Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Rhizzie Joy Villarubin GEC13

BSEE III GI

ANG BAYAN NG LUISIANA, LAGUNA

Ang nasasakupan ng Luisiana ay dating bahagi ng isang lupain na kung tawagin


ay "Terreno de Nasonog", o lupain ng Nasunog. Nahahati sa tatlong lupain ang lugar
noong 1678- ang Terreno de Majayjay Terreno de Lucban at Terreno de Cavinti.

Noong 1825 pinangunahan ni Luis Bernardo, kanyang kapatid na si Salvador,


pinsan nilang si Melencio Alcantara at iba pa, ang paghiling sa Alacalde Mayor ng
Laguna, na si Antonio Nieto, ang pagbuo ng sariling bayan na hiwalay sa Majayjay. Ito ay
dahil sa layo ng distansya ng Majayjay, ang pangit na kondisyon ng daan, at walang tulay
na mga ilog. Dinala sa Pamahalaan sa Maynila ang petisyon para sa pagbuo ng
pansariling bayan noong 1827. Hindi ito pinagtibay dahil sa pagtutol ng kura ng Majayjay.
Noong 1836 ay muling naglunsad ng panibagong petisyon ang mga taga Nasono de
Majayjay para makahiwalay lugar nila mula sa Majayjay. Ito ay pinagtibay ni
GobernadorHeneral Andres Garcia Camba sa ilang kondisyon. Ito ay kung
makapagpapatayo ng simbahan, tribunal at paaralan at makapagsasaayos ng mga bahay
ayon sa pormang itinatadhana ng Capitulo 83 ng mga ordinansa ng mabuting
pamahalaan.

Disyembre 9, 1837 nang makapili ng lugar kung saan itatayo ang poblacion.
Tatlong lugar ang pinagpilian- sa may Dambuhala, sa Maylipute at sa isang lugar na
maraming bukal na si natutuyuan kahit tag-init. Itong pangatlo ang napili. Enero 2, 1838
nang ilabas ni Alcalde Mayor ng Laguna, si Prudencio de Santos ang listahan ng mga
pinunong pambayan. Si Luis Bernardo ang hinirang na Teniente Primero (o Absoluto).
Ngunit namatay si Luis nang taon ding iyon. Bilang pagkilala sa marubdob niyang pagkilos
sa pagtatatag ng sariling bayan ay tinawag na LUISIANA ang lugar hango sa pangalang
Luis, at Ana ang kanyang may-bahay.
Mga taong 1838 nang simulan ang paggawa ng ermita. Natapos ito 1839 at
binenditahan ni Padre Jose Mora. Si Padre Marcos Bartolome ang unang pari dito noong
1838. Noong Disyembre 1845 ay pinayagan ni Gobernador-Heneral Narcisa Zaldua
Claveria ang kahilingan ng mga taga-Luisiana na magkaroon ng sariling halalan. Taong
1848 nang mahiwalay sa pansibil ang Luisiana sa Majayjay.

Ang unang naging gobernadorcillo ng Luisiana ay si Venancio Penaloza noong


1846. Noong Abril 3, 1854 ay napagtibay sa pamamagitan ng Kalatas Bilang 1827 ang
kalayaan ng Luisiana sa pansibil at espiritwal mula sa Majayjay. Noong 1868 ay sinimulan
ang pagtatayo ng simbahang bato. Nasunog ang simbahan noong 1873, at 1880 naman
ay lumindol na nagdulot ng malaking pinsala sa simbahan. Ang simbahan ay muling
inayos mula 1876 at natapos noong 1881 sa pangunguna ni Padre Antonio de la Fuente.
Ito ay inialay sa patronato ng Nuestra Senora del Rosario.

Noong 1894 ang titulong "gobernadorcillo" ay pinalitan ng "capitan municipal". Ang


unang Capitan Municipal ng Luisiana ay si Andres Teope. Noong 1897 ang Capitan
Municipal na si Ubaldo Suello ay napagbintangang kasapi ng himagsikan. Siya ay dinakip
at pinatay. Maraming mga taga-Luisiana ang sumapi sa pangkat ng Katipunan ni Heneral
Severino Taino, taga-Pagsanjan noong panahon ng rebolusyon.

Noong 1898 si Pedro Ibanezang tumayong puno ng Luisiana nang si Emilio


Aguinaldo ang kinikilalang pangulo ng Pilipinas. Noong Hunyo 22 1901 ay hinabol ng
mgaAmerikano ang magkapatid na Kapitan Nicomedes Capili at Kapitan Fulgencio Capili,
na mga tauhan ni Koronel Pedro Caballes taga-Pagsanjan. Limang buwan naghigpit ang
mga Amerikano sa Luisiana. Nahuli si Nicomedes at napatay si Fulgencio. Pinag-isang
bayan ang Luisiana at Cavinti noong 1903. Naging pununo noon si Pedro Villanueva ng
Cavinti. Sa kanyang panunungkulan ay kinonsegra ang Iglesia Filipiniana Independiente,
o Simbahan ng Aglipay, noong 1904 Abril 4 sa Lusiana.
Pinaghiwalay ang Cavinti at Luisiana noong 1907. Noong 1917 hanggang 1919 ay
ginawa at daang Luisiana hanggang Pagsanjan. Ito ay dahil sa banta na kung walang
daan na magagawa ay lilipat sa Lalawigan ng Tayabas ang Luisiana.
Sa panunungkulan naman ni Pedro Ibanez mula 1920-1922 ay naitatag ang
bahaypamahalaan ng Luisiana. Sa harapan ng munisipyo ay itinayo ang monumento ni
Luis Bernardo noong Mayo, 1926.
Noong panahon ni Meyor Martin Hugo, 1929- 1931 ay naitayo ang Botocan Hydro Electric
Power Plant ng Meralco na nagbigay ng trabaho sa maraming taga- Luisiana. Ang
pagawa sa planta ay pinangunahan ni Leland Gardner. Itinuring siyang anak ng Luisiana
noong 1960.

Ang Daang Luisiana- Lucban ay nagawa naman noong 1934. Disyembre 28, 1941
dumating ang mga mananakop na Hapon sa Luisiana. Maraming pinatay ang mga Hapon
sa Luisiana dahil sa kanilang paghihinalang myembro ng Kilusang Gerilya. Dumating ang
mga Amerikano noong Abril 7, 1945. Sa mga taong makaraan ang Pangalawang
Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng kaguluhan sa Luisiana dahil sa mga rebelde.
Ngunit sa pagsusumikap ng mga punongbayan, ang Luisiana ay unti-unting umunlad, at
pati ang panganib na dulot ng rebeldeng Huks ay unti-unting nawala, lalo na sa
panunungkulan ni Ruben T. Romana, dating gerilya. Sa kanyang pamamahala ay
nagkaroon ng katahimikan at kaayusan sa bayan. Ang Luisiana ay tanyag sa paggawa
ng mga gamit na yari sa Pandan. Kilala rin ang bayan sa pagdiriwang ng Pandan Festival.
Ang Luisiana ay mayroon ding ipinagmamalaking kweba na kilala sa pangalang
"simbahang bato", at ayon sa mga ulat ay pinupuntahan ito ng mga relihiyoso na kung
tawagin ay Kolorum.

You might also like