Elemento NG Alamat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ELEMENTO NG ALAMAT (BANGHAY)

Ang alamat ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. Maaaring
magpaliwanag ito kung paano pinangalanan o kung bakit nagkaroon ng ganoong mga pook o bagay. Karaniwang hubad sa
katotohanan ang mga kuwentong ito dahil ito’y mga likhang-isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang
ipaliwanag ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng
mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at Bibliya.
Sa dahilang ang alamat ay isang uri ng salaysay, mababakas sa balangkas nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari. Ang banghay ng alamat ay maaaring maging payak. O komplikado. Ang mga pangyayari rito ay hindi kapani-
paniwala o hindi makatotohanan bagama’t may mga pangyayari ritong kakikitaan ng kultura ng mga Pilipino, gayundin
ang mga gintong aral laging nakapaloob sa uri ng panitikang ito.
Gaya ng ibang mga akdang tuluyan ang banghay ng alamat ay nagtataglay rin ng tatlong bahagi: simula, gitna at
wakas o katapusan.
1. Simula - Matatagpuan ang dalawang mahahalagang sangkap o elemento.
a. Tauhan -Ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o katayuang sikolohikal, kung sino ang bida at nag
kontrabida.
b. Tagpuan - Ang pinangyarihan ng aksiyon o mga eksena na naghahayag ng panahon – kung tag-init o tag-ulan,
kung anong oras at kung saang lugar.
2. Gitna - Makikita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob
ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento – walang iba kundi ang diyalogo.
a. Diyalogo - Ang usapan ng mga tauhan. Kailangan ang diyalogo ay magawang natural at hindi artipisyal.
b. Saglit na Kasiglahan - Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema.
c. Tunggalian - Nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay maaaring ang kanyang
pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan.
d. Kasukdulan - Ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung
ito ay kasawian o tagumpay.
3. Wakas - Matatagpuan ang kakalasan at ang katapusan ng kuwento.
a. Kakalasan - Unti-unting bababa ang takbo ng istorya. Dito rin sa bahaging ito mababatid ang kamalian o
kawastuhan ng mga di-inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat kalagin.
b. Katapusan – Dito mababatid ang magiging resolusyon na maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

ELEMENTO NG ALAMAT (BANGHAY)


Ang alamat ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. Maaaring
magpaliwanag ito kung paano pinangalanan o kung bakit nagkaroon ng ganoong mga pook o bagay. Karaniwang hubad sa
katotohanan ang mga kuwentong ito dahil ito’y mga likhang-isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang
ipaliwanag ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng
mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at Bibliya.
Sa dahilang ang alamat ay isang uri ng salaysay, mababakas sa balangkas nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari. Ang banghay ng alamat ay maaaring maging payak. O komplikado. Ang mga pangyayari rito ay hindi kapani-
paniwala o hindi makatotohanan bagama’t may mga pangyayari ritong kakikitaan ng kultura ng mga Pilipino, gayundin
ang mga gintong aral laging nakapaloob sa uri ng panitikang ito.
Gaya ng ibang mga akdang tuluyan ang banghay ng alamat ay nagtataglay rin ng tatlong bahagi: simula, gitna at
wakas o katapusan.
4. Simula - Matatagpuan ang dalawang mahahalagang sangkap o elemento.
c. Tauhan -Ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o katayuang sikolohikal, kung sino ang bida at nag
kontrabida.
d. Tagpuan - Ang pinangyarihan ng aksiyon o mga eksena na naghahayag ng panahon – kung tag-init o tag-ulan,
kung anong oras at kung saang lugar.
5. Gitna - Makikita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob
ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento – walang iba kundi ang diyalogo.
e. Diyalogo - Ang usapan ng mga tauhan. Kailangan ang diyalogo ay magawang natural at hindi artipisyal.
f. Saglit na Kasiglahan - Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema.
g. Tunggalian - Nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay maaaring ang kanyang
pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan.
h. Kasukdulan - Ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung
ito ay kasawian o tagumpay.
6. Wakas - Matatagpuan ang kakalasan at ang katapusan ng kuwento.
c. Kakalasan - Unti-unting bababa ang takbo ng istorya. Dito rin sa bahaging ito mababatid ang kamalian o
kawastuhan ng mga di-inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat kalagin.
d. Katapusan – Dito mababatid ang magiging resolusyon na maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

You might also like