Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
April 3, 2024 (Wednesday)

LESSON PLAN IN EPP-Indistrial Arts IV (Quarter 4)

I. Layunin
A. Pamantayan Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsususkat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing pang-industriya at ang maitutulong nito sa
pag-unlad ng isang pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa nang may kasanayan sa pagsusukat at pagpapahalaga sa mga
batayang gawain sa sining pang-industriya na makapagpapaunlad sa kabuhayan ng sariling pamayanan.
C. Most Essential Learning Competencies (MELC):
1.1 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsusukat EPP4IA-0a-1
1.1.1 nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat
1.1.2 nagagamit ang dalawang sistemang panukat (English at metric)
D. Mga Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naibibigay ang mga kagamitan sa pagsusukat;
 Naiuuri ang mga kagamitang panukat ayon sa wastong gamit nito; at
 Nauunawaan ang kahalagahan ng mga wastong kagamitan sa panukat.
II. Nilalaman
Paksa/ Aralin: Mga Kagamitan sa Pagsusukat
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31;
Pivot4A Q4 EPP-IA SLM V2, pahina 6-9
B. Iba pang Kagamitang Pangguro: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, laptop,
Show Me Board, chalk
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa paggamit ng mga kagamitang panukat
Integrasyon: EsP, Math, ICT

IV. Pamamaraan
A. Balik-aral/ Paglalahad ng Bagong Aralin
 Magbalik tanaw sa iyong aralin sa Matematika tungkol sa pagsusukat at sagutin ang kasunod
na tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
 Tanong: Kung susukatin ang sumusunod na hugis, anu-ano ang yunit sa pagsusukat ang
maaring gamitin?

B. Pagganyak
Panuto: Tingnan mabuti ang mga larawan. Basahin at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat
ang titik sa patlang.

Address: Habay 1, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 432-9237
E-mail Address: 107870@deped.gov.ph FB Page: DepEd Tayo Habay ES-Bacoor
City
A B C

Itanong:
1. Alin sa larawang ipinakita sa itaas ang karaniwang ginagamit ng isang mananahi?
2. Ang tawag sa larawang ito ay protractor.
3. Ang larawang ito ay ginagamit ninyo sa paaralan sa pagguhit ng linya.

C. Pakitang-Turo/ Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


 Buksan ang modyul v2 sa pahina 6-7. Ating alamin ang iba’t ibang kasangkapang ginagamit sa
pagsusukat.
 Karagdagang Kasangkapan sa Panukat:
9. Divider – ginagamit ito sa paghahati –hati ng linya at sa paglilipat ng mga sukat.
Hindi katulad ng compass na may lapis ang isang dulo, tila karayom ang tulis ng
magkabilang dulo ng divider.

10. French Curve - ginagamit ito sa pagbuo ng mga komplikadong kurba.

11. Lapis - may iba’t iba uri ng lapis na ginagamit sa pagguhit. Ang HB ang
karaniwang ginagamit sa pagguhit at pagmamarka.

 Sa pagsusukat, dapat nating tandaan ang mga sumusunod na kaisipan upang maging
matagumpay ang ating bubuuing proyekto.

1. Ganap na kawastuhan (accuracy) – nangangahulugan ito na dapat nating sukatin ang wastong
haba o kapal ng isang bagay para mabuo ng tama ang isang proyekto. Kung tayo ay gagawa ng
isang bagay kailangan gamitin din natin ang tamang panukat para makuha o tumpak ang sukat
nito
2. Katumpakan (precision) -Sa isang proyekto kailangan ang tumpak o sakto lamang ayon sa mga
ginamit na panukat nito.
3. Katatagan (stability) - kinakailangan ang tamang pagsukat ng mga bagay para maging matatag
ang proyekto. Halimbawa gagawa ka ng bahay kailangang tama at wasto ang mga sukat at
matibay na mga materyales upang maging matatag ang iyong bahay.

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


Panuto: Ibigay ang pinaka-angkop na kagamitan na ginagamit sa pagsusukat ng mga sumusunod
na bagay. Isulat ito sa iyong Show Me Board.

1. Haba at lapad ng bintana. ____________


2. Baywang ng tao._______________
3. Digri o anggulo sa iginuguhit na linya._____________
4. Gilid ng kahoy at lapad ng tela. _______________
5. Paggawa ng pattern. ________________________
6. Pagsukat ng mahahabang linya sa pagdrodrowing.__________
7. Ito ay kasangakapang yari sa metal na may haba ng dalawampu’t limang (25) pulgada.
___________
8. Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng linya sa drowing at iba pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.____________.
9. Ito ay ginagamit ng isang mananahi sa pagsukat ng bahagi ng katawan.___________________
10. Ito ay kadalasan ginagamit ng mag-aaral sa pagguhit ng linya.____________

E. Paglinang ng Kabihasaan
Think-Pair-Share
 Isulat sa iyong kwaderno kung anong uri ng panukat ang isinasaad sa bawat sitwasyon.
Pagkatapos sagutan, ibahagi ito sa iyong kapareha upang matiyak na tama ang iyong
naging sagot.

_________1. Kung ikaw ay magpapatahi ng iyong uniporme, ano kayang uri ng pagsusukat ang
gagamitin para maging tama ang lapat ng uniporme sa katawan mo?
_________2. Sa pagbili ng tela ano kaya ang ginagamit na pamamaraan ng pagsusukat para sa
mga mananahi ng mga pantaloon, kurtina at iba pa?
_________3. Sa pagbili naman ng kahoy sa hardware anong uri kaya ng pagsusukat ang ginagamit
ng tindera upang malaman ang babayaran ng mamimili?
_________4. Sa pagbili ng kawad ng kuryente, kung ikaw ay gagawa ng extension cord, paano ito
sinusukat upang maging batayan kung magkano ang babayaran ng isang mamimili?
_________5. Anong uri ng panukat ang gagamitin sa pagkuha ng anggulo ng mabibilog na bagay?

F. Paglalahat
Sa pagsusukat gumagamit tayo ng iba’t-ibang kasangkapan/ kagamitan. Ang mga bawat
kagamitan sa pagsusukat ay may mga angkop na bagay kung saan ito gagamitin.

G. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na dalawampu’t limang pulgada hanggang isang
daang talampakan.
a. Protraktor c. T-Square
b. Pull-Push Rule d. Iskuwalang Asero
2. Ang kagamitang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng malalapad na gilid ng isang bagay.
a. Protraktor c. T-Square
b. Tape Measure d. Iskuwalang Asero
3. Ang kagamitang ito ay ginagamit sa pagsukat ng bahagi ng katawan ng tao.
a. Protraktor c. T-Square
b. Tape Measure d. Zigzag Rule
4. Ginagamit ito ng mag- aaral sa pag-guhit ng linya.
a. Ruler c. T-Square
b. Pull-Push Rule d. Zigzag Rule
5. Yari naman ito sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye at panukat ng mahahabang
bagay.
a. Protraktor c. T-Square
b. Pull-Push Rule d. Zigzag Rule

H. Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang iba’t-ibang kasangkapan sa pagsusukat, magsukat ng limang bagay o gamit.
Isulat sa tsart ang iyong sagot.
Bagay na susukatin Sukat Panukat na ginamit
1.
2.
3.
4.
5.

Index of Mastery
PL
IV- DEVOTION IV-HOPE IV- WISDOM IV- HONESTY IV- CLARITY
5 X = 5 X = 5 X = 5 X = 5 X =
4 X = 4 X = 4 X = 4 X = 4 X =
3 X = 3 X = 3 X = 3 X = 3 X =
2 X = 2 X = 2 X = 2 X = 2 X =
1 X = 1 X = 1 X = 1 X = 1 X =
0 X = 0 X = 0 X = 0 X = 0 X =

PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %

Prepared by:

RAQUEL C. CORRE
Teacher II

Checked by:

RACHEL V. ABE
Master Teacher I

You might also like