Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


ACCESS Campus EJC Montilla, Tacurong City

Mala-masusing Banghay-Aralin sa Wastong Paggamit ng Pangatnig na Pananhi


Baitang 7

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang
naisagawa ang mga sumusunod:
a. Natutukoy ang mga pangungusap na mayroong wastong paggamit ng
mga pangatnig na pananhi sa pagsulat ng pabula;
b. Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagsagot sa iba’t-ibang Gawain; at
c. Nakasusulat ng isang pabula gamit ang wastong mga pangatnig na
pananhi.

II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Gramatika: Wastong Paggamit ng Pangatnig na Pananhi
b. Sanggunian: Guimare, A. (2018). Kalinangan 7. Workteks sa Filipino:
Pangatnig na Pananhi, pp. 41-55. Mula sa
https://www.slide.share.net/JenitaGuinoo/pang-ugnay-na-pananhi
c. Kagamitan: Manila paper, pentil pen, at construction paper
d. Pagpapahalaga: Dedikasyon sa pagkatuto.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Lumiban
4. Pamantayan sa Klase
5. Pagpasa ng takdang-aralin
Ipatatawag ng guro ang pangulo ng klase at uutusang siya
ang mangolekta ng kanilang mga takdang-aralin.

Gawaing Pagkatuto 1: Pagbabalik-aral


 Magtatanong ang guro hinggil sa kahulugan ng pang-ugnay na
pangatnig.
 Tatawagin ng guro ang naunang tumaas ng kamay sa klase upang
sagutin ang itinanong ng guro.

Gawaing Pagkatuto 2: Pagganyak


 Maghahanda ang guro ng materyal para sa aktibidad na mind-
mapping.
 Ang bawat mag-aaral ay mag-iisip ng mga salitang nagbibigay-
kahulugan o maaari nilang iugnay sa salitang PANANHI.
 Bubunot ang guro ng pangalan ng mga mag-aaral na siyang
magbabahagi ng kanilang sagot at bibigyan nila ng paliwanag ang
sariling sagot. Ang may partisipasyon ay tatanggap ng tatlong
puntos.

Gawaing Pagkatuto 3: Aktibiti


 Maglalahad ang guro ng isang obra maestro ni Dr. Luis P.
Gatmaitan na pinamagatang “Ay! Nabubulok ang Ngipin ni Ani”.
 Ipababasa’t ipauunawa ang nasabing kwento sa mga mag-aaral
nang tahimik at 5 minuto lamang.
 Habang nagbabasa ang mga mag-aaral, maglilibot at oobserbahan
ng guro ang bawat mag-aaral.
 Habang minamasdan ng guro ang mga mag-aaral sa pag-uunawa
ng babasahin, magpapatala ang guro ng mga sumusunod:
- Pangungusap/pahayag na nagsasaad ng dahilan at epekto ng
pagkain ng mga kendi ni Ani.
- Pangungusap/pahayag na nagsasaad ng dahilan ng pagkatakot
ni Ani sa mga dentista at naging epekto nito.

Gawaing Pagkatuto 4: Analisis


 Magpapaskil ang guro ng mga katanungang halaw sa binasang
kwento ng mga mag-aaral, Hahatiin ang klase sa tatlong grupo at
ipasasagot ito sa isang buong papel sa loob ng 3 minuto.. Ang mga
katanungang ipasasagot ay ang mga sumusunod:
1. Ibigay ang mga naitalang pahayag/pangungusap sa binasa
at pagkatapos ay salungguhitan mo ang mga pangatnig na
pananhing ginamit.
2. Ano-ano ang iyong napansin sa mga pangatnig na ginamit
mula sa pangungusap/ mga pangungusap na inyong itinala?
3. Masasabi mo bang ang mga ginamit na pangatnig ng may-
akda ay mga pangatnig na pananhi? Bakit?
 Sa pag-iikot at pag-oobserba ng guro ay iisa-isahing titingnan kung
sino ang nakapagsasagot ng tama at nakauunawa na ng paksa
bago tumungo sa pormal na pagtuturo at pagtalakay sa paksa.
 Kung sakaling mayroong grupo/mga grupo na hindi pa din
nakauunawa ay kinakailangang ito ang bigyang-tuon ng guro sa
pamamagitan na pagbibigay ng panibagong interbensyon na
gawain. Dapat dagdagan ang mga pahayag/pangungusap na
inilaan upang sagutan ng mga nahuling grupo hanggang sa sila ay
matuto.
 Matapos maunawaan ng lahat ang pangatnig na pananhi,
magtuturo na ang guro ng pangalawang topiko: Pag-unawa sa
wastong paggamit ng pangatnig na pananhi.
Gawaing Pagkatuto 5: Analisis
 Tatalakayin nang pahapyaw ng guro ang kahulugan ng pangatnig
na pananhi.
 Ibibigay ang mga pangatnig na pananhing ginagamit sa anumang
uri ng komunikasyon o teksto.
 Isa-isahin ipaliliwanag ang kategorya at konteksto ng bawat
pangatnig na pananhi gamit ang talahanayang mayroong dalawang
kolumn. Pormal at di-pormal/impormal na kanon ng pangatnig na
pananhi.
 Magbibigay halimbawa ang guro sa bawat kategorya ng wastong
paggamit ng pangatnig na pananhi. Gayundin ang mga mag-aaral.
 Ipababasa ng guro ang sanaysay ng Kagawaran ng Kalusugan na
pinamagatang “Bakit ko kinakailangang magpabakuna para sa
COVID-19?”. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga pangungusap
na mayroong wastong paggamit ng mag pangatnig na pananhi.
 Habang isinasagawa ang pagsasanay, maglilibot- oobserbahan
muli ng guro ang bawat mag-aaral upang tingnan kung
naunawaanna ba ang mga gamit ng iba’t-ibang pangatnig na
pananhi.
 Kung sa pagsasagawa ng mga mag-aaral ay halos hindi pa
lubusang naunawaan ang gamit/wastong gamit ng mga pangatnig
na pananda, maglalatag muli ng panibago’t ibang gawain ang guro.
Ngunit kung naunawaan at alam na ng bawat mag-aaral ang
nasabing paksang itinuro, bilang kumpirmasyon magbibigay muli
ng gawain ang guro na kung saan ay pipili lamang ang mga mag-
aaral mula sa pangungusa na ibibigay ng wasto/angkop na
gamiting pangatnig na pananhi sa pangungusap. Binubuo lamang
ng tatlong aytem ang nasabing gawain.
 Matapos makakuha ng 2-3 ang bawat mag-aaral, ilalatag na ng
guro ang gawaing aplikasyon at ito ang panghuling yugto ng
paksang itinuro.

Gawaing Pagkatuto 6: Aplikasyon


 Magpapaskil ang guro ng isang gawain. Pupunan ng mga mag-
aaral ang mga patlang sa bawat pangungusap na inihanda. Ang
kanilang sagot ay magmumula sa kahong naglalaman ng mga
pangatnig na pananhi.
 Sa parehong grupo, ang bawat mag-aaral ay magbabahagi at pag-
uusapan ang kanilang magiging sagot sa loob ng tatlong minuto.
Pagkatapos ay pipili ng magiging kinatawan upang magbahagi ng
sagot sa pamamagitan ng pagsulat ng mga ito sa manila paper.
Sabay sabay na ipapakita sa klase ang sagot na siyang
wawastuhin ng guro.

IV. Ebalwasyon
a. Magpapasulat ng isang pabula ang guro sa bawat mag-aaral. Ang guro
din ang siyang maghahanda ng mga karakter na kanilang pagpipilian.
Gawing kawili-wili at hindi nalalayo sa layunin ng pabula na dapat
nakapupulutan ng aral ang inyong komposisyon.
b. Ang gawain ay ipapasa sa susunod na pagkikita ng klase.

V. Kasunduan
a. Magpasasaliksik ang guro ukol sa paksang tatalakayin sa susunod na
talakayan “Pangatnig na Panlinaw.”
b. Kung sakaling sa paglalapat ay hindi pa kabisado/memorya ang wastong
paggamit ng pangatnig na pananhi, pasasaliksikin ng guro ang kaniyang
mga mag-aaral ng mga sanaysay o balitang editoryal at susuriin kung ang
ginamit na pananhing pangatnig ay wasto.

You might also like