Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

School ORO SITE HIGH SCHOOL Grade Level 7

DAILY LESSON LOG Teacher JOMAR D. DAEP Learning Area ARALING PANLIPUNAN
Teaching Date Quarter IKATLONG MARKAHAN
Day MONDAY TUESDAY WEDNESDAY THURSDAY CATCH-UP FRIDAY
Cagsawa 9:15 – 10:15 Coron 6: 00 – 7:00 Coron 6:00 – 7:00 Coron 9:15-10:15
Sections and Cagsawa 11:15-12:15 Cagsawa 10:15-11:15
Teaching Time

I. LAYUNIN Teacher’s Activity Students’ Response


A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya
Pangnilalaman sa sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
B. Pmantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Pagganap Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga salik, pangyayaring at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
Pagkatuto
D. Tiyak na layunin 1. Natutukoy ang mga pangyayaring nag-udyok sa nasyonalismo sa Kanlurang Asya.
2. Nakagagawa ng talahanayan na nagpapakita ng mga nasyonalistikong lider at yung kanilang mga naging pamamaraan
tungo sa isang mapayapang bansa.
II. NILALAMAN Ang Nasyonalismong Asyano sa Kanlurang Asya
II. III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian Mateo, G. E., et. al. Asya Pag-usbong ng Kabihasnan. Vibal
Publishing House, Inc. Pahina 314 – 315
B. Kagamitan Slide Deck Presentation
C. Learning Portal
III. IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Ang mga sumusunod na katanungan ay itatanong sa mga
mag-aaral:
1. Ano ang dalawang samahan na nabuo sa Timog Asya - Indian National Congress at Muslim League
para mapasimulan ang kilusan tungo sa paglaya ng
mga bansa sa pananakop ng Kanluranin?
2. Sino si Mahatma Gandhi? - Siya ay isang Hindu na nakapag-aral sa isang
unibersidad sa England at nagtrabaho sa South
Africa. Siya ay isa sa mga bahagi ng kasaysayan ng
India na nakilala sa pakikibaka sa mapayapang
pamamaraan para mapalaya ang kaniyang bansa sa
kamy ng mga English. Ang kaniyang pamamaraan ay
kilala sa tawag na ‘ahimsa’.
3. Anu-ano ang mga mapayapang pamamaraan na
ginamit ni Mahatma Gandhi sa pakikipaglaban sa - Paglabas ng katotohanan, Pag-aayuno, Pagdarasal,
mga English para sa kalayaan ng kaniyang bansa? Meditasyon, at hindi pagbili ng mga produktong
English.
Familiarizing the West Asia
Panuto: Gamit ang mga flag (small size) ng mga bansa sa
PAnimulang
Kanlurang Asya ay ididikit nila ito sa mapa. Dito ay
Gawain
susubukin ang kanilang kaalaman hinggil sa heograpiya ng
Kanlurang Asya.
B. Paghahabi ng Batay sa mga larawang inyong nabuo, ano kaya ang magiging -
Layunin paksa sa araw na ito?

Ang mga mag-aaral ay inaasahan na;


1. matukoy ang mga pangyayaring nag-udyok sa
nasyonalismo sa Kanlurang Asya; at,

2. makagawa ng talahanayan na nagpapakita ng mga


nasyonalistikong lider at yung kanilang mga naging
pamamaraan tungo sa isang mapayapang bansa.

C. Pag-uugnay ng Magpapanood ng isang bidyu mula sa Youtube.


Halimbawa

Pamprosesong Tanong:
1. Ano kaya ang mararamdaman niyo kapag tayong mga - Matatakot, sapagkat hindi maiisip ng isang matinong
Pilipino ang nakaranas sa nasabing holocaust? tao o lider ang pumatay ng libo-libong tao para
lamang sa kaniyang pansariling hangarin.
2. Kung kayo si Former Pres. Quezon, gagawin niyo rin
ba ang kaniyang ginawa na pagpapatuloy ng ibang lahi - Oo, sapagkat lahat ng mabuting gawa ay umaani ng
sa ating bansa? magandang kapalit na kusang ibinibigay. Halimbawa na
lamang sa kasalukuyan kung saan nagkaroon ng
mabuting ugnayan ang bansang Israel at Pilipinas
dahil sa pagtanaw ng Israel sa naging pagtulong nito
sa mga mamamayang ng Israel nung mga panahong
nangangailangan ito ng bansang matutuluyan.
D. Pagtalakay ng Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Kanlurang Asya
bagong konsepto at
Paglalahad ng 1. Anu-ano ang mga salik o dahilan na nagbigay daan - Holocaust
Bagong Kasanayan sap ag-usbong ng nasyonalismo sa Kanlurang Asya? - Sistemang Mandato
#1 - Zionism
2. Ano ang holocaust?
- Ito ay sistematikong pagpatay ng mga Nazi German
3. Paano nagbigay daan ang Zionism sa pag-usbong ng sa mga Jew o Israelite.
nasyonalismo sa Kanlurang Asya?
- Sa pamamagitan nito ay muling nagbalik ang mga
lumikas na mga Hudyo o Jew sa bansang Palestine at
sa kanilang pagbabalik ay dito na nabuo ang bansang
Israel.

E. PAgtalakay ng Mga Lider Nasyonalista na Nagsilbing Inpirasyon ng mga


Bagong Konsepto at Asyano sa Kanilang Pamumuhay
Paglalahad ng
Bagong Kasanayan Mustafa Kemal Ataturk
#2 1. Sino si Mustafa Kemal Ataturk? - Siya ang nagbigay daan sa Turkey sa kabila na ang
nasabing bansa ay binalak na paghati-hatian ng mga
Kanluraning bansa tulad ng France, Great Britain,
Greece, at Armenia.
2. Ano ang kaniyang ginamit na pamamaraan para
tuluyang makamit ang kalayaan ng Turkey. - Siya ay nagsilbing tagapagsalita sa halalang pambansa
at hiwalay na parliament. At sa General National
Assembly kung saan kasama ang Kanluranin ay
lumagda sa isang kasunduan na tinawag na treaty of
Luassane na kumilala sa kalayaan ng Turkey.

Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini


1. Sino si Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini? - Siya ay isang malupit na lider noong ika-20 siglo sa
bansang Iran.

2. Ano ang kaniyang ginamit na pamamaraan para - Ang kaniyang ginawa upang mapabuti ang kalagayan ng
tuluyang makamit ang kalayaan ng Iran. Iran ay ang kaniyang tahasang pambabatikos sa Shah
o namumuno sa kanilang bansa dahil sa pangangalaga
nito sa mga interes ng dayuhan. Siya rin ay gumawa
ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
talumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na
pagsuporta ng mga Shah sa mga dayuhan at pagpanig
nito sa Israel.

Ibn Saud
1. Sino si Ibn Saud?
- Siya kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.

2. Ano ang kaniyang ginamit na pamamaraan para - Pinag-isa niya ang mga lugar sa Saudi Arabia na
tuluyang makamit ang kalayaan ng Iran. pinamumunuan ng iba’t-ibang indibidwal. Matapos ang
kaniyang matagumpay na hangarin ay binigyan niya ng
bagong pangalan ang mga lugar na napasailalim ng
kaniyang kapangyarihan – Saudi Arabia.
F. Paglinang sa Pangkatang Gawain:
Kabihasaan (Tung Panuto: Hahatiin ang klase sa apat at pupunan ang ng mga
ossa Formative angkop na impormasyon ang talahanayan na nasa ibaba.
Assessment)
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Kanlurang Asya
Nasyonalistikong Kaligirang Pamamaraan
Lider Impormasyon para Makamit
ang Kalayaan at
Kapayaan sa
Kanilang Bansa
1. Mustafa
Kemal
Ataturk

2. Ayatollah
Rouhollah
Mousari
Khomeini
3. Ibn Saud

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Kaangkupan at Wastong Impormasyon – 10 puntos
Pagpapaliwanag – 10 puntos
Kalinisan at Organisasyon – 5 puntos
Pagtutulungan – 5 puntos
Kabuuan: 30 puntos
G. Paglalapat ng Aralin Maiiugnay ba ang kasalukuyang alitan sa Kanlurang Asya sa Oo, halimbawa na lamang sa Palestine at Israel na kung saan
sa Pang-araw-araw mga pangyayari bago nito tuluyang makamit ang kalayaan? dahil sa pagbalik ng mga Jew o Israelite ay nagkaroon ng
na buhay mga alitan tungkol sa relihiyon. Ito ay dahil na rin sa
teritoryong inuukupa ng mga taga Palestine na limitado
kumpara sa inuukapa ng Israel.

H. Paglalahat ng Ang mga sumusunod na katanungan ay itatanong sa mga


Aralin mag-aaral:
1. Anu-ano ang mga salik o dahilan na nagbigay daan - Holocaust
sap ag-usbong ng nasyonalismo sa Kanlurang Asya? - Sistemang Mandato
- Zionism
2. Sinu-sino ang mga nasyonalistikong lider na nanguna
sa pagsulong ng nasyonalismo sa Kanlurang Asya? - Mustafa Kemal Ataturk
- Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
- Ibn Saud
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat lamang ang salitang ‘Fact’ kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at ‘Bluff’ naman
kung hindi.
1. Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabi 1. Fact
at siya rin ang nagbigay ng pangalan na Saudi
Arabia.
2. Ang Female Infanticide ay isa sa mga salik na nag- 2. Bluff
udyok sa nasyonalismo sa Kanlurang Asya.
3. Ginamit rin ng mga nasyonalistikong lider sa 3. Bluff
Kanlurang Asya ang mapayapang pamamaraan ni
Mahatma Gandhi para makamtam ang kaayusan at
kalayaan ng kanilang bansa.
4. Mas maagang nakamtan ng mga bansa sa Kanlurang 4. Fact
Asya ang kalayaan kumpara sa mga bansa sa Timog
Asya.
5. Ang mandate system ay ang naging pamamaraan ng 5. Fact
Kanluranin sa pagsakop sa Kanlurang Asya.
J. Takdang Magsaliksik tungkol sa kahalagahan ng nasyonalismo sa
Aralin/karagdagang Timog at Kanlurang Asya.
Gawain
IV. V. MGA TALA https://youtu.be/X5Rsv66qARY
https://www.wikiwand.com/tl/Holokausto#google_vignette

V. VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para sa
remedial.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking nararanasan na
solusyonan sa tulong
ng aking panungguro
at superbisor.
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho nan ais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro.
Prepared by: Checked by:

JOMAR D. DAEP APRIL ANN ROSE S. MADRONA


Student Teacher T III / Cooperating Teacher

You might also like