Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Meriel B.

Almoite
BEED-II
TFE102

Pamagat ng maikling kwento: Alamat ni Maria cacao/kakaw

Bisa sa Isip
- Sa alamat ni Maria Cacao/kakaw, may bisa sa aking isip dahil nagbibigay ito ng
imahinasyon at paglalayag sa aking kaisipan o ng mga tagapakinig.Nap- isip ako sa
una kung ito ba ay totoo o sabi-sabi lamang ng mga taong naninirahan sa Argao Cebu,
na may isang napaka gandang diwata na may malawak na taniman ng cacao/kakaw sa
bundok argao na nakatira sa kaakit-akit na bundok lantoy na ngangalan na Maria
cacao/kakaw. Sumasang ayon ako na totoo ang puno o bungang Cacao/kaka,ngunit
totoo nga ba ng diwata?. Ang kwentong ito ay may kasabihan na totoo sapagkat ang
kanyang biyahe sa iba't ibang lugar upang magbenta ng kanyang ani ay naglalarawan
ng pakikipagkalakalan at bumubuo ng isang mundo ng kagandahan at kakaibang
pakikipagsapalaran sa aking isip,dahil sa pagiging likas sa kaalaman ay naisip nyang
makipag sapalaran sa ibang lugar upang ibenta ang kaniyang ani, at bukod dun ang
naging kapalit o bayad sa kanya ay mga ibat-ibang kagamitan mula sa ibat-ibang
lugar, na kung saan ito ay napapakinabangan ng mga taong nasa paligid niya. Na kung
saan may ibat-ibang tao sa panahon natin ngayon ay may ganitong ka-ugalian subalit
may iba na sarili lamang iniisip.

Bisa sa Damdamin
- Ang alamat ni Maria Cacao/kakaw ay may bisa sa aking damdamin sapagkat
naglalaman ito ng kwento ng pagmamahal, pag-aalaga, kabaitan, at kaalaman. Kung
saan ako ay nakaramdam ng pagkamangha, kagalakan at lungkot, bakit? Dahil
namangha ako sa pagiging madiskarte, katalinuhan ni maria cacao/kakaw sa paraang
pag bebenta ng kanyang mga ani sa ibang lugar upang sa kapalit na bayad ay imbes na
salapi ay ibat-iba at bagong mga kagamitan ang binigay. Kagalakan dahil, masayang
tumutulong si maria cacao/kakaw sa kaniyang mga nasasakupan o mga naninirahan sa
bundok na iyon na nakikinabang sa mga kagamitan ni maria cacao/kakaw, subalit
nalungkot sapagkat ang mga taong masaya at walang hirap na sulusyunan ang
kanilang pangangailangan tulad ng kagamitan, ay malaking epekto kay maria
cacao/kakaw sapagkat ang mga bagong kagamitan ay hindi naibabalik ng maayos at
may ibang hindi na binabalik. Nararapat na kaitwa-tiwala sa ganitong sitwasyon kung
may mga bagay nahihiramin,sapagkat bukal sa puso ipinahirap dapat may kusa at may
ayos sa pagbalik.

Bisa sa Kaasalan
- Sa aspeto ng kaasalan, ang alamat ni Maria Cacao ay nagpapakita ng halaga ng
pangako at pagiging tapat sa mga pangako na binitiwan. Tulad na lamang ng
paghiram sa mga kagamitan, kung paano hiniram na maayos ay nararapat na ibalik ng
maayos, at may asal na pagiging tapat at pagkakatiwalaan. Dahil kung may ganitong
kaasalan ay maaring si maria cacao/kakaw o mga taong nag papahiram ng kagamitan
ay maluwag at kapanipaniwala sa’iyo na ipapahiram ang mga ito.

Bisang Panlipunan
-Sa isang pang-agham panlipunan, ang alamat ni Maria Cacao ay nagpapahiwatig
ng pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng mga sinaunang Pilipino. Ipinapakita
nito ang kanilang paraan ng pamumuhay, pakikisalamuha sa kalikasan, at
interaksyon sa kanilang kapwa sa komunidad. Sa tingin ko naman na may mga
kaugalian ang mga pilipino sa ganitong kaisipan, halimbawa nito ay ang
pagbebenta ng mga pilipino ng ibat-ibang produkto na mula sa pilipinas upang
ibenta sa ibang lugar uoang magpalitan ng mga produkto na kung saan ay
nagagamit ng bawat lugar ang mga ito. Ngunit marami sa mga pilipino na sarado
ang kaisipan para sa ikauunlad at ikabubuti ng kalikasan o ng pilipinas.

You might also like