AP 7 Yunit 1 Aralin 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Department of Education

National Capital Region


Division of Taguig City and Pateros
Spring of Virtue Integrated School Inc.

MODULE 5
IN
ARALING PANLIPUNAN 7
FIRST QUARTER

Yunit 1
Ang Asya

 Aralin 5 Ang Hilagang – Gitnang Asya

Prepared by:
Miss Mary Joy C. Buliag
Araling Panlipunan Teacher

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 5 Ang Hilagang – Gitnang Asya pg. 1
Yunit 1
Ang Asya

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipapaliwanag ang konsepto
ng Hilagang – Gitnang Asya tungkol sa:

 Klima;

 Uri ng Lupa; at

 Mga bansang at kapitolyo nito na kasama sa Hilagang – Gitnang Asya

Aralin 5
Ang Hilagang – Gitnang Asya

Alamin Natin
Pagpapastol – ito ay isa sa mga makalumang hanapbuhay na lumaganap ng unang panahon. Ito ay
pamamaraan sa pag – aalaga ng mga hayop tulad ng kalabaw, tupa, kambing at
iba pa.

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 5 Ang Hilagang – Gitnang Asya pg. 2
Nomad – Ito ay ang mga taong pagala – gala o lumilipat ng tirahan kapag ubos na ang mga likas na
yaman sa isang lugar

Pag – aralan Natin


Ang rehiyong Hilagang – Gtnang Asya ay nasa bahaging itaas ng Asya. Ito ay binubuo ng ng
mga bansang dating kabilang sa Unyong Sobyet. Ang rehiyong ito ay may masalimuot na usapin
hinggil
sa Russia, isa sa mga bansang nasasakupan nito. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw
kung aling kontinente ang may sakop sa bansang ito. Itinuturing kasi ito ng ibang pandaigdigang
organisasyon tulad ng UN bilang sakop ng kontinente ng Europa dahil sa pagkakahawig ng kultura,
pisikal na anyo at iba pa sa mga bansang European. Subalit may iba naman na itinuturing ang
Russia
bilang bahagi ng Asya sapagkat malaking bahagi ng nasabing bansa, ang bahagi ng Siberia, ay
makikita sa kontinente ng Asya, at maliit lamang na bahagi ng bansang ito ang matatagpuan sa
hangganan ng Europa. Gayunpaman, karamihan sa mga nakapag – aral na Ruso ay kinikilalang
bahagi sila ng magkaparehong kontinente.

Uri ng Lupa

Kakikitaan ang rehiyon ng mga talampas, kabundukan, disyerto, at madamong kapatagan.


Mayaman din ito sa mga kagubatan at likas na yaman.

Uri Klima

Matinding taglamig ang madalas na nararanasan sa rehiyong ito. Dahil ito ay malapit sa North
Pole, ang klima ay masasabing subpolar, na kakikitaan ng mahabang taglamig ata napakaikling tag

init. Ballot ng yelo anng rehiyong sa malaking bahagi ng taon at maging ang mga anyong tubig ay
nagyeyelo. Dahil sa klimang ito, hindi gaanong malinang ang mga likas na yaman sa lugar at
malaking
bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao.

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 5 Ang Hilagang – Gitnang Asya pg. 3
Mga Bansa sa Hilagang – Gitnang Asya

Russia
Ang Russia ang pinakamalaking bansaa sa buong
daigdig. Ang kapitolyo nito ay Moscow. Kasama pa ang 15
na republika, nagging bahagi ito ng Unyong Sobyet,
komunistang bansang nagging kalaban ng Estados Unidos
sa ideolohiya noong panahon ng Cold War. Itinatag noong
1922, nalansag ang Unyong Sobyet noong 1991 bunga ng

reporma ni Mikhail Gorbachev. Flag ng Russia


Mayaman ang Russia sa mga likas na yaman at makabago ang angkin nitong teknolohiya.
Gayunman man, nahihirapan pa ring tugunan ng bansa ang mga pangangailangan ng ordinaryong
Ruso, tulad ng sapat na pagkain, tubig, at eletrisidad. Karamihan sa mga Ruso noon ay nagtatrabaho
sa mga pagawaan at pabrika ng pamahalaan, ngunit ngayo’y abala na sa kani – kanlang negosyo o
sa pagtatanim sa mga pribadong bukirin. Gayunman, nananatili pa rin ang Russia bilang isang
nangungunang katunggali ng Esatados Unidos sa pandaigdigang politika.

Kazakhstan
Dati ring kabilang sa Unyong Sobyet ang bansang
Kazakhstan. Ang kapitolyo nito ay Astana. Ang mga
katutubo rito ay dating mga nomad o mga lagalag na
naglalakbay sa paghahanap ng pagkain. Ang mga
mamamayan dito ay patuloy na nagpapastol at nagtatrabaho
sa mga bukid, bagama’t marami pa rin sa kanila ang

nagtatrabaho sa mga pabrika. Mahilig ang mga Flag of Kazakhstan


Yunit 1 Ang Asya
Aralin 5 Ang Hilagang – Gitnang Asya pg. 4
Kazakh sa mga pagdiriwang na pampamilya. Sa kasalukuyan Malaki ang suliranin ng bansa sa
ekonomiya, lalo na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Gayunman, nagkaroon na ng mga
pagbabago
sa pamahalaan tulad ng pag – amyenda sa kanilang saligang batas upang matugunan ang mga
pangangangailangan sa kasalukuyan.

Kyrgyzstan
Isa rin ang Kyrgyzstan sa mga nagging malayang
republika matapos mabuwag ang Unyong Sobyet noong
1991. Ang kapitolyo nito ay Bishkek. Ang mga
mamamyan sa bansang ito ay karaniwang
nabibilang sa malaking angkan. Agrkultura ang

pangunahing ikinabubuhay ng mga tao bagama’t Flag of Kyrgyzstan


marami rin ang nagpapastol ng tupa at baka. Nangunguna ang Kyrgyzstan sa mga dating republika
ng
Unyong Sobyet kung repormang pang – ekonomiya ang pag – uusapan. Nakagawa na ang bansa ng
mga hakbang upang mas mapadali ang transisyon sa kumonistang Sistema patungo sa malayang
kalakalan.

Tajikistan
Ang Tajikistang ang pinakamahirap sa mga dating
republika ng Unyong Sobyet. Ang kapitolyo nito ay
Dushanbe. Pagkatapos nitong makamit ang kalayaan,
nagkaroon naman ng digmaang sibil sa bansa na
pansamantalang pumigil sa tuluyang pag – unlad nito.
Bunga nito, maraming umalis sa bansa upang iwasan ang

panganib sa digmaan. Layunin ng bansang maibalik ang Flag of Tajikistan


kaayusan kaya nagsagawa ito ng isang halalan, subalit hindi ito pinaniwalaan ng maraming
nagmamatyag. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang kaunlaran ng bansa ay makakamit lamang kung

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 5 Ang Hilagang – Gitnang Asya pg. 5
magkakaroon ng kapayapaang political.
Mayaman ang mga bansa sa mga kabundukan. Marami ring aktibong bulkan dito kaya
madalas ay nakararanas ng lindol sa bansa. Ang mga katutubo sa bansang ito ay mga Persian, at
pagtatanim ng palay ang kanilang karaniwang ikinabubuhay.

Uzbekistan
Animnapu’t pitong porsiyento ng Uzbekistan ay
disyerto kung kaya’t ikatlong bahagi lamang nito ang
napapamahayan. Ang kapitolyo nito ay Tashkent. Ang
bansang ito ay dating daanan ng kalakal mula Tsina
papuntang Gitnang Silangan. Naging bahagi rin ito ng
Unyong Sobyet mula 1924 hanggang 1991. Gayunman,

sa pagkakaroon nito ng kalayaan ay tumaas naman Flag of Uzbekistan


ang insidente ng karahasan. Ang ekonomiya ng Uzbekistan ay nakasalig parin sa agrikultura
bagama’t
hindi pa gaanong nalilinang ang angkin nitong likas na yaman. Ang mga Uzbek ay totoong
tradisyonal,
makikita ito sa ptuloy na pagsusuot nila ng kanilang katutubong pananamit at pagkain ng mga
katutubong lutuin.

Turkmenistan
Ang Turkmenistan ay nagging bahagi ng
sinaunag Imperyo ng Pesia at pagpapastol ang
ikinabubuhay ng mga naunang mamamayan. Ang
kapitolyo nito ay Ashgabat. Halos 80 porsiyento ng
kapuluan ng bansa ay disyerto. Bagama’t malakas ang
produksyon ng bulak dito, kinakailangan naman nito
ng napakalakas na suplay ng tubig. Dahil dito, sinisikap

ng pamahalaan ng Turkmenistan na humanap ng Flag of Turkmenistan

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 5 Ang Hilagang – Gitnang Asya pg. 6
iba pang pananim na maaring pagkakitaan. Pagkatapos maging malaya sa pagkakabuwag ng
Unyong
Sobyet noong 1991, hindi kaagad umusad ang kabuhayan ng bansa. Sa kasalukuyan
nakikipagkasundo ang Turkmenistan sa iba’t ibang bansa upang tulungan silang paunlarin at
linangin
ang mga likas nitong yaman. Naglunsad na rin ng mga reporma sa programang pangkabuhayan ang
pamahalaan nito.

Sagutin Natin
1. Ito ang pinakamalaking bansa sa bong daigdig.
2. Ito ay isa sa mga makalumang hanapbuhay na lumaganap ng unang panahon. Ito ay
pamamaraan sa pag – aalaga ng mga hayop tulad ng kalabaw, tupa, kambing at
iba pa.
3. Ito ay ang mga taong pagala – gala o lumilipat ng tirahan kapag ubos na ang mga
likas na yaman sa isang lugar
4. Anu ang kapitolyo ng Uzbekistan?
5. Anu ang kapitolyo ng Tajikistan?
6. Moscow ay kapitolyo ng anung bansa?
7. Ashgabat ay kapitolyo ng bansang .
8. Anu ang kapitolyo ng bansang Kyrgyzstan?
9. Anu ang kapitolyo ng Turmenistan
10. Anu ang kapitolyo ng Kazakhstan?

Sanggunian

 “Asya Araling Panlipunan 8” Trinitas Publishing, Inc.


Author Juan Alvin B. Tiamson at Karen F. So (MA) Pg. 65 – 69

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 5 Ang Hilagang – Gitnang Asya pg. 7

You might also like