Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ramirez pinakain ng sunod sunod na alikabok ang

mga katunggali at sinuguradong di makukuha


nang iba ang dalawang gintong medalya sa 110 at
400 meter hurdles, MPAM Marso 16-19, 2024

Unang araw palang nang palaro Marso 16,


nagpasikat na agad sa mga katunggali si Alexander
Ramirez. Nagpamalas siya nang kahanga-hangang
pagtakbo at pagtalon sa 110 meter high hurdles at
nagdagdag bilang sa mga nalikom na ginto para sa
kanilang paaralan.

Ipinamalas ni Ramirez ang kaniyang husay at


teknik sa bawat mabibigat na pagatake sa mga
hurdles. Hindi din nagpa-tinag si Jomarie Dela Pisa
na galing din sa kaparehong kupunan ni Ramirez,
bumilang din ang kanyang mahusay na pagtakbo
at sinako ang pilak na medalya.

Hindi din naiwasang sumablay ni Ramirez, sa


kaniyang malakas na pagtakbo ay naitumba nya
ang limang hurdles kung saan maraming tao ang
nabahala at umakala na disqualified na sya. Ngunit
sa taglay niyang determinasyon at lakas ay nagawa
niya paring alisin ang alikabok sa kaniyang damit at
nagpatuloy sa pagtakbo, at sa kinagulat nang lahat
ay nagawa pa niyang manguna at nagiwan nang
malaking distansiya sa kaniyang mga katunggali.
Sa ikalawang araw ng palaro naman ay naganap
ang 400 meter low hurdle. Ipinamalas nya ulit ang
walang katulad nyang karanasan sa larangan nang
pagiging hurdelista. Muli nya nanamang pinatutok
sa kaniyang likuran ang kaniyang mga katunggali.
Nag-iwan sya ng malaking agwat sa pagitan niya at
nang kanyang mga katunggali. Dito niya isinako
ang pangalawa niyang gintong medalya para sa
palarong ito.

Pagtunog palang nang clapper ay sinimulan nya na


agd anag karera nang malakas at mabilisang
tinalunan ang mga hurdles. Minaintain niya ang
kaniyang takbo at sinisiguradong ma-clear ang
bawat hurdle ng mabilis. Sa pagdating sa huling
kurba, dito nya na sinubok ang sarili at lumabas sa
huling kurba na parang bomba, ata nag-torso
pagdating sa finish line.

“Sakripisyo at tiyaga ang naging puhunan nang


tagumpay kong ito” ani ni Ramirez. “Desidido po
talaga akong masungkit ang dalawang gintong it,
dahil last year ay dalawang pilak na medalya lang
ang nakuha ko” dagdag pa niya. Sa ngayon ay
naghahanda si Ramirez at iba pang atleta para
muling magpamalas nang bilis at dedikasyon sa
paparating na palarong bikol ngayong Abril.

You might also like