Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Binalonan, Pangasinan

Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024

BANGHAY ARALIN
PANGALAN NG
ASIGNATURA & BAITANG:
GURO: CLARIBEL A. PARTIDA ARALING PANLIPUNAN/BAITANG 8

PETSA:
MARKAHAN: IKATLONG MARKAHAN MARCH 13 2024

I. LAYUNIN (OBJECTIVES)

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards): Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):

Ang mga mag-aaral ay: Ang mga mag-aaral ay:


1. Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa Kritikal na nakapagsusuri sa naging ambag sa kaniyang bansa, komunidad, at
makabagong panahon ng mga bansa at relihiyon bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa
sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. makabagong panahon.

Learning Competencies:

Ang mga mag-aaral ay:


a. Maipapaliwanag ang konsepto ng rebolusyong pangkaisipan;
b. Maipahayag ang kanyang damdamin hinggil sa mga naging epekto ng rebolusyong amerikano at pranses;
c. Makakabuo ng isang debate sa pagitan ng rebolusyong amerikano at pranses.

II. NILALAMAN (SUBJECT MATTER)

Topic: Kaugnayan ng Rebulasyong Pangkaisipan sa Rebulasyong Amerikano at Pranses

Value Integration: Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebulasyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Maerikano at Pranses

III. KAGAMITANG PANTURO (RESOURCES)

Kagamitan PowerPoint, Chalk board


Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
(Resources):

Sanggunian Flores, Angelita,:et.al. Ang Kasaysayan ng Daigdig. Social Studies Publication, Inc., 1983,pp. 123-124
(Reference): Hayes, Carlton.Medieval, Modern Times. The French Revolution to the Present. New York: Macmillian Publishing o., Inc., 1983
Mateo, G.E.C.;et.al. Kasaysayan ng Daigdig. Vibal, Publishing House, pp.262-273

IV. TEACHER’S ACTIVITY


PROCEDURES

A. Panimulang Magandang araw sa inyong lahat.


Gawain
(Preliminary Sige sino ang gustong manguna para sa pagdarasal ngayong araw?
Activities)
Amen….

Maraming Salamat.

Sino ang lumiban sa ating klase sa araw na ito?

Wala, mahusay! Kung ganon ay bigyan niyo ang inyong mga sarili ng palakpak

B. Balik-aral sa Natatandaan niyo pa ba ang ating tinalakay noong nakaraang talakayan?


Nakaraang Aralin
(Review) Mahusay! Ito ay may kaugnayan sa rebolusyong siyentipiko, panahon ng kaliwanagan at panahon ng industriyal

Kung gayong naala niyo pa sano nga ulit ang tinatawag na heliocentric at geocentric?

Tama! Ang Geocentric ay ang mundo ang nasa gitna ng sanlibutan at ang heliocentric ay ang araw ang siyang nasa kalagitnaan ng sanlibutan.
Natatandaan niyo pa ang ating tinalakay.

C. Paghahabi sa “HULAAN MO AKO”


Layunin ng Aralin PANUTO: Gamit ang mga larawan, tukuyin kung ano ang ipinapahiwatig o ipinapakita ng larawa.
(Establishing a
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
Purpose for the
Lesson)

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang mga nakita niyo sa larawan?
2. Sa iyong palagay ano ang koneksyon nito sa ating tatalakayin ngayong araw

D. Paglalahad ng Ano amng rebolusyong pangkaisipan?


Aralin 1. Panahon ng kaliwanagan
(Presentation & 2. Enlightenment (1700)
Development of the 3. Age of reasons
Lesson)
Rebolusyong Pangkaisipan
4. Paggamit ng katwiran upang maipaliwanag ang mga batas ng lipunan ng tao
5. Naging batayan ang mga pagbabagong nakamit ng Rebolusyong Siyentipiko upang unawain at baguhin ang lipunan

Kaisipang Politikal
Baron de Montesquieu
- Tumuligsa sa absolute monarchy ng France.
-Balance of power (executive, legislative and judiciary)
-Ang paglika ng ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay proteksiyon sa mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapagyarihan ng
pamahalaan.Ito ang tinatawag sa Ingles na checks and balances. Sa gayon sang-ayon sa kanya, ay magiging mahusay ang takbo ng gobyerno.
Philosophes
6. nakilala sa kalagitnaan ng ika-18 siglo.
7. pinaniniwalaan ng pangkat na ito ang reason o katwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto ng buhay.

Francois Marie Arouet (Voltaire)


8. Isa sa mga itinuturing n maipluwensiyang philosophes
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
9. Nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang kasaysayan,pilosopiya, politika at maging drama.
10. Ilang beses nakulong sa pagtuligsa sa pamahalaan.
11. Naniwala siya na ang mga taong-bayan ay may sapat na kakayahang pangasiwaan ang kanilang sariling gobyerno ayon sa batas ng
katarungan, katwiran, at bulong ng budhi.

Jean Jacques Rousseau


12. sanaysay na tumuukoy sa kahalagahan ng Individual Freedom
13. The Social Contract (magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa “pangkalahatang kagustuhan” o
general will.
14. Ang Social Contract ang naging saligang batas ng ebolusyon sa Pransiya at si Rousseau ang kinilalang propeta ng rebolusyon.

Denis Diderot (de DROH)


15. nagpalaganap ng ideya ng mga philosophes sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na encyclopedia na tumutuligsa sa
kaisipang Divine right at ang tradisyonal na relihiyon. gawain ng estado at simbahan ay binigyan niya ng pansin, lalo na ang pang-aalipin
sa ibang tao at kawalang kalayaang pumili ng relihiyon.

John Locke
16. Ang tao ay may kakayahang bumuo ng sariling pamahalaan batay sa kanyang pangangailangan at ikabubuti.
17. Tabula Rasa- ang tao ay nahuhubog batay sa kanyang karanasan.
18. Dalawang aklat na kaniyang sinulat: ang The Treatise on Government, at Letter on Toleration ang nakaimpluwensiya nang malaki sa
paggawa ng mga Saligang Batas ng mga bansa, tulad ng Estados Unidos.
19. Kinatigan niya ang paniniwala na ang kapangyarihang pulitikal ay wala sa hari kung hindi nasa taong-bayan. Kapag ang hari o pinuno ay
nagmamalabis sa ibinigay sa kaniyang kapangyarihan, may karapatan ang mga mamamayan na bawiin ang nasabing kapangyarihan sa
kaniya.

Adam Smith
20. Ang aklat na may pamagat na Wealth of Nations ang kaniyang ambag sa mga bagong kaisipan, subali't ito ay ukol sa ekonomiya at hindi
sa pulitika
21. Ang pangunahing prinsipyo niya ay ang laissez fair o huwag pakialaman. Batay dito, hindi dapat makialam ang pamahalaan sa mga
pang-ekonomiyang gawain ng mga tao sapagkat may mga likas na batas na magpapasiya kung ano ang kahalagahan ng mga salik ng
produksiyon, tulad ng mga manggagawa, kapitalista, at iba pa sa pag-unlad ng kabuhayan

ANG REBOLUSYONG AMERIKANO (1776-1783)

The Atterican Revolution 1776-1784


Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
Ang Rebolusyong Amerikano ay tumutukoy sa serye ng mga pangyayari, ideya, at pagbabago na naging resulta ng pagdeklara ng Kalayaan ng 13
kolonya sa North America mula sa Imperyong British. Humantong ito sa pagkabuo ng United States of America.

Matapos matalo ang mga French sa Quebec noong 1759, naging makapangyarihan ang mga British sa North America. Ang mga orihinal na
pamayanan na kilala bilang 13 kolonya ay naitatag sa may baybayin ng Atlantic Ocean. Dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis at
kawalan ng kinatawan sa Great Britain, sumikiab ang Rebolusyong Amerikano noong 1776 nang ipahayag ng 13 kolonya ang Declaration of
Independence. Noong 1781, natalo ang puwersa ng mga British sa Yorktown at naging malaya ang America.

Mga Kondisyon sa 13 Kolonya

Karamihan sa mga nanirahan sa 13 kolonya sa America ay mga kolonistang British. Dinals nila rito ang mga ideyang pulitikal at institusyon ng
Britain at itinuring ang mga sarili bilang tagatanggap ng mga karapatan ng raga British. Ang limitasyon sa ganap na kapangyarihan ng monarkiya
sa Britain at ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan sa 13 kolonya ay resulta ng mga rebolusyonaryong pag-unlad ng parlamentong British
mula ika-17 hanggang ika-18 siglo.

Gayunpaman, dahil sa mga kalamangan ng America sa Britain sa larangarig panrelihiyon, pang-ekonomiya, panlipunan, at maging sa lokasyon,
naging mas akma rito ang pagsasagawa ng mga radikal na pagbabago sa sistemang politikal. Sa relihiyon, kung karamihan sa mga tac se Britain
ay mga Anglican, karamihan naman sa America ay salungat sa Anglicanism.

Ang Anglicanism ay tumutukoy sa simbahan ng England. Nag-ugat ito sa paghiwalay ni King Henry VIII mula sa simbahang Katoliko noong
Panahon ng Repormasyon.

Sa ekonomiya at lipunan, walang makapangyarihang nobility sa America kung ihahambing sa Britain kaya mas madaling umangat ang
kabuhayan sa kolonya. Maging ang lokasyon ng America ay estratehikal sapagkat ang kalayuan nito sa Britain ay naging dahilan upang hindi
mabantayang mabuti ang pamahalaan at masanay itong mamahala ng mag-isa.

The Amazing 13 Colonies


Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024

Mga Dahilan ng Pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano (1776-1783) (RISE)


1.REPRESENTASYON
- Sigaw ng 13 colonies sa Britain: No taxation without representation

2.INTELEKTWAL (Enlightenment)
Akda, aral at prinsipyo ng mga pilosopo ng Enlightenment>
inspirasyon ng mga rebolusyonaryo

3.Stamp Act (1765)


- Dokumentong legal/komersyal (selyo)
Hindi makatarungang pagpataw ng buwis
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024

4.Ekonomiya
Seven Years War (1756-1763) France VS. Britain
Upang matustusan ang digmaan
-hinigpitan ang kalakalan
Tinaasan ang buwis

Mga Mahahalagang Kaganapan na Gumising sa Damdaming Makabayan ng Mga “Amerikano”

1.Stamp Act of 1765


Ipinag-utos na lahat ng dokumento,titulo,kasulatan at pahayagan ay sa naselyuhang papel lamang maaaring isulat o ilimbag
2.Declaratory Act of 1766
Binibigyan ng karapatang lumikha ng batas (lalo na sa pagbubuwis) para sa kolonya ng Parlayamento ng Great Britain
3.Townshend Revenue Act of 1767
Batas na nagpataw ng buwis sa mga inaangkat na produkto ng mga kolonya gaya ng: pintura,salamin,lead,papel at tsaa
4.Boston Massacre of 1770

BOSTON CUSTOMS HOUSE, PAGBARIL SA MGA CIVILIANS CROWD, KILLING THREE MEN AND INJURING EIGHT TWO OF
THEM
5. Tea Act (1773)
Ang 13 kolonya ay makikipagkalakalan LAMANG sa East India Company ng Great Britain

Ang Rebolusyong Pranses (1789-1795)


Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
Ang lipunan sa France ay binubuo ng nobility, bourgeoisie, at mga magbubukid at manggagawa. Ang nobility ay binubuo ng kaparian (clergy) at
aristokrasya (pribilehiyong uri dahil sa kanilang dugo, lipi, o lineage). Kabilang rin ang mga magbubukid na nasa ilalim ng mga Feudal Lords at
manggagawa o artisan.

Sa ilalim ng absolute monarchy o walang hangganang kapangyarihan ng hari, ang nakikinabang lamang ay ang nobility at ang kaparian.
Nagsimulang mabuo at lumaganap ang oposisyon laban sa nobility hanggang sa sumiklab sa isang ganap na rebolusyon.

Napatalsik ang monarkiya, pinarusahan ng kamatayan si Haring Louis XVI, at itinatag ang republika. Sumunod ang tinatawag na Reign of
Terror, kung saan pinatay ang libo-libong pinaghihinalaang kalaban ng mga rebolusyonaryo. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaisa ang gitna
at mababang uri upang itakda ang kanilang kapalaran.

Makabuluhan ang naging pamana ng Rebolusyong Pranses sa kasaysayari hindi lamang ng Europe kundi ng buong daigdig. Kung tutuusin, ang
Rebolusyong Pranses ay nagsilbing unang pagtatangka sa Europe na isagawa ang mga ideya ng Enlightenment-kalayaan, pagkakapantay-pantay,
at pagkakapatiran. Nagbigay-daan din ang Rebolusyong Pranses sa pag- unlad ng damdaming nasyonalista at pagkamakabayan.

Ang nasyonalismo at patriotismo ay ang pagiging makabansa o makabayan. Ang nasyonalismo ay pagmamalaki at kamalayan ng pagiging
kabilang sa isang nasyon na may sariling kultura, wika, tradisyon, at kasaysayan. Ang patriotismo ay pagmamahal sa bayan at kahandaang
magsakripisyo para rito.

Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong Pranses

Ano ang mga salik na nagbigay-daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga ito ang kawalan ng katarungan ng rehimen, oposisyon ng mga
intelektuwal sa namamayaning kalagayan, walang hangganang kapangyarihan ng hari, personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring
Louis XVI bilang mga pinuno, at krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.

Sa lahat ng mamamayan sa France, ang nobility ang may pinakamaraming pribilehiyo. Halimbawa ang aristokrasya lamang ang may karapatang
maluklok sa pinakamataas na posisyon sa militar at sa simbahan, dalawang pinakamalakas na institusyon na may kapangyarihang pulitikal.

Hindi nagbabayad ang nobility ng buwis. Tumatanggap din sila ng malaking kita mula sa pagod at hirap ng mga magsasakang nagtatrabaho sa
kanilang lupain.

Samantala, ang mga kasapi ng kaparian ay hindi rin nagbabayad ng buwis. May malalawak din silang lupain kaya naging sanhi rin ito ng pang-
aabuso sa mga magsasaka. Ang bourgeoisie ay binubuo ng mga mangangalakal, industriyalista, abogado, at iba pang propesyonal na responsable
sa pagbabayad ng mga buwis. Hindi rin sila maaaring malukiok sa anumang mataas na posisyon sa pamahalaan, simbahan, o militar.
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
Bagamat dapat ay lumaya na mula sa pagkakatali sa lupa, ang mga magbubukid ay patuloy pa ring nakatali sa panginoong maylupa dahil sa mga
obligasyon nila rito. Kabilang sa mga obligasyong ito ang corvee o hindi binabayarang paggawa, pagbabayad ng taunang buwis sa panginoong
maytupa na maaaring salapi o serbisyo, at pagpasan ng bigat ng buwis at ng tithe 10 porsyento ng kitaj sa simbahan. Dahil ang France ang sentro
ng Enlightenment noong ika-18 siglo, may mga intelektuwal na nakabuo ng mga bagong ideyang politikal upang mareporma ang sistemang
pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya. Subalit sa halip na pakinggan ng pamahalaan ang mga hinihinging reporma, ipinahuli pa at
ikinulong ang mga ito. Dahil dito, napagtanto ng mga intelektuwal na ang pagpapatalsik sa rehimen ang tanging solusyon sa pagkakamit ng
pagbabago. Ang kapangyarihang politikal ng hari ng France ay absolute o walang hangganan. Sa katunayan, ang mga batas ay nanggagaling sa
hari at sa kanyang mga ministro bilang kautusan Bagama't may mga sangay ang pamahalaan na nagsisilbing katunggali ng hari sa kapangyarihan
tulad ng Parlement at Estates-General, nagawa ng haring pahinain ang kapangyarihan ng mga ito. Ang Parlements ay tumutukoy sa mga korte na
kontrolado ng mga nobility kung saan nirerehistro ang mga dekreto ng hari bago ito maging batas. Samantala, ang Estates-General ay sangay ng
pamahalaan na binubuo ng mga taong kumakatawan sa mamamayan ng France. Sa panahong ito, lahat ng kapangyarihan ay nasa kamay ng hari
at lahat ng tumuligsa sa kanya ay pinarurusahan.

Napoleon Bonaparte - Ipinalaganap ni Napoleon ang kapangyarihan ng France sa Austria, Spain, Prussia, Russia, at hilagang-kanlurang Italy,
gayundin ang mga ideya ng Rebolusyong Pranses. Ipinatupad din niya rito ang Napoleonic Code o batas na nagtataguyod ng pagkakapantay-
pantay ng mga mamamayan at makatuwirang sistema ng pagbubuwis. Winakasan din ang piyudalismo, itinaguyod ang edukasyon, pinayagang
maluklok sa puwesto ang mga intelektuwal, at hinikayat ang kalayaan sa pagpili ng relihiyon.

Gayunpaman, nabigo siyang mapasailalim ang Great Britain sa kanyang kapangyarihan. Malakas ang puwersang pandagat ng Great Britain. Sa
katunayan, tinalo nito ang magkasamang puwersa ng France at Spain sa Digmaan sa Trafalgar noong 1805. Sa pagkatalong ito, tuluyang
nagtapos ang hangarin ng France na lusubin at masakop ang Great Britain.

Dahil na rin sa umuusbong na damdaming nasyonalista, bumuo ang mga bansang Europeo ng alyansa laban kay Napoleon hanggang sa siya ay
matalo sa Labanan sa Waterloo noong 1815.

PAMANA NG REBOLUSYONG PRANSES

Bagama't malungkot ang kinasapitan ni Napoleon, makubuluhan ang naging pamana ng Rebolusyong Pranses sa kasaysayan hindi lamang ng
Europe kundi ng buong daigdig.

Kung tutuusin, ang Rebolusyong Pranses ay nagsilbing unang pagtatangka sa Europe na isagawa ang mga ideya ng Enlightenment-kalayaan,
pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran. Winakasan din nito ang ganap na kapangyarihan ng hari sa France at nakita ang pag- eeksperimento sa
iba't ibang anyo ng pamahalaan. Nagbigay-daan din ang Rebolusyong Pranses sa pag-unlad ng damdaming nasyonalista at pagkamakabayan.

E. Paglinang sa I konek mo!


Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
Kabihasaan PANUTO: Punan ang magkaugnay na kahon ng tamang impormasyon tungkol sa rebolusyong Pangkaisipan
(Tungo sa
Formative VOLTAIRE ADAM SMITH ROUSSEAU
Assessment) JOHN LOCKE DIDEROT MONTESQUIEU
THE TREATISE ON SOCIAL CONTRACT CHECKS AND BALANCE
GOVERNMENT
WEALTH OF NATIONS THE ENCYCLOPEDIA CRITICISM

F. Paglalapat ng PAHALAGAHAN MO AKO!


Aralin sa Pang- PANUTO: Gumawa ng Poster na nagpapakita ng kahalagahan ng rebolusyong Amerikano at Pranses, ayon sa temang “Pagbabago para sa
Araw-araw na Kalayaan”. Gumamit ng malinis na Short Bond Paper para sa Gawain
Buhay (Finding Pamantayan
practical Konsepto -5
application of Sining -2
concepts in daily Kalinisan -3
lives) Kabuan -5

Pamprosesong tanong
1. Paano isinakatuparan ng mga amerikano ang tahasang paghingi ng kalayaan?
2. Ano ang kinalabasan ng Rebolusyong Amerikano?
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
G. Paglalahat ng DEBA TEH!
aralin PANUTO: Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo at magkakaroon ng argumento/debate patungkol sa Pranses at Amerikano
(Generalization)
1. Saan kayo papanig sa rebolusyong amerikano o Pranses, ano sa palagay niyo ang naging mabuting epekto ng rebolusyong ito sa
kasalukuyang lipunan?
2. Sino ang mas may nakapag-ambag sa ating Lipunan
3. Paano mo ipapaliwanag na mas mahalaga ang napiling rebolusyong

V. PAGTATAYA (EVALUATION)

Panuto: Tukuyin kung sino ang nasa larawan gamit ang pagsasalarawan bilang gabay

1. M_ _ t_ _ _u_ _u 2. Vo_t_ _r_ 3. _o_ss_ _ _


Siya ang tumuligsa sa Abolutong monarkiya Ilang beses nakulong sa pagtuligsa sa pamahalaan nakilala siya sa sanaysay niyang Individual Freedom

4. D_ _ _s D_ _e_ _t 5. John _ _ _ _ _
Nakilala siya sa aklat niya na The Encyclopedia Siya ang nagsabi na ang tao ay may Tabularasang Isip
PANUTO: Piliin ang watong sagot na tinutukoy ng mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Panahon kung saan pinatay ang mga pinaghihinalaang kalaban ng mga rebolusyonaryo
a. Dark Age b. Pax Mongolica c. Pax Romana d. Reign of Terror
2. Ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa iba pang bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito
Binalonan, Pangasinan
Ikalawang Semester, Academic Year 2023-2024
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Nasyonalismo d. Patrionismo
3. Pagmamalaki at kamalayan ng pagiging kabilang sa isang nasyon na may sariling kultura, wika, tradisyon, at kasaysayan
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Nasyonalismo d. Patrionismo
4. Pagmamahal sa bayan at Kagandahang magsakripisyo para rito.
a. Kolonyalismo b. Imperyalismo c. Nasyonalismo d. Patrionismo
5. Ipinalaganap niya ang kapangyarihan ng France sa Australia, Spain at Russia
a. Denis Diderot b. Jean Jacques c. John Locke d. Napoleon Bonaparte

VI. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG-ARALIN (ASSIGNMENT)

1. Ano ang pinakamahalagang aral na natutunan mo sa rebolusyong Amerikano at Pranses?


2. Sa tingin mo nagkaroon ba ng magandang ambag ang rebolusyong Amerikano at Pranses

Inihanda ni: Iniwasto at Inaprubahan ni:

CLARIBEL A. PARTIDA JONALYN P. BOTACION


PRE-SERVICE TEACHER NAME OF CRITIC TEACHE
Date

You might also like