Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MGA DULOG PAMPANITIKAN: KILALANIN AT ALAMIN

Bumuo ng mga salitang maglalarawan o magpapaliwanag sa salitang panitikan. Angkupan


ang bawat titik ng pangungusap na tutugon sa hinihingi ng gawain.

P-ahiwatig
A-ngkop
N-aglalahad
I-mahinasyon
T-ula
I-sipan
K-wento
A-ralin
N-obela

Ibigay ang pagpapakahulugan mula sa pahayag na ito.

● Ang pahayag ay nagpapakita ng kahalagahan ng patalambuhay at kritisismo sa pag-unlad


ng sining ng manunulat. Ipinapakita nito na ang buhay ng manunulat, kasama na ang
kanyang mga paniniwala at pilosopiya, ang mga aklat na kanyang binabasa, at ang mga
tao na nagiging inspirasyon o gabay sa kanyang pagsulat, ay mahalagang mga salik na
nakaaapekto sa kalidad at kahulugan ng kanyang mga akda. Ang mga ito ay nagbibigay
ng konteksto at pananaw na nagtutulak sa manunulat na magpakitang-gilas at magambag
sa sining ng panitikan.

Kung ikaw ang susulat ng bayograpikal ng isang hinahangaang tao paano mo ito gagawin?
Ibalangkas mo ang hakbang na iyong gagawin.

1. Ipakilala ang pangalan at personal na impormasyon ng taong pinag uusapan.


2. Ikwento ang mga mahahalagang yugto ng buhay ng indibidwal, kabilang ang mga
pangarap, karanasan, at mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.
3. Detalyehin ang mga natamong tagumpay, ambag, at kontribusyon ng indibidwal sa
lipunan o sa kanyang larangan.
4. Magbigay ng maikling pagtatapos na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng buhay at
kontribusyon ng taong ito, at maaaring isama ang isang nakaaantig na paalala o pananaw.

Batay sa iyong pagkakaalama ano ang masasabi mo sa panahong namuno si Marcos?


Ibahagi mo ang iyong kaalaman.

Naging Kontribusyon Mga pangyayaring naging Implikasyon sa lipunan


tatak

Ayon sa aking kaalaman, ang Pagpapatupad ng Martial Naging implikasyon sa


mga kontribusyon na Law at pagkilos ng kilusang lipunan ang paglaganap ng
naibahagi ni Marcos noong demokratiko. Isa pa rito ay karahasan at paglabag sa
siya ay namumuno ay ang ang paglaganap ng karapatang pantao. Ang Batas
mga ginawa niyang batas na korapsyon. Militar ay nagdulot ng
umiiral ngayon at nagbibigay masaker, pagkawala, at
kapayapaan sa ibang pag-tortyur sa mga aktibista,
mamamayan. Isa pa rito ang kritiko, at iba pang kalaban
mga infrastruktura na itinayo ng pamahalaan.
niya at nagsisilbi parin sa
panahon ngayon.

Anong mga awiting makaluma na gustong gusto mong balikan at bakit?

● Maraming awitin ang aking binabalik-balikan katulad ng kanta ng bandang Bread at Air
Supply. Hilig ko ring pakinggan ang mga awitin ng bandang ABBA dahil lahat ng awitin
nila ay paborito ng aking mga magulang at lagi nila itong pinapakinggan tuwing umaga.
Ngunit ang isang kanta na tumatatak sa akin ay ang kanta ni Freddie Aguilar na may
pamagat na “Anak”, gustong gusto ko itong pinapakinggan dahil paborito ito ng aking
lolo na namayapa na. Hindi ko man maipaliwanag kung gaano ko kamahal ang awitin na
ito dahil sa kanya, basta ang alam ko masaya ako sa tuwing naririnig ko ang kantang ito
dahil bumabalik ang masasayang alaala naming dalawa.
Kaya mo kayang ipaliwanag ang tula na iyong inasa? Subukin mo.

● Para sa akin, ang tula ni Alejandro Abadilla na "Ako ang Daigdig" ay nagpapahayag ng
malalim na pagkamalikhain at pagtutol sa pang-aapi at kawalan ng katarungan sa lipunan.
Ipinapahayag niya sa unang taludtod na siya ay may dignidad o pagkatao na hindi
nagpapatalo sa hamon ng buhay. Isang pahayag ng pagmamalasakit sa dignidad at
karapatan ng bawat indibidwal. Ang tula ay nagbibigay-inspirasyon sa mga mambabasa
na manatiling matapang at matatag sa harap ng anumang pagsubok sa buhay.

Alam mo ba ang awiting Magdalena? Suriin at sabayan ang awit na ito.

Ano ang mensaheng dala ng awitin at larawan?

● Ang pangunahing mensahe ng awit ay tungkol sa pagbabagong-loob at pag-asa sa kabila


ng mga pagkakamaling nagawa sa nakaraan. Ipinapakita ng kwento ng Magdalena ang
kanyang paglalakbay mula sa kanyang mga pagkakasala tungo sa pagbabagong-buhay at
pagtanggap ng kapatawaran. Sa pamamagitan ng kwento ng Magdalena, ipinapakita ng
kanta na walang taong perpekto at lahat ay may pagkakataon na magbagong-buhay at
magsimulang muli. Ang pagmamahal at pagtanggap ay mahalagang tema sa awit, na
nagpapahayag ng kahalagahan ng pagbibigayan at pagkakaroon ng pang-unawa sa
kapwa. Konektado rin ito sa larawang ipinapakita. Sa kanyang paglalakbay patungi sa
pagbabago at magandang buhay, nariyan ang balakid na maaaring pumigil sa kanya at
magsilbing harang sa pagkamit niya ng bagong buhay.
Katotohanan kaysa kagandahan, yan ang ipinaglalaban ng dulog REALISMO. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan, ayon sa dulog na ito ay dapat na maging makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad.

Ngayon tukuyin mo ang mga prinsipyong nais ipabatid sa tao ng dulog na ito.

1. Walang hanggan ang pagbabago.


2. Katotohanan ang huling hantungan ninuman.
3. Pagtatapa ng iba’t-ibang mukha ng buhay.

Subukan mong lapatan ang bawat titik ng salitang nasa ibaba.

P-agkabahala
A-lerto
N-egatibo
D-istansya
E-pidemya
M-askara
Y-amot
A-pekto

Pag-usapan ito. Ano ang naging hatid ng pangyayaring ito sa buhay mo, pamilya,
ekonomiya, at komunidad?

● Ang nangyaring pandemya ay tumatak sa napakaraming tao. Nagbigay ng trauma,


kalungkutan, at pagkawalang pag-asa. Napakaraming epekto nito sa akin, isa na rito ay
ang pag i-iba ko ng aking lifestyle. Sa tinagal ng pandemyang nangyari, maraming bagay
ay sigurado akong nagbago sa akin. May mga bagay ako na hindi ko na nagagawa
ngayon dahil sa pangyayari, ngunit may mga bagay din naman na nagagawa ko na nang
dahil sa pandemya. Malaki ang naging epekto nito sa aking pamilya, dahil dito naging
mahirap para sa kanila ang pag budget dahil isinara panandalian ang kanilang
pinagtatrabahuhan. Hindi naging madali para sa lahat ang buhay dahil sa pangyayaring
ito, marami ang bumagsak na business dahil dito. Gayunpaman, marami ring aral ang
natutunan dahil sa lahat ng mga negatibong nangyari, hindi sumuko ang mga tao sa
paglaban at pagtaguyod sa komunidad. Ipinamalas ng karamihan ang kanilang tapang sa
pamamagitan ng pag seserbisyo sa kabila ng pandemyang nagaganap.
Ilista ang mga pangunahing ahensya na umalalay sa mga tao, mga bagay na mahalaga at
naging popular sa pangyayaring ito.

Ahensya Bagay na mahahalaga

DSWD Mask

DENR Alcohol

DPWH Tissue

DepEd Face shield

DOH Gloves

MMDA PPE

Ipaliwanag ang pagkakaugnay ng bawat isa ng grapikong nasa itaas.

● Ang mga nabanggit na mga salita, panitikan, relihiyon, kasaysayan, pilosopiya, agham,
sining, at sikolohiya ay may malalim na ugnayan at naglalarawan ng iba't ibang aspeto
ng karanasan ng tao at ng lipunan. Ang panitikan ay nagpapahayag ng kultura,
paniniwala, at karanasan ng tao sa pamamagitan ng wika at pag-arte. Ang relihiyon ay
nagbibigay ng mga paniniwala at ritwal na nagpapahayag ng espiritwalidad at moralidad
ng isang komunidad. Ang kasaysayan ay nagtutugma ng nakaraan, kasalukuyan, at
hinaharap ng isang lipunan, nagbibigay ng konteksto sa kasalukuyang kalagayan. Ang
pilosopiya ay nagtatanong sa mga malalim na katanungan sa buhay at pag-iral,
nagbibigay ng mga konsepto at teorya sa kahulugan at layunin ng buhay. Ang agham ay
naglalaman ng mga pagsusuri at kaalaman sa kalikasan at mundo, nagtutugma ng mga
empirikal na katotohanan. Ang sining ay nagpapahayag ng emosyon, karanasan, at
kagandahan sa pamamagitan ng mga anyo ng ekspresyon tulad ng musika, pintura, at
teatro. Ang sikolohiya ay nag-aaral sa kaisipan at pag-uugali ng tao, nagbibigay-linaw sa
mga motibasyon at damdamin sa likas na pag-uugali.

You might also like