Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 13: Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan at


Timog - Silangang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Blessie J. Dacillo
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Allan P. Ulep
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, Ed.D.
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto13
Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan at
Timog -Silangang Asya Asyaanlurang
Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul 13 para sa araling Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan at Timog -
Silangang Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul


ukol sa Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan at Timog -Silangang Asya.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.


na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Nailalarawan ang bahaging ginampanan ng relihiyon at pilosopiya sa ibat-ibang
aspeto ng pamumuhay ng mga Asyano.
2. Nababatid ang ibat-ibang relihiyon at pilosopiya na nagmula sa silangan at timog
silangan Asya.
3. Napapahalagahan ang bahagi ginampanan ng relihiyon at pilosopiya sa
pamumuhay ng mga Asyano.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay Tama at M kung Mali.


1. Ang Shinto ay ang tradisyonal na pagsamba ng mga Hapon sa kalikasan.
2. Ang Pilosopiyang Taoismo ay itinatag ni Confucius.
3. Ang Pilosopiyang Taoismo ay langanap sa mga bansa sa Timog Silangan Asya
tulad ng Taiwan,Malaysia, Thailand at Singapore.
4. Ang Animismo ay ang paniniwalang pagsamba sa kalikasan.
5. Ang paniniwala ni Confucius ay ang mabuting paraan ng pamumuhay ng
isang tao ay magdadala ng kapayapaan.

BALIK-ARAL

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa ibaba.

A. Dutch B. British C. Ilustrado D. Español E. Indochina

1. Sila ay mananakop ng bansang Indonesia


2. Sinakop nila ang Pilipinas sa loob 333 na taon
3. Ito ay binubuo ng mga bansang Vietnam, Laos at Cambodia
4. Grupong nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas at
maging sa Spain.
5. Sila ay mananakop ng bansang Burma.

ARALIN

Relihiyon sa Silangan at Timog - Silangan Asya


Shintoismo

Shintoismo ang tawag sa Paniniwala ng mga Hapones tungkol


sa Diyosa ng araw at iba pang Diyosa ng kalikasan. Ang Shinto ay
nangangahulugang Daan o kaparaanan ng Diyos. Tinatawag na Kami
ang mga Diyos na may kapangyarihang likas at nananahan ang mga
ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at araw. Sinasamba rin nila
ang namatay nilang mga kamaganak at ninuno.Nakasentro ang
Torii Gate
pagsamba nila sa mga templo at dambana na sa paniniwala nila ay
Ito ang nananahan ang Diyos. Bunubuo ang paniniwala nila ng mga dasal,
sumisimbolo pagpalakpak, pag-aalay at gawaing pananampalataya. Malaking
sa Shinto. bilang nila ay makikita sa bansang Hapon.

APAT NA PANININDIGAN NG SHINTO

1. Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahingprayoridad.


2. Pagmamahal sa Kalikasan: Ang kalikasan ay may malakas na koneksyon sa
mga Panginoon kaya ito’y binibigyang silbi.
3. Kanilang Kalinisan: Sila ay palaging naliligo at naghuhugas.
4. Matsuri: Pagpuri sa mga Panginoon at sa mga sinaunang espirito.
MGA PANINIWALA

• Purification: Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan. Kami: Banal na


espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay. Kapag ikaw ay namamatay,
ikaw ay magiging isang kami.
• Aragami: Masamang “kami” na pinatay at ngayon ay naghahanap ng
paghihiganti.
• Mizuko: Mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng problema.
• Mizuko Kuyo: Pag-samba ng mga Mizuko upang iwasan ang problem

Animismo

Ang animismo (mula sa Lating anima o "kaluluwa", "buhay")


ay isang paniniwala na nagsasabing mayroong puwersang hindi
materyal na nagpapakilos sa kapaligiran. Sinasabi rin dito na may
kani-kaniaya o angking kaluluwa ang mga bagay-bagay. Bukod dito,
isa itong paniniwala sa kapangyarihan at lakas ng kaluluwa. Isa itong
ideyang pilosopikal, relihiyoso, o espiritwal na umiiral ang mga kaluluwa o mga
espiritu hindi lamang sa mga tao at mga hayop, ngunit maging sa mga halaman,
mga bato, mga likas na kaganapang katulad ng kulog, sa mga heograpikong
katangiang katulad ng mga bundok o mga ilog, o iba pang mga entidad ng
kapaligirang likas, na isang proposisyong kilala rin bilang hilosoismo sa pilosopiya.
ang mag alay at magdasal sa mga espiritu Ang pagaalay ng dugo ng hayop ay
kaugnay sa mga ritwal ukol sa pagbubuntis. Naniniwala rin sila sa kapangyarihan
ng mga anting-anting na nagliligtas sa mga tao sa kapahamakan.

MGA PILOSOPIYA SA SILANGAN ASYA

Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" at


"Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman
ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung
kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang
magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa
nagtatanong.

Confucianismo

Ang Confucianismo ay isang pilosopiya at relihiyong


nagmula sa Tsina. Si Confucius ang kinikilalang tagapagtatag
nito. Ang pangunahing turo ni Confucius ay Etikal. Naniniwala
si Confucius na kapag ang tao ay isinasagawa ang nasa batas
moral ay ginagawa niya ang kagustuhan ng langit. Ang turo niya
ay makikita sa kanyang mga isinulat na libro Four books at Five
classics.

Mayroon din silang Limang Birtud ng Confucianismo

1. Benebolensya (Jen)- ang pag iisip lagi ng kabutihan ng mamamayan.

2. Kabutihan (Yi)- ang di paggawa sa pinamumunuan ang ayaw momg gawin


nila sa iyo.

3. Propriety (Li)- ang laging pagkilos ng may paggalang at kurtisiya.

4. Karunungan (Chin)- lagging napatnubayan ng kaalaman at pag-unawa.

5. Sinsiridad (Hsin)- ang pagiging tapat at makatotohanan sa lahat ng ginagawa.

Taoismo
Itinatag ni Lao Tzu. Isinilang siya noong 500 BC sa Hunan sa
Timog China siya ay natuto sumunod sa tawag niyang “Tao”. Ang Tao
ay nangangahulugan “Ang Daan sa Kalikasan”. Ang pangunahing
paniniwala ng Taoismo ay isinulat ni Lao Tzu ay aklat na “Tao Te Ching”
ito ay na sa anyong patula. Layunin nito na makamit ang ugnayang
mistiko. Ang Taoismo ay lagi nang nagbibigay ng mataas na paggalang
sa iba’t-ibang diyos tulad ni T’ai I (ang kaisahan), T’ien I (langit), at Ti I
(mundo).
Mga Paniniwala ng Taoismo

• Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan.


• Chi: enerhiya na nang-gagaling sa kalikasan o sa tao.
• Tao: Isang puwersa sa likod ng mga natural na kaayusan.
• Wu Wei: Hindi nakikita na kapangyarihan sa loob ng lahat ng mga bagay
• Pu: Lahat ng bagay ay nakikita na ito ay walang “preconceptions”. De: Ang
aktibong pamumuhay, o sa sarili, ng “paraan”.
Sa kasalukuyan ang Ang Pilosopiyang Taoismo ay langanap sa mga bansa sa
Timog Silangan asya tulad ng Taiwan,Malaysia, Thailand at Singapore.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Panuto: Punan ng datos ang talahanayan batay sa nabasang impormasyon sa
aralin.

RELIHIYON/ Shintoismo Animismo Confucianismo Taoismo


PILOSOPIYA

Nagtatag

Banal na Aklat

Mga Paniniwala

PAGLALAHAT

Panuto: Punuan ang patlang sa ibaba at bumuo ng isang paglalahat tungkol


sa mga relihiyon sa Silangan at Timog Silangan Asya.

Ang ___________ay isang paniniwala na nagsasabing


mayroong puwersang hindi materyal na nagpapakilos sa kapaligiran.
Ang Relihiyon _______________, ay laganap sa bansang Hapon
samantalang ang mga Pilosopiya ___________________ at
_________________ na nagmula sa bansang Tsina ay laganap naman
sa rehiyon ng Silangan at Timog Silangan Asya.
PAGPAPAHALAGA

Panuto :Sagutin ng 3-5 pangungusap ang tanong na nasa kahon. Isulat ang sagot
sa inyong kasagutan sa sagutang papel.

Mahalaga ang relihiyon para sa mga Asyano


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay Tama at M kung Mali.

1. Si Pilosopiyang Confucianismo at Taoismo ay nagmula sa bansang Tsina.


2. Tinatawag na Kami ang mga Diyos na may kapangyarihang likas at
nananahan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at araw sa
relihiyon Shintoismo
3. Ang Benebolensya(Jen), Kabutihan(Yi), Propriety (Li), Karunungan (Chin) at
Sinsiridad (Hsin) ay ang Limang Birtud ng Confucianismo.
4. Ang "Philo" ay nangangahulugang "Walang Pagmamahal" at ang "Sophia"
naman ay "Karunungan".
5. Shintoismo ang pangunahing relihiyon sa bansang Hapon.
SUSI SA PAGWAWASTO

Tama 5.
5. Tama Tama 4.
British 5.
4. Mali Tama 3.
Ilustrado 4.
3. Tama Mali 2.
Indochina 3.
2. Tama Tama 1.
Español 2.
1. Tama
Dutch 1.
Pagsusulit Pagsubok
Panapos na Balik Aral Paunang

Silangan Asya.
bansang Tsina ay laganap naman sa rehiyon ng Silangan at Timog
ang mga Pilosopiya ____Confucianismo___ at _Taoismo__ na nagmula sa
Relihiyon __Shintoismo_, ay laganap sa bansang Hapon samantalang
mayroong puwersang hindi materyal na nagpapakilos sa kapaligiran. Ang
Ang ___animismo___ay isang paniniwala na nagsasabing

Sanggunian
Mga Aklat:
Mateo, Estela C., Ph.D., Jose, Ricardo T. Ph.D., Camagay, Ma.Luisa T. Ph.D.,
Miranda, Evelyn A. Ph.D., Bocan, Celestina P.,Ph.D. Asya Pag-usbong ng
Kabihasnan. Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon. 2008.
Dept. of Education. Modyul sa Sariling Pagkatuto sa Araling Panlipunan 8.
Pinagmulan, Kasaysayan,Kayamanan, Pagkakakilanlan.

Dept. of Eduacation. EASE Modyul: Mundo ng Kabanalan sa Araling Panlipunan 8.


Mga Website:

https://www.slideshare.net/leicaangelica/mga-relihiyon-sa-asya-
40702461?next_slideshow=1
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.123rf.com%2Fphot
o_54598078_stock-vector-japan-gate-shinto-a-symbol-of-shintoism-shinto-icon-in-
flat-style-isolated-on-white background.html&psig
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.vectorstock.com%2
Froyalty-free-vector%2Fyin-yang-symbol-taoism-isolated-vector
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.com%2
Fillustration%2Fanimism.html&psig

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki
%2FConfucianism&psig=AOvVaw1UxMHfBfFQYiQAwhTDW-

You might also like