ng mga maysakit.
Halos bumula ang buong karagatan sa pagtatalo ng lahat. Hindi sila
magkasundo kung ano ang dapat gawin.
Pero nanaig ang mayayabang na sina Pugita , Pating, at Barakuda. Itinaboy nila
ang mga maysakit. Binakuran nila ang lugar. Nilagyan pa nila ito ng karatula: BAWAL
LUMAPIT SA MGA MAYSAKIT.
Isang gabi, biglang nanigas si Pugita. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga
galamay.
Pero dahil may sakit na rin si Pugita, agad siyang dinala sa bakuran ng mga
maysakit.
“Kailangan nating alagaan ang mga maysakit. Kailangan nating alagaan ang isa’t
isa”, ang sabi ni Dilis.
“Kausapin natin uli ang ating mga kasama” sabi ni Pugita. Marami akong dapat
ipaliwanag sa kanila.”
“Nagkamali tayo,” sabi ni Pugita. “Hindi natin dapat iniwasan ang mga maysakit.
Dapat inalagaan natin sila.”
“Kailangang matuklasan natin ang dahilan para mailigtas natin ang iba pa,” sang
ayon ng lahat.
Pinag-aralan nila kung paano nagsimula ang misteryosong sakit at paano ito
lumala.
Week 17 Day 2
"Inoy , baliktad ang tsinelas mo. Kailan ka ba matututo? "Inay, hayaan nyo na
pong baliktad ang tsinelas ko." "Inoy baka matalisod ka sa paglakad mo." "Inay mag-
iingat po ako nang hindi ako madapa kahit sa pagtakbo." Kahit saan, kahit kailan, ang
tsinelas ni Inoy ay baliktad. Para sa kanya ay mas masarap at masayang isuot ang
tsinelas na baliktad. Madalas, ang mga kaibigan niya'y nakangiti sapagkat mga daliri
niya sa paa'y nakausli.
Isang araw, tinawag siya ng kanyang itay. "Inoy, ibili mo ako ng pomada at
itama mo muna 'yang tsinelas mong baliktad kung ayaw mong ang sinturon ko ang
tumama sa puwit mo." "Opo, Itay." Lukot ang mukha ni Inoy papalabas ng bahay. Paa
niya'y nangangati dahil tsinelas niya'y hindi gaya ng dati. Sampung hakbang pa lang,
siya'y hindi na mapakali. Ang lakad niya'y paika-ika, ang pakiramdam niya'y daan ay
sira-sira.
Iba ang simoy ng hangin, iba rin ang kulay ng paligid. Nagulat na lamang siya
nang isang aso sa harap niya ay nagpakita.
"Sino ka? tanong ng aso. "Aso, nagsasalita? pagtataka ni Inoy." Ako si Inoy."
"Ako si Tayban!" Kasabay niyon, lumipad ang aso papaitaas. Nanginig si Inoy. Lumipad
ang aso kahit walang pakpak, parang ibon sa ulap na malawak.
Mayamaya'y isang maliit na ibon naman ang papalapit sa kanya. "Ano'ng
ginagawa mo rito?" bungad ng munting ibon. "Ha?" ang tanging nabigkas ni Inoy.
Naglakad ang ibon papalayo. Hinintay ni Inoy na lumipad ito. Subalit pakendeng-
kendeng lang itong lumakad. Dumampot ng bato si Inoy at ipinukol sa ibon. Akala niya'y
lilipad na ito ngunit kumaripas lang ng takbo.
Minasdan niyang mabuti ang paligid. Nasa itaas ang mga ugat ng puno.
Sayad naman sa lupa ang mga dahon at bunga ng puno. May mga paruparo, nakadapo
sa sanga. May mga bulaklak dumadapo sa paruparo. Si Inoy ay naglakad-lakad,
baliktad niyang tsinelas siya pa ring kinakaladkad. Siya ay nalilito, makita sana niya
kapitbahay nilang si Pepito. Gusto na niyang umiyak. Patutunguhan niya'y hindi tiyak.
"Bakit tanging ikaw ang lumalangoy nang tama?" sigaw ni Inoy sa isdang
nasa tubig. "Lahat ng klaseng langoy ay aking ginagawa, dahil malakas ang higop ng
tubig sa dulo ng ilog. Kapag ako'y hindi lumangoy nang tama, sa bangin ako'y biglang
mawawala."
Umiba na ng daan si Inoy. Iniisip niya'y dalawa na lang ang hahanapin niyang
tama upang kanyang inay ay muling makasama.
Napunta naman siya sa madamong halamanan. Tulad ng mga puno, ang
ugat ng mga damo sa langit nakaturo. Pagdating sa gitna, siya'y nabigla. Isang kumpol
ng dahon sa harap niya'y patalun-talon. Kitang-kita ni Inoy sa harap ng mga dahon ay
may dalawang mata na napakaganda. Nilapitan niya ang mga matang makislap subalit
ang mga ito'y tumalon. Ang mga matang makislap ay mga mata palang mailap.
"Huli ka!" sabi ni Inoy sa kanyang pagdakma. Mahigpit ang kanyang kapit,
mga dahon ay naiipit. Pagtanggal ni Inoy ng mga dahon, nakita niya'y mga puting
balahibo ng isa palang kuneho. "Bakit talon ka nang talon, balahibo mo'y nakatago sa
mga dahon?" tanong ni Inoy sa kuneho.
“Hoy, ipis! Bakit tatlo ang kailangan kong makita? Baka dalawa lang ay
pwede na”
Hi! Hi! Hi1 Masyado kang makulit, kung gusto mong makauwi huwag kang mapilit. Hi!
Hi! Hi! huli niyang narinig sa ipis.
Anong bagay paba ang tama? Kahit madilim na ang paligid, puro baligtad
padin ang nasisilip . Minasdan ni Inoy ang tsinelas niyang baligtad. Dahil sa kanyang
tsinelas siyay nalungkot at sa mundo ng baliktad siya’y nasuot..
“Inoy, Inoy!”
“Inay, Inay!”
Week 17 Day 4
Eto na si Kulasa
Becky Bravo
Ano ba naman etong si Kulasa? Pinabili lang ng suka ng nanay niya, kung saan-saan
na nagpunta.
Tingnan mo nga naman itong si Kulasa. Bibili lang ng suka, nagbihis pa.
Nagpalit na ng sapatos at bagong kamiseta, nilagyan pa ng laso ang
buhok niya. Hayan, masaya na siya sa kanyang hitsura. Nagtungo na
siya sa tindahan ni Aling Chona.
“Aling Chona, pagbilhan nga po ng suka.” Bati niya sa tindera. “ Uy, Kulasa, ikaw pala!”
sagot niya sa kanya. Pusturang-pustura tayo, ah. May party ka ba?
Naman, eh! Hanggang dito ba naman may tumatawag sa kanya ng
“ Kulasa” gayong “ Nicole” naman ang tunay na pangalan niya? “ Sinuot
Ko lang po ang bago ko kamiseta,” medyo nahihiyang sagot niya,
Sabay abot ng sampung pisong dala. “ Naku, nagdadalaga ka na yata! Parang kailan
lang , eh, galisin kang bata ! O, eto na ang order mong suka, “sabi ni Aling Chona.
“ Ipaplastik ko pa ba?”
“ Salamat po , huwag na, “sagot ni Kulasa. Sayang ang plastic
Kung iisang bote lang ang dala. Bakit pa?
Hindi alam ni Nanay kung sisigaw o tatawa. Umarya na naman itong anak niya. Maliit
pa ito’y ganyan na talaga. Gala. Makailang-beses nang sinubukan nito ang kanyang
pasensiya. Kaya nga binansagan niya itong “Kulasa.”
“ Kainan na!” sigaw ni kulasa, at nagsidating ang iba pang miyembro ng kanilang
pamilya. SI Tatay, si Ate At si Kuya. Tinanggal ni Nanay ang takip ng ulam na niluto
niya.
Mmmm!Mukhang masarap, ah! Tinusok niya ang hita ng manok at inilagay sa
Plato ni Kulasa.Paborito kasi ito ng bunso niya.
Week 17 Day 5
Klasmeyt
By: Centeno San Miguel
Pagdating sa leksyon hanga ako kay Leonor. Alam niya ng sagot sa lahat ng
mga tanong ni Titser Fely. Kaya tinutukso siyang Mis Ay Kyu ni Rigor. Siguro dahil
makapal ang kanyang salamin. At mahaba ang kanyang tirintas.
Saka gulat din ako kay Claro. Ang liit-liit- pero ang lakas ng boses.
Namememorya niya ang kahit mahabang tula.
Kaya kapag recess, kina Leonor at Claro ako sumasama. Nauupo kami sa ilalim
ng puno. “Klasmeyt,”ang tawag namin sa isat’isa. Hindi namin tinatawag na klasmeyt si
Rigor, si Gaya-gaya, at si Drowing at kahit si Lakwatsa.
Isang reses, naglaro kami ng harangang-taga. Sina Rigor ang taya. Naku ang
bilis-bilis ni Claro. Kahit si Titser Fely ay pumapalakpak paglusot ni Claro sa bantay nina
Rigor.
Ngunit napikon si Rigor, minsang lumusot si Claro, pinatid si Claro at nadapa ang
aking klasmeyt. Dumugo ang ilong ni Claro.
Salbahe talaga si Rigor, biro mo nilagyang ng babolgam ang silya ni Tiser Fely.
Siyempre, pag-upo ni Titser Fely ay nadikit ang kanyang palda.
Noo ko nakitang namula si Titser Fely. Parang sasabog na bomba. Iginala ang
nanliliit na mata sa buong klase. Lahat naman ay yumuko, pati ako, dahil natatakot din
kami kay Rigor.
Akala ni Rigor tatakbo kami. Pero bigla siyang sinuntok ni Claro. Sinundan ko
ang klasmeyt ko. Suntok ditto, sipa doon. Ang laki-laki ni Rigor. Pero hindi kami umatras
ng klasmeyt ko.
Iniwan namin si Rigor. Dumudugo uli ang ilong ni Claro. Masakit ang kanang
tainga ko. Marumi ang uniporme naming tatlo. Pero tiyak naming, hindi na haharangin
ni Rigor ang klasmeyt naming si Leonor.
Week 17 Day 1
Mapagmahal na Anak
Melinda G. Sinio
Sa isang malayong bayan may isang bata na sobra ang kanyang kabaitan. Isa siyang
mapagmahal na bata.
Siya si Mira..Lumaki siya na wala na ang kanyang ina.
Kaya ang kanyang madrasta ang kanyang kasama sa bahay..Pero malupit ito sa
kanya.
Lagi siya nitong pinagmamalupitan…utos dito…. utos doon… Siya lahat ang
gumagawa sa bahay..
Isang araw nagkaroon ng malubhang sakit ang kanyang madrasta. Isang mahiwagang
halamang gamot lang daw ang maaaring makagamot sa kanyang kinikilalang ina.
Kahit pa delikado ; kailangan ko makuha ang halamang gamot na iyon para kay ina.
Ang sabi ng bata na may mabuting puso..
Week 17 Day 3
Bilib na bilib ako kay Raquel. Sa lahat ng aking mga pinsan, siya ang aking
hinahangaan. Ang kulay ng buhok niya ay iba-iba. May asul, dilaw, at saka pula.
Pambihira talaga!
Hindi alam ni Raquel na naiinggit ako sa kanya. Maganda kasi siya. Makinis ang
kanyang balat. Kay puti-puti. May dimpol siya kapag ngumingiti. Hindi galawgaw kung
kumilos. Kay galing-galing niyang mag-Ingles. At yun pa nga, mayroon siyang
kakaibang buhok. Bakit kaya wala ako ng meron siya? Tuloy, pag ikinukumpara ko ang
sarili ko kay Raquel, parang ang layo layo ko.
Hindi siya maselan kahit ang bango-bango niya, at ako’y amoy araw. Palagi niya
akong hinahalikan! Hindi siya isnabera kahit taga-Maynila siya at ako’y tagabaryo. Siya
pa nga ang nauunang pumansin sa akin. At, hindi niya ako pingtaatawanan kahit mali-
mali ang Ingles ko.
Pero, napapansin ko, lagi niyang sinasabi sa akin, “Ana, Ana, mas mapalad ka.”
Aba’y bakit kaya?
Isang tag-araw, nainip ako sa kahihintay pero hindi siya dumating. Tinanong ko
si Tatay at Nanay kung magbabakasyon sa amin si Raquel. Hindi raw muna. Nasa
ospital daw kasi si Raquel.. sa aking isip noon, itinanong ko, “ Paanong dinalaw ng sakit
ang batang kay linis-linis?”
Mas lalo ba siyang pumuti? Nagtampo naba ang kaniyang mga ngiti?
Pero nalimutan ko agad iyon. Bigla ko kasing napansin ang kaniyang buhok.
Noong huli ko siyang nakita. Pinaghalong dilaw at pula ang kulay nito. Ngayon ay kulay
asul. Talagang iba ang pinsan kong taga- Maynila. Ang dating buhok na itim, nag-iiba-
iba. Pambihira!
Naging madalas ang pagluwas namin para dalawin si Raquel. At hindi puwedeng
hindi kami maglaro kapag kami’y nagkikita. Pero, doon nalang kami sa bahay nila. Hindi
na raw pwedeng maglaro si Raquel sa mga parke’t karnabal. Baka raw kasi siya
mahawa ng sakit ng ibang mga bata.
Inip na inip ako sa Maynila. Buti sana kung may naliligaw na alitaptap sa bakuran
nina Raquel. O kaya’y may maaakyatang puno ng sinigwelas. Kaya hayun, ang buhok
ni Raquel ang aking napaglibangan.
“Raquel, gusto mo, itirintas ko ng buhok mo?” Tatango siya, ngunit may paalala.
“ dahan- dahan lang ha!”
At, nagsimula akong magtaka sa kakaibang hibla ng kaniyang buhok. Bakit kay
galas? Bakit hindi madulas? Bakit parang nakaalsa ang mga buhok na yon? Sinalat ko
pa ang aking buhok para ikumpara. Hindi ito katulad ng buhok ni Raquel. Mas kagaya
ng manikang basahan ang kanyang buhok. A, baka ganoon ang sosyal na buhok!
Minsan. Habang inililipad ng hangin ang kaniyang buhok, may nasilip akong
kakaiba sa kaniyang ulo. Itinanong ko tuloy kung ano ang makikita sa ilalim ng kaniyang
makulay na buhok. Sabi niya, doon daw ay---- may kahariang nakatago, may
bahaghari, may mga taong maliit na napakakulit.
Blag!
Raaqqqquueeellll!
Walang kaharian.
Walang bahaghari.
Walang taong malilit sa ilalim ng kaniyang buhok. Kalbo si Raquel!.
Noon ko lamang nalaman kung ano talaga ang sakit ni Raquel. LU-KIM-YA,
ganon ang bigkas ni tita. Nagmamadaling sinugod nila si Raquel sa ospital. Baka
kailangan na raw siyang salinan ng dugo at bigyan ng panibagong gamot.
Umiyak ako ng umiyak kay nanay. “ Bakit ganon?” tanong ko. “Talagang ganoon”
sagot ni nanay. Kahit ang mga bata ay hindi puwera sa kanser.”At pinahid niya ang
aking mga luha.
Bigla kong naalaala ang madalas na sinasabi ni Raquel na mas mapalad daw
ako kaysa sa kanya. Noon ko lang yon naintindihan, hindi nga kami mayaman. Hindi
ako maganda o maputi. Pero , malusog ang aking katawan. “ ang kalusugan ay
kayamanan,” yan ang madalas na sabihin ni tatay.
Nang lumabas sa ospital si Raquel, mapula na naman ang kanyang mga pisngi.
May ngiti na ulit ang kaniyang mga labi.
Week 18 Day 2
Kung Dalawa Lang Kami
Noong ako pa lang ang anak, ang gusto ko’y naibibigay nilang lahat. Nang sumunod sa
akin si Mila, ang gusto nami’y naibibigay din nila.
Nang isilang pa si Norma, kumayod ng husto si Ama. Nang kabuntisan ni Ina kay
Carmen, naging problema ang pagkain.
Nang iluwal sa ospital si Perla, nahinto kami sa pag-aaral ni Mila. Nag-iba ang ugali ni
Ina. Nag-iba ang itsura ni Ina.
Kulang kami ng kasuotan. Kulang kami ng higaan. At akong pitong taong gulang ay
agad nasabak sa hanapbuhay.
Week 18 Day 5
May Magic si Inay!
By: Segundo D. Matias
Isang umagang hindi makabangon, kasukasuan ko’y di mawari ang sakit.
Katawan ko’y nanghihina at sa ginaw ay nanginginig. Hininga ko naman ay mainit
parang inaapoy pati bibig.
Ang Ate ko’y natataranta, ako ay binuhat, agad akong dinala sa malapit na
klinika. nagbigay nag doktor ng gamot sa lagnat. payo nito’y uminom dawn g tubig
maya’t maya.
Pero si Inay, sa Maynila naglalagi. Trabaho niy’y di maiwan, hindi raw pwedeng
lumiban. Gusto niya raw mahusto ang kaniyang sasahurin. Para din daw sa amin ang
perang kikitain.
Ngunit laking gulat ko nang si Inay ay dumating, may dala pang prutas para ako
raw ay gumaling. Pinainom niya ako ng gamot at ipinaghehele; sa masuyo niyang tinig,
ako’y nakatulog ng mahimbing. Sa kanyang mga yakap na napakahigpit, paggising ko
sa umaga, pagbangon ay walang sakit. Kirot ng kasukasuan agad ding nawala. Hindi ko
na nadama ang mainit na hininga.
Nagdaan ang ilang araw, ngipin naman ang sumakit. Aruuy, naku! Buong ulo
ko’y walang tigil sa pagpintig. “Inay! Inay! aking sinasambit. “Nasaan ka, Inay? Sana ay
narito ka at aking kapiling.”
Aba! Parang magic! Nawala ang sakit! Kaya ako ay nagtanong, “Bakit mga
gamoot ay walang bisa, kapag si Inay ay wala pa?”
Nagdaan ang mga araw, naku, tigdas naman! Napuno ng pantal ang aking
katawan. Mga kasama ko sa bahay, lahat ay nabahala; tinawag uli si Inay sa Maynila.
Kahit nasa malayo, dumating si Inay, dahil kailangan ko uli ang magic nyang tangan.
Doktor na tinawag at gamot na ininom, hindi matanggal nakakapit na pantal.
Ilang araw lang, sa aking palagay; itong tigdas sa katawan ko’y mawawala. At
ako’y tumpak! ako ay gumaling. Sa yakap at haplos Inay na magaling. Siya ba’y may
magic wand? O di kaya’y anting-anting? Anong mayroon ka, Inay, mga sakit ko’y
gumagaling.
Si Ana, si Bianca, at ako ay may dalawang bahay. Nariyan ang bahay ni Papa.
Nariyan din ang bahay ni Mama. Tuwing Lunes, Martes, Miyerkules at Huwebes,
nakatira kami sa bahay ni Mama. Tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo naman, nakatira
kami sa bahay ni Papa.
Gusto ko kapag nasa bahay ako ni Papa. Naglalaro kami ng mga tren at
eroplano ko. Kumakain kami ng pizza, hotdog, ice cream, at mami. Tinutulungan din
namin siyang kainin ang kaniyang kanin at pork chops. Gusto ko naman kapag nasa
bahay ako ni Mama. Nagdodrowing kami ng mga bulaklak at bahaghari. Kumakain pa
rin kami ng pizza, hotdog, ice cream, at mami. Tapos, tinutulungan namin siyang ubusin
ang kaniyang ensalada at pasta.
Sa bahay ni Papa, mayroon kaming oras para sa lahat - oras sa pagtulog, oras
ng paggising, oras ng pagkain, oras ng pag-aaral, at oras ng paglalaro. Marami kaming
dapat sundin sa bahay ni Papa. Hindi ko maalala lahat. Ang alam ko lang, dapat lahat
ay nasa tamang lugar. At saka lahat dapat gawin sa takdang oras. Sa bahay ni Mama,
may oras din kami para sa lahat. Pero bahala kami kung paano namin ito gagamitin.
Puwede kaming matulog nang maaga, puwede ring hindi. Puwede kaming kumain nang
marami o kaunti. Nag-aaral kami kung kailangan at naglalaro hangga't gusto namin.
Dalawa lang ang kailangang sundin sa bahay ni Mama:" Magsabi na totoo" at "Linisin
ang sariling kalat". Pero minsan,napapagod akong magpabalik -balik. naguguluhan din
ako. May mga damit at laruan ako sa bahay ni Papa, may mga damit at laruan ako sa
bahay ni Mama. Madalas makakalimot ako: nasa bahay ba ni mama ang pulang shirt at
tren ko? na kay Papa ba ang mga kahel kong medyas at gamit pampinta?
Minsan , nalulungkot din ako. Yung mga Papa at Mama ng mga kaibigan ko,
kasama nila sa iisang bahay. Bakit sina Papa at Mama ko hindi ganon? Isang araw,
tinanong ko si Papa, "Papa, bakit hindi tayo magkakasama nina Mama sa iisang
bahay?" ang sagot ni Papa, "Sa palagay mo ba, anak, maaaring maglakbay nang
magkasama ang mga tren at mga eroplano?" Ang sabi ko naman, "Umm . . . hindi
siguro. Sa lupa naglalakbay ang mga tren at sa langit naman ang mga eroplano."
Ngumiti si Papa at tinapik ako sa ulo.
Si Ana, si Bianca, at ako ay may dalawang bahay. Nariyan ang bahay ni Papa.
Nariyan din ang bahay ni Mama.
Week 18 Day 3
Sandosenang Kuya
By Russell Molina
Sandosena ang kuya ko. Iba-iba ang itsura iba-iba ang porma. May bilugan, may
malapad, meron din higante sa tangkad. May pormang artista, may pormang henyo, at
yung isa nama’y tinutukso naming isda( ang laki kasi ng mata niya). Pero kahit na iba-
iba ang kanilang hugis at itsura, iisa lang ang tawag ko sa kanila… kuya.
Laking gulat ko nang isang araw, lumapit sa akin ang pinaka matanda kong
kuya. “Noy, aalis na ako sa makalawa,” ang bungad niya. “Magpakabait ka, wag mong
pahirapan ang mga kuya mo ha.” “Saan ka pupunta kuya?” “Kailangan ko nang umalis
ng bahay. Nasa tamang gulang na ako ay kaya ko nang mag-isa.” Hindi ako
makapaniwala. Bakit kailangan umalis ni Kuya?
“Ganyan talaga, iho”, ang paliwanag ni tatay. Pag nasa wastong edad na’y
kailangang umalis na rito. Hindi ka naman titira ng habang buhay rito sa Bahay Kalinga,
di ba?
Oo nga pala, hindi ko nasabi sayo, sa Bahay Kalinga kami lahat nakatira. Dito
napupunta ang mga batang ulila na kagaya ko wala nang magulang o kamag-anak na
makakapag-alaga.
Dito kami dinadala upang sa kalye ay hindi magpagala-gala. Swerte nga namin
at nandito si tatay. Siya ang aming kinikilalang ama. Siya at aking sandosenang kuya
ang nakagisnan kong pamilya.
Darating ang araw, sabi ni tatay, na may iba pang mga bata na mapupunta rito.
Mga bago kong kapatid. Mas bata nga lang sila sa akin. At sila na ang magiging bunso.
“Iba-iba ang kanilang itsura, iba-iba ang kanilang porma,” dugtong ni tatay, “pero lahat
sila ay tatawagin kang… Kuya”.
Si Pilong Patago-Tago
“Bulaga! Nay, di nyo alam nandito lang ako! Nakatayo ako ng tuwid sa poste.”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo! Pilo! Gutom na ang alagang isda mo. Halika Pilo pakainin mo na ito.
Papasok na ako sa opisina.”
“Bulaga! Tay, di nyo po ako nakita no? Nandito lang po ako sa tuktok na
aparador”.
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? Pilo! Saan ka na naman nagsuot? Pilo? Pilo! Lumabas ka na! Malamig na
ang tanghalian mo. Kanina pa ito nakahain sa mesa.”
“Bulaga! ate Bebeng, di mo ko nakita no? Narito lang ako s loob ng tambak na
labada.”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? pilo! Nasaan ka ba talaga? Pilo? Pilo! Kailangan na nating umalis. Nariyan
na ang traysikel sa baba. Sige ka, mahuhuli na naman tayo sa klase.”
“Bulaga! Kuya Rey, di mo ko nakita no? Nandito lang ako sa gilid ng kama!”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Bulaga! di ninyo ko nakita no? Nakasiksik lang ako sa gitna ng aking mga
laruan!”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Bakit kaya di pa rin ako nakikita ni Inay? Ang tagal ko nang naghihintay.
Nakangangalay! Isang oras na yata akong nakayuko. sige na nga lalabas na ako.”
“Inaaayyy!!!”
“Tahan na anak.”.
Week 19 Day 5
Naku, natanggal ang bintana! Pilit kong ibinalik ang bintana sa dati. Pero biglang
dumaan si Muning! Sa gulat ko, nasubsob ako sa bahay-kubo. Ay! Bumagsak sa sahig
ang bahay-kubo. Umiiyak ako nang umiyak. Ang aking kubo sira na! Noon dumating si
lolo. “Dahil sa katigasan ng iyong ulo, nasira tuloy ang bahay-kubo mo.” Pinulot ni Lolo
ang nagkapira-pirasong bahagi ng bahay-kubo. “Sorry po, Lolo” ang sabi ko. Pinahiran
niya ang luha sa aking pisngi. “Tatandaan mo, hindi sa lahat ng pagkakataon, puwede
natin gawin ang mga bagay na nais natin. kung minsan, kailangan natin maghintay.
“Opo, Lolo.” Ginawa uli dumikit ang mga materyales bago ko iyon pinaglaruan. Tama si
Lolo. Hindi dapat madaliin ang mga bagay. Dapat matuto tayong maghintay.
Week 19 Day 1
Wow! Ang ganda ng T-shirt ng kalaro kong si Totet! Si Spider-man ang nakadikit
doon. Nagpabili nga ako kay Mommy. Siyempre, dahil mahal ako ni Mommy, ibinili niya
ako. At mas maganda pa dahil kumikinang iyon, hindi kagaya ng kay Totet.
Teka, Linggo na naman. It’s mall time! At siyempre sa Timezone muna kami.
Zoom…! Beng! Beng! Kung hindi iyong kotse na animo ako ang nakasakay ay iyong
baril na malaki ang gusto ko! Si ate naman, wala nang ginawa kundi magsayaw nang
magsayaw sa dance machine. At laging mataas ang score nya. At siyempre ako rin!
Nauubos namin ang perang binibigay ni Mommy, kasi sinusulit namin ang paglalaro
namin.
Ewan ko ba, tuwing magtutungo kami sa mall, lagi na lang dumadaan si Mommy
sa isang tindahan. Kung anu-ano ang itnatanong. Hindi ko na maintindahan ang iba.
Minsan magsusukat, pero hindi naman pala bibili. Hay, at naiinis na yata ang saleslady
sa kaniya. Kaya hayun, kung di sa ukay-ukay ay sa Divisoria siya bumibili. Walang
aircon sa ukay-ukay;masikip ang mga daan at maraming tao sa Divisoria, kaya hindi na
niya kami isinasama roon. Magulo raw at maingay. Pero bakit nagtitiyagang ang
Mommy ko roon? Bakit hindi na lang siya sa mall mamili? Dahil napakapihikan ni
Mommy, naisip ko. Wala siyang nabibiling damit o sapatos. Kasi isang pares lang ang
saatos niya at tatlo lang yata ang blusa niya!
Linggo na naman! Siyempre, sa mall ang pasyal namin. Nagpabili ang ate ko ng
mga bagong damit ng Barbie doll niya. Ako naman, iyong helicopter na kagay ng sa
kaklase ko- de remote! Lipad dito! Lipad doon! Ang gara! Zoom! Beng! Beng! Timezone
uli! Chickenjoy uli! Itong si Mommy talaga, hindi na naman um-order at yong mga tira
lang namin ang kinain niya. Dumaan na naman kami sa tindahan ng mga sapatos. Hindi
na naman siya bumili. Hihintayin daw niyang mag-sale.
Wow! Tatlong araw na lang at birthday ko na! “Mommy, ang gusto ko sanang
iregalo mo sa akin para sa birthday ko, ‘yong PSP. Maraming-maraming games iyon,”
pakiusap ko kay Mommy. “Luigi, anak sobrang mahal yata no’n,” tugon niya. Siyempre,
nalungkot ako. Pero mahal na mahal talaga ako ni Mommy, dahil ibinigay niya ang
hiling ko! Yeheyy!! Nakangiting ibinigay sa akin ni Mommy ang PSP at niyakap pa niya
ako. Ang gara ng PSP ko. Bagung-bago. Ipinagyabang ko ito sa mga kalaro at kaklase
ko.
Isang araw, matutulog na sana kami ni Ate nang marinig naming kausap ni
Mommy si Tita Letty. “Bakit kasi hindi ka bumibili ng bagong blouse at sapatos?” lagi na
lang iyan ang suot mo. Baka akala ng mga tao, hindi ka nagpapalit,” sabi ni Tita Letty.
“Naku, Letty, hindi ka pa kasi nagkakaanak,” tugon ni Mommy. “Kapag Mommy ka na,
‘yong, ‘yong mga gusto at mga ipinabibili ng mga anak mo ang uunahin mo, hindi iyong
para sa sarili mo.” “Ha?” bulalas ni Tita Letty. Pareho kaming napanganga at nagulat ni
Ate Chie. “Minsan, kahit gustung-gusto ko nang kumain, sila na muna ang pinapauna
ko. Mas Masaya ako kapag nakikita kong masaya sila.”Di bale na ako. Sila ang
kaligayahan ko..” Hindi ako nakaimik. Hindi rin nakapagsalita si Ate Chie.
Week 19 Day 4
Araw sa Palengke
By: May Tobias - Papa
Ngayong araw na ito, maaga akong gumising. Inaantok pa ako nang binihisan
ako ni Nanay. Sasama ako sa kaniya. Araw ng palengke ngayon! "Makinig ka nang
mabuti," ang sabi ni Nanay. "Humawak ka sa akin ng mahigpit, ha? Para hindi ka
mawala. At hindi puwedeng magturo ng ipabibili." "Opo, Nanay, pangako po," ang sabi
ko.
Mainit sa palengke. At saka maputik. Kaya pala gusto ni Nanay na maaga kami.
Masikip ang palengke kapag magtatanghali. Mababait ang mga tindera sa palengke.
Pinatikim kami ni Nanay ng kanilang sari-saring tinda. Pakwan. Lansones .Bibingka.
Pinuno nila ang aking maliit na bayong ng ibat-ibang bagay. Maraming makikita sa
palengke. May nakakatawa, may nakakatakot, at may magagandang bagay.
Hay!.. At ang isang magandang pulang kalan na may munting palayok. Ang
sarap maglutu-lutuan! Pero may pangako ako kay Nanay.
Week 19 Day 2
Bru-ha-ha-ha-ha-ha
Bru-hi-hi-hi-hi-hi
By: Ma. Corazon Remigio
Maniwala ka man o hindi, may kapitbahay ako na bruha. Ang pangalan niya ay
Mrs. Magalit. Patay ang buhok niya. Mala-alambre ito. Malaki ang butas ng kanyang
ilong. Matalas siyang tumingin. Pero maganda ang kanyang mga ngipin. Puting-puti at
kumikinang kung siya ay tumatawa…..
“Bru-ha-ha-ha-ha…..
“Bru-hi-hi-hi-hi…
“Bru-ha-ha-ha-ha…..
“Bru-hi-hi-hi-hi…
Humahagikgik siya habang kinukurot ang mapintog kong pisngi.
Bakit ko nasabi na bruha si Mrs. Magalit? Hindi dahil mukha siyang bruha at
ibang klase tumawa kundi dahil hindi siya pumapasok sa bahay naming kapag may
walis sa may pintuan. Sabi ni lola ( sumalangit nawa ang kaluluwa niya) ang mga bruho
at bruha ay takot sa bahay na malinis. Panangga laban sa kanila ay walis tambo sa
may pinto.
Mayroon pang dahilan. Kaliwang kamay ang pansubo ni Mrs. Magalit. Ganyan
daw ang mga bruho’t bruha kung kuamain sabi ni lola.
Hindi ako talagang takot kay Mrs. Magalit, ayoko lang siyang makita sa gabi.
Kapag malalim na ang gabi at nanonood siya ng TV, nakakikilabot siyang tumawa.
“Bru-ho-ho-ho-ho-ho…..
“Bru-ho-ho-ho-ho-ho….
Napadaan kami sa aming bahay at minabuti kong yayain siyang pumasok para
makapagpahinga. Nakalimutan kong kakalinis lang ni nanay at naiwan niya ang walis
sa may pintuhan. “Naku, hindi na ako papasok iha at marumi ang aking tsinelas.” Pinilit
ko pa rin siyang pumasok at pumayag naman siya. Laking gulat ko ng hindi siya natakot
sa walis. Inalok si Mrs. Magalit ng miryenda. Ginamit niya ang kaliwang kamay sa
pagsubo ng biskuwit. “ Alam mo iha nirarayuma itong kanang kamay ko kaya di ko
magamit”
Napahiya ako. Maling-mali ang aking akalang bruha si Mrs. Magalit. Tinitigan ko
siya ng husto at aking napuna na matanda na siya. Maputi na ang mukha at patay na
ang buhok. Malaki ang butas ng ilong niya dahil medyo hirap siyang huminga. Matalas
siyang tumingin dahil malabo na ang kaniyang mga bata.
“Hay naku iha. Mahirap tumandang mag-isa. Wala na akong asawa. Walang
anak. At walang apong tulad mo”
Week 19 day 3
Hindi na Ako Uulit
“Malaki at mataas ang silyang ito. Hindi ko kayang akyatin” sabi ni Melinda.
Lumapit si Melinda sa silyang katamtaman ang laki.
“Ito pala ang tulugan. at may tatlo ring higaan dito. “Malaki at mataas naman ito.
Hindi ko kayang abutin.” ang sabi niya sa unang higaan.
“Ayoko rin dito. Malaki pa rin para sa akin ang ikalawang higaan” wika pa niya.
Kaya tinungo niya ang maliit na higaan. at ang sabi “Ito, ito ang tamang-tama sa
akin”. nahiga at nakatulog si Melinda sa pagod at busog.
“Sino ang umubos ng aking sopas ina?” umiiyak na sabi ng Munting Oso.
“May nakapasok sa ating bahay” wika ng Inang Oso.
“Sino kaya ang matapang na pumasok dito?’ sigaw ng Amang Oso.
Pumasok si Munting Oso sa silid-tulugan at sumigaw.
“Naririto siya Ama, Ina! Patayin natin siya!” sigaw ng munting oso.
“Melinda! Melinda! Gising na, bakit ba?” ang sabi ng nanay niya.
Week 20 Day 2
Si Tatay
Si Nanay
Idolo ko si Nanay,
mahusay siyang magluto; pantay-pantay
at magkakasinlaki ang hiwa ng mga gulay.
Simpleng hapunan ay nagiging pambihira
dahil masarap magtimpla at magluto si Nanay.
At gaanuman karumi an gaming mga damit,
kaniyang napapaputi na kasinlinis ng langit.
Lukot man ang damit ay plantsadong maisusuot.
Ang kaniyang mga halamang gulay na tanim
ay hindi nauubusan ng bunga,
kaya pansahog sa aming ulam
ay hindi na problema.
Idolo ko si Nanay.
Nakatutulog ako ng mahimbing
dahil sa mga kuwento niyang
parang oyayi sa aking pagtulog sa gabi.
Si Ate
Mabait si Ate.
Lagi siyang katulong ni Nanay
sa mga gawaing-bahay
at sa pag-aalaga n gaming mahal na bunso.
Maganda si Ate.
Kayumanggi ang kaniyang balat.
Mapuputi at pantay ang kaniyang mga ngipin.
At kapag siya ay ngumingiti,
lumilitaw ang kaniyang mga biloy sa magkabilang pisngi,
tunay na nakabibighani.
Sa pagpasok sa paaralan,
si Ate ang lagi kong kasabay.
At kapag tumatawid kami sa kalsada,
lagi niya akong inaakay.
Ako, Si Kuya
Humahalili ako
sa pag-aalaga kay Bunso.
Nagdidilig ako ng mga halaman ni Nanay.
Si Bunso
Pati sina Lolo at Lola ay iginawa ko rin ng tula. Mahal na mahal ko rin sila kahit
matagal na silang wala.
Para sa alaala ng aking mahal na lolo at lola.
Si Lolo
Si Lola
Huli si Kuting. Iginawa ko rin ng tula si Kuting dahil bahagi na rin siya ng aming
pamilya.
Para sa aking mahal na si Kuting.
Si Kuting
Tuwang-tuwa ako nang matapos ko ang mga tula kahit medyo mahirap. Tiyak
na matutuwa si Titser dahil kakaiba ang ginawa kong paglalarawan sa aking pamilya.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa paaralan. Sabik na sabik akong ipakita
kay Titser ang pinaghirapan kong gawaing-bahay.
Pinuri ni Titser ang aking mga tula. Hiniling pa niyang basahin ko ang mga ito sa
harap ng klase.
Nagpalakpakan ang aking mga kaklase nang matapos kong basahin ang mga
tula.
“Totoo ba ang mga nasa tula mo?” tanong nila sa akin. Sagot ko ay, “Siyempre
naman!” Sabi nila, isa raw akong makata na magaling sumulat ng tula.
Ipinabasa ko rin kina Nanay at Tata yang aking mga tula. Tuwang-tuwa si
Nanay. Napabilib ko rin si Ate. Binasa nang malakas ni Tatay ang aking mga tula at
pakumpas-kumpas pa siya na parang tumutula sa entablado.
Nagtawanan kami nina Nanay, Ate, at Bunso. Alam kong natutuwa rin sina Lolo
at Lola kahit wala na sila. Pati si Kuting ay tuwang-tuwa, ngiyaw nang ngiyaw.
Tuwang-tuwa ako dahil napasaya ko ang aking pamilya.... ang nag-iisa at mahal
na mahal kong pamilya.
Week 20 Day 5
Una nilang pinuntahan ang bukid. Nakakita sila ng mga bumagsak na puno ng
saging. Umulan kasi kagabi kaya maraming puno ng saging ang natumba.
Nang angatin nila ang isang pun, nakita nila ang napakaraming kowat! Kowat
ang tawag ng mga Ayta sa kabute. Sariwang-sariwa at mukhang napakasarap ng
kowat.Sa gilid nito’y nangingislap pa ang mga patak ng hamog.
Pinipitas pa lamang nila ang bunga ng amokaw ay parang nalalasap na nila ang
katas nito.Mamitas ng amokaw, nagyaya naman si Mokopoy sa ilog. Nahulaan ni Dosol
ang iniisip ni Mokopoy. Manghuhuli sila ng pahinga sa ilog!
Alam ba ninyo kung ano ang pahinga? Pahinga ang tawag sa maliliit na palaka na
nahuhuli sa ilog. Nakakain ang mga ito.Gustong-gusto rin ng mga Ayta ang pahinga.
Kailangang maging maingat sa paghuli ng pahinga. Kailangan ding maging tahimik at
maliksi. Nang may lumuksong pahinga malapit sa kanila, dinaklot agad ito ni Mokopoy.
Huling-huli ang pahinga! Biglang nanlaki ang mga mata nito sa gulat.
Naramdaman nila ang daloy ng lamig sa kanilang gulugod. Biglang gumaan ang
kanilang pakiramdam.Parang inanod ng matuling agos ang kanilang pagod.Lumangoy
sila at nagsabuyan ng tubig.Masayang-masaya sina Dosol at Mokopoy.
Nang umuwi sina Dosol at Mokopoy, tuwang-tuwa ang kanilang mga magulang
dahil may mailuluto sila.
Noon, ganoon ang buhay nina Dosol at Mokopoy. Ganoon ang buhay ng mga
Ayta sa paanan ng Bundok ng Pinatubo noong hindi pa ito nagbubuga ng payroklastik
at lahar. Pero isang araw, nagbago ang buhay nina Dosol at Mokopoy. Nagbago ang
buhay ng mga Ayta. Sumabog ang Bundok Pinatubo.Nagbuga ang bulkan ng
payroklastik at lahar.
Pagkaraan ng maraming buwan, lumipat sila sa isang bagong pook. Muli silang
nagtayo ng mga bahay.Nag-aral magsaka ang mga Ayta.Nag-aral sila ng bagong
pamumuhay.
Week 20 Day 1
Ito ang pamilya Ismid. Si Tatay Ismid, si Nanay Ismid, si Obet Ismid at Olly Ismid.
Marami silang kapitbahay ngunit hindi sila namamansin, ang katwiran nila kakaiba sila
sa lahat ng baboy dahil kulot ang kanilang buntot. Araw- araw wala silang ginawa kundi
ang pagandahin ang kanilang mga buntot. At kapag sila ay naiimbita sa mga pagtitipon,
ang sagot nila ay “ Marami pa kaming gagawin. “ Pero ang kanila lamang gagawin ay
pagagandahin at kukulutin ang kanilang mga buntot.
Minsan, inanyayahan sila ng kanilang mga kapitbahay, may pag uusapan silang
mahalaga tungkol sa mga nakawan sa pamayanan nila, ngunit hindi dumalo ang
pamilya. Sila ay abala sa pagpapaganda ng mga kulot na buntot nila.
Isang gabi, maliwanag ang buwan, hindi alam ng pamilya Ismid, pumasok ang
magnanakaw sa bahay nila, hinakot ng magnanakaw ang lahat ng gamit ng pamilya
Ismid. Ang magnanakaw ay nagmamadali kaya ang malaking banga ay kanyang
nasagi. Nabasag ang malaking banga! Nagising ang pamilya Ismid. Silang lahat ay
umimik, “ Magnanakaw! Magnanakaw! “ ang sigaw ng pamilya Ismid. Mabilis na
sumaklolo ang mga kapitbahay. Ngunit nakatakasna ang mga magnanakaw.Nalungkot
ang pamilya Ismid.“ Wala na tayong gamit at pagkain, huhu.” Sabi ng pamliya Ismid.
Week 20 – Day 4
Best in Math
Si AC na naman ang Best in Math. May kinuhang kuwadro ang mommy niya sa
cabinet. Inalis nito ang certificate na nakalagay roon at ang sa kanya ang ipinalit.
Itinago nito ang dating certificate sa kahon ng cabinet, pagkatapos ay isinabit sa
dingding ang certificate niya na nasa kuwadro na.
Pati ang unang sulat-kamay ni AC noong nasa nursery pa lamang siya ay
makikitang nakakuwadro at nakasabit sa dingding ng kanilang sala. Nasa
pinakamalaking kuwadro ang first honor certificate na natamo niya noong nakaraang
taon. Halos puno na ang dingding ng certificates at medalyang napanalunan niya. Pito
lahat.
Sabi ng kanyang mommy, ipinagmamalaki raw nito ang lahat ng awards niya
kaya inilalagay raw nito ang mga iyon sa sala. Mababakas ang tuwa sa mukha nito
tuwing ipinapakita ang lahat ng mga gantimpalang nakamit niya sa mga kamag-anak at
mga kaibigan nila tuwing bumibisita ang mga ito sa condo unit na kanilang tinitirhan.
Pagdating ng daddy niya galing sa trabaho, sabay-sabay silang kumakain ng
hapunan. Pagkatapos linisin ng kanyang mommy ang pinagkainan nila at nahugasan
na nito ang mga pinggan at kubyertos ay ginagawa na nila ang kanyang mga takdang-
aralin.
Math, English, Sibika... Lahat ng subjects, ang mommy niya ang kanyang tutor.
Ang mommy niya ang pinakamaagang nagigising sa kanila. Ipinagluluto sila nito
ng almusal, inihahanda ang kanyang baon at ipinagmamaneho para ihatid siya sa
paaralan. Hindi ito umaalis hangga’t hindi ito sigurado na nakapasok na siya sa loob ng
silid-aralan.
Pagdating ng tanghalian, bumabalik ang kanyang mommy para sabay silang
kumain sa kantina. Sa lahat sa kanilang magkakaklase, siya lamang ang naiiba. Lahat
ay may mga yaya maliban sa kanya.
“Yaya, please get my baon na. I’m so hungry.”
“Yaya, can you buy ice cream for me?”
“Yaya, kamutin mo naman ang likod ko.”
“Bakit kaya ako walang yaya?” Iyon ang laging tanong ni AC sa kanyang sarili.
Best in English
Inalis na muli ng kanyang mommy ang certificates sa isang kuwadro at ang sa
kanya ang ipinalit nito. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo.... Malapit nang
maging sampu. Sa pagbibilang ni AC, dalawa na lamang ang nasisilip niyang kuwadro
ang hindi napapalitan ng kanyang mommy ang certificate.
Minsan, sa paaralan, nagkukuwentuhan silang magkakaklase tungkol sa kani-
kanilang mga magulang.
“Ah, basta ako, I’m proud of my mommy. She is the manager of the biggest
television station in the country,” sabi ni Ericka na nakapamaywang pa.
“My Mom naman, she’s managing our restaurants. She will open another one,
so that’s ahmmm.....” nagmamayabang na sabi ni Jessica. inilagay pa nito ang
hintuturo sa sentido habang nag-iisip. “Ah, we have ten restaurants na!”
“AC, you mean your mom doesn’t have a job?” bulalas naman ni Chi. “Is she not
a college graduate?”
Hindi nakasagot si AC. Nagtawanan ang kanyang mga kaklase. Pakiramdam
niya ay para siyang matutunaw sa hiya.
Isang gabi bago sila matulog ay kinausap niya ang kanyang mommy.
“Mommy, why don’t you get me a yaya?”
“Anak, aanhin mo ang yaya? Ano ang gagawin ni Mommy?”
Hindi pa rin niya lubos na maintindihan iyon. Sinasabi niya sa sarili na dapat ay
may yaya siya.
First Honor
Tulad ng nakaraang taon, nakamit na naman ni Ac ang pinakamataas na
karangalan nang taon na iyon sa kanyang pag-aaral. Sa isang sikat na hotel sila
nagdiwang ng kanyang mommy at daddy, kasama ang kanilang kamag-anak at
kaibigan. Panay ang puri sa kanya ng mga bisita.
Pinalitan na naman ng kanyang mommy ang nakalagay na certificate sa isang
kuwadro at ang sa kanya ang ipinalit nito. Mapupuno na ng certificates niya ang
dingding!
Nasa isang supermarket si Ac kasama ang kanyang mommy nang may
kumalabit sa kanya. nagulat siya nang makita niya ang kaklase niyang si Chi.
Lumapit sa kanila ang isang babaeng nakapustura.
“Mommy, this is AC, our topnotcher.”
Ngumiti ang mommy ni Chi. “Sino ang kasama mo, hija?”
Napatingin siya sa kanyang mommy na binabayaran na ang mga pinamili nila.
“Is that your yaya?” usisa ng mommy ni Chi.
Bahagyang napayukop si AC, napatango.
“AC, you’re lying! That’s your mommy! You don’t have a yaya!” singhal ni Chi sa
kanya.
Tumakbo siya papunta sa kanyang mommy. Hindi niya maintinduhan ang sarili.
Sa kagustuhan niyang magkayaya at para hindi mapintasan ay nasabi niyang yaya niya
ang kanyang mommy.
“Emily! Ikaw bay an?” tawag ng isang babae sa mommy niya nang sumunod na
enrolment. “Hindi kita nakilala. Ako ang bagong administrator ng school. “Lumuhod ito
at hinarap si Ac. “You know what? May pagmamanahan ka. Ang mommy mo.”
Isang mommy pa ng kaklase niya ang lumapit sa kanila. “Emily Vergel?”
Tumango ang mommy niya.
Nagulat si AC. May mga ilan pang lumapit sa kanila. At marami siyang nalaman
tungkol sa mommy niya sa mga narinig pa niya.
“Ikaw ang dating vice president ng pinakamalaking food company, hindi ba?”
sabi ng isang mommy.
“The first Filipino woman na nagging cover ng isang international magazine, dahil
sa iyong husay at galing.” wika ng isa pa.
“Anong dahilan at bakit ka nag-resign? Ikaw ang highest-paid woman executive
sa Pilipinas, hindi ba?”
Nakatingalang nilingon ni AC ang mga nagsasalitang nakapalibot sa kanila.
Tiningnan pa ng isang mommy si AC. “What a lucky child! You have to be proud
of your mom!”
Nang tumahimik ang lahat sa mga sinasabing papuri ay saka lamang sumagot
ang kanyang mommy.
“Gusto kong ibuhos ang buong panahon ko sa anak ko. Kaya pinili kong maging
full-time mom. Ako rin ang full-time yaya niya.”
Napanganga si Ac sa kanyang narinig. Sikat pala ang kanyang mommy!
Nang makabalik na sila sa condo, habang nasa kusina ang kanyang mommy at
abala sa pagluluto, kumuha si AC ng isang upuann. Tumuntong siya roon at dahan-
dahang binuksan niya ang kahon ng cabinet.
Best Manager, Best Employee, Best... Outstanding Woman of the Philippines...
Outstanding....
Tumambad ang sarisaring awards ng kanyang mommy. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang mga nakita. May larawan pa ito na kasama ang Presidente
ng Pilipinas habang binibigyan ito ng award.
Hindi niya namalayan ang paglapit ng kanyang mommy.
“Narinig mo sila, may pinagmanahan ka raw. Itatago ko muna ang mga iyan
dahil mas gusto kong ikaw at ang mga achievements mo ang ipagmalaki ko. Nang
ipinanganak kita, nagbitiw na ako sa dati kong trabaho. Dadalhin pa sana ako sa
Amerika ng dating pinagtatrabahuhan ko upang maging manager doon. Inalok ako ng
mas malaking suweldo, pero tinaggihan ko iyon. Sinabi ko na gusto kong personal na
alagaanka.”
Nanatiling nakatingin sa mga certificates at nakikinig sa kanyang mommy si AC.
Kinaumagahan, kinukuha ni Emily ang mga lulutuin sa ref para sa almusal nang
matigilan siya sa kanyang nakita. Dahan-dahang nagtungo siya sa sala. Doon ay
nakita niya ang pinakamalaking kuwadrong nakasabit sa dingding.
THE BEST MOMMY IN THE WORLD. YOU ARE THE REAL TOPNOTCHER.
NOT ME.
Paglingon niya sa likuran ay naroon si AC, bihis na bihis na at handa nang
magtungo sa paaralan.
“Mom...”
Ngumiti si Emily, may sumungaw na luha sa kanyang mga mata dahil sa
kaligayahan. Yumakap si AC sa kanyang mga hita. Mahigpit iyon na parang ayaw na
nitong pakawalan siya.
“Mom... I”m sorry...”
Naunawaan niya iyon at hindi niya maiwasan ang maiyak.
Week 20 Day 3
“Halina kayo mga bata,” sabi ni Gng. Batara. “Tandaan ninyo iyong aking mga
bilin ha. Isipin ninyong kayo ang pinakamahusay na mananayaw sa lahat. Lumabas
kayo sa entablado ng nakangiti at tingnan ang mga nagmamahal sa inyo upang mas
lumakas ang inyong loob,” dagdag pa nito.
Week 1-40
RECHEL E.AGBUYA
Teacher