Ang tanikalang lagot ay patungkol sa isang dalaga na nagngangalang
Leona. Siya ay anak nina Tatay Dioniso at Nanay Jovencia. Ang kwento ay naglalarawan sa isang uri ng Bata na sumuway sa mga utos ng kaniyang mga magulang na nagdulot sa kaniya ng kapahamakan. Si Dionisio at Jovencia ay may tatlong anak.Si Leona bilang bunso, ay ang pinaka naaasahan nila sa kanilng negosyo rubber production sa Bulacan. Ibinili si Leona ng kanyang ama ng motorsiklo ng dahil dito bagamat tututol ang kanyang Ina. Isang araw,ginamit niya ang motorsiklo ay tumakbo ng matulin na nag resulta sa pagkaaksidente nito. Ibinenta ng kanyang Ina ang motor na ikinagalit ni Leona. Naglayas si Leona at lumuwas ng Maynila. Dito niya nakilala si Zosimo. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan sa dalawang batang Sina Bimbing at Dodong. Si Zosimo ay nagkasakit at tuluyang namatay dahil sa kahirapan sa pagtatrabaho. Si Leona ay nangulila at sakanyang pagdadalamhati ay isinama siya ni Rosa sa simbahan sa araw ng Linggo. Dito ay nakilala ni Leona muli ang panginoon at siya ay nagbalik-loob para sa kanyang mga anak.