Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

1 KonKomFil

Modyul 4
Mga Suliraning Panlipunan
Aralin 1: Korapsyon, Konsepto ng Bayani
Aralin 2: Konsepto ng Kahirapan, Pabahay, Pangkalusugan,
Aralin 3: Malawakang pagkawasak ng/sa kalikasan, Climate change atbp

Ipakikita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng wikang Pilipino

sa konteksto ng mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa tulad ng
korapsyon sa gobyerno, kahirapan, kalusugan at iba pa. Sa ganitong paraan ,
ang aklat na ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman at malayang kaisipan na
mahalaga sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa.
Ang ayos ng pagtatalakay ay idinesenyo sa paraan ng mahigpit na
madaling mauunawaan ng bawat mag-aaral ang bawat konteksto ng mga
usapin; pagbibigay ng depinisyon, pagpapaliwanag at pagbibigay ng
halimbawa.

Sa modyul na ito, inaasahan ang mag-aaral na maipamalas ang mga sumusunod:

1. nakapagsasagawa ng mga makabuluhang kaisipan gamit ang mga estratehiya

na akma sa kontekstong Pilipino;
2. nakabubuo ng isang ganting-galaw patungkol sa mga artikulong ibinalangka.
2 KonKomFil

TALAS

Pangalan: ______________________________________ Baitang & Kurso: _______________

Guro: ___________________________________________ Marka: __________________________

Panuto: Bigyang pagpapakahulugan ang isinasaad sa larawan. (10 puntos)

________________________________________________________________________________________________

___________
3 KonKomFil

ARALIN 1 Korapsyon, Konsepto ng Bayani

Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.
Korapsyon
Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korapsyon sa
pamahalaan. Kabilang sa mga paraan ng korapsyon na isinasagawa ay ang mga graft,
panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang-pintuan, nepostismo,
padrino.
Ano ang korapsyon?
Mula sa kanyang denotasyon, ito’y nangangahulugang pagmamalabis,
pagkapahamak, katiwalian. Ang korapsyon ay tumutukoy sa kawalan ng integridad
at katapatan. Madalas na binibigyang-kahulugan ang korapsyon bilang “maling
paggamit ng posisyon para sa pansariling kapakinabangan.”
Ayon kay Ronaldo B. Tolentino, “Ang wika at sining biswal sa korapsyon ay
likha sa pangunahin ng kulturang nagpapalaganapnito. May Vested Interest kung
bakit ganitoang katawagan sa kalakaran sa korapsyon, ang mga kulay at imahen nito
sa mga tarpaulin na nagpapahayag ng aspekto pampublikong antas ng korapsyon na
ang publisidad para sa publikong serbisyo ay indikasyon din ng mas nakatagong
korapsyon pampubliko.”
Ayon sa Ibon Media 2008, anim na malaking korapsyon sa ilalim ni Gloria
Arroyo ay may multi-bilyong kabawasan sa pondo ng bayan have collectively cost the
Filipino people some P7.3 billion pesos. (https://www.cenpeg.org)
Mga Pinaghalawan ng Korapsyon
• Mula sa kalikasan – Galamay
• Mula sa pang-araw-araw na bagay – luto
• Mula sa krimen – Colorum
• Mula sa syensya – buwaya
• Mula sa sports – game fixing
• Mula sa trabaho – backer
• Mula sa edukasyon – grades for sale
• Mula sa pagsusugal – balato
Sa dalas ng korapsyon sa bansa, nakabuo na nang salitaan ang mga Pilipino upang
tukuyin ang mga tiwaling transaksyon. Ang mga karaniwang termino ay ang
sumusunod:
4 KonKomFil

• Areglo – pagsasaayos ng isang sitwasyon sa paraang madali ngunit hindi

katanggap-tanggap.
• Ayos – katulad ng areglo
• Backer – maimpluwensyang tao
• Barya-barya – maliit na paglalagay
• Kumisyon – kabayaran sa transaksyong illegal
• Lagay – maari ring suhol
• Lakad – pagsasaayos sa isang usapan
• Lutong Makaw - pagdedesisyong pinaboran ang isang panig ng walang
batayan
• Rebate – katulad ng komisyon
• SOP (Standard Operating Procedure) – ang awtomatikong porsyento o
kabayaran na ibinigay sa opisyal
• Suhol – maari ring lagay
• Tongpat o Patong – halagang idinagdag sa tunay na halaga ng isang
produkto
• Padulas – perang pambayad upang bumilis ang transaksyon.
• Pang merienda – maliit na lagay
Dalawang Uri ng Korapsyon
1. Petty o maliit na korapsyon
2. Grand o malakihang korapsyon karaniwang nasasangkop sa maliitang
korapsyon ang mga mababang opisyal ng pamahalaan na hindi
nabibigyan ng sapat na sahod upang makapamuhay ng matiwasay.
Maraming Porma ng Korapsyon. Kabilang dito ang mga sumusunod:
✓ Panunuhol – ang pagbibigay ng benipisyo upang maimpluwensyahan ng
kilos at desisyon ng isang tao.
✓ Paninikil – paggamit ng pananakot, paninira o iba pang pagbabanta
upang mapwersang makipagtulungan sa isang tao.
✓ Kickbacks – iligal na kabayaran sa isang taong may awtoridad na
magpasya o mang-impluwensiya sa mapipiling bigyan sa isang kontrata
o transaksyon.
✓ State Capture – isang sitwasyong magbabayad ang makapangyarihang
indibidwal p grupo sa mga opisyal na pamahalaan upang maipasa ang
mga batas o regulasyon na makapagbibigay nang hindi patas na
kalamangan sa nasabing indibidwal o grupo.
5 KonKomFil

Korapsyon sa Pribado – sa – Pribado

Kinakailangan konektado sa pamahalaan upang masangkot sa korapsyon.
Maaring mangyari ang korapsyon kahit sa pagitan ng dalawang nagmumula sa
pribadong sector. Nangyayari ang pribado-sa-pribadong korapsyon kapag ginagamit
ng isang opisyal o empleyado ng isang kompanya ang kanyang kapangyarihan upang
impluwensyahan ang panggap sa isang tungkulin sa kompanya at ginagamit ang
kapangyarihan upang iyon ay makakuha ng personal na kapakinabangan na may
masamang epekto sa kompanya.
Pribado-sa-pribadong korapsyon sa iba’t ibang porma at sitwasyon.
Karaniwang halimbawa nito ang sumusunod:
✓ Purchasing at Procurement – regalong pera o pang-aaliw na ibinibigay
ng sales representative ng isang kompanya sa purchasing manager ng
isa pang kompanya upang makakuha ng produkto o serbisyo.
✓ Pautang o iba pang Serbisyo Pinansyal – kabayaran ng isang kompanya
sa bank manager o loan officer upang makuha ang approval sa pautang.
✓ Pag-eempleyo at Pagbibigay ng Promosyon – regaling ibinibigay sa
personnel director ng kompanya upang masiguro ang pagka-empleyo o
promosyon ng nagbibigay nito.
✓ Audits – kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng isang accounting firm
ng kompanyang ino-audit upang hindi na nila pansinin ang ilang
iregularidad.
✓ Publisidad at Promosyon – kabayaran ng isang kompanya sa mga
pamamahayag upang pumanig ang mga ito sa kompanya o upang hindi
ilabas ng mga ito ang mga negatibong isyu laban sa kompanya.

Sanhi ng Korapsyon
Ayon kay Robert Klitgaard, kilalang eksperto sa anti-korapsyon, mayroong
pormula kung paanong nagaganap ag korapsyon
C = M+D-A
C – ay corruption o korapsyon
M – ay monopoly o monopolyo
D – ay ang kalayaang pumili
Mga Salik na Tungkol M+D-A
1. Hindi malinaw, komplikado, at madalas na nagbabagong batas at
regulasyon
2. Kawalan ng transparency at accountability
6 KonKomFil

3. Kawalan ng kompetisyon
4. Mababang pasahod sa pampublikong sector
5. Kulang, pabago-bago, at hindi patas na pagpapatupad ng batas at
regulasyon
Korapsyon sa iba’t ibang sangay ng Pamahalaan
1. Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan
2. Korapsyon sa Hudikatura
3. Korapsyon sa Pamamahayag
4. Korapsyon sa Lehislatibo

Ang Konsepto ng “Bayani”

Ano ang kahulugan ng Bayani?
Ang isang bayani ay hindi lang tumulong sa kanyang sariling kababayan kundi
ang tumutulong sa kapakanan ng kanyang Inang bayan.
Ang bayani ay isang tao na gumawa ng isang dakilang Gawain. Layunin nila na
makatulong sa iba upang maging maayos ang buhay ng kanilang mga kababayan.
Sila ang mga taong naaalala dahil sa laki ng kontribusyon nila upang mabago ang
kalagayan ng isang bansa.
National Heroes Committee
➢ Executive Order No. 75
Executive Order No.75 – Creating the National Heroes Committee
under the Office of the President
➢ Article II Section 13 and 17
➢ Article XIV, Sec. 3(2)
Batayan ng isang Bayani
▪ Ang mga may konsepto ng bansa at pagkatapos ay naghahangad at
nakikibaka para sa kalayaan ng bansa.
▪ Ang mga nagtatakda at nagbibigay ng kontribusyon sa isang sistema o
buhay para sa kalayaan at kaayusan ng isang bansa.
▪ Iniisip ng bayani ang hinaharap, lalo na ang mga susunod na
henerasyon.
▪ Ang pagpili ng isang bayani ay nagsasangkot hindi lamang sa
pagsasalaysay ng isang kaganapan sa kasaysayan, ngunit sa buong
proseso na ginawa ng particular na tao na isang bayani.
7 KonKomFil

Mga Bayani Noon at Ngayon

NOON
Dr. Jose Rizal – ang pambansang bayani ng Pilipinas na lumaban sa
mga Kastila sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya
sa bansa.
Andres Bonifacio – siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani
na nagtatag ng Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon
sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.
Heneral Antonio Luna – itinuturing na isa sa pinakamatapang at
pinakamagaling na heneral sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino.
Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.
Apolonario Mabini – siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng
Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang
nagbigay suporta sa kilusang pang-reporma.
Emilio Aguinaldo – pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang
laban sa Espanya noong mga huling taon sa Rebolusyong Pilipino
(1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol – Amerikano
(1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang
Pilipino Amerikano (1899-1901).
Emilio Jacinto – isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng
Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas na opisyal ng katipunan.
Kilala siya bilang Utak ng Katipunan.
Francisco Balagtas Baltazar – siya ay kinikilala bilang “Prinsipe ng
Manunulang Tagalog” at itinuturing na William Shakespeare ng
Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensiya sa panitikang
Pilipino.
Gabriela Silang – ang matapang na asawa n glider ng Ilokanong
maghihimagsik na si Diego Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang
asawa., pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa mga
Kastila.
NGAYON
Ninoy Aquino – siya ay ginawaran ding isang bayani sa kasalukuyang
panahon dahil sa kanyang ginawang paglaban sa dektatorya ni Marcos.
Matapang niyang hinarap ito sa kabila ng panganib sa kanyang buhay
sa pagbalik niya sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang laban.
8 KonKomFil

Corazon Aquino – itinuturing na makabagong bayani ngayon sapagkat

binuksan siya ang pintuan para sa atin na yakapin ang tunay na
demokrasya sa Pilipinas.
Efren Penaflorida – tinanghal na bayani na nagkamit ng titulong CNN
Hero of the year. Tumutulong siya sa mga tao lalo na sa mga batang
gusting mag-aral pero hindi makapag-aral dahil sa kahirapan.
Nagtutulak siya ng karitong punong-puno ng mga gamit pang eskwela
at pinupuntahan niya ang mga ito para turuang magbasa at magsulat.
Efren “Bata” Reyes at Manny Pacquiao – itinuturing na mga
makabagong bayani ang mga taong nagbibigay karangalan sa ating
bansa dahil sa kanilang magandang kontribusyon sa larangan ng
isports.
Mga OFW’s – ang mga Overseas Filipino Workers na nagsasakripisyo
sa ibang bansa para sa kapakanan ng kanilang pamilya ay itinuturing
ding mga makabagong bayani. Nakakatulong sila hindi lang sa kanilang
pamilya kundi maging sa gobyerno rin. Tumatatag ang ekonomiya ng
bansa sa pamamagitan ng kanilang mga pinapadalang pera o
remitanses.
Ang mga Guro – marami sa mga guro ang nagtitiis sa init, pagod at
kayod upang maibigay lang sa estudyante nila ang magandang
hinaharap.

TALAKAY

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang:

______________________
Guro: ______________________________________________________ Marka:
______________________

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa mga suliraning kinakaharap ng mundo o ng bansa, bilang isang indibidwal
ano marahil ang iyong magiging aksyon upang masugpo o maiwasan ang
ganitong problema? (15 puntos)
_________________________________________________________________________________________

9 KonKomFil

_______________________________________________________________________

2. Ano ang iyong opinyon hinggil sa umiiral na suliranin sa lipunan? Sino ba ang
nararapat na sisihin? (15 puntos)
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

ARALIN 2 Konsepto ng Kahirapan, Pabahay, Pangkalusugan

Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.
Konsepto ng Kahirapan
Isa sa mga sakit ng lipunan ang kahirapan na hindi nalulunasan sa
kasalukuyan na inilalarawan sa kawalan ng pag-aaring materyal na maaari
gamitin upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Ang kahirapan ay tinitingnan sa dalawang kategorya: ang Ganap na Kahirapan na
tumutukoy sa mga sitwasyong ang isang indibidwal ay napagkakaitan ng mga
payak na pangangailangang pantao tulad ng maiinom na tubig, maayos na
kasuotan, maginhawang tirahan at pangangalagang pangkalusugan habang ang
Relatibong Kahirapan naman ay inilalarawan ng sitwasyong ang tao ay di sapat
na salapi kung ihahambing sa ibang tao sa kapaligiran na ang pinagkukunan ng
suplay at naapektuhan ng balakid tulad ng lantarang pagnanakaw o korupsyon sa
gobyerno, mga hindi makatwirag kondisyon ng pagpapautang ng gobyerno at
10 KonKomFil

marami pa.
Sa kabilang dako, mayroon naming dalawang teorya ang kahirapan. Ang
una ay ang indibidwalistikong pananaw na isinisisi sa indibidwal ang kakayahan
na pagbangon sa kahirapan tulad ng katamaran, kawalan ng sapat na edukasyon,
kamangmangan at mababang pagtingin sa sarili habang sa istrukturang pananaw,
nakikita ng tao ang kailang pagkasadlak sa kahirapn bunsod ng sistemang pang-
ekonomiya na lalong pinaigting ng kakulangan sa kanilang kita.
Ayon naman sa artikulo ni Dr. Phil Bartle (n.d) na isinalin ni Vitan III.
Dionisio, kanyang inisa-isa ang limang malalaking sangkap ng kahirapan na
kinabibilangan ng mga sumusunod: Kawalan ng kaalaman, Sakit, Kawalang
Pagpapahalaga, Hindi mapagkakatiwalaan at Pagiging palaasa sa kapwa.
Binigyang-diin na masosolusyunan lamang ang suliranin sa kahirapan kapag
aalisin ang limang sangkap ng kahirapan sa bawat pamilyang Pilipino.

Usaping Pabahay
Ang kawalan ng maayos na tirahan masisilungan ng isang pamilya ay isang
suliraning matagal ng kinakaharap ng maraming mamamayang Pilipino.
Mayroong 44% ng mga Pilipino ang walang maayos na tirahan na matatagpuan
sa Metro Manila (Global Homeless Statistics). Ang isyung pabahay ay sumasalim
ito sa mukha ng kahirapan dahil sa kawalan ng inisyatibo buhat sa pamahalaan,
kawalang disiplina sa bahagi ng maralita na magsagawa ng paraan upang
maiahon ang kanilang mga sarili sa totoong kahirapan.
Bagamat may inisyatibo ang pamahalaan sa libreng pabahay na
pinangungunahan ng National Housing Authority (NHA) ngunit kaakibat nito ang
iba’t ibang kontrobersiya tulad ng malayo ang pagkukunan ng pangunahing
pangangailangan tulad ng patubig, pagkain at iba pang pangangailangan sa pang-
araw-araw na gawain.

Usaping Pangkalusugan
(a) Malnutrisyon
Ang malnutrisyon ay isa sa mga kinakaharap na problema ng bansa bunsod
na rin ng kahirapan at kawalan ng wastong pagkain. Dagdag pa rito ang kawalan
ng sapat na kaalaman ngbtao sa kahalagahan ng nutrisyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Kagutuman at malnutrisyon ang pinakababahalang banta sa kalusugang
pandaigdig samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa
kamatayan ng mga bata na makikita sa kalahati ng lahat ng kaso batay sa ulat ng
World Health Organization (The Starvelings, 2011).
Kung kaya’t, ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo
upang mapataas ang antas ng kaalaman ng tao sa wastong nnutrisyon halmbawa
11 KonKomFil

na lamang ng feeding program, information drives, seminar at outreach programs

upang mapababa lamang ang kaso ng malnutrisyon sa bansa.
(b) HIV o Human Immunodeficiency Virus
Isa sa pinakapangunahing usapin hinggil sa kalusugan ang HIV o Human
Immunodeficiency Virus na isang espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon.
Walang makikitang sintomas ng sakit ang taong may ganitong uri ng sakit maliban
sa simpleng trangkaso. Habang patuloy ang inpeksyon ay higit nitong sinasalakay
ang immune system na di kalaunan’y mararanasan ang mga sakit na tuberculosis,
opportunistic infections at tumor. Tinatawag na AIDS o Acquired
Immunodeficiency Syndrome ang pinakahuling estado nito na kinasasangkutan
ng pagbaba ng timbang.
Tinatayang 36.7 milyong katao ang may kaso ng HIV na nagresulta ng
kamatayan noong 2016 na nasa isang milyon. Malaking usapin ito sa lipuanan na
nagiging ugat ng diskriminasyon at epektong png-ekonomiya na bunga ng maling
edukasyon o kakulangan ng kaalaman hinggil sa naturang sakit.
Narito ang iba’t ibang impormasyon
patungkol sa HIV.
Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga
sumusunod:
1. Pakikipagtalik na walang proteksyon (anal o oral);
2. Kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo;
3. Hypodermic na karayom;
4. Mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina;
5. Pagpapasuso
Ngunit ang anumang likido na mula sa katawan tulad ng laway at luha ay hindi
nakatutulong sa pagsasalin ng HIV sa isang indibidwal.
Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:
1. Ligtas na pakiki[agtalik;
2. Programa para sa pagpapalitan ng karayom;
3. Paggagamot;
4. Pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata sa panahon na
ipinagbubuntis.
(c) Dengue
Nagmula ang sakit na dengue sa isang virus ng dengue na dala ng kagat ng
lamok sa isang tropikong bansa tulad ng Pilipinas. Ang sintomas nito ay
karaniwang makikita simula tatlo hanggang labing-apat na araw matapos ang
inpeksyon tulad ng:
1. Mataas na lagnat;
2. Pananakit ng ulo;
3. Pagsusuka;
12 KonKomFil

4. Pananakit ng laman at mga kasu-kasuan.

Maaaring gumaling ang may dengue sa loob ng dalawa hanggang pitong

araw subalit may mga pagkakataon na nauuwi ito sa kamatayan dahil sa lagnat na
dengue hemorrhagic na nagreresulta ng pagsusugo, pababa ng platelets at pag-awas
ng blood plasma o ng dengue shock syndrome na napakamapanganib na low blood
pressure.

TALAKAY

Pangalan: _______________________________________ Baitang: ______________________

Guro: ____________________________________________ Marka: ______________________
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan
1. Gumawa ng sariling slogan patungkol sa kung paano mapuksa ang mga
katiwalian sa lipunan. (20 puntos)
______________________________________________________________________________________

2. Panoorin: I-Witness: “Anak ng Kalye” (Dokumentaryo ni Kara David) Mula

sa iyong napanood na dokumentaryo na pinamagatang “Anak ng Kalye”,
sino ba sa tingin mo ang dapat na sisihin sa kanilang kinahinatnan?
Ipaliwanag ang sagot. (15 puntos)
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
13 KonKomFil

ARALIN 3
Malawakang pagkawasak ng/sa kalikasan, Climate change atbp
Tutok
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

Rebolusyong Pangkalikasan
Isa sa mga napapanahong isyu ang pakikipagsapalaran ng tao sa hamon ng
kalikasan na mahirap labanan kahit gamit pa ang makabagong kasangkapan o
teknolohiya.
Sa Pilipinas, hindi malilimutan ang bagyong naminsala sa mga bayan ng
Tacloban, Leyte at karatig isla na kilala sa tawag na Bagyong Yolanda. Maraming
namatay, nawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng tirahan, hindi maayos na tubig,
kawalan ng kuryente at gayundin ang kalusugan ng nakararami ay naapektuhan
ngunit hindi maitatawa na sa kabila ng mga pinsalang dulot ng kalikasan ay
kakabit nito ang responsibilidad ng mga taong gumagamit nito- ang Kalikasan.
Sa mga nabanggit, makikita ang kultura ng pagdadamayan sa buong mundo
para sa agarang pagbangon ng isang bansa subalit ang pagsusumikap na
makatulong ng iba ay kailanagan din ng kasamang disiplina ng taong
tinutulungan at maayos na sistema buhat sa kanyang pamahalaan.
Mga halimbawa ng dahilan ng kalamidad ay ang paggalaw ng mundo
(lindol), may kaugnayan sa panahon, mga pagbaha, pagguho ng putik o lupa at
taggutom.

Narito ang iba’t ibang isyung may kinalaman sa kalikasan.

a) Tamang Pagtatapon ng Basura
Kaakibat pa rin sa pag-unlad ng mundo, pagtaas ng populasyon at pag-angat
ng ekonomiya ay ang pag-angat ng basura na isang suliraning kinakaharap na
hindi lamang laganap sa Pilipinas bagkus sa ibang karatig bansa.
Matindi ang pakikibaka ng mundo sa hamon ng usapin sa wastong
pagtatapon ng basura na isang malaking hamon hindi lamang sa mundo kundi
maging sa bawat indibidwal tulad ng:
1. Ang solidong basura ay karaniwang itinatapon o ibnabaon sa mga
landfill sites na maaaring makapaminsala sa lugar.
2. Ang mga nabubulok na basura ay maaaring magbunga ng mikrobyo,
masangsang na amoy o di kaya’y simsimin ng tubig sa ilalim ng lupa.
3. Ang usok na nagmumula sa mga sinusunog na basura ay
nakapagdaragdag din ng polusyon sa kapaligiran.
14 KonKomFil

Isa sa mga batas na may kauganayan sa usaping basura ay ang RA 9003 o

Ecologocal Solid Waste Management Act of 2000 na kaakibat ang lokal na
pamahalaan na may pangunahing responsibilidad sa tamang pamamahala ng
basura na kaisa ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan
ng paligid sa pamamagitan ng tamang pagtatapon at pagbubukod ng basura.
b) Pagbabago ng Klima (Climate Change)
Ang pagbabago ng klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na siyang
nagpapainit o nagpapalamig sa mundo na sinasabing nakapagbubunga nga mga
sakuna katulad ng pagbaha at tagtuyot na dahilan ng kamatayan ng tao na
maaaring makapagdudulot ng polusyon na maaaring makapagdulot ng masama
sa kalusugan tulad ng cholera, malaria, dengue at iba pang sakit.
Dalawa ang itinuturong dahilan sa pagbabago ng klima. Una, ang Likas na
pagbabago na tinutukoy sa sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, pag-
ikot ng mundo at init na nagmula sa ilalim ng lupa; at Greenhouse Gases na
karaniwang paggamit ng kemikal sa mga produkto ng tao, bunga ng carbon
dioxide buhat sa mga sasakyan na gumagamit ng gasoline, ang mga usok na mula
sa mga pabrika at walang habas na pagputol ng mga punongkahoy na siyang
pananggalang sa carbon dioxide at iba pa.
c) Pagkaubos ng Likas na Yaman
Nakasalalay sa pangangailangan ng tao ang patuloy na paggamit ng likas na
yaman ng mga kapitalista dahil sa taas ng demand, ang mga kapitalista ay
sumusugal sa paglikha ng mga kalakal na maaaring ibenta sa mga pamilihan dahil
na rin sa pagnanais na makilala sa merkado at malaking tubo kung kaya
napapabilis ang pagkaubos nito.
Maraming mga dahilan kung bakit nauubos ang likas na yaman ngunit isa
pinakahalimbawa nito ay pagmimina na pinangungunahan ng mga higanteng
kapitalista o mga negosyante. Ang pag-unlad din ng turismo ay isa sa mga
nakitang dahilan ng Department of Tourism at Department of Environment
and Natural Resources dahil sa pagrami ng mga turista at ang pagtaas ng kita
ng isang ahensya ay may kaakibat na epekto sa likas na yaman.
15 KonKomFil

TALAKAY

Pangalan: _____________________________________ Baitang: ______________________

Guro: __________________________________________ Marka: ______________________
Panuto: Magtala ng tiglilimang mga bagay na nagawa mo na nagpadagdag sa suliran
sa lipunan ayon sa klasipikasyon sa talahanayan. At magtala ka rin ng ttglilimang mga
magagandang bagay na nagawa mo upang maibsan ang mga suliranin sa lipunang
kinabibilangan mo. Ipaliwanag.
Malawakang Pangkalusugan Kahirapan
Pagkawasak ng
Kalikasan
16 KonKomFil

TAYAHIN

Pangalan: _______________________________________ Baitang: ______________________

Guro: ____________________________________________ Marka: ______________________

A. Maghanap ng mga larawang hinggil sa mga napapanahong isyu o usapin at

pagkatapos ay gawin itong isang collage. Bigyan ng masining na
pagpapaliwanag ang nasabing collage.
(20 puntos)

B. Pumili ng dalawa sa mga sumusunod na larawan hinalaw sa larawan sa ibaba

para sa isang sanaysay. https://www.
Google.com/search?q=social+issues+images&client=firefox-_
(30 puntos)
17 KonKomFil
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: PAGSULAT NG SANAYSAY

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor

Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunayan
(5) (4) Inaasahan (2) (1)
(3)
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw Hindi nakita
ang introduksyon. introduksyon introduksyon ang sa ginawang
Malinaw na ang ang introduksyon at sanaysay.
nakalahad ang pangunahing pangunahing ang
pangunahing paksa paksa gayundin paksa subalit pangunahing
gayundin ang ang panlahat hindi sapat ang paksa. Hindi rin
panlahat na na pagtanaw pagpapaliwanag nakalahad ang
pagtanaw ukol dito. ukol dito. ukol dito. panlahat na
pagpapaliwanag
ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan Hindi nadebelop Hindi nakita
bawat talata dahil may sapat na sa detalye ang mga sa ginawang
sa husay na detalye pangunahing sanaysay.
pagpapaliwanag at ideya
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay Hindi nakita
ng mga Ideya ang debelopment pagkakaayos ng na organisado sa ginawang
pagkakasunud- ng mga talata mga talata ang sanaysay.
sunod ng mga subalit hindi subalit ang mga pagkakalahad
ideya; gumamit din makinis ang ideya ay hindi ng sanaysay.
ng mga pagkakalahad ganap na
transisyunal na nadebelop.
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan Hindi nakita
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang at walang pokus sa ginawang
naipapakita ang palagay o pangkalahatang ang konklusyon sanaysay.
pangkalahatang pasya tungkol palagay o pasya
palagay o paksa sa paksa batay tungkol sa
batay sa katibayan sa mga paksa batay sa
at mga katwirang katibayan at mga katibayan
inisa-isa sa mga katwirang at mga
bahaging gitna. inisa-isa sa katwirang inisa-
bahaging gitna. isa sa bahaging
gitna.
Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami at Hindi nakita
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang sa ginawang
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga sanaysay.
kapitalisasyon at kapitalisasyon kapitalisasyon at pagkakamali sa
pagbabaybay. at pagbabaybay. mga bantas,
pagbabaybay. kapitalisasyon at
pagbabaybay.
Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami at Hindi nakita
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang sa ginawang
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng pagkakamali sa sanaysay.
pangungusap at mga mga estruktura ng
gamit ng mga pangungusap pangungusap at mga
salita. at gamit ng gamit ng mga pangungusap at
mga salita. salita. gamit ng mga
salita.
Kabuuan

Pirma ng Hurado :
18 KonKomFil

LAGOM
Ang isyung panlipunan ay mga mahahalagang pangyayari o kaganapan sa loob
ng bansa na may malawakang epekto sa iba't ibang sektor ng lipunan na
kinabibilangan ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan at ekonomiya. Ito ay
kailangan na maresolba kaagad upang di na lumala pa.

SANGGUNIAN
Carbonilla, G. B. (2019). Gabay sa kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino.
Southern Leyte State University - Tomas Oppus.
(n.d.). Retrieved (2020), from academia.edu:
https://www.academia.edu/8108242/6._Ang_Proseso_Ng_Pagsasaling-Wika
(2015, July 18). Retrieved 2020, from wordpress.com:
https://kitzibatan.wordpress.com/2015/07/18/ang-kasaysayan-ng-
pagsasalingwika-sa-daigdig-at-sa-pilipinas/
(2017, July). Retrieved 2020, from scientia-sanbeda.org: http://scientia-
sanbeda.org/wp-content/uploads/2017/07/vol-2.1-Estilo-ng-Pagsasalin-sa-
Wikang-Filipino-ng-mga-Teksbuk-sa- Araling-Makabayan.pdf
Tanggol Wika. (2017, June 2). Retrieved 2018, from
http://www.facebook.com/TANGGOLWIKA
19

Ang mga Tagatipon

Nagtapos ang tagatipon sa mga sumusunod na mga paaralan/pamantasan:

Elementarya: ➢ Ong Yiu Elementary School, Butuan City

Sekundarya: ➢ Saint Joseph Institute of Technology, Butuan City

Kolehiyo: ➢ BSEd - Filipino, Urios College (1996), naging Father Saturnino Urios
University (2006), Butuan City

Masteral: ➢ MAED - Filipino (2002), Southern Leyte State University-Tomas

Oppus

Doctoral: ➢ Ph.D. - Educational Program Management, Eastern Visayas State

University, Tacloban City (2012)

Karanasan ng Pagtuturo at Panunungkulan

Setyembre- ➢ Naging kahaliling guro (substitute teacher) sa Timber City

Nobyembre, 1996 Academy, Butuan City
Disyembre 1, 1997 - ➢ Konektado sa So. Leyte State University, Tomas Oppus bilang
at present: guro sa High School, at sa Kolehiyo

June 1999-July ➢ Tagapayo sa Kapisanan ng Filipino (KF)

2016
July 2020-Present
June, 2002 - 2020 ➢ Part-time Instructor, Tagapayo, Kasapi, at Censor ng Thesis
Committee sa Paaralang Gradwado ng SLSU-TO
June 2016-June ➢ Area Chair, Arts and Letters Area
2017
June 2017-June
2018
June 2018-June
2019

GB Carbonilla
MT Adobas
MB Abejar

You might also like