LongQuizSa FILIPINO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office
LEANDRO LOCSIN INTEGRATED
SCHOOL
Rivera Compound, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel
ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay isang akda na tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan na
aaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.
a) Maikling Kuwento c) Alamat
b) Parabula d) Epiko
2. Ito ay isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maikling sanaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na bunga ng isang maikling guni-guni o kathang-isip ng may-akda.
a) Maikling Kuwento c) Alamat
b) Parabula d) Epiko
3. Ito ay isang uri ng akda na may layuning magbigay ng aral sa mga mambabasa sa pamamagitan
ng paggamit ng mga kuwentong matalinghaga.
a) Maikling Kuwento c) Alamat
b) Parabula d) Epiko
4. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa kaaway.
a) Maikling Kuwento c) Alamat
b) Parabula d) Epiko
5. Sa “Parabula ng Banga” ang banga na gawa sa lupa ay sumisimbolo ng?
a) Mayaman c) Madaling mabasag
b) Mataas na pangarap d) Kahirapan
6. Isa sa katangian ng isang elehiya ay ang.
a) Maikling sanaysay c) Masaya
b) Pagnanangis d) Pag-alaala
7. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa salitang kilos.
a) Panandang pandiskurso c) Pang-abay
b) Pagkiklino d) Tunggalian
8. Ito ay pagsasaayos ng mga salitang ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng salita,
a) Panandang pandiskurso c) Pang-abay
b) Pagkiklino d) Tunggalian
9. Ang panandang ito ay nagbibigay hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
a) Panandang pandiskurso c) Pang-abay
b) Pagkiklino d) Tunggalian
10. Ito ay ang pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat.
a) Panandang pandiskurso c) Paglalapi
b) Pagkiklino d) Tunggalian
11. Tukutin sa sumusunod ang kabilang sa bansang Hindu
I. Pagsasagawa ng Canao
II. Sinusunog ang mga bangkay ng mga taong namayapa
III. Brahmin ang pinakamataas na antas sa sistemang caste
IV. Kinikilala ang sistemang caste sa pagpapangkat ng mga tao sa Lipunan
a) I, II b) II, IV c) I, II, III d) II, III, IV
12. Ito ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa
a) Pang-abay na Pamanahon c) Pang-abay na Panlunan
b) Pang-abay na Pamaraan d) Pang-abay
13. Ang panlapi ay makikita sa unahan at hulihan
a) Pag-uunlapi c) Pag-gigitlapi
b) Pag-huhulapi d) Pag-uunlapi at pag-gigitlapi
14. Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa mga
pamantayang itinakda ng Lipunan.
a) Tao Laban sa Tao c) Tao Laban sa Kalikasan
b) Tao Laban sa Sarili d) Tao Laban sa Lipunan
15. Standard na wika na naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal
na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.
a) Pagkiklino c) Pormal na Wika
b) Panandang Pandiskuro d) Pambansang Wika

II. Panuto: Piliin mula sa kahon sa ibaba ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang.
_______16. Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
_______17. Tinatawag ding Transitional Devices ang mga kataga o pariralang naguugnay sa pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari, at paguugnay-ugnay ng isang ideya tungo sa isa pa.
_______18. Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa mismong sarili ng tauhan.
_______19. Hindi maaaring pagpalitin ang gamit ng mga ito bagaman iisa ang malawak na kahulugan ngunit
magkaiba naman ang tindi ng ipinapahayag nito.
_______20. Ito ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng mga aksiyon, gayundin ang panahon kung kailan
ito nangyari.
_______21. Ito ay ang kabuoang kaisipan ng elehiya.
_______22. Ito ay nagsasaad ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
_______23. Ang alamat ay nagmula sa salitang Latin na ______ na ang ibig sabihin ay “upang Mabasa”
_______24. Ito ay labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida o mabuti laban sa masamang tao.
_______25. Ito ay bahaging naglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Ito ay maaaring masaya o
malungkot, may pagkatalo o pagkapanalo.

Tema Wakas/Katapusan Tunggalian Tagpuan


Legendus Pang-abay na Pamanahon Tao Laban sa Sarili Tao Laban sa Tao
Panandang Pandiskurso Pagkiklino Pang-abay na Panlunan Damdamin
Banghay Legend

III. Panuto: Itala ang hinihingi ng mga sumusunod.


26-28 Ibigay ang iba’t ibang uri ng pang-abay
29-31 Magbigay ng halimbawa ng panandang pandiskurso at gamitin ito sa pangungusap.
32-35 Magbigay ng sitwasyon na nagpapakita ng apat na tunggalian
Tao Laban sa Sarili –
Tao Laban sa Tao –
Tao Laban sa Lipunan –
Tao Laban sa Kalikasan –
36-40 Gumuhit ng tatsulok at ilagay ang lebel ng mga tao sa lipunan sa bansang Hindu.

You might also like