Pagtanggi NG Senado Sa Panukalang People

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pagtanggi ng Senado sa panukalang People’s Initiative

Opisyal nang inanunsyon ng Senate President na si Juan Miguel Zubiri ang


ginawang pagtanggi ng senado ukol sa panukalang People’s Initiative (PI) noong Enero
23, 2024. Binanggit ng Senado ang mga alalahanin tungkol sa legalidad ng proseso at
mga alegasyon ng mga irregularidad sa pangongolekta ng mga lagda para sa panukala.

Ang People's Initiative (PI) ay isang panukala sa Pilipinas na tumutukoy sa alinman


sa paraan para sa pag-amyenda sa konstitusyon na ibinigay ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas. Ang panukalang ito ay hindi sumunod sa mga legal na alituntunin na itinatag ng
Republic Act No. 6735 (The Initiative and Referendum Act). Pinapakita ng batas R.A. No.
6735 ang legal na proseso para sa mga mamamayan upang direktang magmungkahi ng
mga pagbabago sa Konstitusyon o magpatibay ng batas.

Magkaiba ang opinyon Senado at House of Representatives (HOR) pagdating sa


pag-aamyenda sa Konstitusyon. Umabot sa mga senador ang mga ulat na naglalaman
na ang HOR ay nasa likod ng kasalukuyang pagsusumikap na mangalap ng pirma para
sa People's Initiative (PI) na nagtatanong sa mga botante kung pabor sila sa pag-
aamyenda sa 1987 Konstitusyon upang magbigay-daan sa Kongreso na magkaisang
bumoto sa inihahandang constitutional assembly o Con-ass. Naglabas ng pahayag ang
senado tungkol sa matinding pagtutol sa kasalukuyang pagsusumikap na baguhin ang
1987 Konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI).

Ibinahagi ni zubiri ang mga alalahanin na kapag ang pagbabago sa konstitusyon


ay lalampas sa mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon, at isasama nito ang pag-
aalis ng mga limitasyon sa termino na magbibigay-daan sa mga pulitiko na manatili nang
matagal sa kapangyarihan.

“If this PI prosper, further changes to the Constitution can be done with or without
the Senate’s approval, or worse, even absent all the senators. Should Congress vote
jointly in a constituent assembly, the Senate and its 24 members cannot cast any
meaningful vote against the 316 members of the HOR” dagdag pa ni Zubiri.

Nakita ang mga kawani ng Senado na nakasuot ng maroon na armbands noong


Lunes, Enero 29 upang ipahayag ang suporta sa pagtanggi ng mataas na kamara sa
patuloy na pagtulak para sa People's Initiative (PI) bilang paraan para amyendahan ang
1987 Constitution. Sinabi ni Senate Secretary Bantug Jr. na ang hakbang na ito ay
inisyatiba ng mga empleyado, Secretariat, at OS proper, bilang pagpapakita ng
pakikiisa at suporta sa institusyon.
''Let the Comelec do their job''

Ito ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr. nang tanungin ang kaniyang opinyon
tungkol sa panukalang People’s Initiative na amyendahan ang 1987 Konstitusyon. Ayon
kay Marcos, nakausap na niya ang mga kinauukulang opisyal hinggil sa mga
espekulasyon na binabayaran ang mga tao para lumagda sa mga form sa people's
initiative.

Simula noong Enero umikot ang mga lagdang dokumento sa buong bansa, na
naglalyong amyendahan ang Konstitusyon upang payagan ang Kamara at magkaisang
bumoto ang Senado kapag sinimulan ang mosyon para bumuo ng constituent assembly.
Sa pamamaraang ito, 3% ng mga botante sa bawat distritong pambatas ng Pilipinas, at
12% ng populasyon ng pambansang pagboto, ay dapat pumirma sa isang petisyon na
pabor sa pagbabago sa 1987 Konstitusyon.

Miyembro:

Cuenca, Lent Neonnyl

Galve, Aizylia Princess

Macul, Nina Pauline

You might also like