Bionote 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panuto : Buuin sa isang talata ayon sa pagkakasunod-sunod ang bionote ng isang

manunulat ng aklat na “Filipino sa Piling Larangan (Akademik).

BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA:

➢ Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling

Filipino.

➢ Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang pamatasan
at institusyong pangkultura.

➢ Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas

sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the
Philippines -Diliman.

➢ Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.

➢ Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at

Antolohiya (1999) ,at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at
Ambagan : Mga Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa Filipinas na kapwa proyekto ng
Filipinas Institute of Translation sa UP Press.
Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag
,koordineytor at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”

Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary

Education magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language
and Literature sa Philippine Normal University . Nakapagturo siya ng Filipino sa
loob ng dalawampu’t limang taon at nakapanglingkod bilang homeroom chairman,
koordineytor ng Filipino at Sibika / HeKaSi at Assistant principal for Academics
sa St. Paul College Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang kumperensyang
pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika , Singapore ,China ( Macau) at
Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga
kumperensyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman
at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro sa
iba’t ibang panig ng bansa.

Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools , Colleges, and

Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata
gayundin sa mga magasin at journal na pangguro. Subalit ang itinuturing niyang
pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging simpleng
maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga aklat
na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang Pilipino.

Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod:
Pangalan ng may-akda , kursong natapos (graduate at post-graduate) ,karangalang
makamit, trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang
nadaluhan,kontibyutor ,angkop na kasanayan , akreditor , manunulat at iba pa.
2. Magbasa ng mga aklat at suriin ang bionote ng mga may akda sa huling
bahagi nito. Pansinin kung paano isinulat ang mga to.
Matapos kong suriin ang bionote ng isang awtor ng isang libro, aking
napansin na ang bionote ay isang maikli at siksik na impormasyon tungkol sa awtor
na may kaugnayan sa paksang tinatalakay sa papel. Akin ‘ding napuna na ang
bionote bagkus maikli ay naglalahad ng impormatibong talata na nagpapaalam sa
mga mambabasa kung sino ka o anu-ano na ang mga nagawa mo
bilang
propesyunal. Ang bionote ay pumapatungkol sa isang tao sa pamamagitan
ng
paglalahad nila sa maikli at siksik na impormasyon. Tanging mga
importang
kaganapan at hindi malilimutang karanasan ang kalimitan napapaloob sa bionote.
Ito ang karaniwang inilalagay sa may dulong bahagi ng libro upang mapagbigay
kaalaman sa mga mambababasa kung gaano kahusay ang awtor ng libro.
Ang bionote na aking nabasa ay naglalaman ng kung saang paaralan
naglagak ang awtor simula kolehiyo hanggang sa makakuha ng master’s degree.
Nakapaloob din sa bionote kung anong naging katayuan ng awtor sa ibang sektor
ng lipunan at kung ano anong mga parangal na ang kanyang nakamtam mula sa
iba ibang pagdiriwang. Mula sa isa kong sinuri na bionote, sa may dulong bahagi ay
kanyang pinasalamatan niya ang mga taong tumulong sa kanya o mga
taong
nakiisa upang makuha ng kanyang pangarap. Mula naman sa isang bionote
na
aking nabasa, kanyang binibigyang pasasalamat ang paaralan at guro na humubog
sakanya upang maging edukado at disiplinadong propesyunal. Hindi lamang sa libro
makikita o madidinig ang halimbawa ng bionote, minsan din natin mapapakinggan
ang bionote ng isang propesyunal sa mga pagdiriwang na may tagapagsalita o yung
mga nagbibigay ng pambungad ng pananalita, iba ibang karanasan ngunit
iisa
lamang ang pinatutungkulan, ang tagumpay na nakamit nila dahil sa sipag at tiyaga
kasama ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

You might also like