Fact Sheet

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

PAGSULAT NG BALITA

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang "dahan-dahang"

pagbabalik sa lumang academic calendar, dahilan para agahan ang
pagtatapos ng kasalukuyang school year.

Opisyal kasing itinalaga ng DepEd Order 3 s. 2024 ang ika-29 ng Hulyo bilang
pagsisimula ng SY 2024-2025. Magtatapos naman ito sa ika-16 ng Mayo sa
2025.
"[A]ng ginawa lang natin is we adjusted the current school calendar so we will
now be ending by may 31 yun yung last day natin ng school calendar for this
school year," ani Education Undersecretary Michael Poa sa isang ambush
interview ngayong Martes.

"Tapos noon, ang school break ay magsisimula on June 1 until July 28."

Enero lang nang kumpirmahin ng DepEd ang dahan-dahang pagbabalik sa

lumang academic calendar para maipwesto ang pagsisimula ng klase pabalik
ng Hunyo.
Matatandaang lumabas sa survey ng Alliance of Concerned Teachers noong
2023 na 67% ng mga guro ang nakararanas ng "intolerable heat" sa silid-
aralan tuwing Marso, bagay na panahon na ng tag-init. Aniya, nakaaapekto rin
daw ito sa pagbaba ng atensyon at pagtaas ng estudyanteng lumiliban.
Ani Poa, tinitignan nilang maibalik sa Hunyo ang school opening pagsapit ng
SY 2026-207 para na rin mailapit sa tradisyunal na April-May school break.

"Generally, everyone wants to go back to the April to May (school break),"

dagdag pa ni Poa.

"[M]eron din tayo study from [Philippine Normal University] that says the same
thing. So, because ito 'yung talagang gusto ng tao, nag-decide na tayo na we
should go back. But we have to do it gradually para hindi maapektuhan
naman dahil learning recovery mode po talaga tayo ngayon."

Bibigyan din aniya ng leeway ang mga pribadong eskwelahang sumunod sa

naturang kautusan o maglabas ng sariling schedule ng pagbabalik ng klase
alinsunod sa batas.
PAGSULAT NG BALITA

56% ng Pinoy pabor papasukin ang ICC

para sa 'drug war' investigation — SWS
Lumobo ang porsyento ng mga Pilipinong naniniwalang dapat payagan ng
gobyerno ang pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa
madugong "war on drugs" sa Pilipinas, lalo na noong panahon ni dating
Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinalita ng Social Weather Stations (SWS) ngayong Martes kaugnay
ng isang survey na ikinasa mula ika-8 hanggang ika-11 ng Disyembre 2023.
Narito isinagot ng 1,200 katao matapos lapagan ng sumusunod na
tanong: "Kayo po ba ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon na dapat
pahintulutan ng gobyerno ang ginagawang imbestigasyon ng... ICC ukol sa
mga patayang may kaugnayan laban sa illegal na droga noong panahon ng
administrasyon ni dating Pang. Rodrigo Duterte?"

 sang-ayon: 56%
 hindi makapagdesisyon: 25%
 hindi sang-ayon: 19%

"This was an improvement from the moderate +28 (48% agree, 21% disagree,
correctly rounded) net agreement score in March 2023," wika ng SWS.

Nakukuha ang net agreement score sa pag-awas ng porsyento ng mga pabor

sa hindi pabor dito.

Una nang sinabi ni Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi sila
makikipagtulungan sa ICC kaugnay ng imbestigasyon sa dahilang pagtapak
daw ito sa soberanya ng Pilipinas, lalo na't kaya naman daw maglitis ng mga
lokal na korte.
Kasalukuyang pinaiimbestigahan ng ICC ang aniya'y "crimes against
humanity" kaugnay ng mahigit 6,000 hanggang 30,000 namatay sa Pilipinas
kaugnay ng drug war, bagay na tinutukan nang husto ni Duterte.

Ang problema, marami aniya sa mga suspek ang pinatay kahit walang sala o
hindi kaya'y hindi isinailalim sa due process ng batas.
Dagdag pa ng pag-aaral, marami rin sa mga Pinoy ang pabor sa mismong
ideya ng ICC investigation

PAGSULAT NG OPINYON/LATHALAIN

‘Catch-up day’ tuwing

Biyernes, ipatutupad ng
DepEd sa 2024 – VP
Sara
Inanunsyo ni Vice President at Department of Education (DepEd)
Secretary Sara Duterte na gagawin nilang “catch-up day” ang bawat
araw ng Biyernes sa susunod na taon upang tulungan umano ang mga
estudyante na mahasa ang kanilang reading at literacy skills.

Sa kaniyang talumpati sa culminating activity ng DepEd para sa

National Reading Month nitong Martes, Nobyembre 21, sinabi ni
Duterte na magsisimula ang implementasyon ng “catch-up Fridays” sa
Enero 12, 2023.

“Every Friday will be catch-up Fridays. Ibig sabihin, wala tayong

gagawin kundi turuan ang mga batang magbasa, at ‘yung mga
marunong nang magbasa, ituro sa kanila ang critical thinking and
analysis. ‘Yung mga marunong na sa critical thinking and analysis,
pasulatin n’yo ng libro, pasulatin n’yo ng essays,” ani Duterte.

Bukod dito, binanggit din ng bise presidente na kailangan din umanong

magsagawa ng “catch-up” pagdating sa kalusugan, values, at peace
education ng mga estudyante.

“Kailangan natin ng isang araw kung saan kailangan nating humabol

doon sa kung saan nating gustong dalhin ang mga bata, dahil hindi
pwedeng paulit-ulit na lang tayo sa ating ginagawa pero wala naman
tayong nakikitang pagbabago, wala tayong nakikitang improvement sa
ating mga learner,” saad ni Duterte.

Ipatutupad umano ang naturang “catch-up Fridays” hanggang sa

pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”
Marcos Jr. sa 2028.

Mga indibiduwal na
pagsisikap sa pagsagip
sa planeta
Napakalaking hamon sa atin ng krisis sa klima, lalo na ang mga
panganib na dulot nito. At dahil isa itong pandaigdigang problema,
madaling makaramdam ng kawalan ng kakayahan bilang mga
indibiduwal — na para bang wala sa ating mga indibiduwal na aksyon
ang makatutulong para maibsan ang mga epekto ng nagbabagong
klima.

Ang mga kasunduan, estratehiya at solusyon na tinatalakay ng mga

pinuno, eksperto sa klima, siyentipiko, aktibista, at organisasyon sa
mga taunang kumperensya ng klima ay mahalaga. Gayunpaman, dapat
nating mapagtanto na ang mga pag-uusap na ito ay dinadaluhan ng
wala pang isandaang libong tao (halos 86,000 ang dumalo nang
personal at online sa COP28 sa Dubai), wala pa sa isang porsyento ng
humigit-kumulang walong bilyong tao sa mundo.
Kaya’t kung ang bawat isa sa atin ay nangangako na gumawa ng kahit
isang hakbang para makatipid ng enerhiya bawat araw, ang ating
sama-samang pagkilos ay siguradong magkakaroon ng malaking
epekto.

Ang Earth Hour ay isang kongkretong halimbawa kung paano ang

pinagsama-samang indibiduwal na aksyon ay nagreresulta sa malaking
pagbabago.

Nagsimula ang Earth Hour noong 2007 sa Sydney, Australia. Nilahukan

ito ng mahigit 2.2 milyong indibiduwal at 2,000 na mga negosyo doon
na nagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras. Simula noon, naging
pandaigdigan ang kampanya kung saan mas maraming bansa ang
lumalahok sa kaganapang inorganisa ng WWF.

Unang nakibahagi ang Pilipinas sa Earth Hour noong 2008, at bawat

taon pagkatapos noon. Sa paglahok noong nakaraang taon, nakatipid
tayo ng 62.69 megawatts (MW) ng enerhiya mula sa pagpapatay ng
mga ilaw sa loob ng isang oras, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ngunit noong nakaraang taon ay hindi ang ating pinakamahusay na

paglahok, dahil noong Earth Hour 2022, nakatipid tayo ng 65.32 MW;
habang noong 2019, nakatipid tayo ng 195.34 MW. Malinaw na
ipinapakita nito ang epekto ng mga indibiduwal na aksyon — kung ang
bawat isa sa atin ay mangangako sa simpleng pagkilos ng pagtitipid
ng enerhiya, lahat tayo ay lubos na makapag-aambag sa pagsagip sa
ating mundo.

Ayon sa United Nations, ang pinakamalaking nag-aambag sa

pandaigdigang greenhouse gas (GHG) emissions ay ang sektor ng
suplay ng enerhiya, dahil ipinakita ng mga pag-aaral na ito ang
bumubuo ng 35 porsiyento ng global emissions.

Marami kasing mga bansa ang umaasa pa rin sa fossil fuels para sa
paggamit ng enerhiya, at karamihan nito ay ginagamit sa mga gusali at
kabahayan.

Ang pagtitipid sa paggamit ng enerhiya sa mga bahay ay maaaring

mag-ambag sa pagbabawas ng global average individual carbon
footprint—mula 6.3 tonelada sa 2020, maaari itong bumaba hanggang
2.1 tonelada sa 2030, ayon sa UN. Kaya naman nagbahagi rin sila ng
ilang mga paraan upang bawasan ang paggamit ng enerhiya sa mga
kabahayan.

Makatitipid tayo nang malaki sa enerhiya kung magbabawas tayo sa

paggamit ng pagpapalamig o pagpapainit sa ating mga tahanan, dahil
ang mga sistemang ito ay nangangailangan ng pinakamaraming
enerhiya at malaki ang kontribusyon sa GHG emissions. Ang paggamit
ng mga LED na bombilya, pagpili ng mga electric appliances na
matipid sa enerhiya, pagpatay ng mga hindi ginagamit na ilaw,
pagtanggal sa saksakan ng mga de-kuryenteng bagay kapag hindi ito
ginagamit, paggamit ng malamig na tubig sa paglalaba, pagsasabit ng
mga bagay upang matuyo sa halip na gumamit ng dryer—lahat ito ay
simple ngunit mga epektibong paraan upang bawasan ang
pagkonsumo ng enerhiya.

Mahusay din kung kayang gumamit ng mga renewable energy source,

tulad ng mga solar panel. Sinasabi ng UN na ang paglipat sa renewable
energy ay makatutulong na mabawasan ang ating carbon footprint ng
hanggang 2.5 tonelada taun-taon.

Anumang paraan ang piliin natin upang simulan ang ating indibiduwal
na paglalakbay sa pag-aambag sa pagkilos sa klima, ang
pinakamahalagang bagay na dapat nating tandaan ay ang maging
tapat at tuloy-tuloy sa ating mga pagsisikap.

Hindi naman natin kailangang maging eksperto sa klima para

makapag-ambag, kailangan lang nating maging responsableng
mamamayan para malaman kung anong mga aksyon ang dapat nating
gawin para iligtas ang ating planeta, ang ating nag-iisang tahanan.
EDITORYAL

Cyanide,
ginagamit sa
Bajo de Masinloc
NAPAKASAMA na ng ginagawa ng
China sa West Philippine Sea
particular na sa Bajo de Masinloc
kung saan ginagamitan na ito ng
cyanide para maitaboy ang mga
Pilipinong mangingisda. Ayon kay
Nazario Briguera, spokesman ng
Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR) ang paggamit
ng cyanide ay nakasisisira sa coral
reefs na tirahan ng mga isda.

Hindi lamang pambu-bully ang ginagawa ng China kundi malawakang

paglason na nakakaapekto sa lahat ng yamandagat. Sabi ng BFAR, dahil sa
paggamit ng cyanide, milyun-milyong piso ang damage sa corals. Ayon pa sa
BFAR, bukod sa China, gumagamit din ng cyanide ang Vietnam.

Ang Bajo de Masinloc ay 220 kilometers ang layo sa Zambales. Sa shoal na

ito pinakamaraming nahuhuling isda at isa sa pinagkukunan ng ikinabubuhay
ng mga mangingisdang Pilipino. Kung totoo ang sinasabing paggamit ng
cyanide, saan pang lugar mangingisda ang mga Pinoy. Lahat nang
pinagkakakitaan nila ay inaangkin ng China.
LTO, kailan kikilos sa perwisyong e-
bikes?

DAMING naglipanang electric bikes

(e-bikes) sa kalye ngayon at naging inutil ang Land Transportation Office
(LTO) kung paano kokontrolin dahil nagdudulot ng panganib sa iba pang legal
na motorista. Ang e-bike ay hindi rehistrado kaya masasabing illegal ang
pagyaot sa mga pangunahing kalye. Noong Nobyembre 2023, sinabi ng LTO
na mayroon na silang proposal para sa mandatory registration ng e-bikes.
Kapag hindi rehistrado hindi puwedeng yumaot sa public roads.

Pero dalawang buwan na ang nakararaan mula nang ipahayag ito ng LTO,
wala pang nakikitang pagrerehistro sa e-bikes at ang resulta, nagsulputang
parang langgam sa kalye.

Dahil walang pagkilos ang LTO, ginagawa nang panghanapbuhay ang e-

bikes. Ginagamit nang service para sa mga estudyante at pinanghahakot ng
mga paninda gaya ng gulay, prutas, bigas, at kung anu-ano pa. At ang
pinakadelikado, may mga menor-de-edad na nakapagmamaneho ng e-bikes
at ang iba ay dinadala pa sa school. May pagkakataon na dinadala pa ang e-
bike sa mall at dun ipina-park.
E-motor vehicles, balak na i-regulate
Para nga namang kabute na nagsusulputan sa mga pangunahin pa namang
lansangan sa Metro Manila ang mga de-kuryenteng sasakyan, na ginagamit
na bilang pampublikong sasakyan,

Dahil nga dito, balak ng pamahalaan na i-regulate ang paggamit ng mga ito
na madalas pa nga eh nakikipagsabayan sa mga pangunahing kalsada o
national highway kung saan sila eh ipinagbabawal.

Nagpulong na ang tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority

(MMDA), kasama ang Department of Transportation (DOTr), Land
Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory
Board (LTFRB), Department of the Interior and Local Government (DILG)
para sa mga hakbangin ukol sa mga ito.

Layon ng mga nabanggit na ahensiya na itugma ang mga patakaran,

alituntunin at maging ang ipinatutupad na mga ordinansa ng mga lokal na
pamahalaan, para makabuo ng unified o pinag-isang regulasyon.

Kabilang sa pupuntiryahin ay ang mga e- vehicle units, e-tricycles, e-bikes, e-

pedicables, e-scooters, push carts, at kuliglig na sa maraming pagkakataon
ay nagsasanhi sa masikip na daloy ng trapiko, at dahil karamihan eh pasaway
nagdadala pa ito ng panganib sa mga lansangan.

Mistulang walang kalaban-laban ang mga sakay at pasahero nito dahil sa

hindi naman rehistrado ang ganitong uri ng mga sasakyan.

Isipin pang maging ang mga nagmamaneho nito eh walang lisensya.

Kung nag-ooperate ang mga ito na katulad ng sa pampublikong mga

sasakyan, aba’y dapat nga naman na maipatupad din sa mga nagdadala nito
ang mga patakaran sa mga driver ng PUVs.

Kasi nga kahit harapan na ang mga paglabag hindi naman sila maiisyuhan ng
mga traffic violation ticket dahil nga sa wala silang lisensiya. Hindi rin
masisingil ng multa ang may-ari ng behikulo dahil hindi naman sila rehistrado.

Ayon pa nga sa mga kinauukulan, kadalasang nagmamaneho o nagdadala ng

ganitong mga sasakyan eh mga menor de edad na lumalarga pa nga sa mga
national highways.
Ang pagdami rin umano ng mga e-vehicles na ito ay nakakaapekto sa
modernization program ng pamahalaan sa PUVs.

Nakikipagkumpentensiya pa ang mga ito sa mga lehitimong PUVs sa

pagkuha ng mga pasahero.

Sa mga susunod na araw asahan na ang mahigpit na operasyon ng mga

kinauukulan laban sa mga ito lalo na nga’t wala naman silang mga prangkisa
para makapag-operate bilang isang PUVs.
Nanay na aso, tila tao na sinundo at
pinauwi ang kaniyang anak na tuta
Kinaaliwan ng mga tao sa paligid at maging ng mga netizen ang eksena ng mag-inang
aso sa Villamor Air Base sa Pasay City, habang naghihilahan.

Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, ipinakita ang video ng uploader na si Juan Carlos
Ferrero, na kagat ng nanay na aso ang kamay ng kaniyang tuta habang naglalakad ang
dalawa.

"Pinapauwi niya yung anak. Pinapauwi sa bahay, ayaw umuwi eh," madidinig sa video.

Ang tuta, tila ayaw pa ngang umuwi kaya halos kaladkarin na siya ng kaniyang nanay.

May pagkakataon pa na nabibitawan ng nanay ang kamay ng anak pero muli niya itong
kukunin o kakagatin.

Tila eksena sa tao na kulang na lang ay pingutin ng nanay ang tenga ang kaniyang tuta.

Ayon sa uploader ng video, hindi siya sigurado kung asong-gala ang dalawa o may
nagmamay-ari sa kanila.

Pero lagi rin daw niyang nakikita aso sa loob ng Villamor Air Base hanggang sa makita
niya ang nakatutuwang eksena ng mag-ina.

Kaya naman naaliw ang mga tao sa paligid na nakita ang ginagawa ng mag-ina.

Ang ilang netizens naman, napakomento na pamilyar daw ang ganoong eksena sa mga
nanay kapag ayaw umuwi ang anak na kailangan pang sunduin.

Sa huli, ang nanay din ang nasunod at walang nagawa ang tuta kung sumunod
‘Balikatan’ 2023: Live-
fire sea drills sa
Zambales, sinaksihan ni
Marcos
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang live-fire drills sa
pagitan ng tropa ng Pilipinas at United States (US) kaugnay sa
pagpapatuloy ng 2023 Balikatan Exercises sa Zambales nitong
Miyerkules ng umaga.

Nakapaloob sa combined joint littoral live-fire exercise ang

pagpapalubog ng isang lumang barko ng Philippine Navy 2.8 kilometro
mula sa Naval Education Training Doctrine Command (NETDC) sa San
Antonio.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), tiwala si

Marcos na makikinabang ang bansa sa pinalawak na
pakikipagtulungan ng U.S. sa pamamagitan ng nasabing joint military
drills.

Binanggit pa na layunin nitong paigtingin ang combined

capabilities ng mga ito sa maritime security, live-fire exercises, urban
operations at counter-terrorism.

Nag-umpisa ang nasabing pagsasanay nitong Abril 11 at matatapos sa

Abril 28, 2023.
PAGSULAT NG BALITA

"[A]ng ginawa lang natin is we adjusted the current school calendar so we will
now be ending by may 31 yun yung last day natin ng school calendar for this
school year," ani Education Undersecretary Michael Poa sa isang ambush
interview ngayong Martes.

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang "dahan-dahang"

pagbabalik sa lumang academic calendar, dahilan para agahan ang
pagtatapos ng kasalukuyang school year.

Enero lang nang kumpirmahin ng DepEd ang dahan-dahang pagbabalik sa

lumang academic calendar para maipwesto ang pagsisimula ng klase pabalik
ng Hunyo.

Opisyal kasing itinalaga ng DepEd Order 3 s. 2024 ang ika-29 ng Hulyo bilang
pagsisimula ng SY 2024-2025. Magtatapos naman ito sa ika-16 ng Mayo sa
2025.

Bibigyan din aniya ng leeway ang mga pribadong eskwelahang sumunod sa

naturang kautusan o maglabas ng sariling schedule ng pagbabalik ng klase
alinsunod sa batas.
"Tapos noon, ang school break ay magsisimula on June 1 until July 28."

Matatandaang lumabas sa survey ng Alliance of Concerned Teachers noong

2023 na 67% ng mga guro ang nakararanas ng "intolerable heat" sa silid-
aralan tuwing Marso, bagay na panahon na ng tag-init. Aniya, nakaaapekto rin
daw ito sa pagbaba ng atensyon at pagtaas ng estudyanteng lumiliban.
Ani Poa, tinitignan nilang maibalik sa Hunyo ang school opening pagsapit ng
SY 2026-207 para na rin mailapit sa tradisyunal na April-May school break.

"Generally, everyone wants to go back to the April to May (school break),"

dagdag pa ni Poa.

"[M]eron din tayo study from [Philippine Normal University] that says the same
thing. So, because ito 'yung talagang gusto ng tao, nag-decide na tayo na we
should go back. But we have to do it gradually para hindi maapektuhan
naman dahil learning recovery mode po talaga tayo ngayon."

PAGSULAT NG BALITA

"This was an improvement from the moderate +28 (48% agree, 21% disagree,
correctly rounded) net agreement score in March 2023," wika ng SWS.

Ang problema, marami aniya sa mga suspek ang pinatay kahit walang sala o
hindi kaya'y hindi isinailalim sa due process ng batas.

Lumobo ang porsyento ng mga Pilipinong naniniwalang dapat payagan ng

gobyerno ang pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa
madugong "war on drugs" sa Pilipinas, lalo na noong panahon ni dating
Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ng pag-aaral, marami rin sa mga Pinoy ang pabor sa mismong

ideya ng ICC investigation

Ito ang ibinalita ng Social Weather Stations (SWS) ngayong Martes kaugnay
ng isang survey na ikinasa mula ika-8 hanggang ika-11 ng Disyembre 2023.
Narito isinagot ng 1,200 katao matapos lapagan ng sumusunod na
tanong: "Kayo po ba ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon na dapat
pahintulutan ng gobyerno ang ginagawang imbestigasyon ng... ICC ukol sa
mga patayang may kaugnayan laban sa illegal na droga noong panahon ng
administrasyon ni dating Pang. Rodrigo Duterte?"

 sang-ayon: 56%
 hindi makapagdesisyon: 25%
 hindi sang-ayon: 19%

Nakukuha ang net agreement score sa pag-awas ng porsyento ng mga pabor

sa hindi pabor dito.

Una nang sinabi ni Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi sila
makikipagtulungan sa ICC kaugnay ng imbestigasyon sa dahilang pagtapak
daw ito sa soberanya ng Pilipinas, lalo na't kaya naman daw maglitis ng mga
lokal na korte.
Kasalukuyang pinaiimbestigahan ng ICC ang aniya'y "crimes against
humanity" kaugnay ng mahigit 6,000 hanggang 30,000 namatay sa Pilipinas
kaugnay ng drug war, bagay na tinutukan nang husto ni Duterte.
Muling 'pangungulelat' ng Pilipinas sa
math, reading at science ikinadismaya
Ikinadismaya ng ilang guro at education advocates sa mababang ranking ng
mga estudyante sa Pilipinas sa asignaturang math, reading at science —
bagay na matutugunan daw ng sapat na pagpa-prayoridad.

Kamakailan lang nang ilabas ng Organisation for Economic Co-operation and

Development (OECD) ang Program for International Student Assessment
(PISA) 2022, kung saan napag-alaman ang ranggo ng mga Filipino students
kumpara sa 81 bansang lumahok:

 mathematics: ika-6 sa pinakamababa

 reading: ika-6 sa pinakamababa
 science: ika-3 sa pinakamababa

"The Alliance of Concerned Teachers support broad-based initiatives for

genuine education sector reform. The education crisis can be resolved if we
listen to education sector stakeholders," ayon sa ACT kahapon.

"Malinaw ang solusyon: unahin ang pangangailangan ng mga estudyante at

guro. Upgrade teachers' salaries now! Fill all gaps in materials and facilities!"
Nangyayari ang lahat ng ito ngayong nakaupo bilang kalihim ng Department
of Education (DepEd) si Bise Presidente Sara Duterte, kahit na hindi naman
siya guro.

Ine-evaluate ng PISA ang literacy ng mga 15-anyos kada tatlong taon simula
pa noong 2000. Matatandaang Pilipinas ang nakakuha ng
may pinakamababang scores sa reading comprehension pagdating sa 79
lumahok dito noong 2018.