Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Teksto 1: MULTIMEDIA

Hindi maitatatwang sa pag-inog ng makabagong mga popular na babasahin, isa ang teknolohiya sa mga umusbong sa
kasalukuyang panahon. Marami sa mga Pilipino ang naglalaan ng kanilang oras sa paggamit ng kani-kanilang mga gadgets
tulad ng laptop, cellphones at iba pa.
Ang multimedia ay ang iba't ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio, video, graphics at iba pa.
Sa mundo ng multimedia, madalas tayong makabasa ng mga jargon o mga lupon ng salitang ginagamit sa isang
ekslusibong grupo upang mas maunawaan ang mga teknikal na salita ng iba pang mga tao na hindi kabilang sa grupo. Ilan
sa mga halimbawa nito ay surf, wi-fi, search, upload, download at marami pang iba

Teksto 2: Sama-samang Pahayag Tungkol sa Kaligtasan ng Bakuna sa Covid-19

Walang katotohanan na mas delikado ang mga bakuna kaysa Covid-19. Ang mga bakuna laban sa Covid-19 ay
napatunayang ligtas at epektibo ayon sa mas maraming pag-aaral. Ang pagkakaroon ng bakuna ay ang paraan para
maiwasan ang pagkakaospital at pagkamatay mula sa sakit. Ito rin ang kinikilalang paraan ng lahat ng mga bansa sa
buong mundo upang tayo ay makabalik sa ating mga trabaho, sa paaralan, at sa normal na pamumuhay na ating
nakanasanayan. Hikayatin natin ang ating mga kakilala, lalo na ang mga senior citizen at ang ibang sakit, na magpabakuna
laban sa Covid- 19. Matatalo lang natin ang pandemya kung tayo ay sama-samang magtutulungan.

Alin ang wasto sa sumusunod na mga pahayag tungkol sa pagkakabuo ng salita ng dalawang tekstong binasa?

A. Parehong payak o pangkaraniwang salita.

B. Ang una ay gumamit ng jargon at ang ikalawa ay gumamit ng mga matatalinhagang salita.

C. Ang una ay gumamit ng balbal na salita at ang ikalawa ay gumamit ng payak o pangkaraniwang salita.

D. Ang una ay gumamit ng jargon at ang ikalawa ay gumamit ng mga payak o pangkaraniwang salita.

Alin ang wasto sa sumusunod na mga pahayag tungkol sa pananaw ng dalawang tekstong binasa?

A. Parehong nasa unang panauhan.

B. Parehong nasa ikalawang panauhan.

C. Ang una ay nasa unang panauhan atang pangalawa ay nasa ikalawang panauhan.

D. Ang una ay nasa ikalawang panauhan at ang pangalawa ay nasa ikatlong panauhan.

Ano ang wasto sa sumusunod na mga pahayag tungkol sa layunin ng dalawang tekstong binasa?

A. Parehong nanghihikayat na yakapin ang makabagong teknolohiya.

B. Ang una ay nagbibigay-babala sa masamang epekto ng social media at ang pangalawa ay nanghihikayat na lahat ay
magpabakuna kontra COVID-19.

C. Ang una ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagbabagong nagaganap sa larangan ng teknolohiya ay ang
pangalawa ay nagbibigay-babala sa masamang dulot ng COVID-19.

D. Ang una ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagbabagong nagaganap sa larangan ng teknolohiya at ang
pangalawa ay nanghihikayat na lahat ay magpabakuna kontra COVID-19.

Si Elsa ay madalas gumamit ng internet upang gumawa ng takdang aralin at magbahagi ng larawan sa social media. Ano
ang tawag sa katulad ni Elsa na gumagamit ng internet at social media applications?

A. hype B. netizens

C. online D. senior citizen


Dalawang taon na rin magmula ng mag-abroad si Ate Lorielyn kaya social media lamang ang kaniyang ginagamit upang
makipag-ugnayan sa kaniyang mga magulang. Ano ang ginagamit niya sa kaniyang birtuwal na pakikipag- ugnayan sa
kaniyang mga magulang?

A. install B. internet

C. social media D. website

Sa pagsulat ng balita, ano ang kinakailangang mabigyan ng tuon sapagakat ito ang buod ng balita?

A. katawan o body B. katapusan o conclusion

C. pamatnubay o lead D. lahat ng nabanggit

Madalas na makapanood si Mary Ann ng mga nakatutuwang video ng aso sa social media kaya madalas niya itong
ibahagi sa kaniyang social media account. Ano ang tawag sa pagbabahagi ng mga post sa social media gaya ng ginagawa
ni Mary Ann?

A. follow B. post

C. share D. subscribe

Si Kristine ay gumagawa ng tesis tungkol sa kultura ng mga Igorot dahil dito kailangan niyang kumuha ng mga artikulo sa
internet upang mangolekta ng mga datos. Ano ang tawag sa paraan ng pagkuha at pagkopya ng mahahalagang
dokumento o impormasyon galing sa internet na ginawa ni Kristine?

A. cut B. delete

C. download D. edit

Saang bahagi ng balita isinusulat ang detalye ng balita?

A. katawan o body B. katapusan o conclusion

C. pamatnubay o lead D. lahat ng nabanggit

Nais alamin ni Cristal ang bilang ng mga mag-aaral ng naglalakad, sumasakay sa tricycle at inihahatid ng private cars.

Ano'ng estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ang mainam na gamitin?

A. aklat B. interbyu

C. talatanungan D. tsismis

Si Melody ay nagsasagawa ng pagbabalita tungkol sa naganap na sunog sa Mayapyap Norte. Ano'ng estratehiya sa
pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ang mainam na gamitin?

A. aklat C. talatanungan

B. interbyu D. tsismis

Nakatanggap ng text si Joan mula sa kaniyang kaklase at ang nakalagay rito ay OTW na ako. Alin sa sumusunod na mga
antas ng wika ang salitang may salungguhit?

A. balbal B. banyaga

C. kolokyal D. lalawiganin
Laking pasasalamat ko kay Arjay dahil sa kaniyang pagiging techie dahil nabigyan ng solusyon ang aking problema sa
kompyuter. Alin sa sumusunod na mga antas ng wika ang salitang may salungguhit?

A. balbal B. banyaga

C. kolokyal D. lalawiganin

Viral sa internet ang paghihiwalay ng tambalang Kathniel. Alin sa sumusunod na mga antas ng wika ang salitang may
salungguhit?

A. balbal C. kolokyal

B. banyaga D. lalawiganin

Merong nagaganap na job hiring sa plaza para sa mga gustong magtrabaho abroad. Alin sa sumusunod na mga antas ng
wika ang salitang may salungguhit?

A. balbal B. banyaga

C. kolokyal D. lalawiganin

Hilig ng kaniyang lolo ang pakikinig ng radyo tuwing madaling araw dahil tuloy-tuloy ang pagbabalita at walang halong
mga tunog at komersiyo. Ano ang tawag sa direktang pagsasahimpapawid ng programa na walang anumang pre-
recording o paglalapat ng tunog?

A. anchorman C. CBB (Closing of the Billboard)

B. co-anchorman D. live broadcast

Si Kuya Ashley ang bagong tanggap bilang tagapag-ulat ng balita sa istasyon ng GMA. Madalas niyang pinupuntahan ang
mga lugar kung saan pinangyarihan ng balita. Ano ang tawag sa kaniya na nag-uulat mula sa iba't ibang lugar?

A. anchorman B. co-anchorman

C. dead air D. field reporter

Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng opinyon?

A. Sa aking palagay, sa mga paniki nagmula ang Novel Corona Virus na kumalat sa buong mundo.

B. Ayon sa DOH, noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan, China.

C. Sabi naman ni Jose, ang hinuha niya kung bakit nawalan ng lakas si Marta ay dahil sa hindi pagkain ng
masusustansiyang gulay.

D. Mababasa sa pahayagan na may isang nakatatakot na sakit na kumakalat at unti-unting kumikitil sa maraming buhay,
ito ang Corona Virus na nagmula sa bansang China.

Ang sumusunod ay maaaring ipahayag sa komentaryong panradyo MALIBAN SA ISA.

A. balita B. ideya

C. opinion D. saloobin
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng positibong pahayag ukol sa usapin ng FOI o Freedom of Income?

A. "Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng
pamahalaan."

B. "Sa tingin ko partner eh, makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang
mga corrupt na opisyal."

C. "Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa
iyan kahit pa nakapikit!"

D. "Naku! Delikado naman pala 'yan! Eh, di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu rito, isyu
roon na naman yan! Demanda rito, demanda roon!"

Alin sa sumusunod ang mainam na pagkakaiba ng komentaryong panradyo sa telebisyon?

A.Nahahasa ang kritikal na pag-iisip ng mga komentaryo hinggil sa mga usapin ng bansa,

B.Nagpapalitan ng mga sariling suhestiyon na maaaring makatulong sa mga suliraning pambansa.

C.Nabibigyan ng pagkakataon ang mga komentaryo na magpahayag ng kanilang opinyon sa mga isyung panlipunan.

D.Lahat ng nabanggit

PAG-ASA, ang bagyo ay tatama at magla-landfall sa Pilipinas sa darating na Miyerkules o Huwebes. Alin sa sumusunod na
mga konsepto ng pananaw ang angkop sa pangungusap?

A. Ayon sa C. Sang-ayon sa

B. Sa akala ni D. Sa pananaw ng

nakararami, mas mainam na magtrabaho kaysa maghintay ng tulong mula sa gobyerno. Alin sa sumusunod na mga
konsepto ng pananaw ang angkop sa pangungusap?

A. Ayon sa B. Sa akala ni

C. Sang-ayon kay D. Sa pananaw ng

Ang istasyon ng radyo ng GMA ay nagsasara tuwing ika-12 ng gabi. Ano ang tawag sa pagsasara ng switch ng istasyon ng
radyo?

A. anchorman C. CBB (Closing of the Billboard)

B. co-anchorman D. live broadcast

Paborito ni Mama ang namayapang si Mike Enriquez na unang sumikat sa radyo bilang tagapagbalita. Ano ang tawag sa
tagapagbalita o broadcaster sa radyo?

A. anchorman B. co-anchorman

C. dead air D. field reporter

Alin sa sumusunod ang layon ng dokumentaryong "Pagpag 4 sale"?

A. Ipamukha ang epekto ng kawalan ng edukasyon.

B. Ipaalam sa gobyerno ang kakulangan ng trabaho

C. Ipakita ang masamang epekto ng pagkain ng "pagpag".

D. Imulat at magbigay ng impormasyon sa tunay na nangyayari lalong-lalo na sa mahihirap na lugar.


Alin sa sumusunod ang paksa ng dokumentaryong "Pagpag 4 sale"?

A. Ang paghihirap na nararanasan ng mga tao sa siyudad.

B. Ang kakulangan ng edukasyon na sanhi ng kahirapan.

C. Ang pagkain at pagbebenta ng "pagpag" mula sa mga fastfood.

D. Ang kawalan ng hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa squatter area.

Si Alex ang pinakamahusay na karpintero, dahil dito, siya ang naging foreman. Ang pangungusap ay halimbawa ng ano'ng
ugnayang lohikal?

A. sanhi at bunga C. paraan at resulta

B. paraan at layunin D. pagtitiyak at pagpapasidhi

Napuri si Honesto sa kaniyang pagsasabi ng katotohanan. Ang pangungusap ay halimbawa ng ano'ng ugnayang lohikal?

A. sanhi at bunga B. paraan at layunin

C. paraan at resulta D. pagtitiyak at pagpapasidhi

Natutuwang manood ng palabas si Aling Selya sa regalong kanyang napanalaunan sa raffle sa bayan Ano ang tawag sa
elektronikong kagamitan na napanonooran at nagpapagalaw ng larawan na may tunog?

A. pahayagan B. radyo

C. telebisyon D. telepono

Ano ang maaaring maging epekto ng pagkain ng "pagpag"?

A. paglala ng pandemya

B. pagkakaroon ng sakit

C. paglobo ng populasyon

D. pagbagsak ng ekonomiya

Maganda na sana ang kanilang buhay hindi naging matigas ang kanilang mga ulo. Alin sa sumusunod na mga pangatnig
ang angkop pangungusap? sa

A. dahil B. kung

C. para D. sa

Kailangang gumawa ng hakbang ang pamahalaan maiwasan ang problema. Alin sa sumusunod na mga pangatnig ang
angkop sa pangungusap?

A. dahil sa C. upang

B. kaya naman D. sapagkat

Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong parami nang parami ang mga batang nabibiktima ng pang-aabuso.
Alin sa sumusunod na mga pangatnig ang angkop sa pangungusap?

A. dahil C. para

B. kung D. sa
Masusugpo ang problemang ito pamamagitan ng pagtutulungan. Alin sa sumusunod na mga pangatnig ang angkop sa
pangungusap?

A. dahil C. para

B. kung D. sa

Ang mga magulang natin ay hindi perpekto, pero kailangan natin silang tanggapin." Ano ang ipinahihiwatig ng diyalogo
mula sa pelikulang "Seven Sundays"?

A. Napatutunayan na walang katumbas ang mga magulang

B. Napahahalagahan ang gampanin ng mga magulang sa paghubog ng kanilang mga anak

C. Napaaalalahanan sa atin na tanggapin natin ang paraan kung paano tayo mahalin ng magulang

D. Naipakikita ang kahalagahan ng pagtanggap sa mga magulang natin kahit na mayroon silang mga pagkakamali at hindi
perpekto.

Ang pelikulang Seven Sundays ay tumatalakay sa pamilya Bonifacio. Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo
at dating kapitan ng kanilang Baranggay. Ang tanging kasama sama lang sa bahay ay si Jun. Siya ay mayroong apat na
anak na sina Allan, Bryan, Cha, at Dex. Sa kanyang kaarawan ang mga ito ay di nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama
na hindi makasama ang kanyang mga anak sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit ano ang kanyang magagawa
may kanya kanya ng buhay ang mga ito. Alin sa sumusunod ang paksa ng pelikulang "Seven Sundays"?

A. pagkakasakit ng ama

B. pagkakaroon ng ibang asawa ang ama

C. pagtakas ng ina sa kanyang mga responsibilidad

D. pagkakaroon ng pagkakaiba na naging buhay ng magkakapatid

Ano ang tawag sa pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula

A. pag-e-edit B. pagdidirehe

C. sequence iskrip D. sinematograpiya

Ano ang isyung panlipunan na lumutang sa pelikulang pitaka?

A. kahirapan B. kalikasan

C. korapsyon D. kalayaan

Alin ang kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa

napanood na pelikula?

A. pagsusumikap upang abutin ang mga pangarap

B. pagsasawalang-bahala ng padre de pamilya sa responsibilidad

C. paghihirap na dinaranas ng pamilyang Pilipino dulot ng korapsyon

D. pagsasakripisyo ng kapatid upang matustusan ang kanilang kapatid

Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula?

A. pag-eedit B. pagdidirehe
C. sequence iskrip D. sinematograpiya

Ano ang tawag sa pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan
ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera?

A. pag-e-edit B. pagdidirehe

C. sequence iskrip D. sinematograpiya

Sa simula, ipinakilala ang tauhan na gumigising maaga upang maghanda ng almusal para sa kapatid. Mahusay na
ipinakilala ang tauhan. Alin ang angkop na salita upang mabuo ang pagsusuri sa pelikulang "Pitaka"?

A. din C. ng

B. nang D. rin

Mahusay ang kuha ng anggulo sa eksenang namamasada ang kuya makikita sa mata ng tauhan ang bigat ng dalahin. Alin
ang angkop na salita upang mabuo ang pagsusuri sa pelikulang "Pitaka"?

A. gabigabi B. gabi-gabi

C. ginabi D. gagabihin

Sa wakas ng pelikula, ipinakita ang magkapatid na minamasdan ang pitaka. Alin ang angkop na salita upang mabuo ang
pagsusuri sa pelikulang "Pitaka"?

A. naging masayang B. masayang

C. sasayang D. sumayang

Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng kampanyang panlipunan?

I. Pumili ng isang napapanahong isyu na nais mong gawan ng isang social awareness campaign.

II. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong nais bigyang-pansin upang
magkaroon ng sapat at malawak na kaalaman hinggil dito.

III. Tukuyin kung sino ang mga grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa, makarinig o makapanood ng
kampanyang iyong gagawin.

IV. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng isang kampanya.

V. Alamin kung ano'ng pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng iyong kampanya.

A.I-II-III-V-IV B. I-III-II-IV-V

C. I-III-II-V-IV D. I-IV-II-V-III

Ang sumusunod ay mga pahayag at pag-alam sa saloobin ng iba na maaaring gamitin sa kampanyang lipunan MALIBAN
SA ISA.

A. "Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad."

B. "Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?"

C. "Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon."\

D. "Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon."
Huwag kang masyadong mabilis magpatakbo sapagkat lapitin sa disgrasya ang daanan na ito." Alin sa sumusunod na mga
komunikatibong pagpapahayag nabibilang ang diyalogo?

A. pag-aalinlangan

B. pagbibigay-babala

C. pagsalungat

D. panghihinayang

Si Nicole ay susulat ng isang kampanyang panlipunan tungkol sa isyung pinagdaraanan ng mga kabataan. Ang sumusunod
ay mga isyung pangkabataan MALIBAN SA ISA.

A. Adiksyon sa droga B. Maagang Pagbubuntis

C. Mental Health D. Pagkasira ng mundo

You might also like