Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Department of Education

National Capital Region


Division of Taguig City and Pateros
Spring of Virtue Integrated School Inc.

MODULE 4
IN
ARALING PANLIPUNAN 7
FIRST QUARTER

Yunit 1
Ang Asya

 Aralin 4 Ang Pisikal na Kapaligiran sa Asya

Prepared by:
Miss Mary Joy C. Buliag
Araling Panlipunan Teacher

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 3 Ang Heograpiya ng Asya pg. 1
Yunit 1
Ang Asya

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan ang mga katangian
ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, klima, at
vegetation cover, na may tuon sa sumusunod:

 Silangang Asya;

 Timog – Silangang Asya;

 Timog Asya;

 Kanlurang Asya; at

 Hilagang Asya.

Aralin 4
Ang Pisikal na Kapaligiran sa Asya

Makikita sa itaas ang larawan iba’t ibang kapaligiran ng Asya. Mayroong bahagi na disyerto at
halos walang halaman at mayroon ding lugar na magubat. Samantala, mayroong lugar na puro
niyebe sa halos buong taon at mayroon namang napaliligirian ng damo at iilang puno. Alin kaya sa
mga larawan ang karaniwang makikita sa iba’t ibang rehiyon sa Asya?

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 4 Ang Pisikal na Kapaligaran sa Asya pg. 2
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:
Vegetation Cover – mga uri ng halaman at puno na karaniwang nabubuhay at tumutubo sa isang
lugar at nagbibigay nga katangi – tanging anyong pisikal dito.
Monsoon Climate – tropical na klimang mamasa – masa.

Dahil malawak na kontinente ang Asya, inaasahan na heterogenous o magkakaiba ang pisikal
na katangian ng mga rehiyon at bansa dito. Ang lokasyon, klima, at vegetation cover ay nakaaapekto
sa pisikal na kapaligiran ng rehiyon. Dahil sa mga nabanggit, iba-iba ang anyong lupa, mga pananim,
likas na yaman, kahayupan, at uri ng pamumuhay na natatamasa sa iba’t ibang rehiyon. Ating alamin
ang pisikal na kapaligiran ng mga rehiyon sa Asya.

Hilagang Asya

Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga kontinente ng Europa
at Asya. Ang Dagat Bering naman ang nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Sa rehiyong ito,
maikli ang tag-init at mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan.
Gayunpaman, may mga lugar pa rin na nagtataglay ng matatabang lupa. Sa kabila nito, malaking
bahagi pa rin ng rehiyon ay hindi puwedeng panirahan ng tao dahil sobrang lamig.
Yunit 1 Ang Asya
Aralin 4 Ang Pisikal na Kapaligaran sa Asya pg. 3
Sa Russia matatagpuan ang praire, ang lupaing may damuhang matataas na may
malalalim na ugat o deeply rooted tall grasses. Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain)
ay matatagpuan sa Siberia.
Makikita rin dito ang tundra o treeless mountain tract. Kakaunti ang mga halamang
tumatakip at halos walang puno sa lupain ito walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima.

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 4 Ang Pisikal na Kapaligaran sa Asya pg. 4
Silangang Asya

Ang rehiyong ito ay may pisikal na hangganan tulad ng Disyerto ng Gobi, Talampas ng
Mongolia-Tibet, at ang Himalayas. Nasa silangan naman nito ang Karagatang Pasipiko. Monsoon
climate ang uri ng klima sa rehiyon. Dahil sa lawak ng Silangang Asya, ang mga bansa rito ay
nakararanas ng iba’t-ibang panahon. Mainit ang panahon para sa mga bansang nasa mababang
latitud, at malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang mataas bahagi ng rehiyon.
Halimbawa ng bansang nasa Silangang Asya ang Mongolia. May damuhang may mabababaw
na ugat o shallowrooted short grasses at praire sa lugar na ito.

Isang Priare sa Mongolia


Timog – Silangang Asya

Ang kahabaan ng Timog-Silangang Asya ay makikita


sa timog ng Tsina at Hapon. Halos lahat ng bansa
sa rehiyon ay may klimang tropikal. Ibig sabihin,
nakararanas lamang ng tag-araw at tag-ulan ang mga
bansang nasa Timog – Silangang Asya. Ang
Timog – Silangang Asya ay biniyayaan ng mga tropical
rainforest dahil sa mainam na klima nit o na halos
pantay ang panahon ng tag – ulan at tag-araw.
Halimbawa ng mga bansa sa Timog – Silangang
Asya ang Thailand at Pilipinas na parehong sagana
sa mga kagubatan at kapatagan.
Yunit 1 Ang Asya
Aralin 4 Ang Pisikal na Kapaligaran sa Asya pg. 5
Talon sa tropical na Gubat ng
Pilipinas

Timog Asya
Ang Timog Asya ay may anyong tatsulok. Hangganan nito ang Karagatang Indian sa timog at
Kabundukan ng Himalayas sa hilaga. Sa kanlurang bahagi naman ng rehiyon nakalatag ang mga
bansang Afghanistan, Pakistan, at India. Iba-iba ang klima rito sa loob ng isang taon. Mahalumigmig
kung Hunyo hanggang Setyembre. Taglamig naman kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.
Tuwing Marso hanggang Mayo ay tag init at tagtuyot. Nananatiling malamig ang rehiyon dahil sa
niyebe o yelo mula sa Himalayas.

Anyong pisikal ng Timog Asya, malapit sa Kabundukan ng Himalayas


Sa kabila ng malamig na klima, mayroon pa ring mga tropical rainforest na matatagpuan sa
Timog Asya. Karamihan nito ay nasa Bangladesh at Nepal.

Kanlurang Asya
Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa kontinental na bahagi ng Asya at sa hilagang-silangang
bahagi ng Aprika. Maaaring magkaroon ng labis o hindi kaya ay katamtamang init o lamig ang lugar
na ito. Bihira at halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon.
Malaking bahagi ng Kanlurang Asya ay disyerto. Kaya naman sa ibang rehiyon ng Kanlurang
Asya, lalo na sa mga lugar na malayo sa mga anyong tubig, ay halos mga cactus lamang o mga
katulad na halaman ang nabubuhay sa lugar.

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 4 Ang Pisikal na Kapaligaran sa Asya pg. 6
Disyerto sa Kanlurang Asya

Sa kabila ng pagiging disyerto ng malaking bahagi ng Kanlurang Asya, may mga lugar pa rin
na may matatabang lupa at malalagong halaman ngunit ito ay watak-watak at kakaunti lamang.
Halimbawa, may mga bahaging gubat at bulubundukin sa Turkey, Georgia, at Iran.
Ilan sa mga bansang nasa kanlurang Asya ay Turkey, Syria, Israel, at Saudi Arabia.

Gubat at Bulubundukin sa Turkey

Sagutin Natin
Tukuyin kung anong rehiyon ng Asya ang tinutukoy sa sumusunod na mga pangungusap.
1. Nasa rehiyong ito ang kabundukang Ural na humahati sa kontinente ng
Europa at Asya.
2. Bihira o halos hindi nakararanas ng tag-ulan sa rehiyong ito
3. Iba-iba ang klima ng mga bansa sa rehiyong ito depende sa kinalalagyan nito
sa latitud.
4. Nanatiling malamig ang klima sa rehiyong ito dahil sa niyebe mula sa
Himalayas.
5. Ang Mongolia, na maraming damuhang mabababaw ang ugat o praire ay
nasa rehiyong ito.
6. Halos lahat ng bansa sa rehiyong ito ay mayroong klimang tropikal.
7. Kabilang ang Pilipinas sa rehiyong ito.
8. Ang rehiyong ito ay hugis-tatsulok.
9. Ang rehiyon na ito ay may pisikal na hangganan tulad ng Disyerto ng Gobi,
Talampas ng Mongolia-Tibet, at ang Himalayas.

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 4 Ang Pisikal na Kapaligaran sa Asya pg. 7
10. Sa kabila ng pagkakaroon ng malawak na disyerto, sa rehiyong ito
umusbong ang karamihan sa mga sinaunang kabihasnan.

Sanggunian

 Quipper Study Guide AP7 U1, Ang Asya


 “Geography of the World South Asia Land and Resources”, Charlie Bliss,
https://www.youtube.com/watch?v=7jgIKxGx_jw.
 “Middle East, Heaven Of Oil Documentary”, Around the World,
https://www.youtube.com/watch?v=6Q-1zkPXDJw.
 “Climate and Vegetation of East Asia”, Glenn Hill,
https://www.youtube.com/watch?v=G5hkhb2qkHI.

Yunit 1 Ang Asya


Aralin 4 Ang Pisikal na Kapaligaran sa Asya pg. 8

You might also like