Professional Documents
Culture Documents
Talumpati G10
Talumpati G10
Talumpati G10
“PANGARAP”
mapagpalang araw nawa’y ang mata mata ninyo’y sa akin nakatingin at mga tenga’y sa akin
ibaling. Tayo’y may pag uusapan tungkol sa pangarap ay pakinggan, pangarap na syang
nagsisilbing daan, inspirasyon upang mas magpursiging lumaban, sa agos ng buhay mahirap man
ay kailangang igapang makamtan man lang ang pangarap na ating pinagsisikapan. Ako’y pang-
buhay pangarap ang syang patuloy na kinakamit. Gagawin ang lahat, mag-aral, magturo, upang
kung ano-ano pa. Lahat na siguro’y aming nasubukan, aba’y syempre maliban sa kung ano mang
illegal, para sa pangarap, di matitinag sa anomang panlalait pangarap ang syang naging susi,
pagkat umaasang ito’y makakamit. Sa kabila ng aming paghihirap, unti-unting natutupad ang
aming pinapangarap, tunay ngang hindi hadlang ang hirap pagkat kung ika’y magsisikap ito’y
matutupad. Mga kapatid, mga kaibigan, tuloy lang tayo sa ating pangarap tunay ngang dapat ay
kumilos ka, gawin ang kung ano ang makakaya pagkat tayong ay may pag-asa lalong higit ay
kung sa ating diyos ka aasa. Mga kaibigan, bago ako magtapos gusto kong iwan ang mensaheng
ito na nakalaga sa Kawikaan 3: 5-6 na nagsilbing ring gabay sa amin, sinasabi dito na “ Kay
karunungan. Sa lahat ng iyong gawain sya nga’y alalahanin, upang ika’y patnubayan sa iyong
mga tatahakin. Talagang sa Diyos ang lahat ng kapurihan. At muli po ako po si Angelie Faye T.
Olavidez at maraming maraming salamat po, pagpalain po tayo ng ating panginoon. Padayon