Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

~ ESP REVIEWER Q2 ~

Aralin 1/2: Karapatan at Tungkulin ng tao


Dignidad - ito ay halagang o value na siyang pinakamatibay.
Prinsipyo - gumagabay sa usapin hingil dito ang sumusunod;
1. Ito ay universal
2. Ito ay inalienable - hindi maaring alisin sa tao.
3. Indivisible - hindi maaaring ihiwalay
4. Interrelated - o magkakaugnay
5. Accountability - may pananagutan sa kapwa-tungkulim
Tungkulin - Ito ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o
maisasakatuparan ng isang tao.
Karapatan - ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga
pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang
kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao.
● “ius” mula sa salitang “uistitia” o katarungan (Justice). Mayroon itong
malaking kaugnayan ang karapatan sa katarungan.

Aralin 3: Dignidad sa Paggawa


isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan. (Esteban, SJ. 2009)
Isang aktibidad o gawaing tao. Ang paggawa ay ang anumang gawain ng tao na
pinaglalaanan rng pisikal at iba pa niyang kakayahan upang lumikha ng isang
bagay, mano-mano (manwal) man o sa larangan ng pangkaisipan.
Ayon kay Karl Max- sa lahat ng nilalang, tanging ang tao ang may kakayahan na
gumawa ng kaniyang sariling pagkain. Dito ay sangkot ang kabuuan ng ating
pagkatao sa lahat ng kaniyang aspeto kung kaya ang paggawa ay hindi lamang
isang gawain ng tao kundi ito ay Isang PERSONAL na gawain ng tao.

1 Ang paggawa ay isang personal na gawain na tanging tao lamang ang


makagagawa, dito nakikilala ang tao sa kaniyang dignidad..2. Ang paggawa ay
isang karapatan ng tao na dapat niyang matamo upang makapamuhay ng may
dignidad
3 Ang karapatan ay palaging may kaakibat na obligasyon kung kaya't ang paggawa
ay isa ring tungkulin.

Layunin ng Paggawa
1. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang
matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
2 Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at
Teknolohiya.
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
4. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao.

Tao ang subheto ng paggawa dahil nasa tao ang kakayahan na gumawa at
gumanap ng iba't ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa. Ang paggawa ay
para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento
at teknolohiya na

Iba't iba ang uri ng paggawa ang maaring kasangkutan sa


paghahanap-buhay ng isang indibidwal.

1. Manwal na Paggawa (Manual work)- ito ang pinaka pangkaraniwang gawain


tulad ng pagkakarpintero, pagsasaka, at iba pang mano- mano na gawain.
Sinumang tao na physically fit na magtrabaho ay maari sa ganitong gawain.
2. Klerikal na paggawa (Clerical work)- ito ay mga gawaing may kinalaman sa
opisina at administrative support katulad ng klerk, sekretarya, administrative
assistant, at iba pa.

3. Propesyunal na paggawa (Professional work)- ito ay mga gawaing ginawa ng


mga indibidwal na nagtapos ng partikular na kurso sa kolehiyo o kaya ay may mga
postgraduate degree katulad ng mamamahayag, negosyante, manggagamot,
abogado, guro, at iba pa.

4. Pamamahala (Work of management) - mga gawaing ginagawa ng mga


manager o superintendent sa iba't ibang industriya.

5. Pagnenegosyo (Work of entrepreneur) - mga gawaing may kinalaman sa


pagtatayo at papatakbo ng mga maliliit na negosyo.

6. Imbensiyon (Work of invention) - mga gawaing ginagawa ng mga imbentor


na kinakailangan ng masusing pag-iisip at pagkamalikhain.

7. Intelektuwal (Intellecual work) - ang mga gawaing ito ay para sa mga


tinaguriang "thinker" gaya ng mga iskolar, manunulat, pilosopo (philosopher) pati
na ang mga siyentipiko.

ARALIN 4: Bolunterismo at Pakikilahok

● Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat ng


mayroong kamalayan at pananagutan. Nagbibigay ito sa tao ng makabuluhang
pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat nakikilahok ay dapat tumupad sa
kaniyang tungkulin para sa kabutihang panlahat. Ang pakikilahok ay makakamit
lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan, mula dito makakamit
ang kabutihang panlahat.

● Pagkakaiba ng pakikilahok sa bolunterismo? Sa pakikilahok,


nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan mong
gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Halimbawa: ang paglahok sa
halalan, paglahok sa pangkatang gawain na pinapagawa ng guro o paglahok sa
pulong ng kabataan sa barangay.
● Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi
yaong iba na hindi mo tinulungan. Kung ikaw naman ay di tutugon; maaari
kang mabagabag ng iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapuwa. Hindi lahat ng pakikilahok ay may
aspekto ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng
pakikilahok.

Sa pakikilahok at bolunterismo dapat makita ang tatlong Ts:


• Panahon (Time)-Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas
hindi na ito maibabalik.
• Talento (Talent) -Lahat tayo ay may taglay na talento at ito ay iyong
magagamit upang ibahagi sa iba.
• Kayamanan (Treasure)- Sa pagbibigay, hindi tinitingnan ang laki sapagkat
gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso
para sa nangagailangan.

You might also like