Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

KONTEMPORARYONG SINING

MULA SA MGA REHIYON

ARALIN 2

MGA KONTEMPORARYONG ANYO AT GAWAIN

Ang Pitong Pangunahing Anyo ng Sining:

1. sining biswal
2. literatura
3. musika
4. Teatro
5. Sayaw
6. Arkitektura
7. Pelikula

Sining Biswal

Sa panahon ng Amerikano, ay maraming Pilipino


ang nag-aral ng sining sa iba’t ibang bansa. Ipinakilala
nila ang mga anyo ng sining na ito sa Pilipinas.
Ang sining biswal sa Pilipinas ay sumasaklaw sa
mga istrukturang likha ng mga Pilipino para sa mga
kontemporaryong gawain na makikita sa etnikong
grupo, sa panahon ng Amerikano at Kastila. Sa mga
etnikong komunidad, ay makikita ang paghahabi
(weaving), pagpapalayok o gawaan ng palayok
(pottery), pag-ukit, at metalcraft.

Panoorin ang video sa link na ito.

https://www.youtube.com/watch?v=RPpTpPhb0Ck
Top 10 Greatest Filipino Artist and their Masterworks ||
Philippine Art
Sining ng Literatura/Panitikan

Ayon sa Pambansang Alagad ng Sining


para sa literatura na si Bienvenido Lumbera
(2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat
sandali ng buhay natin ay nariyan ito.
Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang
umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa
bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo
ng wika upang kamtin ang kailangan natin.”

Ang literatura ay binubuo ng mga akdang


nililikha ng mga manunulat. Ang mga malikhaing
sining na ito ay nasa anyong tula, dula, nobela, at
maikling kuwento.Bunga ito ng mayamang
imahinasyon ng mga manunulat batay na rin sa
kanilang karanasan, obserbasyon sa paligid at sa
mga pangyayaring nasasaksihan. Mula sa
karunungang bayan gaya ng pabula, parabula,
kuwentong bayan, alamat, palaisipan at iba pang
nagpapakita ng talino at husay ng mga ninuno ay nabuo
ang mga anyo ng akdang ito na may lalim at pamantayan.
Teatro, Musika at Sayaw
Bilang teatro (tanghalan) tinatawag itong genre ng
panitikan na binubuo ng hanay ng mga dramatikong akdang
ipinaglihi para sa kanilang representasyon sa entablado.

Aang salitang teatro ay nagmula sa salitang Griyego na


théatron, na kinukuha naman ng theasthai, na
nangangahulugang 'tumingin’ o ‘tingnan.’

Ang teatro ay bahagi ng tinaguriang sining ng pagganap,


na pinagsasama ang mga larangan ng pagganap, senaryo,
musika, tunog at libangan.

Panoorin ang 7 Types of Theatre in the Philippines mula sa link


na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=fdqyVRGrH00

You might also like