Filipino DLP REVISED

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Paaralan DARAGA COMMUNITY COLLEGE Baitang IKAAPAT NA BAITANG

Guro LOI NOR JOHN RODRIGUEZ RIOFRIO Asignatura FILIPINO


Petsa/Oras Markahan UNANG MARKAHAN

A. Pamantayang • Maipamalas ang pag-unawa sa konsepto ng pandiwa.


Pangnilalaman • Maipakita ang paggamit ng iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa mga pangungusap.

B. Pamantayan sa • Maipakita ang wastong paggamit ng pandiwa sa mga pangungusap


Pagganap
C. Kasanayan sa • Pagkilala sa iba’t ibang aspekto ng pandiwa
Pagkatuto • Paggamit ng pandiwa sa mga pangungusap
• Pag-unawa sa kahulugan ng pandiwa

I. LAYUNIN • Natutukoy ang kahulugan ng pandiwa.


• Nakikilala ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa.
• Naipapamalas ang wastong paggamit ng pandiwa sa mga pangungusap.
F4WG-III-e-9

II. NILALAMAN Pandiwa at Aspekto ng Pandiwa

III. MGA
KAGAMITANG
PANGTURO
A. Mga Sanggunian
1. Mga pahina sa Yamang Filipino pp. 10-12
Kagamitang pang
mag-aaral
2. Mga pahina sa Yamang Filipino pp. 10-12
Textbook
B. Iba pang Kagamitang Powerpoint, Larawan
Pangturo
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-aral sa
nakaraang Buoin at ibigay ang salita na sinasaad sa bawat bilang.
aralin/Pagsisimula ng
Bagong Aralin

1. na + + = nagluluto

1. na
2. na + = naligo

3. + ma + = tumatawa
=

4. u + = uupo

5. nag + + lat = nagsusulat

B. Paghahabi ng Layunin
ng Aralin Ipakita ang mga larawan ng taong kumikilos o may
ginagawa. Ipatukoy kung ano ang nakita nila sa mga
larawan at magtanong ng mga katanungan ukol dito.

Batang kumakain

Nanay na nagluluto

Mga Batang naglalaro


Mag-inang naglalaba

Babaeng nagdidilig

Matapos ninyong masagot ang dalawang gawain,


nakitang ninyong larawan, ano sa tingin ninyo ang Pandiwa at Aspekto ng
paksa na tatalakayin natin sa araw na ito? Pandiwa

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa sa
Bagong Aralin. SA ILALIM NG KALAWAKAN

Tumingala sa kalangitan, bituin ay aking tanganan,


Sa dilim ng gabi, liwanag nila'y aking pinagmasdan.
Nagniningning sila, parang mga mata ng kalawakan,
Sa bawat titig ko, parang may kahulugan.

Ako'y naglakbay, sa gitna ng karagatan,


Alon ay aking sinuong, hanggang sa aking patutunguhan.
Nang makarating, sa isang isla ng pangarap,
Pagod at puyat, lahat ay naglaho na parang bula.
Sa gitna ng gubat, ako'y naghanap,
Ng sagot sa mga tanong, na aking pinagtataka.
Sa bawat hakbang, misteryo ay unti-unting nabubunyag,
At sa wakas, aking natagpuan ang sagot sa aking mga katanungan.

Sa bawat araw, ako'y nagpupunyagi,


Upang matupad ang mga pangarap, na aking pinapangarap.
Sa bawat pagsubok, ako'y lumalaban,
Dahil alam ko, may magandang kinabukasan na naghihintay sa akin.

D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan 1. Ano ang unang bagay na ginawa Tumingala sa kalangitan at
#1 ng may-akda sa tula? tanganan ang bituin

2. Saan naglakbay ang may-akda


at ano ang kanyang ginawa Sa gitna ng karagatan at sinuong
upang makarating sa kanyang ang alon
patutunguhan?

3. Ano ang ginawa ng may-akda sa


Naghanap ng sagot sa mga
gitna ng gubat?
tanong na kanyang pinagtataka
4. Ano ang ginagawa ng may-akda Siya’y nagpupunyagi upang
sa bawat araw at bakit matupad ang kanyang mga
pangarap

5. Tukuyin ang mga pandiwang Tumingala, tanganan,


nakasalungguhit sa tula. pinagmasdan……

E. Pagtalakay ng Pandiwa. Ito ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o
bagong konsepto at hayop.
paglalahad ng
bagong kasanayan
Halimbawa:
#2
kumuha, sumayaw, nagsulat, tumakbo, nagbihis, natulog, umalis, tinapon, nagluto, babalik,
sumali, maliligo, nagtago, gumising, tumalon.

Halimbawa ng pandiwa sa pangungusap:


o Maliligo kami sa ilog bukas.
o Binalik ni Via ang binigay ni Marco.
o Isang lalaki ang kumuha ng pera mo.
o Ipinasok ni Miggy ang cookies sa garapon.
o Umalis si Iñaki kaninang madaling araw.

Aspekto ng pandiwa
• Nagpapahayag kung kailan naganap o nangyari ang isang kilos o galaw.

Tatlong uri ng aspekto ng pandiwa:


● Perpektibo
● Imperpektibo
● Kontemplatibo

Perpektibo/Naganap:
• Ito ang nagsasabi na natapos o naganap na ang sinimulang kilos.

Halimbawa:
o Si Anna Karenina ay dumating kahapon.
o Tumalon kami sa ilog kanina.
o Nagpaalam kami sa Nanay mo kagabi.
o Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
o Naglinis ng bahay ang mga kasambahay ni Perla.
o Nagtanong ang guro kung sino ang may lapis.

Imperpektibo/Nagaganap:
• Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap.

Halimbawa:
o Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay.
o Nagbabasa si Clodette ng libro sa silid-aklatan.
o Ngayon ang kuhanan ng aming kard.
o Si Nanay ay nagluluto ng paborito kong sinigang.
o Naglalaba ng uniporme ang aking kapatid.
o Nagmimisa ang pari ngayong simbang-gabi.

Kontemplatibo/Magaganap:
• Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan, nasasagawa, o nangyayari ang
isang kilos.

Halimbawa:
o Kami ay maliligo sa ilog mamaya.
o Pupunta sila sa Intramuros kasama si Fritz.
o Maglalaro na ang paboritong koponan ni Clara sa basketball.
o Hahanapin ni Tyra ang tirahan ng kaniyang dating kamag-aral.
o Si Elvis ay maghihintay sa iyo sa simbahan.
o Magagawa ni Larkin ang kaniyang proyekto bago ang kaniyang pagsusulit

F. Paglinang sa
kabihasnan (tungo sa 1. Ito ay nagsasaad ng kilos o
formative galaw ng isang tao, bagay, o Pandiwa
assessment)
hayop.

2. Magbigay ng mga halimbawa sumasayaw, nagwawalis,


ng pandiwa. kumukuha, lumalakad,
tumatakbo….

3. Ito ang aspekto ng pandiwa na


kung saan ang kilos ay
Imperpektibo
nagaganap pa lang.

4. Ito ang aspekto ng pandiwa na


kung saan ang kilos ay hindi pa Komtemplatibo
nasasagawa o nagsisimulan.

5. Ito ang aspekto ng pandiwa na


kung saan ang kilos ay natapos Perpektibo
o naganap na

G. Paglalapat ng aralin 6.
Paano nakakatulong ang pandiwa sa
sa pang araw-araw iyong pang araw-araw na pamumuhay? Nakakatulong ang pandiwa sa aking pang-
na buhay araw araw na pamumuhay….

H. Paglalahat ng Aralin
Bakit mahalagang matutunan ang pandiwa Mahalagang matutunan ang pandiwa at
at ang mga aspekto nito? ang mga aspekto nito dahil….

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin kung Perpektibo, Imperpektibo, o Kontemplatibo ang salitang nakasalungguhit.
______ 1. Nagtitipon ang mga magkakaibigan dalawang beses sa isang araw.

______ 2. Si Olga ay nagbihis ng maayos.

______ 3. Tahimik ang mga mag-aaral habang nagpapaliwanag ang guro sa unahan.

______ 4. Pupunta kami ng Palawan sa Disyembre.

______ 5. Sasayaw ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang sa darating na Marso


.
J. Karagdagang Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na pandiwa at ang kanilang aspekto.
Gawain para sa
takdang-aralin at Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.
remediation
1. Iyak (Perpektibo)

2. Nood (Kontemplatibo)

3. Talon (Imperpektibo)

4. Maneho (Perpektibo)

5. Lakad (Kontemplatibo)

6. Pasyal (Imperpektibo)

7. Dinig (Perpektibo)

8. Takbo (Perpektibo)

9. Tawa (Imperpektibo)

10. Kumpuni (Imperpektibo)

You might also like