Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATAYA SA IKAAPAT NA KWARTER


FILIPINO 2
SY 2022-2023

Pangalan: ___________________________________ Iskor: _________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento, teksto, talata,


at pangungusap. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang
tamang letra sa sagutang papel.

1. Kumain ng masusustansiyang prutas at gulay. Ilan ang


pantig ng salitang may guhit sa pangungusap?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 6

2. Mabagal lumakad ang pagong. Alin sa sumusunod ang may


wastong pagkakapantig nang mabagal?
A. ma-bag-al C. mab-a-gal
B. ma-ba-gal D. mab-ag-al

3. Naglalakad si Marites papunta sa bahay ng kaniyang kaklase.


Nang makarating siya sa tarangkahan nabasa niya ang isang
babalang nakasulat na “MAG-INGAT SA ASO”. Napalingon
din siya sa mga naggagandahang mga bulaklak. Napansin
din niya ang babalang “BAWAL PUMITAS NG BULAKLAK”.
Alin-aling batayang talasalitan ang nakasulat sa karatula?
A. aso – mag-ingat C. bawal - mag – ingat

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. hayop - aso D. bulaklak - aso


4. Pumila nang maayos kapag bumibili sa kantina. Anong
batayang talasalitaan ang ginamit sa pangungusap?
A. bumibili C. maayos
B. kantina D. pumila

Anong angkop na salitang kilos ang bubuo sa usapan?


5. A. bumalik B. dumating C. lumipad D. umalis

6. A. hinalikan B. niyakap C. nginitian D. hinintay

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

7. Tahimik ang aming pamayanan kaya naman maraming mga


turistang pumupunta. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit.
A. magulo B. malawak C. marumi D. payapa

8. Ang batang masipag ay may magandang kinabukasan.


Ibigay ang kasalungat ng masipag.
A. matiyaga B. mabait C. tamad D. Tapat

9. Sundin ang mga alituntunin sa paaralan. Alin sa sumusunod


na salita ang may pormal na depinesyon ng binilugang salita?
A. pakiusap B. panuto C. paunawa D. Patnubay

10. Ang taong sabik na sabik ay nagigiliw sa taong matagal


nang hinihintay na bumalik. Ano ang kahulugan ng salitang may
kahon na nakapaloob din sa pangungusap?
A. bumalik B. hinihintay C. matagal D. nagigiliw

11. Nagpunta si Aling Alma sa Walter Mart kahapon upang


bumili ng sapatos. Aling salita sa pangungusap ang nagsasabi
kung kailan isinagawa ang kilos?
A. bumili B. kahapon C. pumasok D. Walter Mart

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

12. Dadalaw kami kina lolo at lola sa Subic bukas. Ang salitang
may salungguhit ay nagsasabi ng ________.
A. kilos B. lugar C. panahon D. paraan

13. Ang bitamina A ay mahalaga sa ating katawan.


Nagpapalinaw ito ng ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang
ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga
pagkaing mayaman sa bitamina A ay atay ng manok at baka,
itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas. Ano
ang angkop na pamagat ng talata?
A. Ang Paglabo ng Mata
B. Ang Kakulangan ng Bitamina A
C. Ang Kahalagahan ng Bitamina A
D. Mga Pagkaing Mayaman sa Bitamina A

14. Taon-taon ipinagdiriwang sa Lalawigan ng Zambales ang


Dinamulag Festival. Ito ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Abril.
Ipinagmamalaki ang mangga sa pamamagitan ng pagdiriwang na
ito upang maipagmalaki sa mamamayan ang tamis ng manggang
Zambales. Ang angkop na pamagat ay _____________.
A. Ang Mangga ng Zambales
B. Ang Lalawigang ng Zambales
C. Ang Pagdiriwang ng Zambales
D. Ang Pagdiriwang ng Dinamulag Festival

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

15. Sa probinsiya namumuhay si Aling Sonia at ng kaniyang


pamilya. Sila ay may malawak na bukirin. Kahit payak ang
pamumuhay ay maligaya silang nakatira dahil payapa, malinis ang
kapaligiran at tahimik ang mga taong naninirahan sa kanilang
lugar. Ano ang angkop na pamagat?
A. Ang Bukirin C. Ang Munting Kubo
B. Si Aling Sonia D. Ang Buhay sa
Probinsiya

16. Nakita ________ Marco ang kaniyang kaibigan sa simbahan


noong Linggo.
Kompletohin ang pangungusap gamit ang wastong pang-ukol.
A. kay B. kina C. para D. ni

17. Si Kyla ang pinakamahusay bumasa sa kanilang klase _______


kaniyang guro. Ano ang angkop na pang-ukol sa pangungusap?
A. ayon kay B. ayon sa C. para sa D. ukol kay

Isulat ang wastong baybay ng mga salitang ididikta ng guro.


(Babasahin ng guro ang pangungusap)
18. Maaliwalas

Maaliwalas ang mukha ni Aling Rosa nang makita ang


kaniyang anak.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

19. botika

Bumili ng gamot si nanay sa botika.

20. Gustong pumunta si Ben sa silid aklatan upang manghiram


ng aklat. Nagtanong siya sa kaniyang guro kung saan ang
direksyon papuntang silid-aklatan. Buoin ang usapan na may
tamang ugnayan ng simuno at panaguri.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

A. Ang silid-aklatan ay nasa likod ng stage.


B. Malapit sa puno ng Mangga ang silid-aklatan.
C. Makikita ang silid-aklatan sa tabi ng kantina.
D. Nasa tabi ng tanggapan ng punong guro ang silid-aklatan.

21. Panuto: Pag-aralan ang larawan pagkatapos ayusin ang


mga salita upang makabuo ng isang payak na pangungusap.
A. Pinagkainan ng bata ang naghuhugas.
B. Naghuhugas ng pinagkainan ang nanay.
C. Ng bata ang naghuhugas ng pinagkainan.
D. Ang bata ay naghuhugas ng pinagkainan.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

22. Si Sonny ay isang batang matulungin. Madalas niyang


tinutulungan ang kaniyang mga kapatid kapag may kailangan.
Tuwing dumarating galing sa bukid ang kaniyang tatay,
tinutulungan niya ito sa pagbubuhat ng mga dalahin, kaya
naman natutuwa sa kaniya ang tatay niya. Ano ang
sumusuportang kaisipan sa teksto?
A. Si Sonny ay matulunging kuya.
B. Nasisiyahan ang kaniyang mga kapatid.
C. Natutuwa ang kaniyang tatay sa kaniya.
D. Si Sonny ay palaging tumutulong sa kaniyang mga kapatid.

23. Si Andres Bonifacio ay isang Pilipinong Makabayan. Siya ay


tinaguriang Ama ng Katipunan. Kinilala din siyang dalubhasa
bilang unang pangulo ng Pilipinas. Siya ang nagtatag ng kilusang
katipunan. Ang sumusunod na mga kaisipan ay sumusuporta sa
pangunahing kaisipan maliban sa isa.
A. Siya ay tinaguriang Ama ng Katipunan.
B. Kinilala siyang dalubhasa sa kasaysayan.
C. Siya ang nagtatag ng kilusang Katipunan.
D. Siya ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.

24. Ang Abokado ay itinuturing bilang isang Superfood. Kilala


bilang masarap at ubod ng sustansiyang prutas. Marami itong
naibibigay sa ating kalusugan katulad ng paglaban sa obesity,
diabetes, mga sakit sa puso. May magandang dulot din ito sa balat
at buhok. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?
A. Panlaban sa iba’t ibang sakit
B. Ang Abokado ay isang Superfood.
C. Masarap at masustansiya ang Abokado.
D. Maganda ang dulot ng Abokado sa balat at buhok.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

25. Ang bawat batang Pilipino ay may kani-kaniyang karapatan.


Karapatan nilang maisilang at mabigyan ng pangalan. Makapag-
aral, makapaglaro, makapaglibang, at maging malusog ay
kailangang din nilang maranasan. Maalagaan at mahalin ang
sariling pamilya at ng kapuwa ay dapat makamtan. Ano ang mga
sumusuportang kaisipan sa teksto?
1. Karapatan nilang maisilang at mabigyan ng pangalan,
2. Makapag-aral, makapaglaro, makapaglibang, at maging
malusog ay kailangang din nilang maranasan.
3. Maalagaan at mahalin ng sariling pamilya at ng kapuwa ay
dapat makamtan.

A. 1 B. 1 at 2 C. 2 at 3 D. 1,2 at 3

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like