Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGKAKAIBIGAN

Verse 1
Ang sino mang sa Aki'y mananahan
Mananahan din Ako sa kanya
At kung siya'y mamunga nang masagana
S'ya sa Ama'y nagbigay ng karangalan

Koro
Mula ngayon, kayo'y Aking kaibigan
Hinango sa dilim at kababaan
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili n'yang buhay
Walang hihigit sa yaring pag-aalay

Verse 2
Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama
Sa inyo'y Aking ipinadarama
Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan
At bilin Ko sa inyo ay magmahalan

Koro
Verse 3
Pinili ka't hinirang upang mahalin
Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin
Humayo ka't mamunga nang masagana
Kagalakang walang-hanggang ipamamana

Koro

You might also like