Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Mathematics 1

Kuwarter 4
Modyul 18
Nasasagot ang mga suliraning
Non-routine gamit ang pictograph na
walang iskala.
Mathematics – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 18: Nasasagot ang mga suliraning non-routine gamit
ang pictograph na walang iskala
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pam
+ahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Leah N. Montero
Editor: Rhea C.Bucayan at Luz Gonzales
Tagasuri: Wilma P. Soriano
Tagaguhit:
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-
Mathematics 1
Kuwarter 4
Modyul 18
Nasasagot ang mga suliraning non-routine
gamit ang pictograph na walang iskala
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul 17
para sa araling Nasasagot ang mga suliraning non-routine gamit ang pictograph na
walang iskala.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 1 ng Modyul para sa araling


Nasasagot ang mga suliraning non-routine gamit ang pictograph na walang iskala.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang nasasagot ang


mga suliraning non- routine gamit ang pictograph na
walang iskala.

PAUNANG PAGSUBOK

 Pag-aralan ang pictograph. Pagkatapos ay


sagutin ang mga tanong.

Laruan Larawan ng Laruan

bola

manika

robot

jumping rope

1. Anong pamagat ang nababagay sa pictograph?


A. MgaPaboritongHayop ng mga Bata
B. MgaPaboritongPagkain ng mga Bata
C. MgaPaboritongLaruan ng mga Bata
D. MgaPaboritongLugar ng mga Bata
2. Inutusan si Kurt ng kaniyang nanay na magpuno ng
tubig sa dram. Limang timbang tubig ang
makakapuno sa isang dram. Tatlong dram ang
pinupuno ng kaniyang nanay. Ilang timbang tubig
ang kailangan niyang salukin at igibin?
A.6 B.15 C. 12 D. 10

3. Limang basong tubig ang kailangan para mapuno


ang isang pitsel.

Ilang basong tubig ang kailangan para mapuno ang


dalawang pitsel?
A. 6 na basong tubig C. 10 basong tubig
B. 8 basong tubig D. 15 basong tubig
4. Nais ni Nina na mag bake ng cup cakes para sa
kaarawan ng kaniyang bunsong kapatid.Kung sa
bawat tasa ng flour ay nangangailangan ng 3
kutsarang asukal, ilang kutsara ng asukal ang dapat
ilagay sa 4 na tasa ng flour?
A. 10 kutsarang asukal C. 14 kutsarang asukal
B. 12 kutsarang asukal D. 15 kutsarang asukal
5. Dahil sa pandemya dulot ng Covid-19, namigay ang
mga taga barangay sa bawat kabataan ng tig 2
face mask at 1 alcohol. Sabay-sabay pumunta sa
barangay sina Lulu, Andrei, Mira at Ramil. Ilang
Facemask at alcohol ang ibibigay sa kanilang lahat?
A. 8 facemask at 4 na alcohol
B. 12 na facemask at 8 naalcohol
C. 4 facemask at 4 na alcohol .
D. 4 na facemask at 8 na alcohol
BALIK-ARAL
Nagkaroon ng interview sa paaralan ukol sa
paboritong gulay ng mga mag-aaral. Gumawa ang guro
ng pictograph upang ipakita ang resulta ng interview.
Panuto: Pag-aralan ang pictograph at sagutin ang mga
tanong.

Gulay Tally Kabuuang Bilang

IIII IIII IIII III 18

IIII IIII IIII 15

III 3

IIII I 6

1. Anong gulay ang may pinaka maraming bilang?


A. kalabasa C. pechay
B. upo D. talong
2. Anong gulay ang may pinaka kaunting bilang?
A. upo C. talong
B. kalabasa D. pechay
3. Ilang bata ang pumili sa kalabasa?
A. 18 B. 15 C. 6 D. 3
4. Ilang uri ng gulay ang pinagpilian ng mga bata?
A. 2 B. 4 C. 5 D. 8
5. Ano ang maaaring maging pamagat ng
pictograph?
A. Ang mga Paboritong Gulay ng mga Bata
B. Ang mga PAboritong Prutas ng mga Bata
C. Ang mga Paboritong pagkain ng mga Bata
D. Ang mga Paboritong Laruan ng mga Bata
ARALIN

Basahin ang maikling kuwento:


Ito si Japhet. Si Japhet at ang
kaniyang mga kaklase ay lumahok sa Tree
Planting sa kanilang paaralan. Sila ay
magtatanim ng mga puno sa bakuran ng
kanilang paaralan. Si Japhet ay kabilang sa Grupo 1, ang
iba ay Grupo 2, Grupo 3 at Grupo 4.

Matapos magtanim ay gumawa si Japhet ng


record ng kanilang mga itinanim na puno. Ito ang ginawa
ni Japhet.
Grupo Bilang ng mga Punong Itinanim
1

 Ano ang pamagat ng pictograph?


Ang pamagat ng pictograph ay
__________________________________________
 Ano-ano ang mga datos sa pictograph?
Ang mga datos sa pictograph ay
______________________ at ______________________
 Gaano karaming puno ang itinanim ng:
Grupo 1?_____ Grupo 2? _____
Grupo 3? _____ Grupo 4? _____
 Gaano karami ang itinanim ng Grupo 1 kaysa sa
grupo 3? ________________________________
 Kung pagsasama-samahin, ilan lahat
ang mga punong naitanim? ___________________

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Limang bagong tindahan ng milktea ang sabay sabay
nagbukas sa Barangay San Pedro. Nakatala ang bilang
ng milktea na nabili sa kanilang unang araw ng
pagbubukas ng Milk Tea Shop.
Panuto: Pag-aralan ang pictograph at sagutin nag mga
tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
Milk Tea SHop Bilang ng Milktea na Nabenta
Infini-Tea

Cool Tea

Tea Hauz

Bubbly Tea

Tea Blend
1.Ilang milk tea ang nabili sa Cool Tea sa unang araw ng
pagbubukas ng tindahan nito?
A. 4 B. 5 C6 D. 7
2. Kung bawat milk tea ay 20 pesos, magkano ang kinita
ng Tea Hauz sa unang araw ng kanilang pagbubukas?
A.Php 60 B. Php 80 C. Php 90 D. Php 100
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga
tanong.
Araw ng Sabado kaya naisipan ng magkapatid na
Lourdes at Lorena na tumulong sa kanilang nanay sa
pagbebenta ng mga bulaklak. Nakatala ang bilang ng
bungkos ng bulaklak na nabili sa magkapatid.
Pangalan ng Bata BIlang ng Bungkos ng Bulaklak na Nabili
Lourdes

Lorena

3. Ilang bungkos ng bulaklak lahat lahat ang nabili sa


magkapatid na Lourdes at Lorena?
A. 10 B. 8 C. 6 D. 4
4. Gaano karaming bungkos ng bulaklak ang nabili kay
Lourdes kaysa kay Lorena?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5
5. Kung bawat numgkos ng bulaklak ay may 12 piraso ng
bulaklak, ilang piraso ng bulaklak ang nabili kay Lorena?
A. 24 B 30 C. 36 D. 48
Gawain 2

Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang sumusunod


na tanong.

SI Bb. Capistrano ay guro sa Unang Baitang Pangkat


Rosal. Itinala niya ang buwan ng kaarawan ng bawat
bata sa kaniyang klase.

Buwan Bilang ng mga Batang Ipinanganak sa


bawat Buwan

Enero

Pebrero

Marso

Abril

Mayo

Hunyo

Hulyo

Agosto

Setyembre

Oktubre

Nobyembre

Disyembre
1. Ano -ano ang mga datos na makikita sa
pictograph?
A. Pangalan ng buwan at bilang ng mga
batang ipinanganak sa bawat buwan
B. Pangalan ng buwan at bilang ng mga batang
babae na ipinanganak sa bawat buwan
C. Bilang ng mga batang lalaki
D. Pangalan ng buwan at bilang ng mga batang
lalaki na ipinanganak sa bawat buwan
2. Ilan lahat ang mga batang lalaki sa Unang Baitang
Pangkat Rosal?
A. 10 B. 12 C. 13 D. 15
3. Gaano karaming bata ang ipinanganak ng buwan
ng Abril kaysa sa buwan ng Hunyo?
A. 4 B 5 C. 6 D. 7
4. Ilan ang kabuuang bilang ng mga batang babae sa
klase ni Bb. Capistrano?
A. 15 B. 20 C. 25 D. 30
5. Gaano karami ang mga batang babae na
ipinanganak mula Enero hanggang Hunyo kay sa
mga lalaki na ipinanganak sa parehong mga
buwan?
A.6 B. 8 C. 10 D. 12
Gawain 3

Panuto: Kung ang isang bote ng


gamot ay naglalaman ng limang
kutsarang syrup ng gamot, ilang
kutsarang syrup ng gamot ang
kailangan para mapuno ang bawat bote ng gamot na
nakasaad. Piliin at bilugan ang bilang ng tamang sagot.

1.
5 10 15 20

2. 5 10 15 20

3.
10 15 25 30

4. 10 15 20 25

5. 5 10 15 20
PAGLALAHAT

Paano masasagot ang mga tanong sa


pictograph? Ano-anong operasyon ang maaaring gamiti
upang masagot ang mga tanong?
________________________________________________________
________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Walang tumutulong tubig sa gripo dahil nagbabala


ang Manila Water na may gagawaing proyekto sa inyong
barangay. Dahil araw naman ng Sabado, inutusan ka ng
ate mo na sumalok ng tubig sa poso sa kapitbahay para
may magamit sa bahay sa maghapon. Bawat ay
naglalaman ng anim na tubig.

 Ilang tubig ang kailangan mong igibin


upang mapuno ang ?

 Dapat ka bang sumunod sa utos ni ate?


PANAPOS NA PAGSUSULIT

Sitwasyon:
Anihan na ng mangga, nagtulong-tulong sina
Rafael, Willie at Noel na maglagay ng mangga sa kaing.
Itinala rin nila ang bilang ng kaing ng mangga na inani sa
bawat lingo.

Panuto: Pag-aralan ang pictograph.at sagutin ang


sumusunod na mga tanong. Piliin lamang ang titik ng
tamang sagot.
Bilang ng Inaning Mangga sa loob ng Limang Linggo
Bilang ng Linggo Bilang ng Inani
Unang Linggo

Pangalawang Linggo

Pangatlong Linggo

Pang-apat na Linggo

Panglimang Linggo

1. Ilang kaing ng manga ang inani noong pangalawang


lingo?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5
2. Gaano karaming kaing ng manga ang inani ng
pangatlong lingo kaysa sa pang-apat na lingo?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5
3. Kung pagsasama-samahin ang bilang ng kaing ng
manga na inani sa loob ng limang lingo, ilang kaing ng
manga ang naani ng magpipinsan?
A. 16 na kaing ng manga C. 18 kaing ng manga
B. 17 kaing ng manga D. 19 kaing ng mangga
4. Kung bawat kaing ng manga ay naglalaman ng 10 kilo
ng manga, ilang kilo ng mangga ang inani ng huling
lingo?
A. 40 B. 50 C. 60 D. 80
5. Kung bawat kaing ng manga ay mayroong 30 piraso
ng hinog na manga, ilan lahat lahat ang naani nila sa
loob ng 5 linggo?
A. 550 B. 560 C. 570 D. 580

SUSI SA PAGWAWASTO
5. C 5. 20 B 5.
4. A 4. 15 C 4.
3. D 3. 25 A 3.
2. A 2. 5 D 2.
1. B 1. 10 A 1.
Pagsusulit
Panapos na Gawain 3 Gawain 2

5. C 5. A A 5.
4. A 4. B B 4.
3. B 3. A C 3.
2. A 2. D B 2.
1. C 1. A C 1.
Pagsubok
Gawain 1 Balik-aral Paunang

SANGGUNIAN
Padilla, Danilo S., et al. Mathematics-Unang Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral sa
Tagalog, Binagong Edisyon 2017

Castillo, Balmera (2008)


Let’s Work, Learn and have Fun with Math Skillbook

https://images.app.goo.gl/9EnG9YhashdToMGk8
https://images.app.goo.gl/tJdaVWqdA3Ed8AfV9
https://images.app.goo.gl/R9kpdzTPqqKUhVtL7
https://images.app.goo.gl/6BdKc1XFSQMAHcnR8
https://images.app.goo.gl/NFtPB628HfsQ25Jq6
https://images.app.goo.gl/dqpgNvyH5QwLL2mj6
https://images.app.goo.gl/MuTNshf6ZiSuYvdM6

You might also like