Panghalip at Pangngalan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANGALAN AT PANGHALIP (filipino 1)

PANGALAN

Ang PANGALAN ay bahagi ng panalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, gawa, hayop, lugar, pangyayari o
kaisipan.

URI NG PANGNGALAN

1. PANTANGI- Tiyak itng ngalan ng tao, bagay, gawa, hayop, lugar, pangyayari o kaisipan.
Nagsisimula ito sa malaking titik.
halimbawa: Jollibee Maria Manila Sanyo

2. PAMBALANA- Karaniwan o pangkalahatan itong ngalan ng tao, bagay, gawa, hayop, lugar,
pangyayari o kaisipan. Nagsisimula ito sa maliit na titik.
halimbawa: barko damit guro manggagamot

ANYO NG PANGNGALAN

1. PAYAK- Binibuo ito ng salitang-ugat lamang.


Hal. araro araw bato buwan

2. MAYLAPI- Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.


hal. binata (bata) mag-aaral (aral) panggatong (gatong) tindahan (tinda)

3. INUULIT- Binubuo ito ng salitang inuulit ang pantig o ang salitang-ugat.


Bayan-bayan buhay-buhay biru-biruan kuro-kuro

4. TAMBALAN- Binubuo ito ng dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng


isang bagong salita.
Halimbawa. anak-pawis bahag-hari kapitbahay takipsilim

KASIRIAN NG PANGNGALAN

1.PANLALAKI- Maari lamang gamitin ang pangngalan para sa mga lalaki.


Hal. lolo mario ninong tandang

2.PAMBABAE- Maari lamang gamitin ang pangngalan pa sa mga babae.


Hal. ate dalaga Gng. Ramos madre binibini

3.PAMBALAKI o DI-TIYAK- Maaring gamitin ang pangngalan para sa babae man o lalaki
Hal. kapatid guro manok manggawa

4. WALANG KASARIAN- Hindi nauugnay sa babae man o lalaki. Nabibilang dito ang mga
bagay na hindi buhay
Hal. aklat dagat gusali Pampanga

KAUKULAN NG PANGNGALAN

1. PALAGYO - Ginagamit ang pangngalan bilang simuno, pamuno sa simuno, pangngalan


patawag, kaganapang pansimuno o pamuno sa kaganapang pansimuno.

 Gamit bilang simuno


Hal. Nag-aaral si Maria ng pagluluto bago siya mag-asawa.

 Gamit bilang pamuno sa simuno


Hal. Si Jose, ang ating pangulo, ay marunong umunawa sa mga api.

 Gamit bilang pangngalang patawag


Hal. Pedro, buahtin mo ang sako ng bigas.
 Gamit bilang kaganapang pansimuno
Hal. Si Bill Clinton ay pangulo ng Estado Unidos

 Gamit bilang pamuno sa kaganapang pansimuno


Hal. Ang sundalong iyon ay si Col. Santos, ang pamangkin ni Tiya Maria.

2. PALAGYON - Ginagamit ang pangngalan bilang layon ng pang-ukol, layon ng pandiwa o


tagaganap ng pandiwang balintiyak.
Hal. Sa kanto pupunta si Jose. (layon ng pangukol)
Bumili ng bahay ang mag-asawa. (layon ng pandiwa)
Kinuha ni Butch ang mga papel sa mesa. (taganap ng pandiwang balintiyak)

3. PAARI - Nagsasaad ang pangngalan ng pag-aari at karaniwan itong ipinakikilala ng ni, nina, ng
at ng mga.
Hal. Binili ni Pedro ang bahay nina Samuel.
Panay hirama ang mga aklat ng bata.

PANGHALIP

Ang panghalip ay bahagi ng panalitang ginagamit bilang pamalit o panghalili sa pangngalan.

MGA URI NG PANGHALIP

1. PANAO - humahalili sa pangngalan ng tao.


Hal. Sa pangungusap na "Mabuti si Alice", ang Alice ay maaring palitan ng siya.
Kaya't ang pangungusap ay magiging "Mabuti siya."

MGA PANGHALIP NA PANAO


PANAUHAN/KAILANAN PALAGYO PAUKOL PAARI

ISAHAN
Una ako ko akin
Ikalawa ikaw, ka mo iyo
Ikatlo siya niya kanya

DALAWAHAN
Una kata nita kanita
kita, tayo natin atin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

MARAMIHAN
Una kami namin amin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

hal. Ako ang masusunod.


Hindi ko ninakaw ang pitaka.
Akin ang pinakamagandang kuwento.

2. PAMATLIG - Tagapagturo ito sa mga pangngalan.

Hal. Ito ang ebidensya laban sa kanila.


Iyan ay panis na.
Iyon ang ating pupuntuhan.

You might also like