Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Tumbang Preso

Ang tumbang preso ay isang larong Pinoy kung saan ang isang
taya ay may binabantayang lata na nasa loob ng isang bilog.
Ito ang “preso” na tinatawag. Ang ibang manlalaro naman ay
mga tagahagis ng tsinelas na ang layunin ay mapatumba
at maalis ang “preso” (lata) sa loob ng bilog. Ang layunin ng
taya ay makataga (makataya) ng isang tagahagis habang ang
mga ito ay kumukuha ng mgatsinelas sa palaruan. Ang
natagang (natayang) tagahagis ang magiging susunod na taya
MAPEH 2

Mark Terrence P. Megenio


Grade 2 -SSES

Mrs.Teresa E. Custorio
Teacher
Patintero

Ang Patintero ay isa sa pinaka-popular na


Larong Pinoy.Minsan tinatawag din itong
HarangTaga o Tubigan (dahil kadalasan ay
binubuhusan ngtubig ang lupang
nilalaruan). Ang Patintero ay nilalarong
dalawang pangkat, na may pantay o
parehas nabilang ng kasapi sa magkabilang
koponan.
Agawan-Base

Ang larong Agawan Base ay nilalaro ng


dalawang koponan kung saan ”
inaagaw” ang base ng kalaban sa
pamamagitan ng magaling na
estratehiya.
Ang karaniwang ginagamit na base ay mga
poste o puno dahil mahirap ito mahuli ng mga
taga-atake.
Langit -Lupa

Langit-lupa ay Pinoy Native Games ang taya ay pwede


habulin ang kanyang mga kalaro kapag sila ay nasa “Lupa”
at kapag ang kalaro ay umakyat sa ibabaw ng bagay hindi
sila maaring mataya dahil ito ay “langit”. Mayayari ang
laro pagkatapos mahuli ng taya ang lahat ng kalaro. Upang
mapili ang unang taya kinakanta ng mga manlalaro ang
kantang ito habang tinuturo ang bawat kalaro.

Langit, lupa impyerno, im - im - impyerno


Sak-sak puso tulo ang dugo
Patay, buhay, Umalis ka Na Sa pwesto Mo!

Kapag kanta ang tumitigil ang huling naituro ay ligtas na


sa pagiging taya hanggang matira na lang ay isa at siya na
ang magiging taya.
Siato

Siato isa itong tradisyunal na laro sa mga bata noon.


Gumagamit ito ng dalawang pirasong kahoy, isa na mas mahaba
sa pangalawa. Kailangang may dalawang grupong magkalaban.
Kailangang gumawa ng maliit na hukay sa lupa at ipapatong ang
mas maikling kahoy na perpendikular sa hukay. Gagamitin
naman ang mahabang kahoy para mapalipad ang maikling
kahoy. Minsan imbis na gumawa ng hukay, ipinapatong na lang
ang mas maikling kahoy sa dalawang delata.

You might also like