Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANG-ABAY AT ANG MGA URI NITO

PANG-ABAY – ang tawag sa lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-
abay.
Mga Uri ng Pang-abay:
1. Pamanahon – pang-abay na nagsasaad kung KAILAN ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap.
a. May pananda – nang, sa, noong, tuwing, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa: Noong unang panahon, masaya ang mga kabataan sa paglalaro ng mga larong Pinoy.
b. Walang pananda – kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, kamakailan
Halimbawa: Ang pamilya ni Aling Rita ay pupunta sa Maynila bukas.
2. Panlunan – pang-abay na nagsasaad kung SAAN naganap, nagaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap. Palaging pinangungunahan ng katagang sa.
Halimbawa: Magbabakasyon ang aming pamilya sa Hong Kong sa darating na Disyembre.
3. Pamaraan – pang-abay na sumasagot sa tanong na PAANO ginawa, ginagawa o gagawin ang sinasabi
ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Masayang nagbabasa ng isang alamat ang bata.
Si Ben ay tumakbo nang mabilis.
4. Panggaano – ang pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang. Sumasagot sa tanong na GAANO.
Halimbawa: Ang mga taong nakabasa ng Alamat ng Durian ay umabot na sa isang daang porsiyento.
May bigat na sampung kilo ang binili niyang bigas.
5. Kataga o Ingklitik – mga katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May 16 na
kilalang pang-abay na ingklitik. Ito ay ang mga sumusunod: man, kaya, din/rin, pala, kasi, yata, ba, na,
sana, tuloy, pa, naman, nang, lamang/lang, muna at daw/raw.
Halimbawa: Makikita rin ang paniniwala at kultura ng isang pamayanan sa pamamagitan ng alamat.

You might also like