Repleksyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panitikan sa iba’t-ibang rehiyon ay may kanyang-kanya katangian na nagpapahayag ng

mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga


tao.Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga
karanasang may kaugnay ng ibat ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ang
mga katangian ng mga nasa Region 1 ay ang pagiging masipag at matipid. Ang mga
mamamayan dito ay halos mga Ilokano. Ang mga relihiyon dito ay Romano Katoliko,
Protestante at mga Iglesia ni Cristo.

Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagpuan sa maliit na baybayin na look.
Ang unlaping I nangangahulugang mula sa o ilog.Nagmula sa loko na ang ibig sabihin ay
bayan sa kapataganat dinadagdagan na lamang ng ILOKANO, Ang kanilang panitikan ay
tanyag sa mga iba’t-ibang paniniwala o ritwal. sa Rehiyon 2
ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng
mganararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot,
pagmamahal o di kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon
tungo sa isa. Ang isa sa pinakatanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at
Malana o "Biuag anni Malana" sa lokal nadayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa
mga 'bark' ng mga puno at mga bamboo at kinakanta samga importanteng okasyon tulad
ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang giyera at ibapa at dahil dito ay
napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa henerasyon. Literal at nagpapahayag sa apat na
wika, tinatandaan niya ang iba't ibang kalalakihan ng mga titik na nagpapaganda ng
buhay at kultura ng Pilipino mula pa noong ikalabinsiyam na siglo. Sakanyang interes sa
pag-aaral ng Ilokano, mula sa panitikan, kasaysayan, alamat, relihiyon saantropolohiya at
pilosopiya. Ang Rehiyon 3 ay tahanan din ng mga dakilang Pilipino-
bayani,manunulat,pangulo,iskolar,artista at marami pang iba na ito ay tumatakay sa mga
kasaysayan ng bawat lalawigan at mga panitikan na mayroon sa Kapampangan.
Mayaman ang Rehiyon 4 sa literatura maging sa panahon n gating mga ninuno.
Pinatutunayan ito ng mga bugtong, salawikain, kasabihan, mga awiting bayan at mga
kwentong bayan na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan.

Higit na naging mayaman ang literatura ng rehiyon ukol sa mga ambag sa literatura ng
mga bantog na manunulat na kinabibilingan nina Jose P. Rizal, Claro M. Recto, Lope K.
Santos, Ildefonso Santos, Alejandro Abadilla, Buenaventura S. Medina Jr., Ligaya T.
Rubin, Fr. Arnel S. Vitor, Clemente Bautista at iba pa sa kasalukuyang panahon.

Ang Panitikan ng iba’t-ibang Rehiyon ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral,


umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan na may batid na
mensahe sa bawat henerasyon. Ang panitikan ay ang tulay sa pagkakaunawaan ng mga
lahi sa mundo. Ito ang nagsisilbing daan upang makilala at maunawaan ang pagkakaiba-
iba at pagkakapareho-pareho ng mga paniniwala,gawi,kultura at tradisyon ng mundo.
Malaki ang ginagampanan ng lipunan sa pagbuo ng mga kaisipang nagagamit sa paglikha
ng mga sining kabilang ang iba’t ibang anyo ng panitikan gaya ng tula, maikling
kuwento, nobela, dula, at iba pa. Malaki rin ang tungkuling nagagawa ng panitikan sa
paghubog ng isang lipunan lalo na sa kaniyang mga mamamayan. Sa madaling salita,
magkaugnay ang dalawang konseptong ito na mahalagang sangkap sa paghulma sa
pagkakakilanlan o identidad ng mga tao sa isang lugar. Mahalagang sangkap ito upang
maugat natin ang tunay nating pagkatao at maarok ang ating pagka-Pilipino.

You might also like