Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Marvie B.

Patoc BEED 1-A


MAHAL PALA KITA

Itong storya ng magkakaibigan na si Jane at Arman. Si Arman ay isang napakabuti at maalaga na


kaibigan. Sila ay matagal nang magkaibigan. Si Jane ang laging nasa tabi ni Arman sa tuwing
may problema ang kababata.
Sa kanilang pagkakaibigan hindi alam ni Arman na lihim siyang iniibig nitong si Jane. Itinago ni
Jane ang hibang na damdamin kay Arman kahit na sa tuwing makikita niya na may babae itong
kasama ay nasasaktan sya. Ramdam ni Jane ang selos at sakit pero hindi niya ito ipinakita sa
kaibigan dahil ang mahalaga sa kanya ay ang mga pagkakataong lagi silang magkasama kahit
kaibigan lang talaga ang tingin ni Arman sa kanya.
Isang araw gustung makausap ni Arman sa mga magulang ng bago niyang nobya sa kadahilanan
na gusto na sila ipapakasal. At ito rin ang gusto ni Arman na makasama niya si Esperanza bilang
asawa niya. Hindi inikala ni Jane na siya pa ang kukunin nitong maid of honor sa kasal nila at
sabi pa ni Arman na bawal tumanggi dahil siya ang nag-iisang kaibigan nito. Walang magawa si
Jane kundi ang pumayag kahit na nadurog na sa sakit ang puso niya na ikakasal na ang kaibigan
at wala na siyang pag-asa. Sinabi niya sa kanyang sarili na kung magkakaroon man ng
pagkakataon na maging kanya ang kababata, she grabbed the opportunity kahit pa nga
nangangahulugan iyon ng habang-buhay na sakit sa kalooban.
Sobrang excited si Arman sa kasal nila nang bigla niyang nalaman na nagloko si Esperanza kaya
hindi natuloy ang planong kasalan nila. Ang ginawa ni Arman ay inalok niya ang kaibigan na
magpakasal sila. Hindi kumibo si Jane dahil hindi makapaniwala sa sinabi ni Arman. Pinag
isipan ni Jane ang sinabi ni Arman kahit na iniisip din niya na ginagawa lang siya nitong panakip
butas. Namahikan ang pamilya ni Arman sa pamamahay ni Jane at nakahanda na ang kanilang
kasal nang biglang sinabi ni Arman kay Jane na umatras sa kasal nila sa kadahilanang buntis ang
dating nobya na si Esperanza. Pero sa araw ng kasal nila hindi tinupad ni Jane ang gusto ni
Arman dahil sa nalaman ni Jane ang totoo na hindi si Arman ang tunay na ama sa dinadala ni
Esperanza. At ayaw ni Jane na tuluyang mabilog ang ulo ni Arman kay Esperanza kaya tinuloy
niya ang pagpapakasal na kahit alam niya na magagalit si Arman at hindi sila magiging masaya.
Hinayaan ni Jane si Arman na walang kibo at hindi rin sya kinakausap nito. Dumating din ang
panahon na nalaman ni Arman na hindi siya ang ama ng batang dinadala ni Esperanza. Mula
noon inayos niya ang pagsasama nila ng asawa niya hanggang si Jane naman ang bumitaw.
Nakipaghiwalay siya at umalis sa pad ni Arman ang hindi niya alam buntis na pala siya. At sa
huli pinili parin ni Arman na ayusin ang pagsasama at dahil hindi rin niya kaya na mawala si
Jane at sinabi niya rito na Mahal na Mahal niya.
Sa huli mananaig parin ang tunay na pagmamahal sa isat isa.
Ito ang isang bagay na maliit man pero napakalaki ng halaga sa buhay ko. Sampung buwan
ko pa itong kasama mula noong ibinigay ito nang taong mahal ko sa araw ng mga puso. Ang teddy
bear na ito ang saksi sa bawat pagpatak ng mga luha ko sa gabi tuwing may problema ako. Itoy
laging nasa tabi ko kayakap ko sa pagtulog bawat gabi.

Mahalaga sa akin ang teddy bear na ito kase mahalaga rin sa akin ang taong nagbigay nito.
Malaking parte nang buhay ko ito sa sampung buwan na kasama ko ito sa pagtulog bawat gabi. Ito
ang saksi sa lahat ng hinanakit ko sa buhay.

"Ang bagay ay parang mga tao, pinapahalagan at iniingatan. Pero bakit ganon nalang kadali
sa ibang tao na itapon at iwala nalang basta ang mga bagay na natanggap nila mula sa mga
mahahalagang tao sa buhay nila. Para sa akin mahalaga man yung tao o hindi dapat parin nating
pahalagahan ang mga bagay na binigay nila kase nagpapatunay iyan na mahalaga karin sa buhay nila
kaya binigyan ka niyan. At iyan din ang magsisilbing remembrance mo sa kanya".

You might also like