Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

Luna Street, La Paz, Iloilo City


(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Republic of the Philippines


Department of Education
Division of Iloilo
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna, Street, La Paz, Iloilo City
Junior High School

Grade 8

ARALING PANLIPUNAN LEARNING MODULE

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
MGA SULIRANIN AT HAMON TUNGO SA PANDAIGDIGANG
KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA, PAGTUTULUNGAN AT
KAUNLARAN
FOURTH QUARTER
SY 2023-2024

Development Team of Learning Module in Araling Panlipunan 8

Writers: Jacqueline Ann A. Bormelado


Ma. Nicia A. Galagate
Diwani S. Madrona

Editor: Anna Mechel L. Mendoza


Master Teacher I
Dolores G. Martirez
Master Teacher I

Content & Language Evaluator: Victoriano A. Estavillo Jr.


Head Teacher III

Validator: Dr. Sherry H. Tampani


Assistant Principal II for Academics, JHS

Implementer: Delorah Cecilia L. Fantillo


Principal IV, INHS

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 1
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Paunawa:
Ang Self-Learning Kit (SLK) para sa Ikatlong Markahan ay binubuo ng mga learning
materials mula sa kolaborasyon ng mga guro ng Iloilo National High School-Araling
Panlipunan 8 at mga Gawaing Pagkatuto ng DepEd Regional Office VI.

Quarter 4 - Week 1

Pagkatapos ng sesyon, ako bilang isang mag-aaral ay inaasahang:


AP8AKD-IVa-1 - Nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangyayaring naganap at
bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Konsepto/Mga Ideya:

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o Unang Pandaigdigang Digmaan ay isang


malawakang digmaang pandaigdig na naganap noong mga taong 1914 hanggang 1918.
Sangkot sa digmaan ang mga nangungunang bansa ng mundo na noo'y nabibilang sa
dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa at Puwersang Sentral.

Ang mga sanhi ng Pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig


Nasyonalismo- Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng
mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at
naging panatikong pagmamahal sa bansa; Imperyalismo- Isa itong paraan ng pag-
aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapanyarihan at pag-unlad ng
mga bansang Europe. Ang pag-uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop
ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at
Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa; Militarismo- Upang
mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang
mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang
pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga
bansa; Pagbuo ng mga Alyansa- Dahil sa inggitan, paghihinalaan, at lihim na
pangamba ng mga bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungant na alyansa ang
nabuo- ang Triple Entente at ang Triple Alliance.

Ang Pataksil na Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand


Ang nagpasiklab sa tinawag na Powder Keg sa Balkan at humantong sa digmaan
ay naganap noong Hunyo 28, 1914 nang pataksil na patayin ni Gavrilo Princip, isang
estudyanteng Bosnian Serb at miyembro ng Young Bosnia, ang tagapagmana ng trono sa
Austria. Nang petsang ito, si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawa ay
dumalaw sa Sarajevo, kabisera ng Bosnia at Herzegovin, sa isang misyong
pangkapayapaan.

Ang Nagkatunggaliang Panig


Ang Germany, Austria-Hungary, Bulgaria, at Imperyong Ottoman, ay nakilalang
Sentral Powers, samantala ang Great Britain, Russia, France, at iba pang bansa umanib
dito ay tinawag na Allied Powers o Allies. Sa kainitan ng 1914, sumiklab ang Unang
Digmaang Pandaigdig na kinasasangkutan ng dalawampu’t pitong bansa kabilang na ang
United States.

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 2
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Mga Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig


Ang Digmaan sa Kanluran- Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang
Digmaang Pandaigdig. Ang bahaging nasakop ng digmaan ay mula sa hilagang Belhika
hanggang sa hangganan ng Switzerland; Ang Digmaan sa Silangan- Lumusob ang
Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar
Nicholas II. Ngunit nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Russia sa
Digmaan ng Tannenberg. Nagtagumpay ang hukbong Russia sa Galicia. Ngunit hindi
nagtagal ang tagumpay nila. Ang Digmaan sa Balkan- Lumusob ang Austria at tinalo
ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo,
sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1915; Ang Digmaan sa Karagatan- Sa
unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at
Great Britain. Naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat
(Seven Seas) ang lakas pandagat ng Great Britain.

Ang Pagpanig ng United States sa Allies


Sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914, ay isang neutral na
bansa ang United States. Sinundan ng mga Amerikano ang takbo ng digmaan ng may
interest ngunit pinanatili ang neutralidad sa paninindigang ang digmaan ay nagaganap
lamang sa Europe at hindi kasangkot ang United States. Gayunpaman, naapektuhan din
ng digmaan ang United States dahil bilang isang malakas at neutral na industriyalisadong
bansa, naging tagatustos ito ng pagkain, mga hilaw na materyales, at mga armas. Iginiit
ng Pamahalaang Amerikano ang karapatan ng mamamayan nito. Gayundin ng mga
negosyante na makipagkalakalan sa magkabilang kampo.
Noong Pebrero 1, 1917, ipinahayag ng Pamahalaang Germany ang pag-atake ng
mga submarine nito sa mga Bapor, neutral man o hindi, sa mga katubigan sa Great
Britain, France, at Italy. Dahil dito, pinutol ng United States ang anumang diplomatikong
pakikipag-ugnayan nito sa Germany. Noong Enero, 1917, ang Ministro ng Ugnayang
Panlabas ng Germany na si Alfred Zimmermann ay nagpadala ng lihim na telegram sa
Embahador ng Germany sa Mexico na nag-uutos na hikayatin ang Mexico na pumanig sa
digmaan.

Ang Pagwawakas ng Digmaan


Ang patuloy na pananalakay ng mga German noong 1918 ay tumagal hanggang sa
kalagitnaan ng Hulyo. Narrating nila ang Ilog Marne, 37 milya mula sa Paris noong Mayo. Subalit sa
panahong ito, mahigit sa 250, 000 Amerikano ng American Expeditionary Forces sa ilalim ni
Heneral John J. Pershing, ang itinalaga sa France. Sa magkasanib na pwersa ng Hukbong
Amerikano at mga kaanib na mga bansa, sa pangunguna ng Heneral na French na si Ferdinand
Foch, napigil ang pananalakay ng mga German sa Chateau-Therry sa may Ilog Marne noong
Hunyo, 1918. Sinundan ito ng ganting salakay noong Hulyo, ang huli ay noong Setyembre sa St.
Mihiel at sa Argonne Forest.
Ang mga alyansa ng Germany ay mabilis na bumagsak bunga ng pagkatalo sa Ilog Marne. Sumuko
ang Bulgaria sa Allies noong Setyembre 30, 1918 at makalipas ang isang buwan ay umurong ang
Turkey. Sumunod na sumuko ang Austria-Hungary noong Nobyembre 3, 1918. Unti-unting humina
ang posisyon ng Germany at sa mga unang araw ng Nobyembre ay sumiklab ang rebelyon sa
Germany na nagtulak kay William II na bumaba sa trono at lumikas sa The Netherlands. Itinatag
ang bagong Pamahalaang Republika ng Germany na lumagda sa kasunduan ng pansamantalang
kapayapaan na binuo ni Marshal Foch. Nilagdaan ang kasunduang noong Nobyembre 11, 1918 sa
naganap na ika-11 ng umaga sa Compiegne Forest sa hilagang France. Winakasan ng kasunduan
sa pansamantalang pangkapayapaan ang Unang Digmaang Pandaigdig. Humarap ang Allies sa
mabigat na gawain ng pagababagong tatag ng kapayapaang winasak ng digmaan.

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 3
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Mga Naging Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig


Tinatayang umabot sa 8 500 000 katao ang namatay sa labanan. Nasa 22 000 000 naman ang
tinatayang nasugatan. Samantalang 18 000 000 ang sibilyang namatay sa gutom, sakit, at
paghihirap. Napakamaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka, at
iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa 200
bilyong dolyar.Sadyang nabagp ang mapa ng Europe dahil sa digmaan. Nag-iba rin ang
kalagayang pampolitika sa buong daigdig.

Para sa karagdagang impormasyon panoorin ang Grade 8 Araling Panlipunan sa iyong TV


(DepEd TV) o Youtube:
https://youtu.be/VnTAXGeTUtI
https://youtu.be/UAhVnhA1LXU
Reference: lrmds.deped.gov.ph; Kasaysayan ng Daigdig Modyul; Proect EASE Araling Panlipunan, Araling
Pandaigdig

GAWAIN 1:
SAAN KAYA NAPABILANG?
Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Suriin kung anong sanhi ng Unang
Digmaang Pandaigdig napabilang ang mga ito. Nasa loob ng kahon ang pagpipiliang
sagot. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel. (10 Puntos)

A. ALYANSA B. MILITARISMO C. NASYONALISMO D. IMPERYALISMO

___ 1. Ang pagtanggi ng Alemanya sa pagkakaroon ng kolonya ng Pransya sa


kaharian
ng mga Muslim.
___ 2. Ang pagbawi sa mga nawalang teritoryo.
___ 3. Ang pangamba ng mga bansa dahil sa paglakas ng ekonomiya ng Alemanya.
___ 4. Ang pagtaas ng mga gastusin ng sandatahan ng isang bansa.
___ 5. Ang paglagda sa Entente Cordiale.
___ 6. Ang agawan sa kolonya ng Pransya at Alemanya.
___ 7. Ang paniniwalang Pan-Slavism ng mga Ruso.
___ 8. Ang winika ni Friedrich von Bernhardi “na ang digmaan ay isang pangunahing
pangangailangan.”
___ 9. Ang pagsasama ng Austria- Hungary at Italya.
___ 10. Ang pagpapalakas sa hukbong pandagat ng mga bansa.

IPALIWANAG MO!
Panuto: Sagutin ng komprehensibo ang mga katanungan sa ibaba. Ilagay ang
sagot sa sagutang papel. (20 puntos)

1. Bakit malakas ang posibilidad na magkakaroon ng digmaan sa simula pa lamang


ng ika-20 siglo?
2. Ano ang mga mahahalagang pangyayari ang naganap sa Unang Digmaang
Pandaigdig? Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng Timeline o Concept Map sa
ibaba.

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 4
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Quarter 4 - Week 2

Pagkatapos ng sesyon, ako bilang isang mag-aaral ay inaasahang:


AP8AKD-IVa-1 - Nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangyayaring naganap at
bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.

GAWAIN 2:
BUUIN MO ANG KONSEPTO!
Panuto: Punan ng wastong mga TITIK ang bawat kahon upang mabuo ang mga
konsepto. Makikita ang mga clue o paglalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot
sa sagutang papel. (5 puntos)

1. Bansang kaalyado ng France at Russia


G T B T N

2. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig


E E F A O

3. Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig


R P

4. Pagkakampihan ng mga bansa


A Y A

5. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa


I P Y L O

“CAUSE & EFFECT”


Panuto: Sa sagutang papel, kopyahain at punan ng tamang sagot ang Cause-Effect
Chart. Bakit naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig? Ano ang naging epekto nito
sa sandaigdigan? (15 puntos)

SANHI NG UNANG DIGMAANG MGA


PANDAIGDIG EPEKTO

DAGLIAN PANGMATAGALAN
(Immediate (Underlying Causes)
Cause)

REPLEKSYON
Panuto: Sagutan ang katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong repleksyon hinggil dito
sa pamamagitan ng paggawa ng tula o sanaysay. Gawin ito sa sagutang papel.
(10 puntos)

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 5
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Bilang isang mag-aaral nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa digmaan matapos
malaman ang naging epekto nito sa buhay at ari-arian ng mga tao?

Rubrics sa Pagmamarka:
10 7 5
Nilalaman Nilalaman ay may Iilan sa mga nilalaman Iilan sa mga
kaugnayan sa paksa ay may kaugnayan sa nilalaman ay walang
na may sapat na pag paksa na may kaugnayan sa paksa
unawa. sumusuportang detalya at may limitadong
sa pag unawa. pag-unawa.
Paglalahad Tamang paggamit ng Kasiya siyang paggamit Mahinang paggamit
wika. ng wika. ng wika.
Istraktura Tamang Pagkakasunod sunod Ang mga kaisipan ay
pagkakasunod-sunod napaglalahad ng masyadong kalat.
na paglalahad ng kaisipan,organisadong
kaisipan at paraa ng pagbuo .
organisado.

Quarter 4 - Week 3

Pagkatapos ng sesyon, ako bilang isang mag-aaral ay inaasahang:


AP8AKD-IVb-2 - Nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangyayaring naganap at
bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Konsepto/Mga Ideya:

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Pag-agaw ng Japan sa Manchuria- Noong 1931, inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria.
Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan dahil mali ang ginawa nito. Kasunod nito ang
pagtiwalag ng Japan sa Liga ng mga Bansa.
Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa-Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga
noong 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag-alis at pagbawal ng Liga sa pagsasandata ng
Germany ay isang paraan ng pag aalis ng karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag,
pinasimulan ni Adolf Hitler, lider ng Nazi ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa.
Layon ni Hitler na labagin ang Kasunduan sa Versailles na naglalagay sa Germany sa kahiya-
hiyang Kondisyon.
Pagsakop ng Italya sa Ethiopia- Sa pamumuo ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang
Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga ( Covenant of the
League).
Digmaang Sibil sa Spain-Nagsimula ang Digmaang Sibil noong 1936 sa pagitan ng Dalawang
Panig. Ang dalawang panig ay: Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army. Nanalo
ang mga Nasyonalista. Marami ang nadamay dahil sa pakikialam ng ibang bansa.
Pagsasanib ng Austria at Germany- Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang
kanilang bansa sa Germany. Sumalungat ang mga bansang kasapi ng Allied Powers (Pransya,
Gran Britanya, Estados Unidos). Tumutol si Mussolini sa unyon kaya nawalan ng bisa ito noong
1938. Ito ang kinalabasan ng kasunduan ng Italya at Germany na Rome-Berlin Axis.
Paglusob sa Czechoslovakia- Noong 1938, Hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na
pagsisikapan na matamo ang kanilang Autonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si hitler na
magdaos ng pagpupulong. ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga
natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta rin sa Germany.
Paglusob ng Germany sa Poland- Pagpasok ng mga Alean sa Poland noong 1939.

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 6
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

. Simula ng Digmaan
Ang
Nilusob ni Hitler ang Poland noong Setyembre 1, 1939 dahil sa matinding hangarinng mga
Nazi na mapanumbalik nito ang dating kapangyarihan ng mga German. Bakas pa rin sa kanila ang
matinding kirot ng iniwang kabiguan ng Unang Digmaan Pandaigdig na gusto nilang
mapagtagumpayan. Ang ganitong pangyayari ang nagbunsod sa pagdedeklara ng England at
France ng pakikidigma laban sa Germany sapagkat nais ng mga nabanggit na bansa na
pangalagaan ang Poland. Maraming mga bansa sa Europe ang nasakop ng Germany. Marami ring
mga barkong pandigma ang pinalubog ng mga U-Boat o submarine ng nabanggit na bansa. Sa
Asya, nakitaan ng paghangad sa paghangad sa mga karatig bansa ang Japan. Ang ginawa nitong
pagsalakay sa China ay walang pasumbaling tinuligsa ng United States na ikinainis naman ng Japan
at naging dahilan ng pagbomba nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941

Ang naturang pangyayari ay pansamantalang nakapagparalisa sa pwersang pandagat ng


United States sa Pacific. Nagdeklara ng pakikidigma ang kongreso ng United States laban sa Japan
noong Disyembre 8, 1941. Samantalang ang Italy at ang Germany naman ay nagdeklara rin laban
sa United States. Kasunod nito ay ang pagdeklara ng pakikidigma ng United States laban sa
Puwersang Axis.
Ang magkasalungat na mga pangkat noon ay ang Puwersang Axis na binubuo ng Germany, Italy,
at Japan laban sa Puwersang Allied na kinabibilangan ng England, France, at United States.

Ang Digmaan sa Pacific


Naglunsad ang Japan pakikidigma laban sa China noong 1937. Dumagsa ang tropang
Japan sa Hilagang-Silangang China at kumalat sa Timog at Kanluran. Nanlaban ang China subalit
mahina ang kanilang hukbo at hindi nito napigilan ang pagpasok ng Japan.
Noong Disyembre 7, 1941, binomba ng mga Japanese ang Pearl Harbor sa Hawaii na wala
man lamang babala. Maraming barkong pandigma ng mga Amerikano ang lumubog at napinsala.
188 eroplano ang nasira at 261 ang napinsala. Bunga nito, kinumbinsi ni Presidente Roosevelt ang
Kongreso ng United States na magdeklara ng digmaan. Bilang katugunan, nagpahayag ang
kongreso ng deklarasyon ng pakikidigma
laban sa Japan noong Disyembre 8, 1941 at sa Germany at Italy, mga bansang kakampi ng Japan.

Ang Pagsalakay ng Puwersang Allied sa Europe


Iginiit ni Stalin sa Great Britain at United States na atakihin ang Puwersang Axis sa
pangalawang prontera sa Europe upang mabawasan ang presyon sa Soviet Union. Nais ni Stalin
na salakayin ang France mula sa Great Britain, ngunit ang ibang pinuno ng mga alyadong bansa ay
nagdesisyon tirahin muna ang Italy dahil itinuturing nila itong mahina ang puwersa.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malalaking pagbabago sa


kasaysayan ng daigdig:
Malaki ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian.Tinatayang halos 60 bansa ang
naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya,
transportasyon, at pananalapi mg maraming bansa. Bumagsak ang pamaalaang totalitaryang Nazi
ni Hilter, Facismo ni Mussolini at Imperyong Japan ni Hirohito. Napagtibay ang simulating command
responsibility para sa pag kakasalang nagawa ng mga opisiyal ng bayan ay mga pinunong military.
Naging daan ito ng pag silang ng malalayang bansa ang East Germany, West Germany,
nasyonalistang China, Pulahang China, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan,
Israel, Iran, Iraq, at iba pa.
Para sa karagdagang impormasyon panoorin ang Grade 8 Araling Panlipunan sa iyong TV (DepEd
TV) o Youtube:

https://youtu.be/U_KWLHpn8_0
https://youtu.be/IidRyQ2fQIk

Reference: lrmds.deped.gov.ph; Kasaysayan ng Daigdig Modyul; Proect EASE Araling Panlipunan

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 7
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

GAWAIN 3:

I-CONNECT:
Panuto: Sa sagutang papel,
kopyahin ang ilustrasyon sa ibaba,
CONNECTION DIAGRAM at sagutan
ang katanungan, ano-ano ang pitong
dahilan na nagbunsod sa pagsiklab ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
iba’t-ibang panig ng mundo? Gumawa
din ng buod ng mga pangyayari.
(15 puntos)

Buod ng Pangyayari:

LIHAM NG PASASALAMAT:
Panuto: Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa mga bayani na nagbuwis ng
kanilang buhay sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gamitin ang limang
bahagi ng liham (Pamuhatan, Bating Panimula, Katawan ng Liham, Bating
Pangwakas, at Lagda). Gawin ito sa sagutang papel. (20 puntos)

Kriterya sa Pagmamarka ng Liham


Puntos
Nilalaman/Kaangkupan sa Paksa 10

Paglalahad/Organisasyon ng Ideya 10

Kabuuan 20

Quarter 4 - Week 4

Pagkatapos ng sesyon, ako bilang isang mag-aaral ay inaasahang:


AP8AKD-IVb-2 - Nasusuri ang mga dahilan, mahalagang pangyayaring naganap at
bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

PAGSUSURI NG MAPA

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 8
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Panuto: Suriin ang mapa ng Europa at sagutan ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (15 puntos)
1. Batay sa mapa, ano-ano ang mga bansang kasapi ng Allied Powers? Axis Powers?
2. Ano sa palagay mo ang kinalaman ng lokasyon ng bansa sa kanilang pag-
aalyansa?
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na sumanib sa nasabing mga alyansa, alin ang
iyong pipiliin, Allied Powers or Axis Powers? Bakit?

IPAKITA ANG EPEKTO


Panuto: Sa pamamagitan ng poster making o paggawa ng slogan, ipakita ang
epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gawin ito sa isang malinis na short size
bondpaper.

Pamantayan sa Paggawa ng Poster at Slogan

Pamanatayan Indikator Puntos

Nilalaman Naipapakita at naipapaliwanag nang maayos ang 10


ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster/
slogan
Kaangkupan ng Malinawanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng 5
konsepto konsepto
Pagkamapanlika Original ang ideya sa paggawa ng poster/slogan 5
(Originality)

REPLEKSYON
Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay Pangulo ng Pilipinas sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ano kaya ang nakabubuti mong gawin upang makaahon sa
pagkalugmok ang ating bansa pagkatapos ng digmaan sa larangan ng ekonomiya,
pulitika at pakikipag-ugnayang internasyunal? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
(15 puntos)

Ekonomiya: _________ Pulitika: _________ Ugnayang Internasyunal: _________

Quarter 4 - Week 5

Pagkatapos ng sesyon, ako bilang isang mag-aaral ay inaasahang:


MELC AP 8AKD/IVh- 8

Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at


kaunlaran.

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 9
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 10
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

GAWAIN 1: Panuto: Isulat sa mga kahon na nasa paligid ang layunin


ng United Nations, gayundin ang mabubuting naidulot ng
organisasyon.

UNITED
NATIONS

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 11
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Quarter 4 - Week 6

Pagkatapos ng sesyon, ako bilang isang mag-aaral ay inaasahang:


AP8AKDIVi-9 - Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng
estabilisadong institusyon ng lipunan.

Konsepto/Mga Ideya:
MGA IDEOLOHIYA

Ideolohiya- isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong


magpapaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito sa
salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

Destutt de Tracy- nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan


ng agham ng mga kaisipan at ideya.

Iba’t-ibang Kategorya ng Ideolohiya


1. Ideolohiyang Pangkabuhayan - Ang kategoryang ito ay nakapokus sa mga
patakaran na magpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa. Sa ideolohiyang
pangkabuhayan, tinatalakay din ang wastong pagbabahagi ng mga kayamanan sa
mga mamamayan. Nakapaloob sa talakayang ito ang karapatan ng mga
mamamayan na makapagtayo ng negosyo, mamasukan, makapagbuo ng
samahan, at ang karapatan ng mga manggagawa na magreklamo sa mga
kapitalista.

2. Ideolohiyang Pampulitika - Nakasentro naman ang ideolohiyang pampulitika


sa pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan. Tinatalakay dito ang mga
pamamaraan na dapat gawin ng mga namumuno, at ang pakikilahok ng mga
nasasakupan sa mga desisyon ng mga nakatataas. Binibigyang diin ng sa
ideolohiya na ito ang karapatan ng mga mamamayan na magsalita laban sa mga
anomalyang nagaganap sa gobyerno.

3. Ideolohiyang Panlipunan - Tumutukoy naman ito sa karapatan ng mga


mamamayan na maging pantay-pantay sa mata ng batas at iba pang aspeto ng
pamumuhay.
Iba’t- Ibang Ideolohiya
1. Kapitalismo – Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan
ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan
sa mga patakarang pangkabuhayan.

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 12
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

2. Demokrasya – Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa


demokrasya, maaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran. Ito ay
tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mga mamamayan ang
gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang tao sa pamamagitan ng
halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o pamahalaan sa
pangalan nila. Tinatawag ang pamahalaang ito na representative o kinatawang
demokrasya. Maaari rin namang di-tuwiran ang demokrasya kung ang ibinoboto ng
mamamayan ay mga kinatawan nila sa pamahalaan na siya namang pipili ng mga pinuno
sa pamahalaan. Mayroon ding uri ng demokrasya na nagiging diktadura. Ito ay
nagaganap kapag ang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang
mangamkam ng kapangyarihan at isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang
diktador ay namumuno batay sa kaniyang sariling kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng
mga tao.
3. Awtoritaryanismo - Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay
may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang
namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang Islam. May napakalawak na
kapangyarihan na sinusunod ng mga mamamayan ang namumuno. Mayroon ding
tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan ang kapangyarihan ng
namumuno ay itinakda ng Saligang-Batas. Ito ang tawag ng dating Pangulong Marcos sa
kaniyang pamamahala sa ilalim ng Batas Militar noong 1972 hanggang sa mapatalsik siya
noong Pebrero 1986.
4. Totalitaryanismo - Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng
isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan
may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito. Limitado ang
karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita at pagtutol sa
pamahalaan. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din
ng isang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain,
kayamanan ng bansa, at mga industriya. Halimbawa nito ang pamahalaan ni Hitler sa
Germany at ni Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
GAWAIN 6: Isang uri ng pamahalaang totalitaryan ang sistemang diktatoryal. Unang
ginamit ang sistemang ito noong sinaunang panahon tuwing may mga kagipitan o
labanan at may pangangailangang magtakda ng isang punong militar na may
kapangyarihang diktatoryal.
5. Sosyalismo. - Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung
saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao.Ang
grupong ito ang nagtatakda sa pagmamay ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at
mekanismo ng produksiyon.Hangad ng sosyalismo ng perpektong na lipunan sa
pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksiyon ng bansa. Halimbawa ng
ganitong pamahalaan ang namayani sa Tsina at ang dating Unyong Sobyet, kung saan
ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan.
Para sa karagdagang impormasyon panoorin ang Grade 8 Araling Panlipunan sa iyong
TV (DepEd TV) o Youtube:
https://youtu.be/bgnBfCr0f-A

Halaw sa PROJECT EASE MODULE 18- pg. 13 . Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al,
338-343.

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 13
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

PICTO-ANALYSIS
Panuto: Pag-aralan at suriin ang mga larawan sa ibaba at sugutan ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (20 puntos)

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nais iparating ng mga larawan sa iyo?

2. Ano ang sinisimbolo ng bawat larawan? Ipaliwanag ang bawat isa.

* Kalapati
________________________________________________________

* Rehas o Bilangguan
______________________________________________

3. Bilang isang Pilipino, paano mo mailalarawan ang salitang kalayaan?

SPIDER WEB
Panuto: Sa sagutang papel, kopyahin
ang Spider Web at ilagay sa bawat kahon
nito ang pakahulugan sa salitang ideolohiya.
Sagutan din ang kasunod na tanong.
(20 puntos)

Bakit napakahalaga para sa isang bansa ang


magkaroon ng isang ideolohiya? Pangatwiranan.

TSART NG PANGATWIRAN
Panuto: Ang kaisipang Demokrasya at Komunismo ay ilan lamang sa mga
ideolohiya na sinusunod ng mga bansa sa mundo. Tukuyin ang mga katangian ng
bawat isa gamit ang talahanayan. Sagutan din ang tanong sa ibaba. at sagutin ang
Isulat ang sagot sa sagutang papel. Itala sa talahanayan sa ibaba ang mga
katangian ng demokrasya at komunismo. (15 Puntos)

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 14
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

DEMOKRASYA KOMUNISMO

Pamprosesong Tanong:
Alin sa dalawang ideolohiya ang dapat mong paniwalaan at itaguyod? Bakit?

Quarter 4 - Week 7

Pagkatapos ng sesyon, ako bilang isang mag-aaral ay inaasahang:


AP8AKD-IVi-10 - Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng Cold War at ng
Neokolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Konsepto/Mga Ideya:
ANG IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO

* Ang tagumpay ng isang ideolohiya ay nasa mamamayan.

* Ang ideolohiya ay impluwensya ng kultura, kasaysayan, pangangailangan at mithiin ng


mga bansa. Ang Diktadurya ay isang anyo ng pamamahala na kung saan ang tao o isang
pangkat ang may kontrol at namumuno sa bansa.

*May dalawang anyo ng Demokrasya: Tuwiran at Di- tuwiran

*Nagsimula ang Cold War dahil sa magkatunggaling ideolohiya ng Unyong Sobyet at ng


Estados Unidos.
*Tinawag ni Winston Churchill ang mga bansang makakomunista na “Iron Curtain”.

*Nabuo ang NATO at Warsaw Pact sa panahon na umiral ang Cold War.

* Nagpagalingan at nagpahusayan ang Estados Unidos at Unyong Sobyet sa panahon ng


Cold War na tinawag na arms race.

*Nagwakas ang Cold War dulot ng pagbagsak ng ekonomiya at Unyong Sobyet.

*Ang Neokolonyalismo ay bagong paraan ng pananakop.

*Kinakasangkapan ng mga makapangyarihan at mayayamang bansa ang kalakalan at


politika upang makapanakop.

*Lumaganap ang colonial mentality dulot ng neokolonyalismo.

fb-mng-jab-dm-rl-6/24/2023 Page 15
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

* Overdependence o Labis na Pagpapakandili - malinaw na umaasa nang labis ang


mahihirap na bansa sa mayayamang bansa lalong- lalo na sa may kaugnayan sa Estados
Unidos.

*Loss of Identity o Kawalam ng Pagkakakilanlan - ang isipan na “mabuti at


magaling ang lahat ng bagay na nagmula sa Kanluran” ay nahubog sa mga tao.

*Continued Enslavesment o Patuloy na Pagkaalipin - kontrolado ng mayayamang


bansa ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga maliliit at mahihirap na bansa.

Para sa karagdagang impormasyon panoorin ang Grade 8 Araling Panlipunan sa


iyong TV (DepEd TV) o Youtube:
https://youtu.be/IPNPfwAK3tY

References: lrmds.deped.gov.ph;Kasaysayan ng Daigdig Modyul; Project EASE Araling Panlipunan

GAWAIN 7:

BILI TAYO!
Panuto: Isa sa naging epekto ng neokolonyalismo ay ang colonial mentality o pagkahilig
sa mga imported na produkto kaysa sa produktong lokal.

Nasa ibaba ang produktong tinda ni Aling Anita. Suriin ang mga ito at sagutan ang
kasunod na mga katanungan. Ilagay ang sagot sa sagutang papel. (20 puntos)

Pizza Pie Bibingka CD ng OPM CD ni M. Spaghetti


Jackson

Hotdog Marikina Filipiniana Maong Hamburger


Shoes Dress Shorts

Pamprosesong Tanong
1. Alin sa mga paninda ni Aling Anita ang iyong bibilhin? Pumili ng lima (5) sa mga ito.
Ipaliwanag din kung bakit ang mga ito ang iyong napili.
2. Dapat bang pahalagahan ang mga produktong imported kaysa lokal? Bakit?
3. Paano nakakatulong sa bansa ang pagtangkilik sa mga “gawang Pinoy”?

fb-mng-jab-dm- 6/23/2020 Page 16


ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

MABUTI O DI-MABUTI
Panuto: Sa sagutang papel, kopyahin ang talahanayan at magtala ng dalawang (2)
mabuti at di-mabuting epekto ng COLD WAR pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Sagutan din ang katanungan. (15 puntos)

EPEKTO NG COLD WAR

Mabuting Epekto Di- mabuting Epekto

Pamprosesong Tanong:
Sa iyong palagay, kung magkakaroon ng cold war sa ating bansa, ano ang mabuti at
masamang dulot nito sa ating lipunan?

ISAISIP AT IGUHIT
Panuto: Nasa ibaba ay ilan lamang sa mga epekto ng Neokolonyalismo. Pumili lamang ng
isa at iguhit ito ayon sa iyong pagkakaintindi. (30 puntos)

 Loss of Identity o Kawalam ng Pagkakakilanlan


 Overdependence o Labis na Pagpapakandili
 Continued Enslavesment o Patuloy na Pagkaalipin
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamanatayan Indikator Puntos

Nilalaman Naipapakita at naipapaliwanag nang maayos ang 10


ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster
Kaangkupan ng Malinawanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng 5
konsepto konsepto
Pagkamapanlika Original ang ideya sa paggawa ng poster/slogan 5
(Originality)

Ikaapat na Markahang Pangkalahatang Awtput

Araling Panlipunan: Nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad


at bansa na nagsusulong ng rehiyunal at pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

G (GOAL):
Mula sa mga natutuhan tungkol sa United Nations bumuo ng isa collage na nagpapakita
ng pandaigdigang kapayapaan, pagtutulungan at kaunlaran.

R (ROLE): Ikaw ay isang mag-aaral na sumusulong ng kapayapaan, pagtutulungan at


kaunlaran sa isang komunidad
A (AUDIENCE): Lahat ng mga mamayang Pilipino.
fb-mng-jab-dm- 6/23/2020 Page 17
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

S (SITUATION): Heto na ang pinakahihintay mong sandali maipakita mo ang pagkakaisa at


pagtutulungan sa iyong komunidad.Magsasagawa ka ng isang photo collage tungkol sa mga
pangyayari sa kasalukuyan, nagpapakita ng makatotohanang sitwasyon at mga programa na o
proyekto sa pagsulong ng panrehiyon o pandaigdigang pagsulong, kapayapaan at
pagtutulungan .
P (PRODUCT/PERFORMANCE):
Panuto: Bumuo ng Photo Collage mula sa mga balita o programa na napanood sa telebisyon
o mga ginupit na larawan. Sumasalamin nagpapakita ng makatotohanang sitwasyon at mga
programa na o proyekto sa pagsulong ng panrehiyon o pandaigdigang pagsulong, kapayapaan
at pagtutulungan .
Ilagay ito sa isang (Long bondpapaer).Ipasa ito sa email add ng guro sa AP o sa messenger o di
kaya sa paaralan.
(STANDARD): Mga Panuntunan o Mekaniks ng Proyekto na nasa Rubrics

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG KOMENTARYO SA RADYO

Pamantayan 20 30 50 Sarili Pangkat


Pagkamalikhain Hindi naging Naging malikhain Lubusang nagpamalas
malikhain sa sa pagbuo ng ng pagiging
pagbuo ng collage malikahain sa pagbuo
collage. ng collage.
Kaangkupan sa Hindi Angkop ang ilang Lubusang
paksa angkop ang (kalahati) bahagi napakaangkop ng
nabuong ng collage. nabuong collage.
collage.
Presentasyon Hindi naging Naging malinaw Lubusang malinaw
malinaw ang ang intension o ang intension o
intensyon o detalyeng detalyeng
detalyeng ipinahahayag ng ipinahahayag ng
ipinahayag collage. collage.
ng collage.
Mensahe Hindi Angkop ang Lubusang angkop na
angkop ang mensaheng angkop ang mensahe
mensaheng ipinahahatid ng ng collage.
ipinahahatid collage.
ng collage.
Kalinisan at Di malinis at Naging malinis at Lubusang napakalinis
kaayusan maayos ang maayos ang at maayos ang
pagkakabuo pagkakabuo ng pagkakaguhit ng
ng collage. collage. collage.

Kabuuang Puntos 100 100

fb-mng-jab-dm- 6/23/2020 Page 18


ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only) Araling Panlipunan 8

Paunawa:

Sa bahaging ito, isagawa mo na ang Panghuling Pagtataya (Post Test) kung saan ang
link ay ibibigay ng iyong guro. Layunin nito na masukat ang iyong natutunan sa mga
paksa, Gawaing Pagkatuto at mga gawain sa SLK.

Panghuling Pagtataya (Post-Test):

Inihanda nina:

Araling Panlipunan:
Gng. Jacqueline Ann A. Bormelado
Gng. Ma. Nicia A. Galagate
Gng. Diwani S. Madrona
Gng. Anna Mechel L. Mendoza

References:
Abejo,A., Ong, J., et.al. (2017) Kasaysayan ng Daigdig.
Quezon City : Vibal Group, Inc., ©2017.

Department of Education (2020). Activity sheet – Ang United Nations at Iba Pang
Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa retrieved from
https://lrmds.deped,gov.ph

Project EASE Araling Panlipunan III Modyul

Panganiban, E., (2015) Kasaysayan ng Mundo


927 Quezon Avenue., Quezon City: Sibs Publishing House, Inc.

Soriano, C., Antonio, E., et.al. (2015) Kayamanan (Kasaysayan ng Daigdig)


Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.

fb-mng-jab-dm- 6/23/2020 Page 19

You might also like