Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"Lola Igna"

Tauhan:

 Lola Igna - Si lola Igna ay isang matandang babaeng matigas ang ulo at sabi na sabik mamatay, siya
ay 118 taong gulang.Masungit si lola Igna sa mga turistang pumupunta sa kanyang bahay. Siya ang
lola ni Tim, anak ng kanyang apo na si Ana.
 Tim - Siya ang anak ng apo ni Lola Igna na umalis at iniwan si lola igna. Siya ang apo ni lola igna sa
talampakan, nang magkakilala na ang dalawa, si Tim na ang nag alaga kay lola igna hanggang sa huli
ay magkasama na sila.

Reaksyon:

Ang pelikulang "lola Igna" ay isang pelikulang pilipino na pinagbibidahan nang aktres na su Angie
Ferro (lola Igna) at Yves Flores (Tim) sa direksyon ni Eduardo W. Roy Jr. Isang direktor ng cinema
independent film festival. Ito ay ay sumailalim sa produksyon ng Found Film at EMBA productions na
naging isang kalahok sa pista ng pelikulang pilipino noong setyembre 12-19 taong 2019. Si Lola Igna ay
isinali sa kompetesyon sa kanilang punong bayan para sa titulong "Oldest Living Grandmother in the
world".

Ang narandaman ki sa pelikulang ito ay malungkot dahil si lola Igna ay nag iisa lang sa kanyang
tirahan dahil patay na ang kanyang asawa na si Carias. Nakakatuwa si lola igna dahil kahit mag isa lang
siya ay nakakaya niya ang lahat at masaya pa rin siya. Natuwa ako noong pinuntahan na suya ng kanyang
apo sa talampakan na su tim sa bahay nita at hinid na siya mag iisa. Nakakaiyak lang dun sa parte ng
pelikula noong humingi ng tulong si lola igna sa kanyang na siya na ang gagawa ng kanyang kabaong lara
makahanda na sa oras na siya ay pumanaw. Kinabahan ako nung biglang nahimatay at kumatos si lola
igna kasi akala ko ay yun na ang magiging dahilan para sa kanyang pag panaw pero hindi pala. Masaya
ako dahil nagkapatawaran na ang dalawanf mag kapatid, at sa hindi inaasahan pag katapos ng masayang
araw ay biglang nanganak si Ana ng biglaan at si lola igna ang nag paanak ngunit si Ana ay binawian ng
buhay pagtapos niyang ilabas ang kanyang anak. Sina lola Igna at Tim na ang nag aalaga sa sanggo na
anak ni Ana.

Ang pelikulang ito at eksena nila Lola Igna (Ms. Angie Ferro) at Tim (Yves Flores). Napakaraming
kaligayahan sa pagitan ng dalawa, lalo na noong unang pagkakataon ni Tim na makilala ang kanyang lola.
Mula sa kanilang pagpapalitan ng mga saloobin hanggang sa pagtulong sa isa't isa, maaari tayong
matuto mula sa maliliit, espesyal na sandali ng kanilang buhay. Bawat aral na sinasabi ni Lola Igna kay
Tim ay parang aral din para saakin. Ang lahat ay tungkol sa kung paano ang buhay (at kung paano ang
kamatayan) ay nagiging isang mahalagang bahagi ng ating sarili. Binibigyan tayo ni Lola Igna ng
pagkakataon na balikan ang ating layunin sa buhay ang mismong dahilan ng ating pag-iral. Sinasabi nito
sa atin na ang buhay ay mahalaga at dapat nating ipagpasalamat ito araw-araw. Maaaring hindi natin
alam kung ano ang idudulot ng hinaharap ngunit mas mahalaga ang pamumuhay sa kasalukuyan.

You might also like