Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Buddhismo

Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan


ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni
(Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.

Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang
dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng
Indiya. Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang
Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng
ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE. Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na
nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na
wakasan ang pagdurusa(dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan(avidyā) sa
pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan (pratītyasamutpāda) at
pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na
nirvāņa.

Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang


Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") at Mahayana ("Ang Dakilang Sasakyan"). Ang
Theravada ay may malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang
Mayahana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya(Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore,
Taiwan etc.) at kinabibilangan ng mga tradisyon ng Dalisay na Lupain, Zen, Budismong
Nichiren, Budismong Tibetan, Shingon, at Tiantai (Tendai). Sa ilang mga klasipikasyon,
angVajrayana na pangunahing sinasanay sa Tibet at Mongolia at mga kalapit na bahagi ng Tsina
at Rusya ay kinikilala na ikatlong sangay samantalang ang iba ay umuuri dito bilang bahagi ng
Mahayanan. Bagaman ang Budismo ay nananatiling pinakasikat sa loob ng Asya, ang parehong
mga sangay nito ay matatagpuan na ngayon sa buong mundo. Ang mga Budismo sa buong
mundo ay tinatayang sa pagitan ng 350–500 milyon o sa pagitan ng 1.2 - 1.7 bilyon. Ito ay
kinikilala rin bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong relihiyon sa buong mundo.

Ang mga eskwela ng Budismo ay iba iba sa eksaktong kalikasan ng landas tungo sa
kalayaan, ang kahalagahan at kanonisidad ng iba't ibang mga katuruan at kasulatan at lalo na ang
kanilang mga respektibong kasanayan. Ang mga pundasyon ng tradisyong Budista at kasanayan
ang Tatlong Hiyas (Triple Gem/Tirattana). Ang Tatlong Hiyas ay ang Buda (Ang naliwanagan),
ang Dharma (Mga katuruan ng Buda), at ang Sangha (Komunidad ng mga Budista). Ang
pagkanlong sa Tatlong Hiyas ay tradisyonal na isang paghahayag at pagtatalaga ng sarili sa
pagiging nasa landas na Budista at sa pangakalahatang ay nagtatangi ng isang Budista mula sa
isang hindi-Budista.[14] Ang ibang mga kasanayan ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod na
mga patakarang etikal; pagsuporta sa pamayahanang monastiko; pagtakwil sa nakagawiang
pamumuhay at pagigign isang monastiko; pag-unlad ng pagiging mapagmasid at pagsasanay ng
pagninilay-nilay; pagpapalago ng mas mataas na karungungan at pagkawari; pag-aaral ng mga
kasulatang Budista; mga pagtutuong kasanayan, mga seremonya at sa tradisyong Mahayana ay
paghimok ng mga buddha at bodhisattva.

Nabibilang ito sa mga pangunahing relihiyon sa mundo.


Hinduismo
Ang Hinduismo ang nananaig na relihiyon[1][2] ng subkontinenteng Indiano. Ang
Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo at Śrauta at iba pa. Sa ibang mga
pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabiblangan ng isang malawak na spektrum ng
mga batas at preskripsiyonng mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at
iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga
pananaw na intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng
mga paniniwala.
Ang Hinduismo ay nabuo sa mga iba ibang tradisyon at walang isang tagapagtatag. [4]
Kabilang sa mga direktang ugat nito ang historikal na relihiyong Vediko ng Indiang Panahong
Bakal at sa gayon, ang Hinduismo ay kadalasang tinatawag na "pinakamatandang nabubuhay na
relihiyon".[5] sa mundo.
Ang isang klasipikasyong ortodokso ng mga tekstong Hindu ay hatiin sa mga tekstogn
Śruti ("nahayag") at Smriti ("naalala"). Ang mga tekstong ito ay tumatalakay sa teolohiyang
HIndu, pilosopiyang Hindu, mitolohiyang Hindu, mga ritwal, mga templong Hindu at iba pa.
Ang mga pangunahing kasulatang relihiyoso ng Hindu ay kinabibilangan ng mga Veda,
Upanishad, Purāṇas, Mahābhārata, Rāmāyaṇa, Bhagavad Gītā at Āgamas.
Ang Hinduismo na may mga isang bilyong mga tagasunod ang ikatlong pinakamalaking
relihiyon sa buong pagkatapos ng Kristiyanismo at Islam.
Kasaysayan
Ang pinakamaagang ebidensiya ng prehistorikong relihiyon sa India ay mula pa noong
huling Neolitiko sa panahong maagang Harappan(5500 BCE –2600 BCE).[9][10] Ang mga
paniniwala at mga kasanayan ng panahong bago-ang-klasiko(1500 BCE - 500 BCE) ay
tinatawag na historikal na relihiyong Vediko". Ang relihiyong Vediko ay nagpapakita ng
impluwensiya mula sa relihiyong Proto-Indo-Europeo.[11][12][13][14] Ang pinakamatandang Veda
ang Rigveda na may petsang 1700 BCE –1100 BCE.[15] Ang mga Veda ay nakasentro sa
pagsamba ng mga diyos gaya nina Indra, Varuna at Agni at sa ritwal na Soma ritual. Ang mga
handog na apoy na tinatawag na yajña ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-awit ng mga
mantra na Vediko ngunit walang mga templo o idolong alam.[16][17]
Ang ika-9 at ika-8 siglo BCE ay nakasaksi ng pagkakalikha ng mga pinakamaagang
Upanishad.[18]:183 Ang mga Upanishad ay bumubuo ng teoretikal na basehan ng klasikong
Hinduismo at kilala biilang Vedanta(konklusyong Veda).[19] Ang mas matandang mga Upanishad
ay naglunsad ng mga pag-ate sa papalaking kasidhian ng mga ritwal. [20] Ang mga iba ibang
spekulasyong monistiko ng mga Upanishad ay sinintesis sa isang balangkas ng teistiko ng
sagradong kasulatang Hindu na Bhagavad Gita.[21]
Ang pangunahing mga epikong Sanskrit na Ramayana at Mahabharata ay tinipon sa
isang tumagal na panahon noong mga huling siglong BCE at mga maagang siglong CE. [22] Ang
mga ito ay naglalaman ng mga kwentong mitolohika tungkol sa mga pinuno at mga digmaan sa
sinaunang India at pinasukan ng mga tratadong relihiyosong at pilosopikal. Ang mga kalaunang
Purana ay nagsasalaysay ng mga kwento tungkol sa mga deva at mga devi at kanilang mga
pakikisalamuha sa mg atao at kanilang mga pakikidigma laban sa rakshasa.
Ang papalaking urbanisasyon ng India noong ika-7 at ika-6 siglo BCE ay humantong sa
paglitaw ng mga bagong kilusang asetiko o sharmana na humanon sa ortodoksiya ng mga ritwal.
[23]
Si Mahavira (c. 549 BCE –477 BCE) na tagapagtaguyod ng Jainismo at si Buddha (c. 563
BCE - 83 BCE) na tagapagtatag ng Budismo ang mga prominenteng ikono ng kilusang ito.[18]:184
Ang Shramana ay nagpalitaw ng konsepto ng siklo ng kapanganakan at kamatayan, ang konsepto
ng samsara at konsepto ng kalayaan.[24] Sina Radhakrishnan, Oldenberg at Neumann ay
naniniwalang ang kanon na Budista ay naimpluwensiyahan ng mga Upanishad.[25]
Sa mga maagang siglo ng CE, ang ilang mga eskwela ng pilosopiyang Hindu ay pormal
na kinodigo kabilang ang Samkhya, Yoga, Nyaya, Vaisheshika, Purva-Mimamsa and Vedanta.[26]
Ang panahon sa pagitan ng ika-5 at ika-9 na siglo CE ay isang panahong makinang sa pagunlad
ng pilosopiyang India dahil ang mga pilosopiyang Hindu at Budista ay yumabong ng magkatabi.
[27]
Sa mga magkakaibang eskwelang ito ng kaisipan, ang hindu-dualistikong Advaita Vedanta
ang umahon na bilang pinakaimpluwensiya at pinakanananaig na eskwela ng pilosopiya. [28][29]
Ang Charvaka na ateistikong materyalistikong eskwela ay nakilala sa Hilagang India bago ang
ika-8 siglo CE.[30]
Ang kulturang Sanskritiko ay bumagsak pagkatapos ng wakas ng panahong Gupta. Ang
maagang mga mediebal na Purana ay tumulong na magtatag ng isang nanaig na relihiyoso sa
mga bago ang literasiya mga lipunang pang-tribo na sumasailalim sa akulturasyon. Ang mga
doktrina ng Brahmanikong Hinduismo at ng mga Dharmashastra ay sumailalim sa isang radikal
na transpormasyon sa mg akamay ng mga kompositor na Purana na humantong sa paglitaw ng
isang Hinduismo na nanaig sa lahat ng mga mas maagang tradisyon. [31] Sa ikawalong siglong
mga palibot na maharalika, si Buddha ay sinimulang palitan ng mga diyos na Hindu sa pujas. [32]
Ito rin ang parehong panahon na si Buddha ay ginawang isang avatar ni Vishnu.[33]
Bagaman ang Islam ay dumating sa India noong maagang ika-7 siglo CE sa pagdating ng
mga mangangalakal na Arabo at pananakop ng Sindha, ito ay naging isang pangunahing
relihiyong noong kalaunang pananakop na Muslim ng subkontinenteng Indiano.[34] Sa panahong
ito, ang Budismo ay mabilis na bumagsak at maraming mga Hindu ang sapilitang inakay sa
Islam.[35][36][37] Ang maraming mga pinunong Muslim o mga heneral nito ng hukbo gaya nina
Aurangzeb atMalik Kafur ay wumasak sa mga templong Hindu[38][39][40] at umusig sa mga hindi-
Muslim. Gayunpaman, ang ilan gaya ni Akbar ay mas pumapayag sa ibang relihiyon. Ang ika-17
siglong Hindung Imperyong Maratha n India ang itinuturing na nagwasak ng Islamikong
pamumunong Mughal sa India.[41] Sa karagdagan, ang mga Maratha ang itinuturing na mga
tagapagtaguyod ng Hinduismo.[42] Ang Hinduismo ay sumailalim sa mga malalalim na
pagbabago sanhi ng impluwensiya ng mga kilalang gurong sina Ramanuja, Madhva, at
Chaitanya.[34] Ang mga alagad ng kilusang Bhakti ay lumayo mula sa mga abstraktong konsepto
Brahman na pinagsama ng pilosopong si Adi Shankara mga ilang siglo bago nito na may
kasigasigan debosyon tungo sa mas malalapitang mga Avatar lalo na sina Krishna at Rama.
Islam
Ang isang Muslim (sa wikang Arabo: ‫ )مسلم‬ay ang taga-taguyod ng Islam. Sa literal na
kahulugan ng salita, ang Muslim ay sinumang tao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa
wikang Arabo).[1][2]
Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat
na binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos at ang
paninindigang na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan ng mga Muslim ang mga
maraming karakter sa Tanakh at Bibliya, katulad nina Musa (Moses) at Isa (Hesus), bilang mga
Muslim, dahil, bilang mga propeta, ipinagkaloob nila ng buo ang kanilang sarili sa Diyos.
Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng
pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong
propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya.[1][2] Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim
bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin
sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin
silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na
rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila
dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.[1]
Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila
tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.[1]
Katungkulan
Kabilang sa mga pananagutan o obligasyon ng mga Muslim sa kanilang pananampalataya
ang pagsasakatuparan ng pananampalataya sa iisang Diyos. Kailangan silang sumamba sa Diyos
ng limang ulit sa isang araw, na nakaharap sa kinaroroonan ng Mecca. Dapat silang magbigay ng
limos sa mga mahihirap. Nararapat silang mag-ayuno sa buwan ng Ramadan. At kung maaari,
kailangan nilang mapuntahan ang Mecca kahit na isang pagkakataon lamang sa kanilang buhay.
Ang Relihiyong Islam ay may malalim at malawak na kasaysayan sa isang bansang noon
ay mapayapa at mga mamamayang Muslim at pagano lamang ang naninirahan dito. Ito ang
Perlas ng Silanganan, ang Pilipinas sa kasalukuyan.
Kung ito ay masusi nating pag-aaralan, malalaman natin mula sa kasaysayang ito na kahit
papaano ay makapagdudulot o makapagbibigay sa atin ng mga magagandang aral, kaalaman at
paliwanag tungkol sa mga nakaraang karanasan ng ating pinakamamahal na bansa.
Kung titingnan natin sa heograpiya, ang ating bansa ay makikita natin na nasa Timog-Silangang
Asya (South-East Asia) na karamihan sa mga kalapit-bansang nakapaligid dito ay mga bansang
Muslim.
Kung ihahambing natin ang katayuan ng Relihiyong Islam sa mga bansa ng Timog-
Silangan Asya ay makikita natin na ang Relihiyong Islam ay siyang nangunguna sa lahat ng
reliyon sa buong ASEAN (Association of South East Asian Nation)
Ang lahi ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay tinaguriang lahing Indo-Malay na nag
kahulugan ay lahing nagmula sa pinaghalong lahi ng mga Indonesia at Malaysia. Samakatuwid,
ang pinagmulan ng ating lahi ay purong Muslim.
Naniniwala ang mga mananalaysay natin na ang pinagmulan ng mga tao sa ating bansa
ay galing sa lupalop ng Asya at nagkataon lamang na sa kapuluan ng pilipinas sila nanirahan.
Bago pa dumating sa Pilipinas ang iba't ibang aral tungkol sa pananampalataya, likas na
sa ating mga ninunong Pilipino ang sumamba sa Diyos. Bagama't ito ay hindi ayon sa
katotohanan, sapagka't sila ay maibibilang sa tinatawag na "ANIMIST" o mga taong sumasamba
sa lahat na halos ng mga bagay na nilikha maliban sa Dakilang Lumikha.
Katolisimo
Ang salitang Katolisismo ay may dalawang eklestiyastikal na kahulugan ayon sa talatinigang
Webster , una ay ang buong Ortodoks ng Kristiyanong Simbahan o ang pagsunod dito, at
pangalawa, ang mga doktrina na paniniwalaan ng Simbahang Romano Katoliko o ang pagsunod
dito.
Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyegong καθολικός -ή -όν (katholikos), nangangahulugan
ng "pangkalahatan" o "unibersal". Sa Griyego, ang salita para sa simbahan ay gumagamit ng
pambabaeng porma ng pang-uri ἡ Καθολικὴ Ἐκκλησία.
"Isa, Banal, Katoliko at Apostoliko"
Ang sulat para sa mga Kristiyano noong 107 AD, ng isang obispo ng Antioch na si San Ignacio
ay ang pinakamaagang paggamit ng salitang "Simbahang Katolika" (Smyrnaeans, 8). Sa
paggamit ng nasabing salita, itinakda ni San Ignacio ang kabuluhan nito sa unibersal na aspeto.
Gayumpaman, hindi kasama sa nasabing kabuluhan ang mga erehe tulad ng mga hindi
nagsisipaniwala na sa Banal na Pakikinabang ay naroon ang laman ng Tagapagligtas na si
Hesukristo, na syang nagpakasakit para sa kasalanan ng mga tao, sya rin na binuhay na magmuli
ng kaniyang Ama (Smyrnaeans, 7). Tinawag niya ang mga nasabing tao bilang "mababangis na
hayup sa wangis ng tao" na hindi dapat "tanggapin ni kilalanin (o pakisalamuhaan)"
(Smyrnaeans, 4).
Samantalang, may mayroong mas direktang paggamit ng salitang "Simbahang Katolika", na
naghihiwalay sa Simbahan ito sa iba pang mga ereheng simbahan. Ito ay ang paggamit ni San
Cirilo ng Herusalem (315-386 siglo). Sa Araling Katekismo, XVIII, 26 (Ingles:Catechetical
Lectures, XVIII, 26), ibinilin ni San Cirilo na "kung paroroon ka sa mga siyudad, huwag mong
basta hahanapin o ipagtatanong ang Tahanan ng Panginoon, (pagkat ang ibang sekta ng mga di
karapat dapat (o kagalang kagalang) ay sumusubok ding tawagin ang kanilang kural bilang
tahanan ng Panginoon), bagkus ay inyong hanapin ang Simbahang Katolika, pagkat ang hindi
nakasanayang pangalang ito, ang tunay na Banal na Simbahan, ang ina nating lahat, ang esposo
ng ating Panginoong Hesukristo; ang nagiisang bugtong na Anak ng Diyos.
Ang salitang "Katoliko" ay ginagamit noon pa bilang pantukoy sa tunay at nag-iisang orihinal na
Simbahan na itinatag ni Kristo at ng kaniyang mga Apostol. Ito rin ay napapaloob sa ibat ibang
kredo (ng ibat ibang pakahulugan sa paniniwala). Ilan sa mga ito ay ang "Sumasampalataya
Ako" (Ingles: Apostles' Creed) at Nicene Creed. Maging ang ibang denominasyon ng
Kristiyanismo ay naniniwala na sila ang "katoliko". Nahahati sila sa dalawang grupo:
 yaong kagaya ng mga Katoliko, Ortodoxong Silanganin, Simbahang Ortodoxong
Oriental, Simbahang Anglicano na may Apostolikong tagapagmana muula pa sa
ninunong simbahan; at ang
 silang mga naniniwala na sila ay kabilang sa ispiritwal na angkan ng mga Apostol ngunit
walang pinapanigang institusyonal na salin, mula sa kasaysayan ng simbahan. Hindi rin
nila tinutukoy (o tawag) ang sarili nila bilang "Katoliko"
Ang mga Kristiyano mula sa ibat-ibang denominasyon, kabilang na ang karamihan sa mga
protestante ay nananalig sa "Isang Banal na Katoliko at Apostolikong Simbahan". Para sa mga
protestante, ang karamihan sa kanila ay naniniwala na ang kanilang pananalig ay ang may
pinakaisa sa lahat ng simbahang nasa ilalim ng pamumuno ng Panginoon at ng iisang
Tagapagligtas, imbes na sa pinag-isang institusyonal na simbahan. Sa kanilang gamit ng salitang
"katoliko", ginagamit nila ang maliit na titik "k" (katoliko, hindi Katoliko). Ang Kredong
Apostoles (Apostles Creed) ay may linyang "Sumasampalataya ako sa ... banal na simbahang
katolika ... (na may pagkakataon na ginagamitan ng malaking titik). Ginagamit ito sa mga
pagsamba ng ibang mga protestante, ngunit hindi ng mga Alemang Luterano. Ang Kredong
Niceno (Nicene Creed) naman ay kagaya rin ng Kredong Apostoles (Apostles Creed) na
nagtataglay ng mga katagang "isang banal na katoliko at apostolikong Simbahan"
Maikling Kasaysayan ng Simbahang Katolika
Ang Simbahang Katolika ay orihinal na nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong patriarka. Ito ay
ang patriarka ng Roma, Alexandria at ng Antiquia. Nang kalaunan ay naidagdag ang patriarka ng
Constantinople at ng Jerusalem. Ang obispo ng Roma ang siyang pinakakilala noong mga
panahong iyon. May kakataon na ang pagtatalo sa doktrina at pamamalakad ay isinasangguni sa
Roma. Noong mailipat ang kabisera sa Constantinople, napadalas ang panghahamon (batikos at
kwestiyon) sa mga impluwensiya ng Roma. Bagamat, inaangkin ng Roma ang natatanging
kapangyarihan at pagiging angkan ni San Pedro at San Pablo, na pinaniniwalaan ng lahat ng
patriarka bilang isang martir at nailibing sa Roma, ang Constantinople naman ang siyang
residensiya ng Emperador, at ang simbahan naman ng Antioch at ng Alexandria ay matanda pa
sa Roma. Itinuturing din na unang namahala o tatag ng Sede si San Pedro sa Antioch bago ito
pumaroon sa Roma.
Noong taong 431, ang Konseho ng Efeso ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal, ay siyang
nagbigay pansin sa Nestorianismo. Ang Nestorianismo ay isang ereheng paniniwala ng
paghihiwalay ng katauhan at kabanalan ni Jesus. Ito rin ang paniniwalang nagsasabing ang
Birheng Maria ay nagluwal lamang, hindi sa Diyos, kundi sa katauhan (o katawang tao) lamang
ni Hesukristo. Tahasang itinakwil ng Konsehong ito ang paniniwalang ito, at kinatigan nila ang
paniniwalang si Birheng Maria ay Theotokos, o "Ina ng Diyos". Isa ito sa pinakamalaking
kaguluhan sa kasaysayan ng Simbahan. Yaong mga hindi tumanggap ng desisyon ng Konseho ng
Efeso ay karamihang Persa (Persian) at nagsipagtatag o kinakatawan ng mga Simbahang
Assyrian ng Silangan at ng mga kaugnay na simbahan.
Isa pa pangyayari ang lumikha ng alingusngos sa Simbahang Katolika. Ito ay ang matapos na
ilabas ng Konseho ng Kalsedonya ang pananaw nila sa Eutychian Monophysitism. Ayon sa
doktrinang ito, nakikiisa ang kabanalan sa katauhan ni Kristo. Dagdag pa ng konseho na ang
iisang personang ito ay may dalawang kalikasan "walang pagkakalito, walang pagbabago,
walang paghahati at walang paghihiwalay" o "hindi dapat ipagkalito, hindi maipagbabago, hindi
mahahati at hindi mapaghihiwalay", at kukng magkagayon ay parehong buong Diyos at buong
tao. Ang mga simbahang Alexandrino ay hindi sumang-ayon dito. Ang mga ito ay ang mga
"Sinaunang Simbahang Oriental" o ang "Kumunyong Ortodoxong Oriental".
Nagsanga naman noong ikalabing daang taon (siglo 11) ng isa pang usapin ang Simbahang
Katolika. Laman ng pangyayaring ito ang mga pagtatalo sa doktrina, di pagkakasundo sa
pamamahala ng simbahan, ang ebolusyon ng paghihiwalay ng mga rito at mga kasanayan o
tradisyon. Noong 1054 rin ay naganap ang isa pang paghahati ng Simbahan. Ang paghahati sa
pagitan ng "Silangan at ng "Kanluran". Kabilang sa silangang grupo ay ang Grecia, Rusya,
lupaing Eslabiko (Slavic lands), Anatolia at mga Simbahan ng Sirya, Ehipto. Sila ang mga
simbahang tumanggap sa Konseho ng Kalsedonya. Samantala ang Inglatera, Pransiya, Banal na
Emperyo ng Roma,Escandinabya at ang kalakhang Kanlurang Europa ang sya namang nasa
kanlurang grupo. Ang pagkakawatak watak nito ay tinawag na Malaking Hidwaan Great Schism.
Ang pinahuling pagkakahati ay naganap noong ika labing anim na daang taon (siglo 16), noong
panahon ng Repormasyon. Ang mga kanluraning simbahan ay tahakang nagtakwil sa mga turo
ng Simbahang Romano Katolika at napangalanang "Protestante"
Gayumpaman, ang ilang sa mga protestanteng ito, ay nanalig pa rin na sila ang tunay, buo at
kumpletong Katoliko. Ang ilan sa kanila ay naniniwala na sila ay BAHAGI ng Simbahang
Katolika, samantalang ang iba ay naniniwala na sila LAMANG ang Simbahang Katolika.
Shintoismo, Taoismo

Ang Taoismo, mula sa Tsinong Daojiao 道 教 (binibigkas dào (tulong·impormasyon)


jiào (tulong·impormasyon)), ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pang-pilosopiya at pang-
relihiyon na mga tradisyon at kaisipan. Naimpluwensiyahan ang Silangang Asya ng mga
tradisyon na ito sa loob ng dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran. [1] Nangangahulugan
ang salitang 道 , Tao (o Dao, depende sa iskima ng romanisasyon) bilang "landas" o "daan",
bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at
pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hiyas ng Tao:
pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa
kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos ( 天 人 相 应 ), kalusugan, mahabang buhay, wu wei
(aksiyon sa pamamagitan ng walang aksiyon), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagka-kusang-
loob.

Ang Pangalang Taoism ay nagmula sa tao, salitang Tsino na ang ibig sabihin “ang daan”.
Naniniwala ang Taoist na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang tao ay
dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta
ng hindi pagsunod sa paraan ng kalikasan. Ang tao ay maihahalintulad sa “isang bagay na
walang hugis at porma”. Ang mga karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang
tao dahil mapagkumbaba ito. Ang tao rin ang nagbibigay ng pwersa sa lahat ng nilalang.

You might also like