Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Suspendido ang klase sa lungsod

ng Iloilo dahil sa matinding init.


Ni Russel James Amatorio

Kinansila ang in-person classes sa iloilo city sa ika-apat na araw sa mga dahilanang
matinding init na nararanasan. Dahil sa matinding init at pagtaas ng heat index, ilang mga
paaralan sa rehiyon ng Kanlurang Visayas ang napilitang magsuspinde ng mga klase at lumipat
sa distance learning.

Ang pagkansela ng ilang paaralan sa kanlurang Visayas dahil sa matinding sikat ng araw
ang tanging nararapat na aksyon. Bilang isang mag-aaral, napakahirap mag-focus lalong-lalo na
kung ako ay naiinitan. At ang silid aralan ay tilab nagiging "oven" dagdag pa ng kakulangan ng
pentilador at air condition. Ito ay hindi lamang nakakaapekto sa akin, ngunit ito rin ay
humahadlang sa kakayahan ng aking mga kapwa mag-aaral na makamit ang isang kalmado at
mapayapang kapaligiran sa pag-aaral.

Upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan habang nagpapatuloy sa edukasyon, ang


Kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Blg. 037 s. 2022 ay ipinatupad kasunod ng
pagkansela ng mga klase dahil sa matinding init. Naglabas si Mayor Jerry P. Treñas ng Iloilo City
ng executive order para sa distance learning na magpatuloy mula elementarya hanggang
kolehiyo, ngunit limitado lamang sa mga silid-aralan lamang na nilagyan ng air conditioning.

Maiging mauna muna ang kapakanan ng bawat mag-aaral mula sa kapahamakan dulot
ng matinding init na ating nararanasan. Kaya ang pagsuspinde ng klase ay ang pinakamabisang
paraan sa pagprotekta sa kalusugan ng bawat isa. Kaya pinapayuhan ko ang bawat isa na huwag
na sana lumabas sa tapat ng araw kung hindi naman kinakailangan. Maging maingat at huwag
kalimutang uminom ng walo hanggang labindalawang tubig kada araw. Lagi nating tatandaan
mula sa payo ng mga eksperto na "Ligtas ang may alam".

You might also like