Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

GEOGRAPHY 1 LESSON 2

Ang modyul na ito ay patungkol sa mga mahahalagang kagamitan na magagamitin sa pag-aaral ng heograpiya ng
daigdig.

GLOBO- bilugang representasyong ng mundo. Ito ay itinuturing na eksaktong modelo


ng mundo. Sa pamamagitan ng globo ay mailalalarawan ang hugis, anyo at laki ng mga
bansa na bumubuo sa daigdig.

MAPA- ang patag na representasyon ng isang lugar. Ito ay nagpapakita ng mga


bahagi ng daigdig. Ito ay naglalarawan ng lokasyon at direksyon ng isang bansa.

KARTOGRAPO- tawag sa mga gumagawa ng mga magpa. Binibigyang-diin


ng mga kartograpo ang impormasyon at detalye na nais niyang ipakita kaugnay ng lugar na nasa mapa nang naaayon sa
layunin at paggamitan nito.

URI NG MAPA

Mapang Pulitikal- isang uri ng mapa na nagpapakita ng mga hangganan ng mga teritoryo
o rehiyon. Maaring ipakita nito ang mga hangganan ng mga bansa sa daigdig, o kaya ay
mga hangganan ng mga rehiyon, lalawigan, lungsod, munisipalidad, o baranggay sa isang
bansa tulad ng Pilipinas.

Mapa ng Populasyon- ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng dami o kapal ng bilang ng


mga tao sa isang lugar sa loob ng isang tiyak na panahon.

Mapang Pangkabuhayan- ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng sari-saring


pangunahing kabuhayan sa iba-ibang lugar. Ipinakikita nito ang mga produkto, negosyo, at
iba pang gawain o bagay na may kaugnayan sa ekonomiya ng isang bansa o lugar.

Mapang Pangklima- ay isang uri ng mapa na naglalarawan sa nararanasang klima sa isang


pook.

1
GEOGRAPHY 1 LESSON 2

Mapang Pangwika- isang uri ng mapa na nagpapakita ng pagkakabahagi ng wika o mga wika
sa isang pook.

Mapang Pangkalsada- ay isang uri ng mapa na binibigyang diin ang mga


kalsada at mga palatandaang makikita sa isang pook tulad ng mga gusali.

Mga Batayang Guhit

Mga batayang guhit ang tawag sa mga guhit na nakikita sa globo at mapa. Mahalaga ang mga ito upang matukoy ang
tiyak na lokasyon ng mga lugar. Tinatawag na grid ang mga guhit na nagkukrus sa globo at mapa. Ang mga guhit na
ito ay likhang-isip o imahinasyon lamang at ginagamit bilang pananda.

Ang mga batayang guhit na makikita sa mapa ay ang mga sumusunod:

2
GEOGRAPHY 1 LESSON 2

1. Ang mga guhit latitud na makikita sa globo at mapa na pahalang o nakahiga ay tinatawag na guhit latitud.
Tinatawag din itong parallels. Ito ay mga sukat na 0-90 digri. Mahalaga ito para sa pagtukoy ng klima at
temperatura ng daigdig.

2. Ang mga longhitud ay mga linyang patayo sa globo at mapa. Ang mga ito ay nagmumula sa Hilagang Polo
patungo sa Timog Polo. Ito ay kilala rin bilang guhit meridian. Ito ay may sukat na 0-180 digri.

3. Tinatawag na mga polo ang mga dulong bahagi ng daigdig. Hilagang Polo sa hilaga at Timog Polo sa timog.

4. Prime Meridian- guhit na humahati sa globo sa silangan at


kanlurang bahagi. Ito ay may sukat na 0 digri longhitud at dumaraan sa
Greenwich, UK. Ito ang guhit na pinagmumulan ng pagtataya ng oras na nagaganap sa iba-ibang lugar sa
daigdig.

5. International Date Line(IDL)- batayang guhit sa pagbabago ng oras at petsa. Dumaraan ito sa Bering Strait,
tumatawid ng Karagatang Pasipiko at natatapos sa Antartika.

3
GEOGRAPHY 1 LESSON 2

Mga Espesyal na Guhit Latitud

Mataas na Latitud (Sonang Napakalamig o Frigid Zone)- ang mga bansa rito ay nakararanas ng di naaabot halos ng
sikat ng araw. Nababalot ng yelo kaya may klimang Polar.

Gitnang Latitud (Sonang Katamtaman o Temperate Zone)- Ang klima sa gitnang latitude ay hindi kasing-init sa
mababang latitude o rehiyong Tropikal. Ang mga bansa na nakalatag dito ay nakararanas ng apat na uri ng panahon.

Mababang Latitud (Sonang Mainit o Torrid Zone)- direktang nakakatanggap ng sikat ng araw ang mga lugar dito.
Nakararanas ang mga bansa rito ng panahong tag-ulan at tag-init.

Ang mga pangunahin at pangalawang direksyon

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga direksyon ay makatutulong para sa


mas mabilis at tiyak na paghahanap ng lokasyon ng isang lugar. Ang
instrumento na ito ay tinatawag na Compass Rose.

Activities:

1. Bilang isang Pilipino, bakit mahalaga na malaman mo ang lokasyon ng iyong sariling bansa sa daigdig?

2. Paano nakakaapekto sa mga tao ang kinaroroonan ng kanilang bansa sa daigdig?

4
GEOGRAPHY 1 LESSON 2

Prepared by: SAMUEL JOHN COCHING, MAED


Instructor

You might also like