Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NOLI ME TANGERE – KABANATA 32

“Ang Panghugos”
Mga Tauhan sa Kabanata:
- Nor Juan
- Padre Salvi
- Alkalde
- Mga tao
- Crisostomo Ibarra
- Maria Clara
- Elias
- Taong madilaw

Narrator: Tinupad ng taong madilaw ang kanyang mga salita. Nagtayo


siya ng panghugos may walong metrong taas, apat na haligi, nakabaon
sa lupa.
Taong Madilaw: Maestro Juan! Tingnan ninyo ang ginawa kong
panghugos! Ang isang panghugos ay katumbas ng isang daang tao.
Narrator: Hangang hanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa
pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.
Nor Juan: Magaling magaling! At sino naman ang nagturo sainyo
upang makagawa ng ganyang makinarya?
Taong Madilaw: Aba! Edi ang tatay ko!
Nor Juan: At sino naman ang nagturo sa tatay mo?
Taong Madilaw: Si Don Saturnino po! Lolo ni Crisostomo.
Nor Juan: Ngayon ko lang nalaman na magaling pala si Don Saturnino
sa... ––
Taong Madilaw: Ay Opo! Marami pong kakayahan si Don Saturnino
na hindi po ninyo alam!
Narrator: Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa
pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan.
Ibarra: Mga Mamamayan ng San Diego! Halikayo at hanguin ang
bangkay ng sawimpalad na ito. Isang karangalan saakin na ihadit sa San
Diego ang isang institusyon upang matuto ang ating mga kabataan!
Mabuhay San Diego!

Narrator: Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay pawang puno ng


pagkain at inumin aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinudo ng
mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay mga guro at
mag-aaral.
Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng
damit na pang-okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati
na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang
kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na yari
sa tingga.
Alkalde: Ginoong Ibarra, baka gusto ninyong ikaw na ang maglagay ng
kaha sa uka?
Ibarra: Gustuhin ko man subalit ang eskribano ang dapat gumawa
niyan.
Narrator: Sinimulan na ng alkalde ang paglalagay ng palitada.
Sumunod si Padre Salvi at si Padre Damaso.Hihilahin na sana ng taong
madilaw ang batong ihuhulog sa uka, ngunit biglang nagsalita ang si
Padre Salvi.
Padre Salvi: Hindi ba kayo bababa sa hukay upang maglagay ng
palitada?
Ibarra: Ayaw kong matulad kay Juan Palomo.
Narrator: Kinuha ni Ibarra ang ginagamit sa paglalagay ng palitada
galing sa alkalde at bumaba siya sa hukay.Tutok na tutok si Elias sa
kanya. Tumitingin ang taong madilaw sa baba ng hukay. Aalis si Padre
Salvi sa lugar.

Lumipat ang tingin ni Elias sa kamay ng taong madilaw. Biglang


nagusap usap ang alkalde at ibang tao.Biglang may narinig na ingay.
Ipinakita na tinulak ni Elias ang taong madilaw. Maririnig ang paghulog
ng bato sa ilalim ng hukay. Tahimik na nakaupo si Maria Clara at Padre
Salvi, ngunit ang katawan nila‘y nakalingon sa direksyon ng hukay. Ang
taong madilaw ay nasa ilalim ng bato — patay, nakatayo si Ibarra na
mukhang gulat at takot.

Ibarra: Anong nangyari?!


Alkalde: Ipasakdal ang namamahala sa gawaing ito. Dakpin ang
maestro de obras!
Narrator: Agad tinutulan ni Ibarra ang alkalde, humiling siya na siya na
lamang ang bahalang managot.
Ibarra: Wag na, wag na. Hindi na maibabalik ang buhay ng nasawi at
wala na ring mangyayari dahil wala tayong katiyakan kung sino ang
nagkasala

You might also like