Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pangalan: ______________________________ Taon at Seksyon: _________________ Marka: __________

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 1 – SA KUBYERTA)


“Hindi makikilala ang tao sa kanyang panlabas na kaanyuan kundi sa kanyang busilak na kalooban.”

I. Piliin sa lipon ang tinutukoy ng bahaging may salungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.
A. Paulita B. Simoun C. Ben Zayb D. Don Tiburcio
E. Kaparian F. Bapor Tabo G. Padre Sibyla H. Donya Victorina
I. Padre Salvi J. Nakapag-aral K. Bilanggo
_____ 1. Akala ni Don Tiburcio ay nakatagpo siya ng mahusay at mayamang asawa.
_____ 2. Kinagawian na niya ang pagtawanan ang kanyang tiya na tanda ng pagkamasayahin.
_____ 3. Pabugso-bugso ang paglalakad nito na tanda ng maraming sagabal sa dinaraan.
_____ 4. Isang panukalang yankee ang naging bulalas ni Ben Zayb.
_____ 5. Napahiya siya sapagkat ngayon lang napagsalitaan ang isang Vice-Rector.
_____ 6. Ang pag-aakalang siya lamang ang tanging nag-iisip sa Maynila.
_____ 7. Dahil di nakatiis sa kanyang asawa, nasaktan ito at nag-ala-Ulises na tumakas.
_____ 8. Ang Franciscanong payat at nangangalirang ang kaanyuan.
_____ 9. Ito’y daong ng pamahalaan dahil pinamamahalaan ng Reverendos at Ilustrisimos.
_____ 10. Nabibilang sa mga pasahero na nasa itaas ng kubyerta ang mga Ilustrisimos.

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 2 – SA ILALIM NG KUBYERTA)


“Ang lahat ay pantay – pantay sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.”

I. TALASALITAAN. Bilugan ang mga salitang magkasingkahulugan sa loob ng pangungusap.


1. Hindi mapigilan ang bulwak ng tubig sa bawat hugos nito mula sa pinagdaanan ng Bapor tabo.
2. Ang mga mag-aaral ay palukso – lukso sa ibabaw ng baul at tampipi habang patalon – talon namang
hinahabol ng mga kalaro.
3. Isang makata si Isagani na labis na hinahangaan sa husay niya bilang manunugma.
4. Isinaayos ng mga mag-aaral ang Akademya ng Wikang Kastila sa pamamagitan ng pag-aambag na naging
isang kontribusyon.
5. Nagkibit-balikat si Kapitan Basilio kahit nasabi nina Isagani na nakahanda na ang mga kailangan para sa
Akademya ng Wikang Kastila. Ito ay tanda ng isang pagsasawalang-bahala.
II PASULIT. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Simoun ay tinawag na Cardinal Moreno sapagkat
a. siya ay malapit sa kaparian b. siya ay makapangyarihan at may kaitiman ang kulay
2. Noong panahon ng Kastila ang opyo ay ginagamit na panggagamot at ang tanging mahilig sa paghitit nito
ay a. mga dayuhang Intsik b. mayayamng dayuhang Kastila
3. Ipinatawag ni Padre Florentino si Isagani
a. upang pagbilinan ukol kay Donya Victorina b. upang utusang ihanda ang maleta
4. Ang pamumula ni Isagani nang banggitin si Paulita ay tanda
a. ng katuwaan b. ng pagkagalit
5. Ayon sa usap-usapan, si Isagani ay
a. anak ng kanyang katulong sa kumbento b. anak niya sa pagkabinata
6. Magulo at maingay sa ilalim ng kubyerta dahil
a. dinig sa ilalim ng kubyerta ang ussapan sa itaas b. palukso-lukso sa ibabaw ng kargada ang mga
kabataan
7. Nautusan ni Kapitan Tiyago si Basilio na pumunta sa lalawigan upang mapag-isa sa paghitit ng
a. opyo b. tabako
8. Si _____ ang kaibigang matalik at tagapayo ni Kapitan Tiago.
a. Kapitan Basilio b. Kapitan Heneral
9. Si Simoun ay _____ ng Kapitan Heneral.
a. kaibigan b. kamag-anak
10. Dahil sa panata, si Padre Florentino ay naging pari sa pamamagitan ng _____.
a. kanyang ama b. kanyang ina

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 3 – MGA ALAMAT)


“Sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.”

I. TALASALITAAN. Bigyang kahulugan ang bahaging sinalungguhitan sa mga sumusunod na pangungusap.


_____ 1. Tapos na ang pagtatalo nang dumating si Padre Florentino at lahat ay nakangiti na pati ang
nangangalirang na paring si Franciscano.
_____ 2. Ang malapad na Batumbuhay na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga espiritu na nawala ng gawing
kanlungan ng mga tulisan.
_____ 3. Ang mainit na pagtatalo ay napalamig ng Heres na kanilang iniinom.
_____ 4. Pinaniniwalaang ang mga kubyertos na hinahagis ni Donya Geronima ay ginagamit sa mga
bangketeng kanyang dinadaluhan.
_____ 5. Napuna ni Ben Zayb ang kakaibang kilos ni SImoun na ipinagkamali sa isang nalulula.
_____ 6. Nagitla ang mga nasa ibabaw nang biglang dumating si Simoun.
_____ 7. Si Simoun ay sumungaw nang marinig niya ang kanyang kanyang pangalan.
_____ 8. Ayon sa kapitan tuwing lilitaw ang ulo ni Ibarra ay tinutudla naman ng mga guwardiya sibil.
_____ 9. Sa alamat ni San Nicholas, mga malalaki at masisibang buwaya ang nanila sa kanyang mga
biktima.
_____ 10. Naging bantog na engkantada si Donya Geronima dahil sa ugaling pagpukol ng mga
kasangkapang pilak sa lawa.
II. PASULIT A. Kilalanin ang tinutukoy ng bawat bilang sa pamamagitan ng pag-uugnay ng dalawang hanay.
Isulat lamang ang titik.
A B
_____ 1. Ang nagsasabing mahina ang negosyo a. Kapitan ng Bapor
_____ 2. Ang tanging nakakaalam sa Alamat ng malapad na Batong Buhay b. Padre Camorra
_____ 3. Ang nagsalaysay sa alamat ni San Nicholas c. Taal
_____ 4. Ang pinaghambingan sa lawa ng Laguna d. Padre Sibyla
_____ 5. Ang nagpalubog sa bangka ng Intsik e. lawa ng Suisa
f. Padre Salvi
g. Buwaya
B. Sabihin kung tama o mali ang mga ipinahahayag ng bawat pangungusap.
_____ 1. Natutulog na ang lahat nang pumanhik si Padre Florentino sa ibabaw ng kubyerta.
_____ 2. Sumang-ayon ang lahat nang magbigay ng mungkahi si Simoun sa pagpapailalim ng ilog.
_____ 3. Tuwang-tuwa si Donya Victorina sa kanyang nakikita lalo na sa mabagal na pagtakbo ng bapor.
_____ 4. Ang alamat ay isang kuwento ukol sa pinagmulan ng mga bagay, hayop, prutas at tao.
_____ 5. Ang Alamat ng Malapad na Bato ay isinalaysay ng kapitan ng Bapor tabo.

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 4 – SI KABESANG TALES)


“Sampung kaibigan ay mapapalitan, di ang magulang lalo na’t nasa kagipitan.”
I. TALASALITAAN Isulat ang kasingkahulugan sa kahulugan ng mga salita.
1. pumanig – 4. nasamsam –
2. pinag-ibayo – 5. nalinawan –
3. pagyamanin –
II. TAUHAN Sabihin kung sino ang tinutukoy sa bawat bilang. Punan ang mga parisukat upang mabuo ang kasagutan.
1. Ang matandang mangangahoy sa gubat na nabanggit din sa Noli Me Tangere.

2. Nang umangat ang buhay at napatanyag sa buong nayon, siya ay napagkaisahang maging isang Kabesa de
Barangay.

3. Ang nagsanla ng kanyang mga alahas upang matubos ang kanyang ama sa pagkakadukot ng mga tulisan.

4. Ang natira sa mga lahas na ipinagbili dahil sa ito’y regalo ni Basilio.

5. Ang nag-iisang anak na lalaki na naging guwardiya sibil at ipinadala sa Carolinas na sanhi ng paghihirap ng
kalooban ng ama.

II. PASULIT Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat.
1. Ang mag-aaral na kumukuha ng medisina ay si
a. Lucia b. Tano c. Basilio
2. Ang lupaing sinasaka ni Kabesang Tales ay kanyang nakuha sa pamamagitan
a. ng pagkakaingin b. ng pamimili ng lupa c. ng mana sa magulang
3. Ang naging libangan ni Tata Selo
a. paggawa ng walis b. pangangaso c. paglalakbay sa iba’t ibang
dako
4. Dahil sa takot ng mga guwardiya sibil kay Kabesang Tales ay _____ ang mga armas.
a. ibinenta b. sinamsam c. inagaw
5. Ang kabuhayan ni Kabesang Tales ay umunlad kaya’t nahalal siyang _____.
a. Gobernadorcillo b. Cabeza de Barangay c. Tenyente ng guwardiya
sibil
6. “Lalaban ako kahit na anong mangyari,” ang pangungusap ay nagpapahayag ng _____.
a. pagiging matapang b. panghahamon c. pagmamalaki
7. Si Huli ay napilitang magpaalila kay _____.
a. Hermana Bali b. Kapitana Tika c. Hermana Penchang
8. Ang pagbubuwis ni Kabesang tales ay nagsimula sa
a. 25 piso b. 30 piso c. 50 piso
9. Labis ang pagpataw ng bayad sa lupa ni Kabesang Tales kaya _____.
a. ginawa siyang Cabeza de Barangay b. siya’y lumaban at ipinagtanggol ang lupain c. ipinagbili ang agnos
10. “Kung mananalo ako ay mapapabalik ko siya, kung matatalo ako ay hindi ko kailangan ang anak.” Ang
pangungusap ay nagpapahayag ng _____.
a. paniniguro b. pagpapahalaga c. kawalan ng pag-asa

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 5 – ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO)

“Ang karapatang pantao ay para sa lahat maging mahirap o mayaman.”


I. TALASALITAAN Bilugan ang salitang hindi dapat mapasali sa pangkat.
1. nabalam nalayo naabala naantala
2. ikinabit itinali ginapos niwalang-bahala
3. nabubulunan nabibikig nakalulon nababarahan
4. dagan pataw bigat ahon
5. lumalaon lumalala tumatanda tumatagal
6. matalos malaman nagkalaman nabatid

II. A. Bilugan kung ano ang pinakaangkop na damdamin ng mga sumusunod na pahayag.
1. “Kapag nakalag na ang kanan niyang paa, ibibigay ko sa kanya ang aking kabayo at habang buhay akong
maglilingkod sa kanya.”
a. nagmamalaki b. nagbabala c. nagkakaroon ng pag-asa d.
nagpapaliwanag
2. “Alam po ba ninyo kung mahalaga ang ating Haring Bernardo?” ang tanong ni Sinong kay Basilio. “Ewan
ko,” ang tanging sagot nito. Ang may salungguhit ay nagpapahayag ng:
a. pag-aalinlangan b. pagwawalang-bahala c. panunumbat d.
pagpapakumbaba
3. “Kaya siguro nabuhay nang matagal si Matusalem ay walang guwardiya sibil noon.”
a. pag-aalala b. pagkainggit c. pagkagulat d. pagmamalaki
4. “Ako man ay paroroon din sapagkat nangangailangan ako ng isang kairel ng relos.”
a. naninimbang b. nanakot c. naniniguro d. nanunumbat
5. “Nawawalan tuloy ako ng ganang kumain dahil sa ibinabalita ninyo.”
a. nalulungkot b. nagagalit c. nayayamot d. nanunumbat

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 6 – SI BASILIO)


“Sipag at tiyaga ang kailangan upang makamit ang tagumpay.”
A. Sabihin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang
_____ 1. Dahil sa tuloy-tuloy ang pagbasa ni Basilio ay tinawag siyang matalino.
_____ 2. Sa Letran ay naging tampulan ng papuri si Basilio.
_____ 3. Palihim na nanaog si Basilio patungo sa gubat.
_____ 4. Naisipan ni Basilio ang magpasagasa sa mga karwahe nang nawawalan na ito ng pag-asa.
_____ 5. Sa tuwing uuwi ng San Diego si Basilio hindi niya nakalilimutan na dumalaw sa kanyang kapatid na
si Crispin.
B. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan o kaya’y ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.
_______________ 1. Lalaking sugatan na nag-uutos kay Basilio na gumawa ng malaking siga.
_______________, _______________ 2 – 3. Mga paaralang pinasukan ni Basilio
_______________ 4. Ang natatanging salitang Latin na natutunan ni Basilio.
_______________ 5. Kurso na gustong ipakuha ni Kapitan Tiago kay Basilio.
_______________ 6. Ilang taon na ang nakalipas buhat nang mamatay ang ina ni Basilio sa gubat na iyon?
_______________ 7. Paraan kung paano nakilala si Basilio sa kanyang paaralan.
_______________ 8. Dahilan kung bakit kinakailangang madaling araw dumalaw si Basilio sa puntod ng
kanyang ina.
_______________ 9. Napuri sa kanyang paaralang pinapasukan.
_______________ 10. Paano nabago ni Basilio ang kanyang pananamit at kaanyuan?

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 7 – SI SIMOUN)


“Wika ang bumibigkis sa bayan at mamamayan.”
I. TALASALITAAN Punan ng titik ang mga kahon upang maibigay ang iba pang kahulugan ng salita sa kanan.
1. __ I __ __ __ G = tibok 6. __ A __ __ L = rebolber
2. P __ __ H __ __ __ L = pagtugis 7. I __ U __ __ K = ibulid
3. M __ __ P __ __ I __ A = lumantad 8. S __ __ __ L S __ __ __ N =
inudyukan
4. I __ __ N __ W __ __ = iniunat 9. __ __ I __ I P = malirip
5. A __ __ N __ __ __ __ __ N = agam-agam 10. S __ __ B __ __ O = sagisag

A. Buuin ang mga detalye sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga kaisipan mula sa hanay A at hanay B.
Isulat ang titik ng mga tamang sagot sa patlang.
_____ 1. Palihim na nagpunta sa gubat si Basilio. a. Isasama siya sa planong paghihiganti
_____ 2. Panahong nagdaan bago bumalik sa Pilipinas b. Di magkakaunawaan ang mga Pilipino
ang lalaki sa gubat c. Labintatlong taon
_____ 3. Dahilan kung bakit di pinatay ni Simoun si Basilio d. Upang dalawin ang puntod ng ina
_____ 4. Hindi sang-ayon si SImoun sa Akademya ng Wikang e. Labing-isang taon
Kastila f. Para hukayin ang kayamanan sa gubat

ng mga Ibarra
_____ 5. Si Simoun ay nasa gubat g. Upang kausapin si Basilio

B. Sino ang nagsabi ng mga sumusunod na pahayag? Isulat sa patlang ang tamang sagot.
__________ 1. “Nakakabatid ka ng isang lihim na maaaring ikasawi at ngayo’y nakatuklas ng isa pa na kung
mabubunyag ay makasisira sa aking layunin.”
__________ 2. “Kung dahil sa pagkaalam ng wikang Kastila ay mapapalapit tayo sa pamahalaan.”
__________ 3. “Napadadaya kayo sa matatamis na pangungusap at hindi ninyo sinusuri ang tunay na
bungang matatamo ninyo sa ganyan.”
__________ 4. “Ako’y isang hukom na nagnanasang bakahin ang pamahalaan sa pamamagitan ng kanya
ring sariling mga kasamaan.”
__________ 5. “Ako ay nasa pinakamababang antas ng lipunan at walang mapagkukunan. Sa akala ninyo
ba’y madadala ko ang mga mamamatay-tao sa harap ng katarungan?”

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 8 – MALIGAYANG PASKO)


“Ang isang okasyon ay mahalaga ‘pag sama-sama ang buong pamilya.”
IV. PASULIT Punan ng tamang sagot ang patlang ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.
_______________ 1. Nang magising si Huli, una niyang nagunita ang _____.
_______________ 2. Hinihiling ni Huli sa mahal na birhen na bigyan ng _____.
_______________ 3. Naupo si _____ sa may bintana upang panoorin ang mga taong nagdaraan.
_______________ 4. Ang pasko sa Pilipinas, ayon sa matatanda, ay para lamang sa mga _____.
_______________ 5. Nagbibigay ng _____ ang mga may gulang sa mga bata tuwing Pasko.
_______________ 6. Ang kasintahan ni Basilio na anak ni Kabesang Tales.
_______________ 7. Ang ikinagulat ng mga kaanak ni Tata Selo.
_______________ 8.
_______________ 9. Ang mga ginawa ni Huli upang matubos ang ama
_______________ 10. Dahilan kung bakit malungkot si Tata Selo sa kabila ng pagdiriwang ng kapaskuhan
ng mga Pilipino.

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 9 – MGA PILATO)


“Manindigan sa paniniwala mong tama at matwid.”
I. TALASALITAAN Ayusin ang mga titik para mabuo ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. tagapaghusga HTOATAGLA _________________________
2. nadakip HLINAU _________________________
3. lumisan SMLUIA _________________________
4. sumalakay LOMSBUU _________________________
5. natulala TINILGAAN _________________________
6. matalos MNAALMA _________________________
7. sinamsam HNUIKA _________________________
8. pagsasanggalang TAOGTALGPNAG _________________________
9. mabubulid HLUAUMGOH _________________________
10. kasasadlakan IKAAHNNNIHAT _________________________
II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang dahilan ng pagkakadakip ng mga guwardiya sibil sa mga magsasaka.
a. Kabesang Tales b. Padre Clemente c. Huli
2. Ang dahilan ng pagkakakumpiska ng baril ni Kabesang Tales.
a. Tata Selo b. Padre Clemente c. Tenyente ng guwardiya sibil
3. Ang nangutang kay Hermana Penchang na sinasabi niyang may kasalanan ang lahat.
a. Kabesang Tales b. Hermana Bali c. Huli
4. Ang nagsasabi na kaya tayo pinarurusahan ng Diyos ay dahil may kasalanan tayo.
a. Hermana Penchang b. Padre Clemente c. Padre Salvi
5. Ang tingin ni Hermana Penchang kay Basilio.
a. di makakatapos ng pagkamanggagamot b. demonyong nakadamit estudyante
B. Pagtapat-tapatin ang mga kaisipang magkakaugnay sa hanay A at sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang.
A B
_____ 1. Paglilingkuran ni Huli a. Telesforo ang buo niyang pangalan
_____ 2. Isa sa mga uldog b. Pulyeto ni Tandang Basyong Makunat
_____ 3. Inagawan ng bukirin at namatayan ng asawa’t anak c. Hermana Penchang
_____ 4. Kilalang babasahin ukol sa relihiyon d. Tagapamahala ng korporasyon ng
prayle
_____ 5. Pilatong tinutukoy sa kabanata e. Padre Clemente
f. Tenyente ng guwardiya sibil
g. El Grito
h. Ben Zayb

EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 10 – KAYAMANAN AT KARALITAAN)


“Sa panahon ng kagipitan, gamitin mo ang katatagan.”
A. Piliin ang mga pahayag na di dapat mapasama sa pangkat. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Dinumog si Simoun ng mga mamimili
a. Nais mag-usyoso b. Nais mapalapit sa kanya c. Nais makabili ng alahas
2. Si Huli ayon kay Hermana Penchang ay
a. parang kabuting itinanim ng tikbalang b. maganda pero walang alam c. may ulong parang
salaam
3. Taglay ni Simoun na maaaring makatukso kay Kabesang Tales
a. baril b. alahas c. kapangyarihan at katanyagan
4. Walang dapat alalahanin si Kabesang Tales sapagkat _____.
a. may dalang katulong at pagkain b. hindi siya pagnanakawan c. di magtatagal
5. Natagpuang patay ang _____.
a. Guardia Civil b. tenyenteng kumuha ng armas c. mag-asawang gumawa ng lupa ni Kabesang
Tales
B. Isaayos ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod na kaganapan magmula sa 1 – 10. Isulat ang
bilang sa patlang gawing kaliwa.
_____ a. Pinatay ni Kabesang Tales ang tagapamahala ng korporasyon at ang gumagawa ng lupa niya.
_____ b. Ipinakita ni Simoun ang iba’t ibang alahas magmula sa antigo hanggang sa modernong alahas.
_____ c. Si Simoun ay nakituloy sa tahanan ni Kabesang Tales upang magtinda ng kanyang alahas.
_____ d. Kinuha ni Kabesang Tales ang baril ni Simoun at ipinalit ang laket ni Maria Clara.
_____ e. Nagdatingan ang mga mamimili, kasama si Kapitan Basilio at Kapitana Tika.
_____ f. Lihim na natuwa si Simoun nang kunin ni Kabesang Tales ang kanyang baril.
_____ g. Tumutol si Hermana Penchang sa pagbebenta ng laket ni Maria Clara.
_____ h. Nag-iwan ng mensahe si Kabesang Tales sa pamamagitan ng dugo ng kanyang napatay.
_____ i. Dumating ang mga guwardiya sibil upang hulihin si Kabesang Tales ngunit si Tata Selo ang nadakip
ng mga ito.
_____ j. Nagpunta ng bayan si Kabesang Tales upang kausapin si Huli.

You might also like