Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang. 1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may karamdaman. A. Pagtulong sa pagpapainom ng gamot. B. Hindi pagbisita sa taong may sakit C. Pagtawanan ang taong may karamdaman. D. Pang –bubully sa taong may sakit.
2. Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa tindi ng
sakit ng kanyang ngipin. Ano ang dapat mong gawin? A. Pabayaan lamang siyang umiyak. B. Pagtawanan ang kaklaseng masakit ang ngipin C. Samahan siyang nagpunta sa dentist upang magamot ang sumasakit na ngipin. D. Bigyan ng tsokolate ang kaklase upang lalo pang sumakit ang ngipin.
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mong maitulong
sa iyong kaklase na may sakit? A. Pagtawanan ang kaklaseng may sakit B. Pagdalaw at pagbibigay ng prutas sa kaklaseng may sakit C. Pag –aaya sa kaklaseng ay sakit na maligo at maglaro sa ulan. D. Wala kang gagawin. 4. May sakit ang nanay ni Amiel kaya hindi ito makagawa ng gawain sa bahay. Ano ang dapat gawin ni Amiel? A. Umalis ng bahay. B. Manood ng sine at mamasyal sa mall. C. Makipag laro sa kapit-bahay. D. Gumawa ng gawaing bahay atb alagaan ng nanay. 5. Nagpapakita ng malasakit sa taong may karamdaman o kapansanan. A. Paminsan-insan C. Hindi B. Palagi D. Pag may nakakakitang guro.
6.Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita
ka ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan? A. Nahihiya C. Masaya B. Nalulungkot D. Wala sa nabanggit
7. Alin ang dapat mong gawin kapag nabalitaan mong
may sakit ang iyong guro. A. Mag-iingay at mang-gugulo sa klase. B. Pupulungin ang buong klase at sasabihing dalawin ninyo ang guro. C. Hindi na lang papasok sa klase. D. Hihintayin na lamang na pumasok ang guro.
8. May sakit ang iyong nakababatang kapatid, Ano ang
dapat mong gawin upang mapagaan ang kanyang pakiramdam? A. Babasahan ng nakakatakot na kwento. B. Iiwan ang kapatid at makikipaglaro sa mga kaibigan. C. Kukwentuhan ng nakaka-aliw ang kapatid. D. Manood ng T.V. at hahayaag mag-isa sa kwarto ang kapatid. 9. May sakit ang iyong lolo at lola sa probinsya, sinabihan ka ng nanay mo na dadalawin nyo sila sa araw ng Sabado. Ano ang gagawin mo? A. Sasama sa nanay sa pagdalaw sa mga lolo at lola. B. Magdadahilan na marami kayong gagawin sa paaralan. C. Sasama sa nanay ngunit masama ang loob. D. Hindi na lang sasama.
10. Palabas ka na ng paaralan para umuwi na ng makita
mo ang iyong kamag-aral na pilay na nahihirapan sa pagtayo sa upuan . Ano ang gagawin mo? A. Hahayaan na lamang na mag-isa itong tumayo. B. Aalis na parang walang nakita. C. Lalapitan ko siya at pagtatawanan. D. Lalapitan ko siya at tutulungang tumayo. 11. Nakasakay si Cristine sa sasakyan. Sa isang kanto,umakyat ang isang matandang babae. Wala ng bakanteng upuan. Ano kaya ang maaring gawin ni Cristine? A. Hayaan niyang nakatayo ang matanda. B. Pababain na lamang niya ang matanda. C. Ibigay niya ang kanyang upuan sa matanda. D. Hintaying may bumaba saka paupuin ang matanda.
12. May paligsahan sa pagsayaw ang inyong
paaralan,alam mong marunong sumayaw ang kaibigan mong si Tanya .Ano ang sasabihin mo sa kanya? A. Huwag na lamang siyang sasali dahil siya ay may kapansanan. B. Hihikayatin kong sumali si Tanya dahil alam kong mahusay siyang sumayaw. C. Hindi ko sasabihin kay Tanya na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan. D. Wala akong gagawin. 13. Nagbigay ng wheel chair ang balik-bayang kapitbahay sa batang may kapansanan . Ito ba ay nagpapakita ng malasakit sa taong may kapansanan? A. Oo B. Hindi C. Ewan D. Wala sa nabanggit 14. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Aries. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood,ano ang dapat mong gawin? A. Tatawanan ko si Aries. B. Tatawagin ko na siya para umupo na. C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya. D. Sisisihin ko siya at sasabihan na sana hindi na lang sumali sa palatuntunan.
15. Simbang gabi. Siksikan ang mga tao sa loob ng
simbahan . Isang babaeng pilay ang nakasandal sa dingding. Ano ang nararapat mong gawin kung isa ka sa mga nakaupo.? A. Palabasin ang babae. B. Magpapanggap na hindi nakita ang babaeng pilay. C. Hayaang nakatayo ang babaeng pilay. D. Ibibigay ang upuan sa babaeng pilay. 16. Pumasyal si Aling Meding sa paaralan upang dumalo sa isang pulong. Paano mo maipapakita ang iyong kabutihang – loob? A. Yayayain siyang lumabas C. Bigyan siya ng upuan. B. Hahayaang nakatayo. D. Itago ang mga upuan. 17. Sinabi ng inyong guro na ang kamag-aral ninyong Tausug ay nasunugan,at kinakailangan ninyong tumulong.Ano ang dapat mong gawin? A. Hindi papansinin ang ibinalita ng guro. B. Magbibigay ako ng mga lumang damit na pwede pang pakinabangan, upang makatulong sa aking kamag-aral. C. Sasabihan ang mga kamag-aral na hindi dapat tumulong dahil hindi nila ito kauri. D. Makikinig sa guro ngunit hindi tutulong.
18. May outreach program ang inyong barangay
nagpapadala ng pagkain at mga damit sa mga batang nasa malalayong lugar.Ano ang dapat mong gawin? A. Sasama ako,ngunit hindi tutulong. B. Hindi ako sasama at magkukulong na lamang sa aming bahay. C. Sasama ako at buong pusong tutulong. D. Wala sa nabanggit.
19. Nakita mong naglalaro ang batang punit-punit ang
damit, ano ang dapat mong gawin? A. Lalapitan ko siya ,bibigyan ng damit na di ko na ginagamit at makikipaglaro. B. Paaalisin ko siya sa lugar naming. C. Ipapahabol ko sa aso naming. D. Pagtatawanan ang bata.
20. May isang batang nakatingin sa inyo habang
kumakain kayo sa isang restawran. Ano ang gagawin mo? A. Itutuloy pa rin ang pagkain,habang nakatingin ang bata sa amin. B. Hindi papansinin ang bata at magkukunwaring walang Nakita. C. Pagtatawanan at iingitin ang bata. D. Lalapitan ang bata at bibigyan ng pagkain.
21. Nakita mo ang isang batang katutubo na putol ang
isang kamay at hindi kayang dalhin ang kanyang gamit. Ano ang dapat mong gawin? A. Hindi ko papansinin ang bata. B. Tutulungan ang bata na dalhin ang kanyang gamit. C. Magkukunwaring hindi nakita ang bata. D. Walang gagawin.
22. Marami kang laruan sa bahay ninyo na hindi mo na
ginagamit. Hinimok kayo ng inyong guro na mag donate ng mga gamit para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang gagawin mo? A. Sasabihin sa guro na mag dodonate ngunit hindi magbibigay. B. Hindi papansinin ang sinabi ng guro. C. Buong pusong i- dodonate ang mga laruan, para mapakinabangan ng ibang bata. D. Magbibigay ngunit hindi na maaring pakinabangan.
23. May palatuntunan sa inyong paaralan,nakita mong
ang isang batang Aeta ay sumali,bilang manonood ano ang gagawin mo? A. Panonoorin ko siya at susuportahan sa kanyang talent. B. Lalapitan ko siya at sasabihang huwag na siyang sumali. C. Pagtatawanan ko siya dahil sumali siya sa palatuntunan. D. Hindi ko na lamang siya papansinin. 24. Dinayo ka ng iyong mga kaibigan sa inyong bahay para yayaing maglaro isang Sabado ng hapon. Ano ang gagawin mo? A. Tatanggi sa kanila. B. Magtatago dahil wala ako sa kondisyon makipaglaro. C. Makikipaglaro ng may kasiglahan at kasiyahan sa kanila. D. Paaalisin sila at magdadahilang may sakit ako para huwag silang mamilit.
25. May gaganaping Day Camp sa inyong paaralan
at hinihikayat na sumali ang lahat ng mag-aaral. A. Hindi ako sasali. B. Sasali ng may kasiglahan at makikilahok sa mga aktibidad. C. Magpapalista subalit liliban sa araw ng Day Camp. D. Sasali ngunit hindi makikilahok sa mga aktibidad 26. Ang Teachers’ Day ay gaganapin sa Biyernes. Ang mga mag-aaral ay naatasang manguna sa programang gagawin. A. Makikilahok ako ng may pagkukusa at kasiyahan. B. Liliban ako sa klase sa buong linggo upang hindi na makasali. C. Makikilahok ako ngunit hindi magiging tagapanood kahit may talent. D. Makikilahok ako upang pagtawanan ang mga batang sumali ngunit pangit ang ginawa.
27. Oras ng P.E. Pinalabas kayo ng guro upang
magsagawa ng ehersisyo. Ano ang gagawin mo? A. Hindi sasali sa ehersisyo. B. Magtatago sa guro. C. Bibili ng palihim sa canteen. D. Sasali sa mga gagawing ehersisyo
28. Hinati kayo ng guro sa tiglilima bawat grupo.
Nagkataong hindi mo kabarkada ang mga nakasama mo. A. Makikilahok pa rin at gagawin ang dapat gawin. B. Makikilahok pa rin ngunit ipapaubaya sa mga kasama ang paggawa. C. Makikilahok pa rin ngunit mambubully ng mga kasamahang hindi gusto. D. Makikilahok sa paghahanda at paggawa ngunit hindi sasali kung irereport na ang ginawa.
29. Mahusay kang gumuhit kaya’t kinausap ka ng iyong
guro upang sumali sa patimpalak na gaganapin sa inyong paaralan na sasalihan ng iba’t-ibang paaralan. A. Iiyak at sasabihing hindi kaya. B. Lalahok at magsasanay na mabuti. C. Liliban sa araw ng patimpalak. D. Magtuturo ng ibang bata upang sumali
30. Nagkaroon ng simpleng paligsahan sa
pagbabasa sa inyong silid-aralan. Inatasan ng guro ang bawat isa sa inyo na magsanay mabuti. Alam mong mabagal kang bumasa. A. Hindi ako lalahok kahit pilitin ng guro. B. Lalahok ako upang ipakitang nais kong matuto. C. Tatawanan ko ang mga nagkakamali sa pagbabasa. D. Susuntukin ko ang sinumang tatawa kung ako na ang babasa.